You are on page 1of 2

Crazy Little Thing Called Accounting (Ang nakababaliw na Accounting) Ang Accounting, maraming ibig sabihin. Maraming definition.

Pero lahat ng yun, komplikado. English nga pero parang di pa rin English. Sa Financial Accounting 1 pa lang ni Valix, tatlong definition yun defined by Professionals kumbaga. Pero sa point of view ng isang hamak na estudyante, simple lang naman yan. Pero sa ibat ibang estudyante syempre, may kanya-kanyang definisyon yan. Eto ang ilan sa mga yun: Accounting is a mystery to solve. O, ayan ha. Hindi math ang Accounting. Pero sino-solve pa rin naman, sa form nga lang ng mystery. Bakit nga ba mystery? Well, kasi naman, karamihan ng kumukuha ng kursong ito, hindi alam ang pinapasok nila. Alam nilang mahirap pero hindi nila alam ang level ng hirap. Mayroon naman mga curious lang. Eh, pano ba naman, wala pa kasing pelikula tungkol sa mga CPAs. Kaya ayan, sa mga hindi kumukuha ng kurso na ito, misteryo ang Accounting. Accounting is the meeting of the mind and heart. Kung ang contracts, meeting of the minds, ang Accounting naman, meeting of the mind and heart. Syempre, kung hindi na mystery sayo to, sisimulan mo nang magustuhan to. Kaya nga lang, a wise man once said, Di lang dapat gusto, dapat gustung-gusto. Kasi kapag gusto, ok lang na wala pero pag gustung-gusto, di pwedeng wala. Ang Accounting naman kasi, mahalin mo yan, asahan mo, mamahalin ka rin niyan. Kaya dapat, gusto yan ng utak at puso mo. Accounting is a trapdoor that leads to a quicksand. Ang Accounting, ibahin mo sa lahat ng mahal mo. Mawalan ka lang ng kahit konting interes, makalimutan mo lang to ng ilang minuto, hindi lang nito ibabagsak, ilulubog ka pa. Dapat, seryoso ka. Kung sa nililigawan mo nadadaan sa chocolates, flowers, harana, at konting pa-sweet, ang Accounting, masyadong pakipot. Sa sobrang pakipot niyan, magsasawa ka na nga. Kaya lang, sa oras na magsawa ka, magbubukas na ang trapdoor. Accounting is a possessive lover and zombie-maker. Kapag sinagot ka na niya, humanda ka. Kasi lahat, as in lahat ng oras mo, kakainin niyan. Yun bang wala ka na talagang ibang magagawa sa araw-araw ng buhay mo kundi Accounting. Pati sa tulog mo, nagseselos yan. Sa panaginip mo, gigisingin ka. Para lang siya na ulit ang kaharap mo. Sa sobrang pagkainin niyan sa oras mo, magmumukha na nang zombie. Zombie talaga kasi wala ka na ring time para ayusan sarili mo. Pero okay lang yan. Mahal mo naman, di ba? Accounting is a green world.

Green. Bakit nga ba green? Kasi nature lover ang mga nandidito. Hindi lang naman Accounting ang dapat na love mo, pati ang ating inang kalikasan din. Dahil nga green world, ang nakikita, naririnig, nababasa at naiintindihan ng karamihan dito ay kulay berde na. If you know what I mean. Accounting is a survival of the fittest persevere. Hindi naman kailangang matalino ka. Basta may tiyaga at sipag, okay na yan. Ang buhay naman ay parang gulong, minsan nasa baba, minsan nasa taas ka. Kaya lang pag Accounting na ang pinag-uusapan, mabigat na ang gulong. Magsisimula ka sa ilalim. Mahirap mang makarating sa taas, ang mahalaga, kapag narating mo na at na-maintain mo yun. Kasi kapag hindi mo pinaglaban ang pinakamamahal mo, pagsisisihan mo. Accounting is a test of friendship. And teamwork. Gaano ba kahalaga sayo ang mga kaibigan mo ngayon? Kapag nasagot mo ang tanong na yan, dyan mo malalaman kung ganong pagpupursige ang kailangan mo. At kapag gustunggusto mo nga, gagawin mong lahat wag lang sila mawala. Kapag nahihirapan ang isa, kahit mahirap din para sayo, gagawan mo ng paraan para pareho kayong matuto. Kung anong alam mo, ibabahagi mo. Sa kagipitan, malalaman mo kung sinong tunay na dadamay at tutulong sayo. Accounting is a magic that makes nothing impossible. Naranasan mo na bang halos mawalan na ng pag-asa na papasa ka sa major mo? Naranasan mo na bang halos hindi mo na maabot ang maintaining grade mo? At naranasan mo na bang lumusot na parang may magic na nangyari? Sabi nga ng marami, walang imposible. Basta maniwala ka lang. Do your best and God will do the rest. Kapag para sayo talaga at kapag gustung-gusto mo talaga, magic na ang gagawa ng paraan para mangyari ang dapat para sayo. Accounting is worth studying for. Siguro naman, di na yan bago sayo. Kahit ano pang hirap ang maranasan mo sa undergrad, review at lalung-lalo na sa board exam, wag kang mag-alala, itll all payoff. Sa daming pinto ng opportunities na magbubukas pag nakapasa ka na ng board exam, magsasawa kang mamili. Kung naghihirap ka ngayon, wag kang mag-alala, investment lang yan para sa isang bright future na naghihintay sayo. Nakakamatay pero alam mong worth it. At wag kang mag-alala, ang mga BSA students, kapag namatay, sa langit ang diresto. Pano ba naman, sa undergrad pa lang, impyerno na. Let me end all of this with an overused but inspring quote. After the rain comes the rainbow. And remember, sa Accounting We dont just rule, we double rule.

You might also like