You are on page 1of 219

Minsan, Sa Buhay Ng Batugan Meet Quen. trabaho: WALA. school: WALA. hobbies: WALA din. In short...

isang full time batugan. Pero paano kung isang araw, makilala niya ang isang maganda, matalino, at punong puno ng pangarap na si Charmaine? Hanggang saan nga ba ang kayang lakbayin ni TANGA, mapansin lang siya ni MAGANDA?...... ABANGAN!!

CHAPTER ONE Naka sakay ako ngayon sa YACHT ko... nagpapahangin. Habang yung mga alalay ko naman, ayun... naghahanda ng kakainin namin. Maya maya, magda-diving kami... pero sa ngayon, ie-enjoy ko muna ang pagtitig sa mga alon ng dagat. Pero teka... may maliit na bangkang papalapit! At nang tinitigan ko pang mabuti... dalawang nag-gagandahang mga babae lang ang sakay nito! Teka, bakit naman mamamangka ang dalawang babae sa gitna ng dagat? WEIRD. tulong!!! Tulungan nyo kami!!! ako lang ba yon, o sumisigaw talaga ng tulong ang dalawang babae?.... Oo, sumisigaw nga sila! paeng! tawag ko sa alalay ko... agad din naman itong lumapit sakin. tignan mo, kailangan ng tulong nung dalawang babaeng sakay nung bangka! Lapitan natin dali! utos ko sakanya. Sinunod niya naman ang sinabi ko, at pinaandar ang yacht papalapit sa direksyon ng maliit na bangka. Nang maka-lapit kami... nanlaki ang mga mata ko! Ang ganda nung dalawang babae... identical twins na naka-two piece pareho! ladies! Kailangan nyo ng tulong?! sigaw ko, para marinig nila. Oo, nahulog sa dagat yung taga-sagwan namin!... tulungan nyo kami, please! sabi nung isa. Hindi na ko nag aksaya ng panahon. Pinasakay nalang namin sa yacht ang magagandang kambal, at ewan ko kung naka-tawag na ng tulong si Paeng para sa nahulog nilang taga-sagwan. Basta ako... wala akong pake. May kasama akong dalawang magagandang babae, na todo yapos sakin bilang pasasalamat sa tulong ko sakanila. Quen, salamat... youre my hero! sabi nung isa, sabay halik sa pisngi ko. ano ka ba, akin siya. Sabi naman nung isa.... sabay, tulak sa kapatid niya. Girls, girls... dont worry. You can both have me. Naka-ngiting sabi ko sakanila. Pero teka... nabasa ang mukha ko! masyado bang malakas ang alon, para talsikan ako ng tubig dagat? Quen! teka, boses ng nanay ko yun ah? Hindi ko naman siya sinama ah! Saan galing yun? at muli, natalsikan nanaman ng tubig ang mukha ko! ano ba kasi yon?! Quen, gising! Tanghali na! Napa-bangon ako, at nakita ang nanay ko na may dalang tabo sa harap ko.

ano ka ba naman! Ala-una na ng tanghali, bumangon ka na diyan at aalis ako! may ulam na doon sa kusina, pag nagutom ka. At saka siya lumabas ng kwarto ko. Pambihira. Ibig sabihin, yung yacht... yung hot identical twins... yung alalay kong si Paeng... lahat yun, panaginip lang?! WAAAHHH! Si Mama talaga, kahit kailan istorbo sa buhay! Bumangon na ako, para magpalit ng damit. Pati ang punda ng kama ko, mukhang kailangan ko ding palitan dahil sa ginawang pambabasa ng nanay ko! bumangon ka na ba, Enrique?..... wag ka nang umalis ngayon ha, kaka -alis mo lang kahapon at kakauwi mo lang ata kaninang madaling araw! Pumirmi ka muna sa loob ng bahay ah. Sigaw pa ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. opo! sigaw ko pabalik, para marinig niya. May pagka bingi kasi ang nanay ko. Pero minsan naman advantage din sakin ang kabingihan niyang yon. Mas malaya akong nakakagalaw, nang wala siyang kamalay malay. Lumabas ako ng kwarto, para tignan ang mga niluto ni Mama sa kusina.... ayos, adobo! oh sige na, yung bilin ko ha... paalam niya. Humalik siya sa pisngi ko, at saka naglakad palabas ng bahay. Ayan, kita niyo naman. Ganito lang ang buhay ko. gigising ako ng tanghali... may nakahanda nang pagkain, kakainin ko nalang... tapos yung pinag-kainan ko, si Mama din ang naghuhugas pag uwi niya. Kapag naman umaalis ako, mag iiwan nalang ng pera si Mama at pag-gising ko, naka-patong na yun sa lamesa. Oh diba, ang sarap ng buhay ko? only child kasi ako, kaya lahat ng gusto ko... sinusunod ng parents ko. Bakasyon ngayon, at syempre eto namang mga magulang ko... panay ang suggest ng mga babagay na kurso saakin. Atat na atat na kasi silang mag college ako. isang taon na kasi akong hindi pumapasok mula nung nakagraduate ako ng high school nung March 2011. Kaya naman ang Mama ko... sobrang excited sa darating na June 2012. Well, ako.... HINDI. Wala parin akong balak mag enroll. DUH, ang sarap kaya ng buhay ko! Saka hindi ko pa alam kung anong gusto ko sa buhay no. Teka nga... ang sarap sana nitong ulam ko, kung may ka-ternong soft drinks. Bibili muna ko sa tindahan sa labas, halos ka-tapat lang ng bahay namin. ~~ Aling Josie, Coke nga po... 1.5 sabi ko sa tindera, at saka inabot ang bayad ko. buti na sigurong 1.5, para hanggang mamayang gabi na. HAHA. pero teka, bakit may naka-paradang jeep sa bahay halos sa tabi lang ng bahay namin? Tapos, may mga nagbababa ng gamit mula dito. Eto na Coke mo Quen oh... salamat po. Napatingin ulit ako sa may jeep... ang daming ibinababang mga kahon mula dito. Aling Josie, ano hong meron doon? tinanong ko na. Sigurado namang alam ni Aling Josie kung anong nangyayari. Siya ata ang number one source ng chismis dito sa barangay. ah... may bagong mangungupahan diyan. May bago tayong kapit bahay... dalawa lang, mag -ina. Mukhang mababait naman. Konti lang tinanong ko, ang dami namang sinabi ni Aling Josie. Hayy nako... yun lang naman pala. Para namang may pakialam ako. tss, maka-balik na nga nang maka-kain na.

Papasok na sana ko sa gate namin, nang may makita akong babae na lumabas mula sa bahay na lilipatan. Ang ganda niya. Lumapit pa siya sa jeep, at tumulong sa pag-pasok ng mga gamit. Siya kaya yung titira diyan? Sana oo.... mukhang ka-edad ko lang naman, at isa pa... ang ganda talaga! pare, anong tinitingin tingin mo diyan! biglang sumulpot sa harap ng gate namin si Sam... kapit-bahay din namin. Tropa ko. ah... tinitignan mo yung bagong lipat na babae. Maganda ba? tinaas taas pa niya ang kilay sabay ngiting nakakaloko. tsss... tigilan mo nga ako. diyan ka na, kakain pa ko eh. Pinagsarhan ko nalang siya ng gate, at saka pumasok sa loob. ~~ Nakakatamad. Halos 11 pm na, pero hindi parin ako dinadalaw ng bestfriend kong si Antok... hayy. Itinaas ko muna ang blinds ng bintana ko... kinuha ang gitara, at saka naupo sa tapat ng bintana para doon tumugtog... Hindi ko naman sinasadya, napatingin ako sa bahay sa tabi namin... sa bintanang halos katapat lang ng bintana ng kwarto ko... Ayun siya! Yung magandang babaeng bagong lipat! Wow, so magka-tapat lang pala ang bintana namin. Kitang kita ko siya... naka-upo siya sa tapat ng bintana niya, habang may kausap sa phone. Pero teka... parang sumisigaw siya. Parang galit siya sa kausap niya. Sino kaya yun? Hayy... di bale, makikilala ko pa naman siya. Pwede ko pa siyang kilalanin... kaibiganin... ligawan... pakasalan... anakan... HEP HEP HEP... KILALANIN muna. Bukas... makikipag-kilala ko sakanya. Pero teka, tumingin siya dito! Nahuli niya kong naka-tingin sakanya! Teka anong gagawin niya?.... Sinara niya bigla yung kurtina ng kwarto niya. Ang sungit naman!!

CHAPTER TWO Ang aga kong nagising... mga 11 am. Maaga pa yun, dahil AM pa naman. Sobrang aga para sa oras na nakatulugan ko kagabi. good morning Mama, oy ah... ang aga ko! pagmamalaki ko pa kay Mama, pagka-babang pagka-baba ko.

naks, ang aga nga! Oh, mamaya aalis ako sandali.... may aasikasuhin lang. Ikaw nang bahala sa bahay ha. Sabi niya, habang nag hihiwa ng sibuyas. Teka, gusto niyong malaman kung ano naman ang napaniginipan ko kanina, kaya maiksi lang ang tulog ko? Well kung kahapon... yacht, magagandang kambal, at isang alalay.... ngayon naman..... HAYY. Teka, naaalala niyo yung magandang babaeng bagong lipat, na nahuli lang akong napa-tingin sa bintana, ay pinag sarahan na agad ako ng bintana? Ayun... SIYA! Siya ang napaniginipan ko. Ang weird lang dahil sa panaginip ko... hindi siya MASUNGIT. Pero malay naman natin diba, hindi talaga masungit? Tamang tama... aalis si Mama. Aabangan ko siya sa tapat ng tindahan ni Aling Josie. Kung meron mang tamang panahon, para kilalanin diyosa kong kapit-bahay... ngayon na yon. Madalas naman kaming tumambay doon ni Sam eh... doon kami nagku-kwentuhan, at nagpapalipas ng oras kapag walang magawa. at para hindi ako halata.... isasama ko si Sam. TAMA, isasama ko si Sam. ~~ pare ano ba, kung saan saan ka yata tumitingin... nakikinig ka ba? pumalakpak pa sa harap ng mukha ko si Sam para kunin ang atensyon ko... nagku-kwento pala siya. Naka-upo kami ngayon sa harap ng tindahan ni Aling Josie. ay, pasensya na pare.. ano nga ulit yung sabi mo? sabi ko nalang. napakamot pa siya sa ulo. ang sabi ko..... nawala nanaman ang atensyon ko kay Sam, nang biglang lumabas mula sa gate nila si Ganda. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya, kaya Ganda muna ang itatawag ko sakanya. Ayun siya... medyo naniningkit ang mga mata, dahil sa pagkaka silaw sa araw.... tapos, may dala siyang ponytail sa isang kamay niya... habang naglalakad siya papunta... teka, papunta siya dito? Oo, mukhang papunta nga siya dito! Dahan-dahan, habang nagso-soot ng ponytail.... Habang, naniningkit ang mga mata.... Habang, nagpupunas ng pawis dahil narin siguro sa init... papunta siya dito! Breath check: aaaah AYOS! Hair AYOS din!! hindi ka naman nakikinig eh! Diyan ka na nga. Umiiling-iling pa si Sam, sabay alis. Sige lang Sam, hindi na muna kita pipigilan.... paparating si Ganda eh. pa-load nga po, globe. Sabi ni Ganda kay Aling Josie.... hindi man lang siya tumitingin sakin. Siguro namukaan niyang ako yung tumitingin sa bintana niya kagabi? Hayyy... mukhang masungit nga!

oh sige Hija, anong number mo? tanong pa ni Aling Josie, habang may hawak na phone at naghihintay na idikta ni Ganda ang number niya. Teka... globe din siya?....... AHA! Biglang umilaw ang light bulb sa ulo ko, kasabay ng isang bright idea. Agad kong inilabas ang phone ko... kunwari may ka-text. Pero ang totoo..... 0916******* 50 pesos lang po. Sabi ni Ganda.... And..... SAVED!! Buti nalang matalas ang pandinig ko. Oh diba, hindi pa kami close.... meron na akong number niya! Naghihintay nalang siya ng sukli niya.... kakausapin ko na ba siya? Bakit parang nahihiya ako? pa-simple simple lang ako ng tingin sakanya. Hindi ko alam kung bakit parang takot na takot akong mahuli niya kong naka -tingin sakanya. Ayan siya o... matapos marecieve ang load, paspas na kaagad ang pag pindot niya sa keypad niya. Hmmm... sinong ka-text niya? Yung ka-sigawan niya sa phone kagabi? etong sukli. Inabot na ni Aling Josie... kinuha naman niya agad. salamat po. Naka ngiti pang sagot niya tapos..... tumalikod na siya. Uuwi na siya! Pambihira Quen, hindi ka man lang nakapag-pakilala! HINDI PWEDE. Agad akong dumukot sa bulsa ko. Limang piso. Kinuha ko ang limang piso sa bulsa ko, at agad na binato ito. Miss!! Miss teka lang! sigaw ko, at agad namang napalingon si Ganda. O ayan na Quen, napa-lingon mo na... what now?! Agad akong tumayo, at dinampot ang limang pisong ako mismo ang nagbato. nahulog yung limang piso mo o. Ngiting-ngiting inabot ko pa sakanya. Parang takang-taka naman ang mukha niya. Ang tanga mo Quen! Tanga ka! Bakit ba naman kasi yun pa ang naisip mo eh! huh? Eh wala naman akong limang piso eh... buong 50 yung sukli sakin ng tindera. Naka-ngiting sabi niya. Gusto kong batukan sang sarili ko dahil sa ginawa ko. pero teka.... naka-ngiti siya? Oo, naka ngiti nga siya! Binabawi ko na... hindi ka tanga, Quen. Ang talino mo, ang tali-talino mo! hindi to sayo? yun ata ang lumabas sa bibig ko. medyo napatitig kasi ako sakanya kaya medyo hindi ko na namalayan ang mga sinasabi ko. hindi! napa-tawa pa siya. Ang ganda niya lalo... At ako, AKO ang nakapag-patawa sakanya. Pero teka nga... ano bang ibig sabihin nun? Diba kapag tinawanan ka ng isang babae, its either ang cute mo.... O mukha kang tanga? Eh bakit, cute naman ako ah.... Gwapo pa!

ah ganoon ba... oh sige, kahit na hindi talaga sayo.... sayo nalang.yun. yun nalang ang lumabas sa bibig ko, habang abot-abot parin sakanya ang limang piso. hindi na... sayo nalang. ikaw naman ang naka -pulot eh. Napa-tawa nanaman siya ng very light. Ano ba, nacu-cutan ba siya sakin? O, anak ang tagal mo naman.... pumasok ka nat kailangan ko ng tulong mo sa loob! napalingon siya, sa nanay ata niya na naka-dungaw sa may gate nila. Kung sino man siya, wrong timing siya.... kung kailan naman napapatawa ko na si Ganda, saka pa siya e-entra! Pero bigla kong naalala. Hindi dapat ako nagsasalita ng ganyan sa magiging biyenan ko, at sa magiging lola ng mga anak ko! Sige na nga, binabawi ko na. Ay, o sige ha.... tawag na ko ng Mama ko.... akin na nga yan! hindi na ko nakapag-salita pa... bigla nalang siyang nagtatakbo papunta sa bahay nila.... Dala ang limang piso ko. YIIEEE, kinuha niya ang limang piso ko! Pero teka, AAAAYYY ang tanga mo Quen! Napa-tawa mo nga, nakuha nga ang limang piso mo... pero hindi mo naman naitanong ang pangalan! Ka-tanga mo Enrique! Pero UYY..... Meron akong number niya.

