You are on page 1of 1

KONSEPTONG PAPEL

Rasyunal Layunin Metodolohiya Inaasahang Resulta Halimbawa : Wika At Nasyonalismo : Pagtuturo sa Filipino ng Kursong Rizal

Ang Batas Republika 1425 ay ang batas na nag-aatas sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan na isama sa mga institusyunal nma kurikulum na pang-akademiko ang isang kursong nauukol sa buhay , mga ginawa, at sinulat ni Dr. Jose Rizal , lalo na ang pag-aaral ng dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo . Batas na pinagtibay ng Pambansang Asemblea noong Hunyo 12, 1956. Layunin ng batas na ito ang muling maitalaga ng mga Pilipino ang kanilang sarili sa mga simulain ng pagkamakabayan . Naipatupad ito sa mga unibersidad at koehiyo. Ngunit sa kasamaaang palad, nagkaniyakaniya ang mga ito ng pagtuturo particular sa wika na gagamitin. May nagturo na gamit ang wikang Inggles, Espanyol, at Tagalog/Pilipino?Filipino. Ito ay dulot ng pipi ng batas ukol sa midyum na gagamitin sa pagtuturo. Malinaw na walang tiyak , arbitraryo, at malabo ang palisi sa kung anong wika dapat ituro ang kursong Rizal. Upang makamit at mapagtibay ang layuning muling magtalaga ng patriotism/nasyonalismo sa bayan/bansa ang mga kabataang Pilipino, mahalaga na maipagamit ang wikang Filipino bilang panturo sa pag-aaral.

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang bias ng wikang Filipino bilang panturo sa nasyonalismo ni Dr. Jose P. Rizal. May mga ispesipikong layunin ang pananaliksik. Ang mga ito ay ang sumusunod: 1. Suriin ang istatus ng kursong Rizal sa kasalukuyan; 2. Isa-isahin ang mga akdang ginawa ni Dr. Jose P. Rizal na naglulundo sa kaniyang nasyonalismo at patriotism ; 3. Suysuyin ang historikal na pag-unlad ng nasyonalismo at patriotism ng dakilang bayani; 4. Alamin ang saloobin ng mga estudyante at guro sa nasyonalismo ni Rizal; at 5. Tiyakin ang kaangkupan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng buhay, mga ginawa, at sinulat ni Rizal.

Maaring pagkunan ng mga datos sa panaliksik ang mga sumusunod : batas, aklat, journal, artikulo, internet, at iba pa. At maaari ring magsagawa ng mga panayam sa mga grupo o pamilya ng bayaning si Dr. Rizal sa paraang hiostorikal at deskriptibo. Bubuuin ng 20-25 pahinang papel ang magiging kabuuan ng pananaliksik. Kasama rin ang Bibliograpiya at mga apendise o hugpong.

You might also like