You are on page 1of 15

CANTO DE MARIA CLARA

AWIT NI MARIA
Dr. Jose P. Rizal (1887)

Dulces las horas en la propia patria Donde es amigo cuanto alumbra el sol, Vida es la brisa en sus campos vuela, Grata la muerte y mas tierno el amor !
Ardientes besos en los labios juegan, De una madre en el seno al despertar, Buscan los brazos a cenir al cuello, Y los ojos sonriense al mirar. Dulce es la muerte por la propia patria, Donde es amigo cuanto alumbra el sol; Muerte es la brisa para quien no tiene Una patria, una madre y un amor!

Tamis mabuhay sa sariling bayan Magiliw ang lahat sa halik ng araw Ang hangin may samyo na nagbibigay buhay Kamataya'y langit pag-ibig ay banal. Magiliw na halik sa tuwing umaga Sa bunso'y pamukol ng irog na ina Ang bisig ng bunsong mayroong ngiti sa mata Sa leeg ng ina'y ikakapit niya. Tamis ng mamatay ng dahil sa bayan Magiliw ang lahat sa halik ng araw Ang hangin may samyo ng kamatayan Sa wala ng bayan, ina at kasintahan

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa, Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya. Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.

Ang awit na iyon ni Maria Clara na binubuo ng tatlong saknong na may tig-apat na taludtod ay matatagpuan sa Noli Me Tangere; sa kabanatang may pamagat na La Pesca o Ang Pangingisda.

Bayanito ang pangunahing tema ng Awit ni Maria Clara. Ngunit hindi lamang tungkol sa bayan ang pinapaglalim ng artikulong ito. Bibigyang kahulugan nito ang pagiging Ina ng Bayan. At dito pumapasok ang usapin sa pagtukoy sa Pilipinas bilang Inang Bayan (motherland) sa halip na Amang Bayan (fatherland).

Ang mga lahing tumatawag sa kani-kanilang mga bansa bilang ama ay ikinakabit ang kaisipang ito sa pagiging patriyarkal ng kanilang lipunan. Kabilang sa mga bansang ito ang Alemanya (Germany), Roma (Rome), Griyego (Greece) at madami pang iba, kung saan paternal na kaisipan ang lutang na umiiral.

Sa kabilang banda, ang pagiging ina ng bansa ay kadalasang ikinakabit sa Rusya (Russia). Itinuturing na isang ina ang bansainang nirerespeto at pinapalaki ang mga mamamayan bilang kanyang mga anak. Bukod sa mga Ruso, tayong mga Pilipino ay tinutukoy ang ating bansa bilang Ina.

Nabanggit ni Rizal na mayroong dalawang mahalagang katungkulan ang mga kababaihan:


Una ay ang pagbubukas ng loob ng mga lalaking anak. Pangalawa, ang pagpapalakas ng loob sa kanyang asawa.

Ipinagpalagay ni Rizal na ang isang babae, hindi gaya ng huli na direktang makapag-aambag ng kaalaman sa lipunan, ay instrumento lamang sa pagbubukas at pagpapalakas ng loob ng mga kalalakihan.

Para kay Rizal, ang mga babae ay nagtataglay ng kahinaang pisikal kung kaya't kinakailangan ng mga ito ang palagiang pag-antabay at pagtatanggol ng mga kalalakihan, ng kanilang mga anak. Ayon pa kay Rizal, ang pagbubuo sa loob ng mga kalalakihan ay nakatuon sa paglikha ng mga bayaning puso na maghihimagsik upang ipagtanggol ang bayanipagtanggol ang kanilang ina.

Sa Awit ni Maria Clara ay tinalakay ang ina at ang bayanang ina bilang nagbubuo ng loob ng mga kalalakihan upang maipagtanggol ang bayan. Kung pag-iisahin ang ina at bayan bilang Inang Bayan, maaaring sabihin na ang Inang Bayan ay nagbubuo ng loob o damdaming nasyonalismo upang makabuo ng mga tagapagtanggol nito. Sa ganitong pagtingin, sa Inang Bayan ay hindi pa rin maiwawaksi ang pagtingin ni Rizal na ang mga kababaihan ay mahina.

Masasabing ang mga ina ngayon ay taliwas na sa mga ina na tinutukoy ni Rizal noong mga kapanahunan niya. Hindi na lamang pagbubuo at pagpapalakas ng loob ang kanilang gawain o katungkulan sa buhay. Sa ngayon, madaming kababaihan ang nagaambag ng kaalaman sa madaming aspeto ng kamalayan. Hindi na rin kailangan ng magtatanggol sa kanila.

Ipinapakita ng mga kababaihan ngayon na kaya na nilang maprotektahan ang kanilang mga sarili, na maaari na din silang makatulong sa pagtatanggol sa bayan. Ang mga kababaihan sa kasalukuyang panahon ay maaari na ring ituring na mga anak na handang ipagtanggol ang kanilang Ina.

Sa pangkalahatan, ang bayan, bilang isang babae at bilang isang ina, ay kailangang ipagtanggol, mahalin at alagaan. At ang Inang Bayan, bilang pagsukli sa mga gawaing ito ay buong kagalakang ihaharap ang kanyang mga anak sa buong daigdig nang may malaking ngiti at buong pusong pagmamalaki.

Sanggunian: Guillermo, Ramon. Si Jose Rizal at ang Kanyang konsepto ng Kababaihan. Diliman Review. Volume 45, No. 23. College of Arts and Letters. Univerity of the Philippines. Diliman, Quezon City.