CHAPTER THREE Inutusan akong mag-dilig ni Mama. Pero dahil sa tinatamad ako, eto ako ngayon....

Ill text her.. sabay tanggal ng isang dahon sa pinitas kong Makahiya, sa garden namin.

Ill text her not.. sabay tanggal nanaman ng isa pang dahon mula dito...

Ill text her.. kawawang makahiya... nalalagas nang wala sa oras...

Ill te... hindi na natuloy ang sasabihin ko nang biglang...

Quen, mah dude! si James... kabarkada namin. Kasama niya si Sam. Bakit naman sila nandito, eh wala naman kaming usapan a?

o pare, tara pasok! bati ko nalang. pumasok na nga sila, at naupo sa tabi ko... sa may garden. bakit andito ka James? tanong ko pa.

eh nag enroll na kasi ako diyan sa Perpetual.... kaya ayun, dumeretso nalang ako dito since malapit lang naman. Paliwanag niya. eh ikaw, wala ka pa bang balak mag enroll? Next month na start ng classes ah.Tanong niya pa. Edi siya na.

Tulad ko, isang taon na ding naka-tigil lang sa bahay si James. Magkaka-batch kami, pero saaming tatlo, si Sam lang ang naka-tungtong na ng college. At sa sarap ng buhay ko ngayon, hindi ako nagsisising hindi ako nag-enroll lalo na tuwing magku-kwento si Sam tungkol sa mga hirap ng college life. At nagmamalaki pa siya sakin... magandang future daw ang naghihintay sakanya. tsss... eh ano?

Wala man akong BUKAS, meron naman akong NGAYON.

hindi ko pa alam pare eh. Alam mo, para kang nanay ko... atat na atat na mag aral ako. sabi ko nalang habang pinupulot lahat ng naka-kalat na dahon ng makahiya.

eh hihintayin mo pa bang lahat kami, ay mag -tunog nanay mo na rin? Ayusin mo na kasi yan buhay mo bratatatatatatat... madami pa siyang ibang sinabi, pero nawala ang atensyon ko sakanila nang makita kong dumaan sa harap ng bahay namin si GANDA. Napa-tayo pa ako, para sundan siya ng tingin habng naglalakad siya palayo....

uy pare ano ba, kanina pa ko salita ng salita dito eh... ano ba yang tinitignan mo diyan? at napatayo na rin sila pareho, para tignan kung anong tinitignan ko.

hindi ano pare.... SINO! Ayun oh, kahapon pa yan titig na titig sa babaeng yon... yung bagong lipat dito. sabi ni Sam.

ayos ah... type mo? sabay balik ng nakakalokong tingin niya sakin.

tigilan nyo nga ako.... napa-tingin lang, type na agad? pagpapalusot ko pa.

tama. Bago ka mag-gumanyan, ayusin mo muna yang buhay mo. Tignan mo si James, nag enroll na.... eh ikaw? Wala ka paring plano sa buhay mo? ayan nanaman si Sam. Everytime na magkikita kami, lagi nalang nila akong tinatanong tungkol sa mga plano ko sa buhay ko. Pwede ba... kapag alam ko na kung ano ang gusto ko, AYUN.... dun lang ako gagawa ng mga plano. Kung hindi nila ako pangungunahan.... baka wala na kong mapagsidlan ng kaligayahan.

oh siya... napadaan lang naman ako, para kamustahin kayo. Alis narin ako. sabi ni James.

oh sige James, Sam... ihatid mo siya sa sakayan. Baka maligaw nanaman yan, tulad nung last time. Paraparaan para mapaalis si Sam, nang maka-balik na ko sa ginagawa ko. hindi na naman tumanggi si Sam, at agad na ding tumayo. Hinatid ko nalang sila palabas ng gate.

Hinahatid ko sina Sam at James ng tanaw, habang naglalakad sila palayo sa bahay namin nang biglang natanaw kong paparating si Ganda mula sa kabilang direksyon.... at may dala siyang supot, na mukhang mabigat. Tutulungan ko ba siyang magbitbit? Kung tutulungan ko siyang mag bitbit, baka umpisahan niya na kong bilangan ng pogi points. Pero shems...

Nahihiya ako!

Nahihiya talaga ako...

Napagpasyahan ko nalang na pumasok ulit sa loob. Isasara ko na sana yung gate nang biglang....

Bumigay yung supot ni Ganda, at nahulog lahat ng laman ng supot. Hindi na ko nagpatumpik -tumpik pa....

Agad akong lumapit sakanya, para tulungan siyang magpulot.

naku, salamat ah... kasi naman, sabi ko kay aling tindera doblehin yung supot eh. Ayan tuloy. Sabi niya, habang nagpupulot kaming dalawa. Butas na yung supot niya... paano niya to dadalhin lahat?

wala yon... butas na yung supot mo oh, tulungan na kitang ipasok to sa bahay niyo. Sabi ko nalang, habang pinagkakasya sa mga braso ko ang mga de-lata at instant noodles.... na madadala lahat, kung wala siyang supot. At isa pa, ayan lang naman sa tabi yung bahay nila.

ha, naku hindi na.... maaabala pa kita. Pagtanggi pa niya, habang pinipilit na pagkasyahin ang mga pagkain, sa braso niya... pero sa dami nito, nahuhulog ang iba. Dinampot ko naman agad yung nahulog na biskwit...

kita mo na. Hindi mo madadala to lahat. sige na, tulungan na kita. Sabi ko nalang. nginitian niya ko. NGINITIAN niya ako.

sige na nga... salamat.

At nauna na siyang pumasok sa bahay nila... sumunod naman ako, dala ang mga pagkain niya.

Medyo magulo pa sa loob ng bahay nila... halatang hindi pa naaayos lahat ng gamit, at marami pang mga nakakalat na kahon. Ipinatong niya nalang sa lamesa yung mga bitbit niya, kaya ginaya ko na rin ang ginawa niya.

salamat talaga ah... upo ka muna, ikukuha kita ng juice. Hinila niya ko paupo.

ha, hindi na... nakakahiya naman. May hiya din naman ako, kahit mukhang wala.

sige na... maupo ka na diyan, sanadali lang to. Sabi niya eh... edi naupo nalang din ako. nahuli niya pa kong napa-tingin sa paligid ng bahay nila...

pasensya na ah... magulo pa. Umalis kasi si Mama, kaya ayan... hindi namin matapos -tapos ang pag aayos ng mga gamit. Sabi niya.

at bago ko pa makalimutan ulit, EHEM....

Ah okay lang yun.... Ako nga pala si Quen.... Enrique Gil. Ikaw?bumalik na siya, dala ang juice at ipinatong ito sa harap ko.

Charmaine... Charmaineryn Rasos.

~~ Palabas na ko ng bahay nila Charmaine, matapos kong mag juice. Kaunting hakbang ko nalang, makakalabas na ko ng gate nila. Hindi ko naman maintindihan sa sarili ko kung bakit lumingon ako pabalik sa naka-ngiti paring si Charmaine...

Naglakad ako pabalik sakanya, at hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit nangati akong sabihing....

Wala din akong kasama sa bahay.... wala din naman akong gagawin... gusto mo, tulungan nalang kitang mag-ayos ng bahay niyo?

Nagulat naman siya sa sinabi kong yun. iiling-iling pa siya.

ano ka ba... nakakahiya naman ata yun, okay lang ako. ATA. Narinig ko ang salitang ata. Therefore... hindi siya sigurado. Hindi siya sigurado kung mahihiya siya sa kagwapuhan ko. Pagkakataon ko na to!

sige na. Mabibigat yung mga gamit nyo oh, lalaki dapat ang nagbubuhat niyan. Tinuro ko pa yung mga malalaking kahon nila, na puno daw ng mga gamit sa taas.

Nararamdaman ko nang tatanggi siya, pero hindi ko na hinintay na mangyari yun.... bumalik ako sa loob, at binuhat nalang ang malaking kahon.

saan ko ilalagay to? tanong ko pa.

ha?... eh, ibaba mo na yan Quen... sa taas pa yan eh. Kami nang bahala diyan. Sa taas pala eh... ayun, inakyat ko na sa taas. At pagbaba ko....

Naka-tayo si Charmaine sa harap ng hagdan, may dalang walis at mga basahan... inilahad pa niya sakin pareho.

mukhang hindi naman kita mapipigilan eh... o ayan, mamili ka.... walis o basahan? naka-ngiti pa siya sakin.

Buong buhay ko, ngayon lang naging bukal sa loob kong maglinis ng bahay.

Or should I say.... buong buhay ko, ngayon lang ako maglilinis ng bahay.

YIIIEEEE, Exciting pala!

eto nalang, hindi ako marunong magwalis eh. Kinuha ko yung basahan.

~~ marami na kaming nalinis ni Charmaine... at sa gitna ng paglilinis na yon, marami na din kaming napagkwentuhan.

teka, sa perpetual ka din papasok? tanong ko sakanya... doon kasi pumapasok si Sam. At Si James, doon na din nag enroll.

Oo... Med tech ang kukunin ko. bakit, doon ka din? tanong niya pabalik.

anak, next month na ang pasukan... hindi mo pa ba alam kung anong gusto mong kurso?...wala ka pa bang mga plano sa buhay mo?....alam mo, bago ka mag-gumanyan, ayusin mo muna ang buhay mo. biglang nagpaulit-ulit sa isip ko yung compilation ng mga sinabi sakin nina Sam, James, at ng nanay ko.

alam mo kasi, pangarap ko talagang makatapos.... ako lang kasi ang inaasahan ng Mama ko. wala naman akong ibang kapatid... tapos, wala na din yung papa ko kwento pa ni Charmaine...

Bakit kapag siya ang nagsabi, parang nakaka-inspire? Kapag sina Sam, James, at kahit pa si Mama ko ang nagsabi... parang nakakarindi lang ang dating sa tenga ko.

hui Quen! pumalakpak pa si Charmaine sa harap ng mukha ko... ano, doon ka din ba mag-aaral? tanong niya pa.

Oo. Sabi ko.

Hindi ko naman maintindihan sa tanga kong bibig, kung bakit um-oo ako! bakit nga ba um-oo ako?

ayos, eh school mates pala tayo eh. Siniko pa niya ko.

school mates daw kami... ang sarap namang pakinggan. Weird ba? Eh sa nasasarapan ako eh... ipa -ulit ko kaya sakanyang sabihin yung salitang school mates tayo.....school mates tayo....

Alam niyo kasi, pangarap ko ding makatapos.... ako lang din kasi ang anak nina Mama at Papa, kaya ako lang ang aasahan nila. at sabi nga ni Sam.... kailangang tapusin ang pag-aaral, para maganda ang future....

WHO AM I KIDDING?....

Hindi bagay sakin.

Aminin niyo.... diba, masarap naman talagang pakinggan ang mga salitang TAYO mula sa crush mo?

Agad kong dinukot ang phone ko sa bulsa ko, at agad ding tinext si Sam. To Sam:

pwede nyo ba kong samahan ni James sa Monday?

Ilang saglit pa.... may reply na.

From Sam:

Sure pare, saan?

Medyo hindi sigurado, pero....

To Sam:

Sa Perpetual.... Mag-eenroll ako.

CHAPTER FOUR

talaga, anak?! Naku, hindi mo alam kung gaano mo kami pinasaya ng Papa mo! talaga namang tuwang tuwa si Mama.

eh teka nga, bakit nga ba med tech ang gusto mong kunin?... ako naman, alam mong susuportahan kita sa kung saan ka masaya. Pero sigurado ka ba diyan? tanong pa ni Papa. Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot ko. naku, kung nakikita niyo lang ang mukha nina Mama at Papa, para bang abang na abang sila sa isasagot ko.

eh kasi po Mama, Papa.... okay, wala talaga akong maisip na sagot. Kaya naman, pinapa-halata ko na sakanila na hindi ako komportable sa usapang ito.

ay naku, basta ako masaya ako.... sa wakas, may plano na sa buhay ang anak ko! ayan, hindi naman halatang sobrang saya ng Mama ko.

At sinong nagsabing malas sila, dahil ako ang naging anak nila? DUH, yung ibang kabataan nga diyan, nagdudrugs... nakaka-buntis... madaming bisyo... eh ako? TAMAD lang naman ako ah! Bonus pa yung gwapo kong mukha, yung makinis kong kutis, at yung maganda kong tindig.

oh siya, siya... basta anak, pagbutihin mo ang pag -aaral mo ah. Kasi hindi pwedeng habang buhay, ganyan ka. Ikaw din, future mo din ang naka-salalay dito. Ngiting-ngiti pa si Papa. Napa-lunok naman ako ng laway sa sinabi niyang yun. Teka nga....

Kakayanin ko ba tong papauskin ko?

Oo, tama.... kailangan, kayanin ko. para sa FUTURE.... para sa YACHT.... at para sa matamis na TAYO mula kay Charmaine.

~~ Kanina pa ko nakahiga sa kama, pero hindi ako maka-tulog. Hindi kasi maalis ang isip ko na dalawang araw nalang, mageenroll na ko.... tapos ilang linggo nalang, papasok nako. Hayyy... dapat masanay na kong matulog ng maaga, nang sa ganoon... masanay na din akong magising ng maaga.

Napatingin ako sa phone ko... naalala ko bigla, ma-eexpire na ang UNLI ko, nang hindi ko man lang nagagamit.

Tinignan ko yung listahan ng contacts ko.... scroll, scroll, scroll....

At nakita ko ang number ni Charmaine. Oo nga pala, meron nga pala akong number niya. At Ganda pa ang naka save na pangalan niya dito. Babaguhin ko ba?...

WAG NA.

To Ganda:

Hi, Charmaine!

And Sent! Maya-maya lang.....

From Ganda:

Sino to?

