Professional Documents
Culture Documents
B. Wika Bilang Instrumento ng Kontrol Kontrol - kakayahan mag-utos, magturo, magpanatili, magpabago, at magpakilos sa mga indibidwal na ninanais mapasunod ang itinakdang layunin Sa pagpapanatili ng kapangyarihan doktor-pasyente, interbyu, subject position o social role Mga malalaswang salita nagagawa ng mga salitang ito na galitin o buyuin ang mga tao upang lumikha ng di pagkakaunawaan, sigalot, o mas malala, magsagawa ng hakbang na marahas Wika Bilang Tagakontrol
C. Relihiyon Bilang Penomenon Magic of the universe (Sir James George Fraser) bawat bagay na pumapalibot sa atin ay may kanya-kanyang kabuluhan sa pag-iral sa daigdig, may kaayusan at malinaw o tiyak na lugar na kinalalagyan hiwaga o anyo ng "magic" dahil sa mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng kaisipan ng tao
F. Relihiyon Bilang Culture Bearer o Transmitter Maaaring ituring ang relihiyon bilang tagapadala o tagapagsalin ng kultura at mapapatunayan ito sa ritwal ng binyag. Ang relihiyon bilang isang institusyong panlipunan na may kapangyarihang makaimpluwensiya at makakontrol. Gumagamit ang relihiyon ng wika upang lubos na makaimpluwensiya sa mga mananapalataya.
G. Wika ng Relihiyon Tumutukoy sa mga bagay na hindi nakikita o kayay maaari lamang maramdaman o maranasan. Wikang abstrako at di-kognitibo o wika ng pananampalataya. Ginagamit sa pagpapahayag ng mga saloobin at sariling paniniwala. Ayon kay Langford (1962), nagmumula ang wika ng relihiyon sa tinatawag na Sakramento. Nangangailangan ng wika upang maipahayag ang isang paniniwala, maipaunawa ang relihiyon, at maipatupad ang disiplina. Wika ng relihiyon bilang isang simbolikong wika Ang wika ng relihiyon ay pinatutunayan at pinalilinaw sa pamamagitan ng pananampalataya. Ginagamit ang wika ng relihiyon upang makakontrol sa kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pangungusap na nagsasaad ng Utos, Moral na Pananaw, Katotohanan, Impormasyon at Impormatibong mga pangungusap.
H. Wika Bilang Ultimate Concern Nagiging pag-asa ng mga mananampalataya para sakanilang pananalig ang mga salitang kanilang ginagamit. Naisasaloob ang mananampalataya ang wikang kanilang ginagamit upang taos-puso nilang maiparating ito sa Diyos.
I. Analohiya sa Wika ng Relihiyon Tintingnan ni Thomas Aquinas ang gamit ng wika sa relihiyon sa tatlong kaparaanan. Una, univocal ang paggamit sa wika kung paulit-ulit na ginagamit ang isang salita at hindi nagiiba ang kahulugan. Ikalawa, equivocal kung ginamit ito nang paulit-ulit ngunit nag-iiba ang kahulugan. At ikatlo, analohiya kapag hindi masabi kung itoy univocal o equivocal.
J. Wika ng Relihiyon Bilang Asersiyong Di-Kognitibo Isa itong wikang hindi na pinag-iisipan ang kahulugan kung tama o hindi dahil ito ay wikang ginagamit ng mga mananampalataya upang sumampalataya sa kanilang dapat sampalatayanan. Kontrolodo ng wikang ito ang pag-iisip ng mananampalataya. Sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga gawain o ritwal ng bawat relihiyon, nakakabuo sila ng kani-kanilang termino, simbolo, at senyas para sa pang-unawa ng bawat kasapi nito.
K. Wika ng Relihiyon Bilang Larong Pangwika Tinitingnan ni Wittgenstein ang wika ng relihiyon bilang isang larong pangwika. Ang ibat ibang uri ng wika, mapa-relihiyon, mapa-siyensiya, o mapa-batas man ay pumapaloob sa kani-kanilang laro. Itinuturing ang larong pangwika na isang set ng magkakaugnay na mga konsepto na may kinalaman sa ibat ibang konteksto. Bawat larong pangwika ay may kanya-kanyang pamantayan sa pagtasa sa pagiging makabuluhan ng wika na mapapatunayan lamang sa pagtingin sa porma ng buhay ng kinabibilangan nito.
L. Wika ng Relihiyon Bilang Senyas at Simbolismo/Simbolo Malay o di malay tayong naiimpluwensiyahan, napaniniwala, at nakokontrol ng wika ng relihiyon dahil sa taglay o katangian nitong mga senyas at simbolismo/simbolo. Karaniwang makikita ang mga senyas na ito sa mga panlabas o lantad na kaanyuan gaya ng matutunghayan sa sining ng arkitektura ng Kristiyanismo. Nakakatulong ang mga ito sa biswal na pag-unawa ng mga mananampalataya upang palagian nilang maalala ang mga bagay na dapat nilang sampalatayanan. Maaari ring makalikha at magamit ng relihiyon ang wika bilang lohikal na senyas na nakakabuo ng isang sign statement. Nagkakaroon ng kapangyarihan ang senyas na sundin at paniwalaan dahil sa ipinahahayag nito mula sa isinasaad ng mga salita ng Biblia.
Sanggunian Peregrino, Jovy, Verbo: Sakramentalisasyon ng Wika, Diskursong Iglesia ni Cristo (Quezon City: Dulaang Filipino, 2001), 6, 14-57.