You are on page 1of 2

Ang Future Engineer

By: Bradt Caine S. Palma




Buhay kolehiyoy iba sa mga nagdaang taon
Ng mataas na paaralan na waring ang bilis nabaon.
Parang kahapon lang ng akoy masayat malaya,
Pag-aaral ay masaya, hindi gaanong malaking problema.
Ngayoy kailangan na ng puspusang pagpupursigi.
Para saan pa ang paghihirap ko, kung ako rin namay tatanggi.
Sa bagong mundo kung saan talinot diskarte ang labanan,
Pangarap at pagsisikap ang gagamitin kong puhunan.

Una sa lahat, sino nga ba ako?
Gusto niyo na bang malaman ang pangalan ng isang gwapo?
Chinito man kung titignan, isinilang sa Perlas ng Silanganan.
Pangalawa sa tatlong magkakapatid, Bradt Palma ang sa akiy ipinangalan.

Isa sa mga pangarap ko ang maging isang inhinyero.
Di man ito madali, pero aking pagsisikapang mauwi
Kaalaman at diploma na sa mga magulang ay maisusukli,
At sa aking tagumpay ay magsisilbing susi.

Lola ko ang nag-aruga sa'kin noong akoy bata pa.
Ramdam ko pa rin ang kanyang pagmamahal, kahit ngayon akoy malaki na.
Kanyang pinunan, pagkukulang sa oras nina inat ama.
Pinaramdam niya sa akin na akoy hindi nag-iisa.

Gusto ko siyang isamang muli sa taas ng entablado;
Ang siyang magsasabit sakin ng medalyang pinapangarap ko.
Kasama ko sa pagkuha ng diploma sa kolehiyo,
Kasabay ng mga palakpak, sasabihin niya sa akin ang
Proud ako sayo, apo.

Pero bago ang mga ito, mga pagsubok ay aking pagdadaanan.
Minsan ay aaminin ko na akoy napanghihinaan.
Pahirap ng pahirap ang mga pagsubok na aking nararanasan,
Tila lumalayo sa akin ang tagumpay habang tumatagal.

Ngunit sa kabila ng pag-aalala at takot na nararanasan,
Tanging ang Panginoon ang aking nagiging sandigan.
Kaya sa mga kapwa ko estudyante, sa buhay ay wag tumigil lumaban.
Nariyan parati ang Diyos na hinding-hindi tayo pababayaan.

Laking pasasalamat ko sa aking inat ama
Lalong-lalo na sa aking lolot lola.
Sa akiy pinaramdam nila, pagmamahal at pag-aaruga
Pagdating ng panahon, pangakong silay sa akin matutuwa.

Aking pagsisikap, ilalaan para sa kanila
At para na rin sa kinabukasan ng aking magiging pamilya.
Kaya bukas ay makikita ninyo ang isang gwapong katulad ko
Ay isa nang ganap at magiting na inhinyero.

You might also like