Magpapakilala ba ko? NAKAKAHIYA. Lalo na pag nalaman niyang pasimple kong kinuha ang number niya, habang nagpapa-load siya!

To Ganda:

Ako ang lalaki ng iyong tadhana.

And sent! Hintay ulit......

From Ganda:

Sino nga kasi? Wala akong panahong makipaglokohan.

Hala, ang sungit nanaman niya. To Ganda:

Hulaan mo. Kilala mo rin ako.

And Sent! Ilang saglit pa....

From Ganda:

Dj, ikaw yan no? Haha.

Ano daw, Dj?..... Sinong Dj? Pambihira.... ayoko na. Maka-tulog na nga!

Naghanap na ko ng maayos na posisyon para matulog.... tapos biglang tumunog ulit ang phone ko.

From Ganda:

Bumenta na to dati Dj, tigilan mo na... matulog ka na ah. Good night. J

Hindi ako maka-tiis. Agad kong pinindot ang reply at....

To Ganda:

Si Quen to.

And sent! Matutulog na talaga ako.... hindi na ko magte-text.

*toooot* - hayy, ano nanaman?

From Ganda:

Ay ikaw pala Quen. Paano mo nakuha number ko? Lalaki ng aking tadhana pala ah.... haha.

Lalaki ng tadhana? Sinabi ko ba yun? agad kong tinignan yung sent items ko..... at Oo nga, sinabi ko nga yon!

WAAAAHHHHH! Nakaka-hiya!

*tooooooot*- May text nanaman.

From Ganda:

Paano mo nakuha number ko? hindi ako maka-tulog. :(

Anong sasabihin ko? NAKAKAHIYA! Pero teka, pareho kaming hindi maka-tulog? Meant-to-be!

Habang nag-iisip ng isasagot ko sa tanong niya... *tooooot* - may nagtext nanaman.

From Ganda:

Silip ka sa bintana.

Pinapasilip niya ko sa bintana? Shems... ilang beses ba sa buhay mo, na merong magandang babaeng naghihintay na sumilip ka sa bintana? Hindi na ko nagpatumpik -tumpik pa... Agad akong tumayo, at itinaas ang blinds ng bintana ko... at ayun siya, naka-silip din sa bintana niya at kuma-kaway pa sakin. ANG GANDA NIYA.

Kinuha ko yung phone ko, at tinext siya dahil hindi naman kami magkaka -rinigan dito. Baka maka-gising pa ko ng kapit bahay.

To Ganda:

Pwede ka bang lumabas? Hindi din ako maka-tulog eh.

*toooot*

From Ganda:

Sige, wait.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Hinanap ko na ang tsinelas ko, at agad ding lumabas ng gate.... naupo nalang ako sa may tapat ng bahay namin. Maya-maya pa... narinig ko nang tumunog ang makunat na gate nina Charmaine...

At ayan, lumabas na nga siya.... ngiting ngiti pa siyang tumabi sakin.

paano mo nakuha number ko? yan ang bungad niya sakin. Hayy... mukhang hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya nalalaman. Kaya kahit na nakakahiya.... fine.

nung... nagpapaload ka kay Aling Josie. Nahihiyang sagot ko, na sinabayan ko pa ng pagkamot sa ulo ko.

ah... ikaw ah. Ibibigay ko naman, kung hiningi mo eh. Medyo natatawa pa siya. Yung totoo? May nakakatawa ba sakin? Bakit parang lagi niya nalang akong tinatawanan? Hindi ko naman alam kung paano magre-react sa sinabi niyang yon. Eh malay ko ba naman! Ang akala ko kasi nung una, masungit siya.

bakit nga pala hindi ka maka-tulog?... may problema? tanong niya.

wala naman... naiisip ko lang kasi, sa Monday mag e -enroll na ko. tapos ilang linggo nalang, papasok na ko.... medyo kinakabahan lang. College na kasi eh... alam mo na. Naka-tawa nanaman siya sakin. Bakit ba? teka, may dumi ba ko sa mukha? Bakit kani na ka pa naka-tawa sakin? at ayun, tinanong ko nalang.

haha... ang cute mo kasi. Sabay pisil niya sa pisngi ko. ano daw? CUTE ako? Sabi na nga ba cute ako ah! eh pareho pala tayo eh... yun din ang iniisip ko. sabi kasi nila, mahirap daw ang college life.... scholar pa naman ako, may grade na kailangang i-maintain

Wow, scholar pala siya. Mas lalong nakaka-hiya palang maki-sama sakanya kung lo-loko loko lang ako no? HAYYY... ah basta, mag-titino na talaga ako, promise. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Para sayo Charmaine... magbabago ako. *lunok laway*

wow, siguro ang talino mo no. Mukhang kakayanin mo naman eh. Sabi ko nalang.

sus... eh sa bagay, school mates naman tayo diba? ayan nanaman yung ngiti niya. Pero teka nga, ano ulit yung sabi niya?

school mates tayo..... school mates tayo..... mates tayo..... mates tayo..... tayo....tayo.....

O kay sarap.

wait, so sa Monday ka mag e-enroll diba?..... sabay na tayo. Sabi niya. Wow, gusto niya kong kasabay? Hindi na ko nakapag salita.... tumango nalang ako, at ngumiti.

UNLI parin ako. kaya bago pa ma-expire ang pinakamamahal kong si unli.....

To Sam:

Pare, hindi na pala ko magpapasama sayo sa Monday.

And Sent!

Dear Monday, dumating ka na please.

CHAPTER FIVE

Uy Quen, pasensya na ah... kanina ka pa ba diyan?.... tara na . Tumayo na ako, para salubungin si Charmaine.

hindi, kakalabas ko lang din. Tara. Sagot ko nalang, habang sinimulan na naming maglakad papunta sa sakayan ng tricycle.

Ang totoo niyan, medyo kanina ko pa nga siya hinihintay sa tapat ng tindahan ni Aling Josie. Inagahan ko ng mga 5 minutes ang pagpunta sa tindahan. Parang nakakahiya naman kasi, kung siya pa ang maghihintay saakin. Saka......

Ang tagal ko kayang hinintay ng araw na to. Medyo excited lang. Haha.

~~ At narating na nga namin ang school. Grabe, ang laki. At madami na ding mga nag e-enroll. Napatingin ako sa paligid... ang lawak ng campus. Ibang iba sa nakasanayan kong High school. Parang hindi ko ata ma-imagine ang sarili ko, na tumatakbo sa mga hallway ng university na ito at nagmamadali para maka-habol sa susunod na klase. Parang mas na-iimagine ko pa ang sarili ko.....

Na labas-pasok sa mga malalaking gate nito........ kaka-cutting classes. HAHAHA. oy, hindi pwede.....

ERASE, ERASE.

Ano Quen, excited ka na ba?.... grabe, ang haba ng pila. Sabi ni Charmaine, habang pabalik-balik ang tingin sa relo niya, at sa pagka-haba habang pila. Excited? Ano namang exciting dito? Ang haba ng pilaa!

ah oo naman. Sagot ko nalang... kahit hindi naman talaga. Lord, help me please. Tulungan mo kong magmukhang matino, sa harap ni Charmaine!

teka, ano nga bang course mo ulit? ngayon niya lang ata nai-tanong yan.

med tech. Matipid na sagot ko, habang iginagala ang tingin sa paligid. Ayokong makita ang reaksyon niya, kapag nalaman niyang pareho kami ng course. Baka isipin pa eh... sinusundan ko siya. Well, oo nga pala. Sinusundan ko nga lang pala siya. Pero, basta! Sana hindi niya mahalata!

wow, pareho pala tayo eh! Ikaw ah.... baka naman sinusundan mo ko? haha. sabi niya... at dahil doon, lalo ko tuloy iniwas ang tingin ko sakanya. joke. HAHA.

Phew... kinabahan ako doon, kung alam lang niya. HAHA.... buti nalan g talaga, sinabi niyang JOKE lang.

Mahaba pa ang pila.... mahaba pa ang pwede naming pag-usapan habang naka-pila kami. At sisimulan ko yon sa....

anong shampoo mo? napatingin siya sakin na parang nawiwirdohan. GOSH... seriously Quen, yun pa talaga tinanong mo?

Dear PILA, umusad ka na please.

~~ Ayan... natapos din. Hawak ko na ngayon ang schedule ko.... at laking tuwa ko, dahil magka-klase kami sa halos lahat ng subjects. Hehe... hindi ko sinadya yon ah. Ang tawag dun.... destiny. Lol.

oh ayan... maaga pa, kailangan mo na bang umuwi? tanong niya sakin, habang naglalakad kami sa labas ng campus para humanap ng masasakyan.

Teka, tinatanong niya ko kung kailangan ko nang umuwi? Siguro gusto niya pa kong makasama no? HAHA. aarte pa ba ko?....

hindi naman. Kain muna tayo?

Ayan nanaman, nginitian niya nanaman ako.

tara! hinila niya ko bigla.

~~ Charmaine, malayo pa ba? Kanina pa tayo nakatayo sa pila... tapos, ang haba pa ng nilakad natin. hindi naman sa nagrereklamo ako, pero ang sakit na talaga ng mga paa ko.

eto na tayo! huminto kami sa tapat ng isang carinderia... ayan, carinderia ni Aling Digna... ang sarap ng halo-halo dito! sabi niya, tapos hinila na niya ko sa loob para maupo. ate, dalawang halo-halo nga po...sabi niya doon sa waitress. may gusto ka pa bang iba, Quen?

ah... hindi, okay na ko sa halo -halo. Pasimple ko pang inilabas ang wallet ko, para tignan kung may pambayad ba ko. nakakahiya naman kung siya pa ang pagbabayarin ko diba. At thank God, may pera pa naman ako. ibinalik ko nalang ang tingin ko sakanya. magkwento ka naman Charmaine... hmmm, asan ba ang tatay mo? tanong ko pa, tapos biglang umasim ang mukha niya. Haha.... pero maganda parin.

ah... wala. Hindi ko na siya nakilala. Sabi ng Mama ko, iniwan daw kami para sa ibang babae. ayyysstt... mali nanaman ata ang naitanong ko.

ah ganun ba... sorry. Iba nalang pag -usapan natin.

ano ka ba... okay lang no. Wala na naman sakin yun. sabi nga ng Mama k o, baka daw mas mahirap pa ang buhay namin kung hindi kami iniwan ni Papa. Mahilig daw kasi itong magsugal, at madalas pang saktan ang Mama ko.... eh muntik pa nga daw akong ibenta nun, nung baby pa ko eh. Tumawa pa siya ng beri light. Grabe naman pala yung tatay niya.

talaga?.... grabe naman. Yun nalang ang nasabi ko.

Pinupunasan niya ng tissue yung table, at talagang kumuha pa siya ng alcohol sa bag niya para dito. tinapik niya pa yung braso kong naka-patong sa lamesa. Pina-angat niya sakin, para mapunasan niya ng buo. Grabe, ang linis niya lang sa katawan. Hihi. Kaya pala, lagi siyang mabango. Ano ba yan.... ang layo nanaman ng nararating ng isip ko!

kaya nga, sabi ko sa sarili ko.... hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking walang di reksyon sa buhay, gaya ng tatay ko. OUCH. Tinamaan naman ako doon. sabi ko, yung lalaking pakakasalan ko... dapat may pangarap, may matinong trabaho, masipag... yun bang maaasahan sa lahat? OUCH nanaman. Wag kang mag-alala Charmaine, Im working on it na.... magbabago na ko!

yung mayaman? tanong ko pa.

hindi naman kailangang mayaman. hindi rin kailangang gwapo... basta mabait. Paliwanag niya pa. Ui, mabait ako ah. Bonus pa yung GWAPO ako. pag-nagtuloy tuloy pa tong pagbabago ko naku.... jackpot ka na sakin Charmaine!

ui, okay ka lang? Bakit ngi-ngiti ngiti ka diyan? puna pa niya sakin. Hala, napansin ako!

ah wala... naaalala ko lang kasi nung una kitang makita. Akala ko masungit ka. Eh... pinag -sarahan mo kasi ako ng kurtina nung napa-tingin ako sa bintana mo. Palusot ko.... kahit na hindi naman talaga yun ang naiisip ko. Mukhang gumagaling na ata akong magpalusot. Ayan, napa tawa ko nanaman siya.

ganoon ba? Haha... naku, pasensya na ah. Na -badtrip kasi ako nun sa kausap ko sa phone eh. Ah.... kaya pala parang galit yung itsura niya habang nakikipag-usap siya noon sa phone. Oo kahit medyo malayo, kitang kita ko parin siya noon. Akala ko nga, ibabato niya yung phone niya eh.

ah... sino ba yung kausap mo nun? Ang tagal ko na kasing curious diyan.

si Dj. Matipid na sagot niya... tapos, bigla pa siyang napa-tungo.

Dj, Dj, pamilyar sakin yun eh.... Aha! Ayun yung napagkamalan niyang ako, nung unang beses na tinext ko siya! Sino ba kasi yung Dj na yun?

ah... yung Dj, eh sino ba yun? kaibigan mo? tanong ko ulit.

Ayan na, dumating na yung order namin, at inilapag na ng waitress sa table namin.

yuhooo, Charmaine! Sabi ko, sino yung Dj. Inulit ko nalang, bilang hindi ata niya narinig gawa ng pagka-excite niyang haluin ang halo-halo.

boyfriend ko. B-boyfriend daw?

Recap:

Nag-effort akong kunin ang number niya. (Oo, effort yun kahit wala naman talaga akong ginawa)

Tinapon ko yung limang piso ko, para ibigay sakanya. (DUH, isang coke sakto na rin yun no)

Halos maubos ang mga maka-hiya namin sa garden, sa pagtatalo ng isip ko kung itetext ko ba siya o hindi. (kahit tinatapak-tapakan ko lang yun, hindi naman sa lahat ng lugar, makakakita ka ng makahiya!) Naglinis ako ng bahay nila. (first time ko yun, no) at higit sa lahat.....

Nag-enroll ako! (sinakripisyo ko ang masaya, magaan, at ang sagana sa tulog kong buhay!)

Tapos may boyfriend pala?!! Teka nga, baka naman mali lang ako ng dinig....

boyfriend mo? tanong ko pa, na sinabayan ko pa ng lunok ng laway.

Oo, mag tu-two years na kami.

NGA NGA.

Dear Halo-halo,

sige.... tawanan mo ko. tawanan mo lang ako, habang masaya si Pinipig, si nata de coco, si saging, si sago, si gulaman, si ube, si bean, si langka, at si Leche flan na nagpa-party party sa loob mo, halo-halo. Habang ako.... eto, mag-isa sa buhay. Hindi na ko makapag hintay na kainin ka, halo-halo.... at pag kinain kita, ititira ko si Ube... para pareho na kaming malungkot.

