You are on page 1of 14

Bilog

na
Itlog
Al Santos at Josefina
Sanchez
Malungkot na naman si Bilog na
itlog ng manok.
Tinutukso na naman siya ng mga

kalarong itlog
Sabi ng inahing manok, bilog ang
buwan nang isinilang si Bilog,
kaya ibang-iba ang kanyang
ayos.
Hindi matulis ang tuktok.

Hindi malaki ang batok.


Madalas iparis sa bola,
lobo at holen si Bilog.
Kaya minsan, umalis

siyang masama ang loob.


“Pupunta ako sa malayong

pook.”
Sabi niyang nagpagulong-

gulong at nagpaiko-
ikot.
Sumisikat na noon ang
araw sa silangan.
Nakita ng araw si Bilog

sa isang taniman.
“Bakit ka malungkot?”

tanong ng araw kay


Bilog.
“Tinutukso nila ako dahil

sa aking ayos.”
“Walang masama sa pagiging
bilog,” sabi ni araw.
“Masdan mo amabuti ang aking

magiging ayos.”
“Bilog! Pareho pala tayong
bilog!”
Tuwang-tuwang sigaw ng itlog.


“Oo, tulad ng mga
planeta sa
kalawakan.
Tulad ng mundong

iyong
ginungulungan,”
anang araw.
Sa paglaganap ng liwanag ng
araw, nagising ang mga tanim
sa paligid ni Bilog.
“Bakit ka malungkot?” tanong ng

pakwan sa itlog.
“tinutuksonila ako dahil sa

aking ayos.”
Sagot ni Bilog.
“Ang mga paris namin,”
sabi ng pakwan, ay
lalong tumatamis kapag
namimintog.
Kaya walang masama sa

pagiging bilog!”
Maya-maya’y nagdaan ang
gulong ng dyip.
“Bakit ka malungkot?”

tanong nito sa itlog.


“Tinuntuksonila ako

dahil sa pgiging
bilog,” sagot ni
Bilog.
“Isipin mo, batang itlog,”
sabi ng gulong, “kung
di ako bilog, paano ako
aabot sa sasakyan para
mapalitan ang gulong na
nagputok?
Kung wala ako, my kotse

bang haharurot?”
Ginabi sa pag-iisip si
Bilog.
“Wala nga yatang

masama sa aking ayos.


Babalik ako sa mga

kapatid ko’t inahing


manok!”
Nasalubong ng buwan si Bilog.
“Ginabi ka yata sa paglilibot?”

bati ng buwan.
“Inahatid kita sa pag-uwi,

batang itlog.”
Kahit pagod, masayang nagpaikot-

ikot si Bilog

You might also like