You are on page 1of 6

Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS


Base sa isinagawang sarbey, na naglalayong matukoy ang mga saloobin ng mga magulang,
anak at mga babaeng maagang nabuntis. Ito ang mga nakalap na datos:
A- Bilang ng lalaking menor de edad na naserbey: 13
B- Bilang ng babaeng menor de edad na naserbey: 9
C- Bilang ng lalaking edad 20 pataas na naserbey:12
D- Bilang ng babaeng edad 20 pataas na naserbey:14

Para sa bilang 1:
RESPONDENTE OO HINDI
A 13
B 9
C 12
D 14

Interpretasyon:
Ayon sa mga respondente, Hindi sila sang-ayon na pumasok sa pakikipagrelasyon ang mga
menor de edad pa lamang.
Para sa bilang 2:
RESPONDENTE OO HINDI
A 10 2
B 3 6
C 11 1
D 8 6

Interpretasyon:
Higit na madami ang nagsabi na Oo o sang ayon na hinihigpitan ng mga magulang ang kanilang
mga anak sa maagang pakikipag relasyon. Masasabi rin sa sarbey na ito na sang ayon at
naiintindihan ng mga menor edad kung silay pinaghihigpitan ng kanilang mga magulang.
Para sa Bilang 3:
RESPONDENTE OO HINDI
A 2 10
B 1 8
C 2 10
D 1 13

Interpretasyon:
Karamihan sa mga sumagot ng sarbey ay tumututol o hindi sumasang-ayon na makipag date ang
kanilang mga anak sa manliligaw nito.

Para sa Bilang 4:
RESPONDENTE OO HINDI
A 12
B 9
C 12
D 14

Interpretasyon:
Lahat ng mga respondente sa bilang na ito ay sumagot ng hindi. Base sa kanilang mga sagot
masasabi dito na hindi sumasang ayon na magpalaglag ang isang batang ina kung siyay
nagdadalang tao pa lamang.
Para sa Bilang 5:
RESPONDENTE OO HINDI
A 8 4
B 8 1
C 5 7
D 8 6

Interpretasyon:
Labing anim sa mga menor de edad ang sang ayon o pumapayag na pag usapan ng pamilya ang
usapin tungkol sa pagtatalik. Para sa mga edad dalawampu pataas na lalaki, karamihan ay hindi
sang ayon na magkaroon ng ganitong usapin at walo naman sa labing apat na edad dalawampu
pataas na pumapayag na pag usapan ang mga ganitong klaseng usapin. Masasabi dito na
karamihan ng mga kabataan at kababaihang nasa gulang na ng 20 pataas ay payag o open minded
sa ganitong klaseng paksa na pag uusapan ng pamilya. Maaari din masabi na totoo nga na ang
mga kabataan ay ika nga adventurous o curious sa maraming bagay.
Para sa Bilang 6:
RESPONDENTE OO HINDI
A 6 6
B 9 0
C 9 3
D 14

Interpretasyon:
Karamihan ng mga respondente ay sang ayon na ituro ang SexEducation sa mga paaralan at
unibersidad sa ating bansa. Masasabi dito na nakahanda ang mga kabataan at mga katandaan na
ituro ang Sex education sa mga paaralan upang magsilbi itong gabay at dagdag kaalaman sa
ligtas na pagtatalik ngunit hindi dahil pumapayag ang mga respondent sa pagtuturo ng sex
education ay hindi ibig sabihin ay sang ayon ang mga ito sa maagang pakikipag relasyon o
pagtatalik
Para sa Bilang 7:
RESPONDENTE OO HINDI
A 12
B 9
C 2 10
D 14

Interpretasyon:
Karamihan sa mga sumagot sa sarbey na ito ay tumututol o hindi sumasang ayon na payagan ang
pagkakaroon ng pornography site o mga malalaswang website.
Para sa Bilang 8:
RESPONDENTE OO HINDI
A 1 11
B 9
C 12
D 14

Interpretasyon:
Halos lahat ng mga respondent ay hindi pumapabor sa pre-marital sex o ang pagtatalik ng hindi
pa natatali sa pagiging mag asawa o hindi pa ikinakasal.
Para sa Bilang 9:
RESPONDENTE OO HINDI
A 12
B 9
C 1 11
D 14

Interpretasyon:
Isa lamang ang pumapabor at halos lahat ng mga respondente ay hindi pabor sa pagpapalaglag
ng bata sa sinapupunan pa lamang ng ina o ang tinatawag na abortion
Para sa Bilang 10:
RESPONDENTE OO HINDI
A 1 11
B 9
C 1 11
D 14

Interpretasyon:
Karamihan sa mga respondent ay sumagot ng hindi o tumututol na itakwil ang batang bunga ng
maagang pagbubuntis.

You might also like