Lubos na nagsisisi, Quen.

CHAPTER SIX

Next week na ang pasukan. Hindi ko parin makalimutan yung araw na sabay kaming nag-enroll, nagkwentuhan, at kumain ng halo-halo sa carinderia ni Aling Digna. Yun din ang huling araw na nagkita kami ni Charmaine. Mula kasi noon, hindi na muna ako lumabas ng bahay. Nahiya na rin akong itext siya. Ewan ko ba!

boyfriend ko.

magtu-two years na kami

-hindi ko mai-alis sa isip ko yung mga salita niyang yon.... at kung paano yung expression ng mukha niya, habang sinasabi niya yon.... nai-imagine ko.

Dahil doon, napa-isip ako...

Bakit parang hindi siya masayang ibalita sakin yung tungkol sa boyfriend niya? Bakit sa ginanda-ganda ng mood niya habang magkasama kami, eh biglang nagbago nung naitanong ko yung tungkol sa boyfriend niya? Diba dapat, proud kang ipakilala o magkwento tungkol sa ka-relasyon mo? Bakit okay lang sakanya na pag-usapan yung tatay niyang Gago, pero yung tungkol sa boyfriend niya, hindi? Hindi kaya.... hindi na siya masaya sa relasyon nila?

Ang daming mga tanong sa isip ko. Hindi ako mapakali. Para akong sinisilaban sa parte ng katawan ko, na sa salamin ko lang pwedeng makita. At dahil nga sa hindi ako mapakali, eto ako ngayon....

kakausapin ko siya. Sabay bunot ng isang dahon ng maka-hiya, mula sa garden namin.

hindi ko siya kakausapin. Sabay bunot ko ng isa pa.

kakausapin ko siya... kawawang maka-hiya. Maubos na kayo, kung mauubos.... sa susunod, puting buhok nalang ni Mama ang bubunutin ko, para may pakinabang naman daw ako.

Sa gitna ng pagbubunot ko, biglang....

*TOOOOOT* -ang phone ko. May nag-text.

From Ganda:

Ui, Kamusta? Iniiwasan mo ba ko? bakit hindi ka na tumatambay sa harap ng tindahan ni Aling Josie?

rereplyan ko... tuloy lang ako sa pagbubunot ng dahon ng maka-hiya.

hindi ko rereplyan... sabay bunot ng isa pa.

rereplyan ko... at ayun.... ang huling dahon ng maka-hiya.

So rereplyan ko nga? Kapag hindi ko ni-replyan, parang sinayang ko lang lahat ng binunot kong maka-hiya mula sa garden na to.

Kukunin ko na yung phone ko... rereplyan ko na dapat kaya lang, biglang...

Quen! Biglang dumungaw sa may bakod namin ang magandang mukha ni Charmaine. Tumayo ako, at binuksan ang gate.

oh Charmaine... rereplyan na sana kita kaya lang... ayan ka na pala. Pasensya ka na kung iniisip mo, iniiwasan kita ah... nagkasakit kasi ako kaya hindi ako naka-labas. Pansin ko lang ah... gumagaling na talaga akong magpalusot. Ganito ba talaga ang epekto ni Charmaine sakin? Tuluyan na kong lumabas ng gate namin, at naupo sa may tapat nito.

ah... kaya naman pala. Ngayon, okay ka na ba? tumabi pa siya sakin. Kinilig naman daw ako.... concerned ba siya, o ganyan lang talaga siya ka bait para tanungin pati yon?

May Boyfriend siya, Quen.... kaya MABAIT lang talaga siya. okay na ko ngayon. Pasimple pa kong tumingin sakanya.... naka-kagat labi siya, habang naka-tingin sa kawalan. hindi ka ba dinadalaw dito ng boyfriend mo? isa pang napansin ko sa sarili ko.... bigla bigla nalang akong nagtatanong ng kung anu-ano, na pagsisisihan ko rin afterwards. Mga epekto talaga sakin ni Charmaine!

Umasim nanaman ang mukha niya.

Paano ako dadalawin eh mag-iisang taon na yun sa states. Bihira na nga din kung tumawag eh. Ako lang ba yon, o may bahid ng ka-bitteran sa pagsasalita niya? Teka, ibig niyang sabihin halos isang taon na silang hindi nagkikita nung boyfriend niya?...

ha? Sa s-states? Isang taon na siya doon? nililinaw ko lang, aba.

Oo... doon siya nag-aaral. Teka, bakit ba puro tungkol kay Dj ang tinatanong mo sakin?... pwede iba nalang ang pag-usapan natin?tinignan niya pa ko ng nakakaloko. Anong ibig sabihin nun? eh ikaw, wala ka bang girlfriend? pag iiba niya pa sa usapan.

malapit na. Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Siguro naman na gets mo yun, Charmaine? Na malapit na kong magka-girlfriend, kaya bago ka pa mabulok sa kakahintay, hiwalayan mo na si Dj. Dahil nandito ako.... umiibig sayo.

Which leads me to another question...

UMIIBIG na nga ba ko?

Kaya naman pagka-tapos naming mag-usap ni Charmaine, eto nanaman ako...

hanggang kaibigan nalang... sabay bunot ng isa nanamang dahon ng makahiya.

may pag asa... sabay bunot nanaman ng isa pa.

hanggang kaibigan nalang...

may pag asa...

Masama ba kong tao, dahil naiisip ko to? Talaga bang mukhang hindi siya masaya sa boyfriend niya, o humahanap lang ako ng dahilan para mas maging malapit sakanya?

Dear Makahiya,

Kung mauubos ka man... sana wag muna ngayon. Dahil kapag naubos ka, hindi ko na alam kung sinong aasahan ko kapag ganitong gulong gulo ang isip ko, at hirap akong magdesisyon.

Naguguluhan, Quen.

Teka nga, isa pang napapansin ko sa sarili ko.... bakit ba kung anu-anong bagay nalang ang kinakausap ko, Lately? Una, yung Halo-halo.... tapos ngayon, yung makahiya naman! Kasama ba to sa mga epekto sakin ni Charmaine? Hayy.... dapat siguro, kumuha na ko ng DIARY nang sa ganoon, may naku-kwentuhan akong bagay na kahit ilang beses ko pang kwentuhan.... hindi ako magmumukang tanga. Oo tama... kukuha na ako ng Diary. At sisimulan ko sa lumang Math notebook ko nung highschool, na dahil sa ka sipagan kong kumopya ng notes.... ayun, walang ka-sulat sulat. Sayang naman kasi.... pwede pa namang sulatan.

Dear Math notebook,

Isa akong napaka-tamad na tao. Alam mo yan, dahil hindi kita nagawang sulatan nung high school. At kung hindi mo rin naitatanong Math notebook, gwapo ako. At sa sobrang GWAPO ko nga daw, halos lahat ng babae sa school ko noon ay nagkagusto sakin. Isa pa yun sa mga dahilan kung bakit hindi kita nasulatan man lang noon, Math notebook... at humihingi ako ng tawad para doon. Umaasa ako, na ito na ang simula ng ating matibay na samahan, Math notebook. Kasi, mula ngayon... lagi na kitang susulatan. O ano, nagtataka ka kung bakit biglang sumipag akong magsulat?....

Dahil ito sa isang babaeng nagngangalang Charmaine. Na sana lang, sa puntong ito... ay nagbabalak nang hiwalayan ang boyfriend niyang si Dj. Sabi ko nga diba.... GWAPO ako. Pero bakit ganoon Math notebook? Sobrang naguguluhan ako sa nararamdaman ko. kailan lang, malinaw saking CRUSH ko siya. Pero ngayon... hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa nararamdaman ko para sakanya. Anong gagawin ko Math notebook?.... eh MAY BOYFRIEND SIYA?

Ang gwapong naguguluhan, Quen.

CHAPTER SEVEN

7:30 Am. (Im so proud of myself. Ang aga kong nagising)

Ngayon ang unang araw ko sa magulong mundong kung tawagin ay.... COLLEGE. 8 am magsisimula ang una kong klase. Hindi ko alam kung ma e-excite akong pumasok, dahil ka-klase ko si Charmaine sa halos lahat ng subjects. Para kasing mas dapat akong kabahan.

Nga pala, napaniginipan ko nanaman si Charmaine. Araw-araw nalang ata na ginawa ng diyos, lagi ko nalang siyang napapaniginipan. At ngayon masasabi kong... the best yung panaginip ko kanina, so far. Nagde-date daw kami ni Charmaine sa aking YACHT.... tapos yung alalay ko pang si Paeng, ang nagsilbing waiter namin. Too bad, kailangan kong gumising para harapin ang reyalidad.... na lalo pang bumibilis, dahil ilang minuto nalang.... isa na kong ganap na STUDENT.

anak... bilisan mong magbihis diyan, andito si Charmaine... sabay daw kayong papasok. Sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Andito si Charmaine my loves so sweet?

Minadali ko na ang pagbu-butones ng polo ko, at humarap muli sa salamin. Grabe, ang gwapo ko lang sa all white uniform ko! Mukha akong matalino!

Good moring Ma!.... Hi Charmaine! ikaw talaga, sana nag text ka para hindi na kita napag-hintay. Bago ako lumabas ng kwarto ko, inisip ko na yang sasabihin ko.

hindi okay lang... maaga pa naman eh. So ano, tara? tumayo na siya, at binitbit ang bag. May plano pa sana akong kumain ng breakfast, pero dahil nga nag aya na siya, eto....

Ngayon lang naging bukal sa loob kong isnabin ang pagkain sa umaga.

tara. Bye ma! humalik ako sa pisngi ng Mama ko, at sabay na kaming naglakad palabas ni Charmaine.

~~ Sa buhay estudyante, eto ang pinaka ayaw ko..... Ang jeepney rides. Alam niyo yun? paano ba naman.... ang sikip. Tapos, hindi naman lahat ng makakatabi mo, ay mabango. Tapos, ramdam na ramdam mo pa ang polusyon sa hangin. Buti nalang talaga.....

Katabi ko ngayon si Charmaine.

Ayan siya. Parang kumo-korean novela yung buhok niya na lumilipad-lipad, at humahampas pa sa mukha ko. ANG BANGO lang.

Kung ibang tao lang to, malamang nasabihan ko na ng..... excuse me miss, pwede umusod ka?.... nakakain ko na kasi yung buhok mo eh.

Pero hindi. Si Charmaine ang katabi ko ngayon. Kahit sa mukha ko pa tumira ang buhok niya, okay lang sakin.

hui Quen, baba na eto na tayo. Niyugyog pa niya ko. Nawala Nanaman ako sa sarili ko! hindi na ko nakapag salita.... bumaba nalang ako agad.

magka-klase tayo sa unang subject diba? hindi na niya ko sinagot.

Ngumuiti nalang siya, hinawakan ang braso ko, at hinila ako papasok sa magulong mundo na kung tawagin ay..... COLLEGE.

~~ Dear Physics, sana maging mabait ka sakin. Sana wag mong hayaang isumpa kita Physics.

Pinagtitinginan ako ng mga ka-klase kong babae. Inaasahan ko na to... ang GWAPO ko kaya. Tapos ang ikinagulat ko pa, biglang inusod ni Charmaine yung upuan niya papalapit sakin. Magkatabi na nga kami, mas lumapit pa siya. Selos lang? YIIIEEE.

ui Quen... ang daming Fans ah. Siniko-siko pa niya ko. Fans? Ikaw Charmaine, hindi ka ba kasama sa mga fans ko?... Akala ko naman kukurutin niya ang tagiliran ko sa selos... hayy nako.

gwapo kasi ako. sabi ko nalang. Ayan, nag gi-giggle nanaman siya.

ang yabang nito! Haha.... o sige na nga, ikaw nang gwapo. Tapos, ibinalik na niya yung upuan niya sa totoong pwesto nito.

ANG GWAPO KO DAW. Bakit ang ganda pakinggan kapag siya ang nagsabi?

Naka-tingin lang ako kay Charmaine. Ayan siya, tinitignan yung schedule niya. At ako naman, bilang si forever curious... pasimple akong umusod papalapit sa upuan niya, at nakitingin na rin ang schedule niya.

Oha... magka-klase kami sa lahat ng subjects ngayong araw!

Alam nyo yung commercial ng NIDO?... diba nagmamalaki sila na meron daw silang DHA, calcium, vitamin A, at kung anu ano pa. Well, baka mahiya pa sakin ang NIDO..... Dahil meron akong Charmaine sa Ana chem, Charmaine sa phsychology, at Charmaine sa physics. LOL.

~~ Salamat kay Charmaine, nai-raos ko naman ang first day ko sa college, nang hindi nagbabalak mag-cutting. Hindi ko na ikukwento yung mga iba pang nangyari. Basta ang masasabi ko lang... tuloy ang balak kong magbago. Nga pala, nanonood ako ngayon ng blood ang roses... Oo na, nanonood ako ng teleserye! Pag ba ganun, bakla na agad?!

Naaaliw kasi ako sa storya. At hindi ko maiwasang maka-relate, at ikumpara ang mga kaganapan sa buhay ko sa mga kaganapan sa teleseryeng ito. Paano ba naman... yung bidang si Demi, obvious naman na si Brandon ang mahal niya... pero ewan ko ba kung bakit parang pinapaasa pa si Vlad! Sana talaga, dumating na yung time na marealize niya, na si Brandon talaga ang mahal niya. sana pumili na siya.... before its too late.

Damang dama ko na yung eksena.... feeling ko, maiiyak na ko sa mga pinagdadaanan ng mga characters. Tapos biglang....

Hoy Quen!!! si Charmaine! naka-silip si Charmaine sa bintana na halos nasa likod lang ng inuupuan ko. Hahahaha!!! at talagang tinawanan pa niya ang pagka-gulat ko sa pagtawag niya sakin.

grabe, nagulat naman ako.... haha, pasok ka. naka-bukas naman yung pinto, tinuro ko nalang. Ngiting-ngiti pa siyang pumasok. oh bakit napa-punta ka? tanong ko pa, at saka umusod para paupuin si Charmaine. Ngitingngiti pa siyang tumabi sakin. Parang ang saya saya niya.

Nasalubong ko yung Mama mo na ka-aalis lang, pinapasok niya na ko dito.... eh may iku-kwento kasi ako sayo! napatingin siya bigla sa T.V...teka, nanonood ka ng teleserye?! tinignan niya pa ko ng nakakaloko.

