Nanggaling ang Teatro Baguntao sa dalawang seryo at bigating dula: ang May Katuwiran ang Katuwiran ni Rolando S. Tinio, at Hamlet ng San Diego, na halaw kay William Shakespeare parehong sa ilalim ng direksiyon ng maalamat na si G. Ron Capinding, ang ama naming lahat sa TBT. Ang unay tumalakay sa isyu ng panlipunang di-pagkakapantay-pantay, samantalang ang ikalaway pumatungkol sa unibersalidad ng mga suliraning metapisikal at eksistensiyal ni Hamlet, at sa pagkakatulad niya kay Ibarra/Simoun ni Rizal. Hanep! Ang bibigat! Kaya naman, nang maatasan akong magdirehe ng Bungang-araw ngayong taon, naisipan kong papahingahin nang kaunti ang utak ng mga Baguntao sa pagsasaentablado ng isang klasikong dula ni Carlo Goldoni isang mandudulang kilala para sa kanyang mga katatawanan o comedies. Naisip ko kasi, na bagaman komedya ang mga dula ni Goldoni, humihingi pa rin ito ng masusing pagkasining dahil itoy 1) klasiko, at 2) itoy nasa tradisyunal na porma ng commedia dellarte. Swak na swak, sapagkat makapagsasaya ang mga miyembro habang kasabay na natututo at nahuhubog din sa isang kakaibang uri ng sining-pantanghalan. Nang magsimula kami sa pag-eensayo, nagpalihan kami hinggil sa mga alituntunin ng commedia dellarte nagsaliksik kami hinggil sa mga arketipong gaya nina Harlequin at Pantalone at Innamorati, kung paano sila kumilos, magsalita, magloko sa entablado, sumayaw, sumipa-sipa, umindak-indak, at kung anu-ano pa. Nakatutuwa, at nakapapagod, ang proseso dahil napilitan ang mga aktor na magmukhang loko-loko at kengkoy sa harap ng madla. Subalit, habang palalim kami nang palalim sa proseso, nakita namin, na bagaman ang layunin ay magsaya sa entablado, humihingi pala ito ng pinakaestriktong disiplina bilang mga aktor. Para makamit ang katuwaang gusto naming pagtripan, kailangan pala naming magseryoso nang todo!!! Windang na windang kami sa una, dahil (aaminin ko!) para kaming mga baguhan, mga pulpol at walang kaalam-alam sa aming mga ginagawa. Pero paglaon, nasanay kami sa porma ng commedia dellarte, nag-ambag kami ng sariling diskarte sa pagganap ng mga tauhang ito, naghalu-halo kami ng ibat ibang estilong napulot namin sa kung saan-saan, hanggat makuha namin ang tamang timplada ng pagtatanghal. Lumabas na ang pinakaangkla o batayan ng kawastuhan para sa dulang ito ay walang iba kundi ang kalokohan naaalala ko tuloy ang isa sa pinakaunang natutuhan ko sa teatro: ANG AYAW MAGING PANGIT, PANGEEEET! Sa huli, mahal kong manonood, ang masasaksihan mo ay halos dalawang oras na purong katuwaan; kung hanap mo ay drama at angst, trahedya at seryosong sining, baka ka madismaya. Dahil ang hatid namin ditoy kalokohan, at wala nang iba. At hindi namin ito minamaliit, hindi namin ito nila-lang, sapagkat kung mayroon mang natutuhan ang Teatro Baguntao ngayong Bungang-araw, iyon ay: SERYOSO (AT NAKAKAPAGOD!) PALA ANG SINING NG KALOKOHAN! Bawat siste (o joke) ay dapat timpladong-timplado; bawat ire o padyak ng paa ay kalkuladong-kalkulado, bawat tumba at tumbling at kembot ay kinoryograp nang pagkaingat- ingat. Pag sabihin ninyong Ay! Nagsasaya ang mga TBT Boys! Nag-eenjoy lang sila! sanay makita ninyo ang todo-todo naming pagbabanat ng buto napilitang sumayaw ang datiy matitigas ang katawan; napilitang kumanta maski ang pinakasintunado sa min, napilitang maging kengkoy ang mga aktor na datiy seryosong-seryoso sa kanilang pag-aarte. Dahil kung tutuusin, ano pa nga bang mas mamahal ihandog sa mga manonood kundi ang sandaling katuwaang taos-puso at pinaghirapan?
Bilang direktor, nagpapasalamat ako nang wagas na wagas kina Maam Carol sa kanyang pagkabukas-palad at pagpapatawad; kay Sir Brian Sy para sa pasensya; kay Master Sage sa kanyang pagkapantas at sage-like wisdom sa musika sampu ng tropa galing sa Symphonic Ensemble na sumikmura sa kakulitan ng TBT; kay Sir JJ sa pagbigay ng nakalolokang kulay sa buong entablado; kay Sir Claustro na tumiis sa karukhaan ng aming kompanya; kina Sir Markus at Sir CY sa pagpapaalala sa king wag mabaliw kapag nagkakandaloko-loko na ang mundo; kay Kuya Nelson sa pagiging astig na tao; kay Kim para sa mahirap-ibigay-na-disiplina-at- diwang-magis; at sa mga miyembro at alumni ng TBT na naging dahilan ng aking higit-sa-isang- buwang kabaliwan! Mabuhay kayo, at mabuhay ang Teatro Baguntao! Ang Commedia dellarte! At ang Sining ng Pinagpagurang Kalokohan!