Oo na! Bakit, pang babae lang ba ang teleserye?

eto naman... bakit, may sinasabi ba kong ganoon? Nakakatuwa nga eh, nanonood ka din pala ng mga ganyan. Favorite ko yan eh! tignan mo nga naman o... parehas pa kami ng paboritong teleserye. Pero teka nga... baka mamaya, pinagti-tripan lang pala ako nito...

talaga, paborito mo yan?... so ibig sabihin, naiinis ka na din kay Demi sa sobrang bagal niyang pumili? tanong ko. paano ba naman, ayaw pang iwan si Vlad e obvious naman na si Brandon ang gusto niya. i-iling iling ko pang kwento sakanya. Pero mukhang hindi siya sang ayon sa mga sinabi ko...

ano ka ba! Tama lang na pag-isipan niyang mabuti ang pag-pili! Kasi naman diba, parehong mahalaga sakanya sina Brandon at Vlad... baka naman ayaw niya lang talagang makasakit. Tsss... mga babae nga naman.

so sinasabi mong tama ang desisyon ni Demi? bigla kong nai-lapit ang mukha ko sakanya nang naka-taas ang kilay. Tumingin din siya agad sakin, at mukhang hindi siya magpapatalo...

Oo! bigla niya ding inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

talaga?! mas inilapit ko pa yung mukha ko.

talaga! at inilapit niya ulit ang mukha niya.

Wala ata sa loob niya, na halos isang inch nalang ang layo ng mga mukha namin. Ang GANDA niya lalo. Iginala ko pa ang tingin ko mula sa mga magaganda niyang mata.... pababa sa matangos niyang ilong.... at finally, sa manipis niyang labi. Hindi ko maiwasang isipin....

Ano kayang pakiramdam ng hinahalikan ang mga labing kagaya ng kanya?

Naka-titig lang din siya saakin. Hindi siya lumalayo, kahit alam niyang sobrang lapit ko... sobrang lapit ng mga mukha namin. Hindi ko maintindihan, pero parang merong nagtutulak sakin na mas lumapit pa....

Kaya naman dahan-dahan.... unti-unti, inilapit ko pa ang mukha ko. ramdam na ramdam ko lahat. Ang malakas na pagtibok ng puso ko... Ang init ng hininga ni Charmaine... at ang paglapat ng mga ilong namin. Lahat yon, ramdam na ramdam ko.

At ang nakaka gulat pa.... Hindi siya lumayo. Ramdam ko din, na unti-unti.... lumalapit din siya. At eto ha....

PUMIKIT SIYA. Pumikit siya, na para bang hinihintay nalang na ilapat ko, ang lips ko sa lips niya.

Eto na. Pumikit na din ako at......

~~ Dear Math notebook,

Bakit?..... bakit kailangang makalimutan ng Mama ko ang wallet niya, at sirain ang dapat sanay moment na namin ni Charmaine? Ayun na eh! Konti nalang! konting konting konti nalang, matitikman ko na ang mga labi ni Charmaine! Tapos biglang pumasok sa loob si Mama kaya ayun.... bigla tuloy kaming napalayo sa isat isa. At ang nakaka-inis pa doon, Math notebook.... dahil doon, syempre bigla tuloy na-ilang si Charmaine. Bigla pang gumawa ng mga dahilan para umalis, na alam ko namang hindi totoo.

At ang pinaka nakaka-inis pa sa lahat, Math notebook...... kani-kanina lang, tinext ko siya. Syempre nag sorry ako. sinabi ko na ayokong magka-ilangan kami, kaya kung pwede, kalimutan nalang namin yung nangyari. CORRECTION, yung MUNTIK mangyari. Nag agree naman siya. Tapos tinanong ko pa siya kung ano ba yung ikukwento niya dapat saakin..... at eto, eto na talaga yung nakaka-inis.... pa-uwi na daw yung boyfriend niya, at susunduin pa daw siya sa school bukas.

Nung una, naisip ko.... siguro lalayuan ko muna si Charmaine. Pero ewan ko ba Math notebook, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit nireplyan ko siya at sinabing.... pakilala mo ko sakanya ah. AYUN. Ngayon, hindi tuloy ako mapakali..... hindi ko mai-alis sa isip ko yung boyfriend ni Charmaine. kung ano bang itsura niya, kung mas gwapo ba siya sakin, kung anong nakita sakanya ni Charmaine, at madami pang iba.

Pero lalong hindi ko mai-alis sa isip ko, yung MUNTIK nang mangyari kanina. Bakit siya lumapit?....Bakit hindi siya lumayo?.... Bakit siya pumikit?.... Bakit hinintay niyang may mangyari?.... punong puno ng mga tanong ang isip ko, Math notebook. Pero sa kabila ng lahat ng mga tanong sa isip ko... sa huli, bumabalik parin lahat sa pagkabadtrip ko sa nanay ko. Mahal ko ang nanay ko, Math notebook. Pero AYUN NA DAPAT YUN EH!!!

Nanghihinayang, Quen. CHAPTER EIGHT

Napaniginipan ko nanaman si Charmaine. This time, sumasayaw daw kami ng waltz sa seashore.... sumasabay sa magandang pagtugtog ng violin ng aking alalay na si Paeng. Pansin ko lang ah... yung alalay kong si Paeng, masyado nang consistent sa mga panaginip ko. Pero okay lang... masunurin naman siyang alalay saakin. At megrereklamo pa ba ako, kung alam ko namang hanggang panaginip lang ang lahat ng iyon? Ang yacht, ang alalay kong si Paeng, at ang pagsasayaw namin ni Charmaine... lahat ng iyon, kahit kailan..... hindi magkaka-totoo. Nga pala....

Alam ko, sinabi ko kay Charmaine na ipakilala niya ako sa boyfriend niya. Hindi ko alam kung bakit malakas pa ang loob kong sabihin yon. Tapos eto ko ngayon.... naglalakad sa hallway, at nag iisip kung uuwi na ba o hihintayin ko munang dumating yung boyfriend ni Charmaine. Hindi nanaman ako mapakali. Para kong kinagat ng langgam sa parte ng katawan ko, na sa salamin ko lang pwedeng makita. Wala naman kasing MAKAHIYA dito, para tulungan akong magdesisyon...

*TOOOOOT* - Ayan, nagtext na si Charmaine.

From Ganda:

Ui, patapos na tong huling klase ko. parating na din si Dj. kita nalang tayo sa may gate.

Hindi ko alam kung anong ire-reply ko. Kasi, nakapag-pasya na ko....

Uuwi nalang ako. Hindi pa ko handang masaktan no.

To Ganda:

Charmaine, uwi nalang ako. Sumama kasi bigla pakiramdam ko eh... saka mo nalang siya ipakilala sakin

And SENT!

~~ At umuwi na nga ako. Pero kahit dito sa bahay, hindi parin talaga mapakali ang utak ko. iniisip ko kung ano na kaya ang ginagawa ni Charmaine ngayon... kung saang mamahaling restaurant siya dinala ng boyfriend niya.... Siguro, sobrang saya nila ngayon. Hayyy....

Quen!! narinig kong may sumigaw. Quen!!! Teka, boses ni Charmaine yun ah!

Agad akong lumabas... at Oo, si Charmaine nga.

oh, nagtext ako sayo ah... akala ko ba magkikita na kayo ng boyfriend mo? bungad ko sakanya pagkalabas ko ng gate.

ah, ayan siya oh... at saka ko lang napansin na may naka-parada palang kotse sa tapat ng bahay nila Charmaine. tapos, may bumabang lalaki at lumapit pa saaming dalawa.

Quen, si Dj. Dj, si Quen. So siya pala si Dj. syempre kinamayan ko, at nginitian. Pero hindi niya alam... pasimple ko siyang tinitignan mula ulo hanggang paa. Oo, gwapo din siya... pero di hamak namang mas gwapo ako. Oo, maporma siya... pero mas maganda ang katawan ko sakanya. Pero teka.... parang pamilyar siya eh. Para bang matagal ko na siyang nakita, pero hindi ko lang maalala kung saan. Ay never mind! This is not the time, para isipin ko yun....

nice to meet you, pare. Sabi ko, matapos makipag kamay.

nice to meet you too, pare. Alam mo , lagi kang kinu-kwento sakin ni Charmaine. sabi niya pa. Mukhang mabait naman... kaya siguro nagustuhan ni Charmaine.

ah talaga. Hehe.... pero teka, akala ko ba lalabas kayo?

iche-check lang kita... sabi mo kasi, sumama yung pakiramdam mo eh. Ano, oka y ka lang ba? ano daw? Mas pinili niyang i-check ako, kaysa makipag date sa boyfriend niya? gusto ko sanang kiligin, kaya lang parang

medyo hindi natutuwa si Dj nung sinabi ni Charmaine yung dahilan kung bakit sila nandito. At kahit papano, may konting hiya din naman ako.... ah oo, okay naman ako... sumakit lang naman ang ulo ko, nahirapan lang kasi ako sa Math kanina. Sige na, tumuloy na kayo sa pupuntahan niyo... ikaw talaga.

sure ka? tanong niya. tumango nalang ako. sige, pahinga ka ah! Saka pag nahirapan ka sa Math, paturo ka lang sakin.... sige, bye! tinapik niya pa yung pisngi ko bilang paalam. Nag tanguan nalang kami ni Dj, tapos ayun... sumakay na sila sa kotse.

Bakit ang sweet niya?

Paano pa kaya siya sa boyfriend niya no?... malamang, mas sweet.

~~

Dear Math notebook,

Dahil kanina pa ako isip ng isip kung bakit pamilyar saakin ang mukha nung boyfriend ni Charmaine, sa wakas naalala ko din! At HAHAHAHA, makinig ka Math notebook, baka hindi mo kakayanin to! Si Dj ay walang iba kundi si...........

Si PAENG! HAHAHAHA. Si Paeng, yung alalay kong laging may special participation sa mga panaginip ko! akalain mo yun, Math notebook? Yung boyfriend ng pinaka-mamahal kong si Charmaine.... at ang aking ever loyal na alalay mula sa aking mga panaginip, ay iisa! Dahil sa naalala kong yun, kahit papano sumaya ako, Math notebook. Anong ibig sabihin nun? Normal bang mapaniginipan mo ang isang tao, bago mo pa man siya makilala?

Pero syempre, hindi naman tumagal ang kasiyahan kong yon, Math notebook. Kasi kahit bali-baliktarin mo pa ang mundo.... ang buhay at panaginip ay magkaiba. At iyon ay.... PANAGINIP lang. Isang panaginip, na kahit kailan.... hindi magiging totoo.

Siguro naiinis ka na sa ka-dramahan ko, Math notebook. Kaya sige.... ibahin nalang natin ang usapan. Hayaan mo nalang na kwentuhan kita, tungkol kay Charmaine. si Charmaine.... napaka-ganda niya. Tapos, sobrang bait pa. Tapos, ang GANDA niya pa. Matangos yung ilong niya. Basta, ang GANDA niya! Ang pula ng mga labi niya! at nasabi ko na bang ang GANDA GANDA niya?.... Ano Math notebook, na i-imagine mo na ba?

Nananaginip ng gising, Quen.

~~ Natapos na kong magsulat kay Math notebook, pero ayaw pa talaga akong dalawin ng bestfriend kong si Antok. Siguro kasi, alam kong hanggang ngayon, hindi parin umuuwi si Charmaine. Oo na, naka bantay ako sa may bintana! Kanina ko pa hinihintay ang pagdating niya. kanina ko pa hinihintay na mabuhay ang ilaw sa kwarto niya. Pahiga na sana ako sa kama ko, nang biglang..... sa wakas, nabuhay din ang ilaw ng kwarto niya. Hindi na ko umalis sa tapat ng bintana ko. Umaasa na sana, sumilip siya sa bintana. At sa loob ng ilang minutong paghihintay..... walang Charmaine na sumilip.

Pero merong Charmaine na nagtext.

From Ganda:

Gising ka pa ba?... pwede ka bang lumabas?

Hindi na ko nagreply. Dali-dali nalang akong lumabas.... para makita si Charmaine.

~~ uy, bakit ka umiiyak, anong nangyari? yan ang unang lumabas sa bibig ko, nang mapansin kong umiiyak si Charmaine. Hindi siya makapagsalita.... ayoko naman siyang pagmadaliing magpaliwanag, kaya nang walang anuanoy.... niyakap ko siya.

Ramdam na ramdam ko siya... yung mga hikbi niya, yung pag-sandal niya sa balikat ko, at higit sa lahat.... ang mga luhang pumapatak sakin.

Shhh... tahan na. Hindi ko alam kung anong sasabihin. tumahan man siya, o hindi.... pwedeng pwede niya akong iyakan.

~~ binili niya ko ng mamahaling damit at sapatos. Nagsimula na din siyang magkwento, matapos umiyak. Eh pinamili naman pala siya eh.... anong problema? Hinihinay ko lang siyang magsalita...

tapos, pinilit niyang ipa-soot sakin yun kanina. Pinag-bigyan ko naman... sinoot ko nalang, kahit na hindi ako komportable sa ganung damit.

oh tapos?

ayun... tapos, dinala niya ako sa bahay nila... kumain kami ng dinner. Grabe, Kaya pala.

kaya pala ano?

kaya pala niya pinasoot sakin yun, kasi ihaharap niya ako sa mga magulang niya. Kaya pala, ngayon niya lang ako ipinakilala sa pamilya niya, kasi alam niyang hindi nila ko magugustuhan. Pinahiya nila ako, Quen. Hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ni Dj sa Mama niya. sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. hindi ko

alam kung anong sasabihin ko sakanya. wala naman akong mai-papayo... hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob niya.

Basta, andito lang ako... hindi man kita napapasaya, andito lang ako sa likod mo.... pwedeng pwede mong bagsakan.

Kaya para iparamdam iyon....

Inakbayan ko siya, dahilan para umusod ang pagkakasandal ng ulo niya, mula sa balikat ko... papunta sa may leeg ko.

HAYYY.... bakit ba kasi hindi nalang ako?

CHAPTER NINE

Mula nang magkwento sakin si Charmaine tungkol sa mga problema niya sa boyfriend niya, mas naging close na kami. Siguro kasi, naging komportable na siyang magkwento sakin. Ewan ko ba doon.... sabi ko nga sakanya, siguro mas gagaan yung loob niya kung sa iba nalang siya magkwento... yung sa magaling magbigay ng advice? Hindi tulad ko... ano nga ba namang mai-papayo ko sakanya, eh wala naman akong alam sa mga ganyang bagay. Pero sabi niya, okay lang daw. Okay lang daw, kasi nasasandalan niya naman ako. Kinilig naman ako.... pero mali bang KILIGIN? Porket ba may boyfriend siya, mali nang KILIGIN? Etong tatandaaan niyo ah....

LIBRE ANG KILIGIN.

Nga pala, feild trip namin ngayon. At kahapon palang, nag usap na kami ni Charmaine, na tabi kami ng upuan sa bus. Kaya eto ako ngayon....

Hinihintay na bumagsak ang ulo ng natutulog na Charmaine, sa aking balikat.

gandang ganda ka naman ata sakin. Bigla siyang nagsalita, sabay tingin ng nakakaloko sakin. Abat gising pala! Nahiya naman daw ako, kaya agad kong iniwas ang tingin ko sakanya. Tumingin nalang ako sa bintana.

tsss... binabantayan lang kita. Baka kasi biglang tumulo yung laway mo, diba... para pupunasan ko na agad. Nakakahiya naman kung makita nilang tumutulo yung laway mo, diba? palusot ko pa. Ayaw yata akong saniban ng talent ko sa pagpapalusot ngayon.

Sus, ang daming sinabi. Tapos, pumikit na siya ulit. At kahit nahuli na niya kong tumitingin sakanya....

Pagmamasdan ko siya ulit.

Bakit ba?!...

LIBRE DIN ANG TUMITIG.

~~ Hindi ako masyadong natuwa sa pinuntahan namin. Eto kami ngayon sa laboratory ng FDA. Kanina pa nila kami pinapasilip sa microscope ng ibat ibang klaseng mikrobyo.... at utang na loob, maarte na kung maarte... pero kinikilabutan ako sa itsura ng mikrobyo. At eto ah.... si Charmaine, ayun aliw na aliw!

Quen, halika dito nakita mo na ba to?! tinuturo niya pa yung microscope. At ako naman, kahit na hindi ako nag e-enjoy.... syempre kunwari naaaliw din ako.

Ah oo, ang ang ang..... hmmm... ano bang best word para i-describe ang mikrobyo? Bahala na... ang cute! seriously Quen, ang cute?!

cute? Haha... ang weird mo talaga. Tapos, sumilip na ulit siya. Quen, nakita mo na ba yung andun sa kabilang room? biglang tanong niya, habang naka-silip padin sa microscope.

ha... hindi eh. Ano bang meron dun?

hayy nako, hindi ka sumusunod kay ateng tour guide! Tara dali, papakita ko sayo. Tapos hinila niya na ko palabas. Naman eh.... ayoko namang makakita ng mas madami pang kung anu ano!! Pero dahil hawak ni Charmaine ang kamay ko... sige, susunod nalang ako.

~~ Pabalik na kami ni Charmaine ngayon sa room na pinang-galingan namin kanina. Nakaka-pagtaka lang, kasi parang biglang tumahimik.

hala asan na sila?! agad kaming tumingin sa paligid. Wala nang tao dito sa lab! Nag-ikot ikot pa kami, pero wala na talaga yung mga kasama namin! Ayan, nagpa-panic tuloy si Charmaine. Ako naman, itinuloy ko lang ang paghahanap. Tapos, napadaan ako sa may bintana at nakita ko yung bus namin, na papa-alis na!

Charmaine, ayun sila o.... papa-alis na! Tara dali! this time, ako naman ang humila sa kamay niya.

Todo na yung pagmamadali naming makababa. Pero pagdating namin doon.... Wala nang bus.

shit! Kasalanan ko to eh... sana hindi nalang tayo humiwalay sakanila! hinampas hampas pa niya yung ulo niya. Kung ako lang ang tatanungin, parang medyo natutuwa nga ako na naiwan kami ng bus. Bakit? Kasi UNA, hindi ko naman talaga gustong sumama dito. Required lang kaming lahat na sumama. PANGALAWA, nahihilo ako sa amoy ng bus na yon... ang tapang ng air freshener ni manong driver. At PANGATLO, kasama ko si Charmaine. Oo, kanina pa kami magkasama. Pero ngayon.... kaming dalawa lang.

tama na yan. Okay lang yun, wag nating sayangin ang araw na to.Inilahad ko yung kamay ko sakanya.... pero parang nag aalangan siyang abutin. trust me. Mas inilapit ko pa.

Hindi siya nag-salita.... inabot niya nalang. Tapos, umalis na kami.

At alam niyo kung saan nakaratng ang pagtitiwala niya sakin?.....

Sa MALL. Hahaha.

Hindi naman ako nagsisisi na dinala ko siya sa MALL. Kasi halata namang sumaya siya. Sabi ko nga kanina, tawagan namin yung mga kasama namin para alam nila... at alam niyo kung anong sabi niya?....

wag na. Naka-pirma naman tayo sa attendance eh.

Kung naririnig niyo lang talaga.... kumakanta ang kalooban ko! haha. at habang naglalakad kami sa mall, bigla kong naalala....

Hinawakan nga pala ni Charmaine ang kamay ko.

Kaya naman habang hindi siya naka-tingin, pasimple kong inaamoy yung kamay ko na hinawakan niya. Gusto ko sanang sabihing mabango... pero ayoko namang ipilit na may naaamoy talaga ako. Wala naman kasi talagang amoy. NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT..... iyon parin ang kamay na hinawakan ni Charmaine. wag na kayong kumontra, dahil sa pagkaka-alam ko....

LIBRE DIN NAMAN ANG UMAMOY.

~~

Nang-galing na kami sa mall.... kung anu-ano nang ginawa namin. Si Charmaine, nakaka tuwa... sobrang babaw pala ng kaligayahan niya. parang lahat nalang ata ng spot sa mall, gusto niya meron siyang kuhang picture doon. Siguro kung lahat lang ng tao, ay kasing babaw ng kaligayahan niya.... kabilang na siguro ang MALL sa listahan ng mga tourist attractions sa bansa. HAHA. at hindi lang Mall..... pati narin sa park!

Oo, tama.... andito kami ngayon sa park. Malapit lang to sa bahay namin, pero sabi niya... ayaw niya pa daw umuwi. Ayan siya, pini-picturan ang sarili sa tabi ng slide.

akin na nga yan.... silde ka dali, kukunan ki ta habang nag s-slide!Sabi ko sakanya, bilang hirap na hirap na siyang kunan ang sarili niya.

sige, gandahan mo ah! at pumwesto na nga siya sa ibabaw ng slide... 1........2........3 and......

SLIDE!!

Ayun, ang ganda ng kuha ko. Ay mali! Si Charmaine lang pala yung maganda, pangit pala yung kuha ko! HAHA. Pero hindi niya na pina-ulit sakin... ang ganda daw ng rehistro ng blur sa camera.

nakaka-miss maging bata no? Nakaka-miss yung maglaro sa mga ganito. Sabi niya, habang pinapadulas ang kamay sa slide. Siguro kung titignan sa microscope yung kamay niya, panay germs na yun. Parang nawala na kasi bigla yung pakialam niya sa mundo, nung maka-kita siya ng playground.

bakit, sino bang may sabing bawal na tayong maglaro sa playground? sabi ko, tapos binigyan niya ko ng nawiwirdohang look. tara, laro tayo!! na-upo ako sa isang dulo ng seesaw.... st si Charmaine naman, i-iling-iling pero sumakay din naman. Haha. At dahil mas mabigat ako sakanya, kailangan ko pang ipadyak ng buong lakas ang mga paa ko, para lang umangat ako. mukhang napapansin naman ni Charmaine, na mahirap gawin iyon kaya.... wag na nga tayo dito... doon tayo sa swing! tapos bigla siyang tumayo nang hindi pa ko handa! Ayun, bumagsak tuloy ang pwet ko sa lupa. ANG SAKIT!!!

HAHAHAHA, naku sorry! nag sorry nga, pero wagas naman ang tawa....ang tanga mo naman! Sabi ko tara na eh, hindi ka pa agad tumayo! Hahahaha. Ganoon ah.... lagot ka sakin!

ah ganoon? Tumakbo ka na Charmaine, at kapag nahuli kita.... isasakay kita ulit sa seesaw, at pwet mo naman ang lalagapak! nagsimula na siyang lumayo! At ako naman, eto.... medyo natagalan sa pagtayo, kaya malayo-layo na ang hahabulin! Pero di bale.... mabilis akong tumakbo, mahuhuli din kita Charmaine!

pagod na ko Quen! sigaw niya, pero syempre hindi ako papayag.... hinabol ko parin siya! Quen, tama na! anong tama na ha, eto na ko lagot ka sakin! hahaha.

Tuloy lang kami sa paghahabulan.

Tapos ang nakaka-tuwa pa....

BIGLANG UMULAN.

Pero, parang wala naman kaming pakialam ni Charmaine. Tuloy lang kami sa ginagawa namin.

Lumakas pa lalo ang ulan, at ayan si Charmaine... parang nanunukso pang habulin ko pa siya. Parang nadidistract naman ako, kasi kitang kita ko yung pagkakahapit ng damit niya sa katawan niya. Ang SEXY niya lang. Napa-isip tuloy ako... Bakit kaya ngayon pa umulan kung kailan nage-enjoy kami sa paghahabulan ni Charmaine? Siguro merong hawak na camera si Lord, at kinukunan kami ng video. Siguro, meron siyang pine-play na music sa langit para sadyaing mag-mukha kaming MUSIC VIDEO ni Charmaine. Tumakbo ulit ako para hulihin si Charmaine.... Hindi na sa parehong dahilan ng paghahabol ko sakanya kanina. Kundi sa dahilang.....

Wala namang music video na panay habulan lang ang nangyari.

At eto na nga....

NAHULI KO SIYA.

Nang mahuli ko siya, kiniliti ko siya sa tiyan kaya tawa siya ng tawa. Tapos, pinapalo na niya yung braso ko... at pinipilit na kumawala.

Quen, tama na nakikiliti ako! haha. ang cute niyang makiliti... nawawalan siya ng mata. At dahil sinabi niya, tinigilan ko na nga.

Basang basa na kami pareho.

Pero bakit ganoon? Bakit parang merong pumindot ng pause? Tumigil kami pareho. Naka-tingin lang siya sakin. Napa-isip nanaman ako... kung magtititigan lang kami, paano na ang music video ni Lord? Kaya naman napagpasyahan kong ako nalang mismo ang pipindot ng PLAY.

At nang walang anu-anoy....

Sinunggaban ko siya ng halik sa labi.

Hindi siya gumagalaw.... pero hindi rin naman siya lumayo. Oo, nilalamig ang buong katawan ko dahil pareho na kaming basang basa sa ulan... pero sapat na ang init na mula sa mga labi ni Charmaine, para mainitan ang buong katawan ko.

Naka-hawak ako sa baywang niya.

Sa mga sandaling ito, ayoko na munang isipin kung tama ba, o mali tong ginagaw a ko. Siguro saka ko nalang haharapin yon. Pero sa ngayon.... eto na ko eh. This time, wala na ang nanay ko para sirain ang moment.... ibigay niyo nalang sakin to.

At ikinagulat ko pa nang biglang tumugon siya sa mga halik ko. Ramdam na ramdam ko ang mga galaw ng labi niya, na sumusunod sa galaw ng sakin. Ramdam na ramdam ko ang pag pulupot ng mga kamay niya sa leeg ko..... Ramdam na ramdam ko siya.

Ramdam na ramdam ko din ang paglipat ng isang kamay niya sa pisngi ko na para bang mas hinihila ako papalapit. Mas lalo ko nalang ninamnam ang sandali.

At hindi ko alam kung bakit kung kailan ramdam na ramdam ko na siya, bigla namang.....

mali to. Pinutol niya ang halik. Kasabay nun, ang pagtulo ng mga luha niya. sorry.. i-iling iling pa niyang sabi.

No... Im sorry. Sabi ko, sabay hawak sa mga kamay niya. Ilalapit ko na sana yung kamay ko sa mukha niya, para punasan ang mga luha niya... kaya lang, bigla na siyang tumakbo palayo. At isa pa, umuulan nga pala... ang tanga ko naman kung natuloy yung pagpunas ko sa luha niya. Ay ano bang pinagsasasabi ko, AARRRRGGHHHH!!!

Ayun siya, tumakbo na palayo. Hindi man lang lumingon. Naiwan nalang akong hinahatid siya ng tingin.

~~ Dear Math notebook,

Ang kalahati ng araw na ito, ay ang pinaka masayang kalahating araw ng buhay ko. Para akong bata na sobrang pinasaya ng mga maliliit, pero LIBRENG mga bagay sa buhay. Ikinasaya ko ang LIBRENG pagtitig sakanya habang natutulog. Ikinasaya ko ang pakiramdam ng kiligin ng LIBRE, sa mga simpleng salita na mula sakanya. ikinasaya ko ang LIBRENG pag amoy sa kamay kong hinawakan niya. At higit sa lahat, Math notebook..... ikinasaya ko ang paghalik sa mga labi niya. Yung HALIK niya kaya, Math notebook....... kailan magiging Tama?....... Kailan magiging LIBRE?

Libreng nangangarap, Quen. CHAPTER TEN

Pagkatapos ng halik na iyon, nagbago na ang lahat. Hindi ko na napapaniginipan ang alalay kong si Paeng/Dj... hindi na ko madalas lumabas ng bahay... at hindi na din kami nag uusap ni Charmaine. Kung dati, palagi kaming magkatabi ng upuan sa klase, ngayon.... nasa magkabilang dulo na kami ng Classroom. Medyo mahirap, kasi nga magka-klase kami sa halos lahat ng subjects. At parang na dodoble pa ang bigat ng nararamdaman ko, tuwing aksidente kong makikita si Paeng sa labas ng bahay namin kapag hinahatid niya si Charmaine.

Oo, nagka-ayos na sila. Siguro hindi na nabanggit ni Charmaine sakanya yung nangyari saamin, kaya nagkaayos sila agad. Pero, sino ba naman ako para makialam diba? Kahit naman hindi na kami nag-uusap, itinuturing ko parin namang kaibigan si Charmaine. At bilang mabuting kaibigan... pinipilit ko nalang na maging masaya para sakanya. Eh isa lang naman ang karamay ko sa buhay eh. Isa lang naman ang palaging nandiyan, na walang sawang dinadamayan ako sa bigat ng nararamdaman ko.....

Si Math notebook.

And speaking of Math notebook, asan na ba yun? bakit wala sa bag ko?

Umakyat ako sa kwarto, para hanapin si Math notebook, pero kahit saang sulok ng kwarto.... walang Math notebook na naligaw. Asan ka na, Dear Math notebook? Paano na ko ngayong hindi kita mahanap? Sinong ku kwentuhan ko ng mga pangyayari?!

~~ Ano ulit Pare, Naghalikan kayo?! agad kong tinakpan ang bibig ni Sam. Sinasabi ko na mali tong desisyon kong mag kwento sakanya eh...

ssshhh!!! Ano ba, baka marinig ka ni Aling Josie! Saka ko lang inalis ang kamay ko sa bibig niya. Eh diyos ko, napaka tsismosa kaya niyan ni Aling Josie. Siya nga diba kasi ang number one source ng tsismis dito sa barangay.

Gulat na gulat naman si Sam. Duh, lalaki ako no.... GWAPO pa. Ano namang kagulat-gulat doon?

eh gago ka pala eh! Syempre lalayuan ka nun, halikan mo ba naman eh! Pasalamat ka nga, walang boyfriend na sumugod sayo para suntukin ka bigla sa mukha! ayan nanaman siya.... paki paalala nga sakin kung bakit wala akong masyadong friends eh ang gwapo ko naman!

Oo alam kong mali, pare... pero humalik din siya!

yan ang hindi ko masasagot. Alam mo kasi Pare, yang mga babae... mahirap intindihin yang mga yan eh. Minsan akala natin ganito, tapos iba palang ibig sabihin sakanila. Kung tayong mga lalaki... black and white lang. Sila, madami. Buong rainbow colors. Alam ko naman yun.... DUH, lumaki yata ako sa araw araw na pag talak ng nanay ko. Hindi na niya dapat ako pinapa-alalahanan tungkol diyan. Kinailangan ko lang naman ng mapagsasabihan. Otherwise, walang malalaman to si Sam.

kung makapagsalita ka naman pare, alam na alam mo eh no. Pagka-sabi ko nun, nawala nanaman ang atensyon ko kay Sam kasi nakita kong pumarada bigla ang sasakyan ni Paeng. Teka, nasabi ko bang dito kami nagku-kwentuhan sa tapat ng tindahan ni Aling Josie? So Ayun na nga, bumaba na si Charmaine.... bumaba na din si Paeng. Tapos....

Napa-tingin dito si Charmaine.

Nagka-tinginan kami sandali, pero binawi din niya agad. Humalik sa pisngi niya si Paeng tapos, pumasok na siya sa loob ng gate. Tapos kung kailan naman pabalik na sa loob ng kotse niya si Paeng, bigla siyang napatingin dito. Syempre, iniwas ko na ang tingin ko. Si Charmaine lang naman ang gusto kong makita eh. Wala naman akong pake kay Paeng.

Ui Quen, kamusta! At nangyari na nga ang iniiwasan ko. Lumapit na nga dito si Paeng, at ngiting ngiti pa sakin. Mukhang hindi nga talaga nabanggit sakanya ni Charmaine yung tungkol sa... alam niyo na yun!

ay, ayos naman Paeng... ay este Dj. syempre nginitian ko na din kahit na hindi naman talaga ako natutuwang makita siya. nga pala, friend ko... si Sam. Dj pare. Kinamayan niya si Sam. nga pala... birthday party ko sa Saturday, gusto ko sana kitang imbitahin, Quen. Ano daw?

Nagkatinginan kami ni Sam.

Syempre andun din si Charmaine.... naku, hindi naman yun matutuwa na makita ako doon.

sige na Pare, masaya yun! saka nakwento ka sakin ni Charmaine, sabi niya mabait ka daw na kaibigan sakanya. Sumama ka na din, Sam. Tsk tsk, Paeng... kung alam mo lang kung anong nangyari, malamang hindi mo gugustuhing mag show up ako sa party mo! Oh Paeng, Paeng na walang malay.

Pero napa-isip ako....

Minsan nang umiyak si Charmaine, dahil sa pagpapahiya ng pamilya ng lalaking to. Kung andun ako, hindi ko hahayaang mangyari ulit yon! Kaya para kay Charmaine...

o sige na nga pare, saan ba? bigla akong tinignan ng masama ni Sam sa sinabi ko. Pero syempre... binigyan ko nalang siya ng maki-sakay ka nalang look. I need him to shut up, dahil may bagong ilaw akong light bulb sa ulo.

yon! haha. bigay mo nalang sakin number mo, itetext ko nalang sayo nakipag-apir pa siya sakin. syempre, kahit ayoko... nakipag apir nalang din ako.

Binigay ko nalang ang number ko, tapos nagpaalam na din siya.

bakit ka pumayag?! binatukan ako bigla ni Sam. Medyo masakit, pero dedma nalang ako.

para kay Charmaine. sagot ko, na sinabayan ko pa ng dahan-dahang pagtingin sa langit. I know right, para kong bida sa teleserye. Sabayan niyo nalang ng nakakabuhay pag-asang sound effects.

Binatukan nanaman ako ni Sam.

loko ka! ano, mag eeskandalo ka doon? Susulutin mo?! Ang O.A niya ah... this time, ako naman ang bumatok sakanya.

nakakarami ka na ah. Gago! Syempre hindi! Ganun na bang tingin mo sakin pare?! Ah basta... samahan mo nalang ako sa party na yon.

~~ Gabi na, pero hindi parin ako maka-tulog. Mula kasi noong layuan ako ni Charmaine, palagi parin akong sumisilip sa bintana at umaasa na sisilip din siya at kakaway saakin, tulad ng lagi niyang ginagawa dati. At kahit gabi-gabi akong nabibigo sa kahihintay.... wala parin akong balak tigilan iyon.

Ang dami ko din kasing iniisip. Yung birthday party ni Paeng... kung nasaan na ba si Math notebook... at syempre, si Charmaine.

Kinuha ko yung gitara ko, at kumanta nalang muna ng kantang ako mismo ang nagsulat... sa buhay natin, ako si Tanga... Syempre, ikaw naman si Maganda... Ang hirap abutin diba?... Lagi nalang bang titingala?...

Sa gitna ng pagtugtog ng corny ngunit madamdamin kong composition, biglang may kumatok sa pintuan ko...

*tok* *tok*

ano po yon? tinatamad akong tumayo, kaya tinanong ko muna.

anak, may pinapabigay sayo si Thelma. Sigaw ni Mama mula sa labas ng pinto ko. ano daw? May pinapabigay sakin ang nanay ni Charmaine?

Agad akong tumayo, para pagbuksan ang nanay ko... tapos ngiting ngiti pa niyang inabot sakin ang isang bagay na hindi ko alam kung ikakatuwa kong nang-galing kay Tita Thelma... Si Math notebook.

Pagka-kuha ko nun, bigla kong pinagsarhan ng pinto ang nakangiting mukha ng mama ko. bakit ganun nalang siyang maka-ngiti sakin? Hindi kaya binasa niya si Math notebook? Hay naku, saka ko na aalamin... Excited na kong mag-kwento kay Math notebook!

Agad kong binuklat ito sa pahinang sa pagkaka-alam ko, ay ang pahinang huling sinulatan ko. bumuklat pa ko ng isa pa at....

Dear Quen,

Naiwan mo to sa school kanina. Hindi ko naman talaga gustong basahin yung laman... kaya lang, paano ko malalaman kung kanino? Kaya naman itinuloy ko nalang ang pagbabasa. Pero dont worry... hindi ko naman binasa lahat.

Habang binabasa ko to, napa-ngiti ako Quen. Natutuwa ako na sobrang pinahahalagahan mo pala ako. Napapangiti ako, kada maaalala ko yung mga pinagsamahan natin. At Quen, alam mo naman kasing may boyfriend ako. Pero hindi ko na itatanggi...

Aaminin kong, meron din akong nararamdaman para sayo. Kaya nga sana, maintindihan mo kung bakit iniiwasan ko nang makipag kita sayo. Ginagawa ko yun para patayin ngayon pa lang, kung ano mang itong n araramdaman ko para sayo.

Nagka-ayos na kami ni Dj... ipinaglaban niya ako sa pamilya niya. Hindi na siya babalik ng states para sakin... Pinilit niyang matanggap ako ng pamilya niya. Sobrang dami na niyang isinakripisyo para saakin. Kaya hanggat maaari, gusto ko sanang suklian lahat ng iyon. Ayokong masaktan siya.

Mahal kita, kaibigan. Sana talaga naiintindihan mo. Masaya akong nakilala at naging kaibigan kita.

Nagmamahal, Charmaine.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko, kung bakit biglang may pumatak na luha sa magandang sulat ni Charmaine. Wait, umiiyak ako? marunong ba ko nun? Wow Charmaine, sayo palang ako nagka-ganito. Ang sakit pala.

Dear Math notebook,

Grounded ka. Mula ngayon, hindi ka na makakalabas sa kwartong ito. Tinraydor mo ko Math Notebook. Bakit mo sinabi kay Charmaine lahat ng mga sikreto natin? Alam ko namang notebook ka lang (no offense), pero sana maintindihan mo na dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.... kailangan ko ng masisisi. At oo ikaw yon. Sinisisi kita, dahil tatanga-tanga kang nahulog sa bag ko kanina sa school. Pasensya na, pero ang sakit kasi. Ngayon alam ko na.

Friendzoned, Quen.

CHAPTER ELEVEN

Niyayakag akong mag-cutting classes nina Sam at James. Pero sabi ko.... HINDI. Sabi ko, paninindigan ko na yung mga sinabi kong magbabagong buhay na ako. kahit naman kasi lahat ng ito ay para talaga kay Charmaine, naisip ko... bakit hindi ko nalang gawin para sa sarili ko? Oo, promise totoo, sinabi ko talaga yan! Oo na, hindi bagay sakin, pero gusto ko nang magbago. At isa pa... naniniwala parin akong hindi pa huli ang lahat, at may pag asa pang maging kami ni Charmaine!

YUN YUN EH.

At dahil nga tumanggi ako, eto ako ngayon.... naghihintay na may matutunan sa Human Studies class. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong i-take up tong subject na to eh... pag eto lang talaga, hin di ko nagamit sa buhay balang araw... babalikan ko ang prof ko dito, ipapasok ko sa loob ng sako, tapos sasabihan ko ng...

walanghiya ka! Hindi ako naka-sama sa gimik ng mga kaibigan ko nung college, dahil sa pag-pasok sa subject mong yon... tapos hindi ko naman pala magagamit sa buhay?! - ayan. Oo, kalokohan na kung kalokohan.... basta dapat may mapala ako sa klase kong to.

Habang naghihintay na may matutunan, hindi ko naman inaasahang hindi pa pala didiretso sa pagtuturo ang nakaka-antok naming prof. Yung tipong galit na, nakaka antok parin? Yung tipong parang nananapak ang mga salita?... sinasapak ka, patulog. Hay nako, enough of my prof. Anyways, ayun nga. Bigla niyang naisipan na baguhin ang seatplan namin. Gusto niya daw kasing arrangement, yung alternate gender. Ibig sabihin... babae ang makakatabi ko. Isang maswerteng babae, at kung papalarin... yung magpapakopya sana. At sana naman huwag si....

Wag kang kabahan Quen.... madami kang iba pang ka -klaseng babae. Malayong maging magkatabi kayo ni Charmaine! naka-pikit ko pang bulong sa sarili ko.

Enrique Gil, dun ka sa dulo. Ayun tinuro na niya, kaya agad na rin akong pumunta doon.

tapos... hmmm... ikaw Charmaineryn Rasos..... sa tabi ni Gil. Napa-tingin ako bigla kay Charmaine na talaga namang gulat na gulat. Parang hinihintay niyang ulitin ng Prof ang sinabi nito. Kakasabi ko lang diba? Ano ba to... may hawak nanaman bang camera si Lord, at pinaplano ang mga nangyayari?

Well, hindi ko naman sasabihing ayoko siyang maka-tabi... DUH, mahal ko kaya. At sa pagkaka-assign niyang maupo sa tabi ko, inisip ko nalang na para-paraan yun ni tadhana para magka-lapit kami ulit. Tutal, meant-to-be nga kasi kami. Ang positive thinker ko talaga!

Pero ang tanong, gusto ba niya akong maka-tabi?

Sumunod na din naman si Charmaine, at naupo na nga sa tabi ko. Pero hindi niya ko tinitignan... kaya ayun, ke AWKWARD nanaman.

sandali lang class, I will be right back. At lumabas muna ng pinto yung Prof namin na nakalimutan ko kung anong pangalan. Hehe.

Inaasahan ko nang lilipat ng upuan si Charmaine habang wala pang prof... Pero HINDI. Hindi siya umalis sa tabi ko. Syempre pagkakataon ko na tong makausap siya! Hindi ko na palalampasin to!

At habang nag-iisip ng mga tamang salita para sabihin sakanya.... biglang may naramdaman akong isang bagay na hindi ko inaasahang maramdaman, ngayon pa talaga kung kailan napaka-lapit na saakin ni Charmaine. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, o sadyang napa-rami lang talaga ang kain ko kanina.

BIGLANG SUMAKIT ANG TIYAN KO.

Pigil na pigil akong may lumabas na hindi ka nais nais mula saakin. Pero kilala ko ang sarili ko. Alam ko na sa mga pagkakataong ganito, the more na pigilan ko... lalong lalabas. At pag lumabas...

MALAKAS. DEADLY. Napa-isip ako bigla.... paano kung hindi ko mapigilan? Paano kung marinig, maamoy, masinghot, o maramdaman iyon ni Charmaine?

HINDI KO NA KAYA TO.

Kaya naman agad akong tumayo, at naglakad papunta sa may pinto.

Hindi naman nasayang yon, dahil habang naglalakad ako papunta sa may pinto, naka-isip ako ng isang bright idea...

*Ppprrrrrrrrrfffffffffffttttttt* (alam niyo na naman siguro kung ano yan?)

AYUN, isinabay ko sa pagbukas ko ng pinto ang paglabas ko niyan. HAHAHA. ang talino ko! Buti nalang tunog pinto ang inilabas ko! Kaya lang may problema...

Yung mga ka-klase kong naka-upo malapit sa pinto, nagsi-tinginan lahat saakin.

anong nangyari? Diba wala namang tunog yang pinto na yan?

Oo nga! Bakit nung siya yung bumukas, biglang tumunog?

-tanong ng dalawa kong ka-klaseng tanga. Syempre papayag ba ko na malaman nila kung ano talaga yung tumunog?

binigla ko kasi yung pagbubukas ng pinto, kaya siguro tumunog. Sabi ko nalang sakanila. Eksakto namang bigla na ding pumasok yung prof namin, kaya syempre babalik na ulit ako sa tabi ni Charmaine. Tapos na naman ang business ko dito. Pero habang pabalik ako sa upuan ko... mukhang nagdududa parin talaga yung mga nakadinig.

Gusto ko sanang bumalik doon, at sabihin sakanilang... pwede ba... just drop it!! kaya alang ayan na si Prof.... magsisimula na ng klase.

~~

At dahil nga hindi na ko nagkaroon ng pagkakataong makausap si Charmaine habang nagka-klase si Ms. Moran. (Ayan, nag effort akong alamin ang pangalan ng prof namin para ipa alam sainyo. Ang pangalan niya ay Ms. Moran.... Kristina Moran. Hahaha, ewan ko bat ang sagwa sa tenga, kayo nang tumuklas kung bakit.) Kaya ayun.... eto ako ngayon, nagmamadaling lumabas ng classroom para sundan si Charmaine...

Charmaine!... Charmaine! naabutan ko naman siya agad, at hinawakan ko siya sa braso.

o Quen... ano? halatang ayaw niya talaga akong makausap... pero wala akong pakialam. Nami-miss ko na kaya yung kulitan namin.

talaga bang iiwasan mo nalang ako? magka-klase tayo sa halos lahat ng subjects, Charmaine... magkapit bahay pa tayo. Magka-tapat pa ang bintana ng mga kwarto natin.... hindi ganun kadaling iwasan ako. marami na ding mga taong dumadaan ang napapa-tigil, para makinig sa usapan namin. Hahayaan ko nalang, ngayon lang ata nakakita ng maganda at gwapong nag-uusap.

hindi talaga madali, kung lagi mo akong susundan.... hindi ko na siya pinatapos...

hindi ba pwedeng kalimutan nalang natin yung nangyari? Hindi ba pwedeng kalimutan mo nalang y ung mga nabasa mo sa diary ko?sinusubukan kong hinaan yung boses ko dahil madami talagang mga tsismoso sa paligid.

please Quen... wag mo na kong pahirapan. Naniningkit yung mga mata niya, na para bang iritang irita siya sa ka-kulitan ko... dahil doon, binitawan ko nalang siya... at ayun nga, naglakad na siya palayo. Nag-paiwan nanaman ako.

Kahit na gusto ko siyang sundan....

Kahit na gusto ko siyang sabayan sa paglalakad...

Hindi para kulitin siya ah. Eh magka-klase parin kaya kami sa susunod kong klase! At male-late na ko! kaya naman para sakyan ang drama... umikot pa talaga ako, at sa kabilang direksyon nalang dumaan.

~~ Dear Math notebook,

Inamin na saakin ni Mama na binasa ka niya. ikaw ah... hindi mo lang ako kay Charmaine binuking, pati na din sa Mama ko! kaya pala panay ang ngiting nakaka-loko saakin ni Mama! Kulang nalang, sabihin niya ng harapan sa mukha kong.. YIIIEEEEE INLAB ANG ANAK KO!!! eh hindi ko naman masabi sakanyang nag -iiwasan kami ni Charmaine. baka kasi makialam pa siya. Naku Math notebook.... mula ngayon, ikakandado na kita sa treasure box ko!

Nga pala Math notebook, sa tingin mo... hanggang kailan kaya kami ganito ni Charmaine? Yung ang lapit lapit niya na nga saakin, pero parang ang layo parin. Pagod na pagod na ko, Math notebook. Pagod na pagod na akong maghintay ng isa pang jeep dahil lang naunahan akong sumakay ni Charmaine, sa jeep na nasa harapan ko. Pagod na pagod na akong maghintay na bumukas yung kabilang elevator, dahil lang nasa loob ng unang elevator si Charmaine. Pagod na pagod na ko Math notebook! Pagod na pagod na kong pagbigyan siya sa hiling niyang mag iwasan kami!! Gusto ko siyang puntahan! Gusto ko siyang kausapin!

Tamang tama Math notebook.... bukas na nga pala yung birthday party ni Paeng. At mukhang hindi alam ni Charmaine, na imbitado ako. Doon... doon ako hahanap ng pagkakataon, para makausap siya ng maayos. Hindi naman ako gagawa ng kahit na anong makakasira sakanila ni Paeng eh.... kahit naman kasi mahal na mahal ko siya, hindi ko naman magagawa iyon. Basta ako.... gusto ko lang bumalik yung pagkakaibigan namin. Yun lang, masaya nako.

Pagod nang mangulila, Quen. CHAPTER TWELVE

Wow pare, ayos ba tong mga soot natin? bulong ni Sam, habang naglalakad kami papasok sa napaka-laking mansion ng pamilya ni Paeng. Para kasing nagkulang kami sa ayos. Nakaka-hiya, kung ikukumpara mo sa mga soot ng iba pang mga imbitado. Pero dahil hindi naman ako nandito, para pumorma at makipag-sosyalan...

Ayos lang yan pare... sabi ko nalang, kahit na sa loob loob ko ay medyo nahihiya din ako sa soot ko.

Itinuloy nalang namin ang palalakad, syempre para hanapin at mabati ang celebrant. Habang ginagawa iyon, hindi ko maiwasang ma-mangha sa mga nasa paligid ko. Ang laki ng bahay, Merong pool, English speaking ang mga tao, Ang daming pagkain.... yun bang mga bagay na kahit kailan, hindi ko kayang ibigay kay Charmaine? yung mga bagay na hindi ko aakalaing pagmamay-ari pala ng alalay ko sa mga panaginip kong si Paeng.

Quen! And speaking of Paeng...

Ui, pare.... happy birthday! Pasensya na ah... hindi ko naman alam na ganito pala ka pormal dito. sabi ko, habang nakikipagkamay sakanya.

Ano ka ba, okay lang yun no... salamat naman at naka -punta kayo.Pormal na pormal din ang soot niya. Hindi ko naman itatanggi na bagay na bagay ito sakanya... pero huh! May ganyang damit din naman ako sa bahay.... at bagay na bagay din sakin!

happy birthday pare! si Sam naman ang bumati...

salamat, salamat.... oh pano, aasikasuhin ko lang yung iba pang guests... kain lang kayo ah.. magpapaalam na sana para umalis si Paeng ng biglang....

Dj! tawag sakanya ng isang napaka-gandang nilalang, na lalo pang gumanda sa soot niya.

NAPA-TULALA AKO.

Pero dahil siniko ako ni Sam, hindi naman ako nagmukhang kahiya-hiya sa mga mata ng mahal ko. Pero syempre, hindi niya inaasahang makita ako dito. kaya naman...

Happy birthday! humalik siya sa pisngi ni Paeng, at saka ibinalik ang tingin saamin ni Sam... with matching kunot noo.

Anong.... hindi na siya pinatapos ni Paeng.

inimbita ko sina Quen at Sam... oh pano mga pare, hindi pa yata kayo kumakain... kuha lang kayo doon ah. Tinapik pa niya ko sa braso, at saka umakbay kay Charmaine at sabay na silang naglakad papunta sa iba pang mga guests. At habang naglalakad sila palayo saamin....

LUMINGON SI CHARMAINE.

Lumingon siya sakin. anong ibig sabihin nun? Ang POGI ko?

~~ Ano bang masasabi ko? napaka-boring ng party na to. Ganito ba talagang mag party ang mayayaman? Kanina pa ko kain ng kain dito... naiinip na ko!

Pare, maghintay ka lang dito ah. Bulong ko kay Sam, na paspas ang paglapa. Tumayo na ko, dahil hindi talaga ako mapakali.

teka, saan ka pupunta? hinawakan niya pa ko sa braso, para pigilan sa pagtayo. Hindi ko na kayang maghintay! Gusto ko nang makausap si Charmaine! tamang-tama... maganda ang tugtog. Kung papayag siya, yayayain ko siyang sumayaw.

Ah ano... kukuha lang ako ng drinks para sating dalawa, hintayin mo ko ah. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Mukhang naniwala naman eh... umalis nalang ako.

Nanggaling na ko sa loob ng mansion, pero walang Charmaine doon. Galing narin ako sa garden, pero wala paring Charmaine doon. Sa may pool din, pero wala talaga akong nakitang Charmaine.

Pabalik na sana ko kay Sam, nang biglang may nahagip ang mga mata ko... Talaga bang ayaw ipahintulot ng tadhana na magka-usap kami ni Charmaine? kanina pa ko hanap ng hanap sakanya, tapos ayan lang pala siya...

Isinasayaw ni Paeng.

Bakit ganun? Sa panaginip ko, kami ni Charmaine yung nagsasayaw tapos si Paeng yung tumutugtog ng violin. Sa panaginip ko, kami ni Charmaine ang masayang kumakain tapos si Paeng yung waiter namin.

HAYYY, siguro panahon na talaga para tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanang masaya si Charmaine kay Paeng, at ang katotohanang gwapo ako, at marami pang babaeng magkakagustot magkakandarapa saakin.

Siguro yayayain ko nalang umuwi si Sam.

~~ Hindi naman siguro masamang mag-take out ng pagkain diba? Napaka-rami namang handa. Hindi naman siguro ka-bawasan sakanila kung mag-uuwi ako ng kaunti, para sa Mamat Papa ko.

pare, ibuka mo yung supot! Eto kami ni Sam.... naka-pila sa pagkahaba-habang buffet table. At eto nga, ibinuka na namin ang baon naming supot para sandukan ng pagkain. Walang epal... LIBRE ANG PAGKAIN DITO.

At habang sumasandok ng pagkain... hindi ko maiwasang marinig ang usapan ng grupo ng mga matatandang babaeng nag-uusap sa bandang likuran namin. Habang nagsasandok si Sam, lumingon muna ako sandali dahil naiirita ako sa usapan nila. Para kasi silang nagpapa-yamanan.

Sam, tignan mo... ayun yung nanay ni Dj diba? tanong ko kay Sam. Agad din naman siyang napa-lingon sa itinuro ko.

Oo, ayan yung nag-welcome sa mga guests kanina... grabe, ang ganda ng nanay ni Dj no... kahit may edad na. Tapos, bumalik na ulit si Sam sa pagsasandok ng pagkain.

pinakilala saamin ni Dj yung girlfriend niya ah.... ang gandang bata. At mukhang magalang naman. Sabi nung isang babaeng kausap ng Mama ni Paeng. At dahil si Charmaine naman pala ang pinag uusapan nila.... hindi ko na napigilan ang sarili kong makinig.

Ay naku... maganda nga, eh wala namang kwenta ang pamilya. Alam mo bang anak lang ng palangkera yun? hindi ko nga maintindihan sa anak ko kung bakit sa dinami-dami ng babaeng nagkakagusto sakanya... ay talagang yun pa ang naging girlfriend! agad akong napalingon sa narinig kong yun. Mas lumapit pa ko sa mga nag-uusap na babae, at mas lalo ko pang pinag-igihan ang pakikinig.

ay talaga?! Naku, eh ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan at kamag -anak natin niyan? Okay lang sayo, na ganung klase ng babae ang gi rlfriend ng anak mo? sabi pa nung isang babaeng lampas lampas ang lipstick. Grabe naman silang makapag salita!! Parang gusto ko silang itulak sa pool, sa mga naririnig kong panlalait nila sa mahal ko!

syempre, hindi ako papayag no! Saka alam ko nama ng panandalian lang yan! Nangako sakin ang anak ko, na ipagpapatuloy niya parin ang pagaaral niya sa states. Syempre alam niyo na... konting panahon nalang, siya na ang mamamalakad sa company. Sabi pa nung mama ni Paeng, na hindi ko maintindihan kung bakit may dala siyang pamaypay... eh hindi naman mainit. Pero teka....

Anong ibig niyang sabihin? Akala ko ba, sabi ni Charmaine kay math notebook... hindi na babalik si Dj sa states? Anong pinagsasasabi ng matandang retokadang to? Ibig sabihin ba nagsinungaling si Paeng kay Charmaine?.....

Hayy nako, kailangang malaman to ni Charmaine! Bukod pa doon, kailangang ma-balaan ko siya, dahil mukhang may maitim na balak ang nanay ni Paeng!

Pare, pag-igihan mo lang ang pagsandok ah... libre yan kaya lubusin mo na! bilin ko kay Sam, tapos tumakbo na ko para pumunta kung saan ko huling nakita si Charmaine.

~~ Ui Quen! sandaling itinigil ni Paeng ang pakikipag sayaw kay Charmaine, nang makita niya ako. Syempre lumapit nalang ako... hindi na makakapaghintay tong sasabihin ko.

O pare, ano eh.... hindi na niya ako pinatapos magsalita...

Quen, may kailangan akong asikasuhin sa loob eh, pwede bang ikaw na muna ang magsayaw sa girlfriend ko... babalik din ako. sabi pa ni Paeng. Sige na nga tadhana, kaibigan na kita ulit.

Tinignan siya ni Charmaine na parang sinasabing wag mo kong iwan kay Quen, mahal ko yan... baka hindi ko mapigilan, at baka iwanan pa kita! walang epal... LIBRE ANG MAG ILUSYON. Syempre hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Charmaine. Agad ko nalang kinuha ang kamay niya, mula kay Paeng...

Sure pare. Ngiting ngiti pa ko.

At wala na ngang nagawa si Charmaine, kundi makipag sayaw saakin.

Hinawakan ko ang isang kamay niya, habang nasa may baywang niya naman ang isa ko pang kamay. Halata namang hindi siya komportable na naka-hawak siya sa isang balikat ko.

Dahan-dahan, sumunod kami sa mabagal na tugtugin. Nakatingin lang ako sakanya, pero hindi niya ako magawang tignan man lang. Bat ba?... pogi naman ako ah!

Ang ganda mo lalo sa soot mo. Hindi ko ata napigilan ang sarili kong humanga sa kagandahan niya.

salamat. Tipid siyang ngumiti, pero ramdam ko parin ang pagka-ilang niya. Pero Oy ah.... kinausap niya ko!

Okay, okay... kailangan ko nang sabihin sakanya ang mga narinig ko. Kayo naman.... na-miss ko lang naman talaga siya. Pero eto na talaga, EHEM....

babalik ng states si Dj. hindi na ko nagpa-cute pa. Agad ko nalang sinabi yan. Inaasahan ko nang hindi siya maniniwala kaya sinamahan ko na ng paliwanag... narinig ko yung paguusap ng Mama niya, saka ng mga kaibigan nito. Babalik sa states si Dj. At wag ka sanang magalit sa sasabihin kong to.... pero hindi ka niya gusto para sa anak niya.sinubukan kong sabihin iyan ng walang bahid ng ka O.A-an, pero bakit ganun?.... bakit parang hindi siya naniniwala saakin?

nangako sakin si Dj... hindi na siya babalik dun. Saka ano bang pinagsasasabi mo? Tanggap nako ng mga magulang niya. matigas pang pagkakasabi niya na para bang siguradong sigurado.

narinig ko yung pag-uusap nila! maniw..... hindi na niya ako pinatapos. Bigla niyang binitawan ng padabog ang kamay ko.

grabe Quen. bakit ba kasi hindi ka nalang maging masaya para sakin? sabi niya, tapos....

NAG WALK OUT SIYA.

~~ Dear Math notebook,

Ganun ba talaga ang mga babae? Bakit ba silang mga babae, hindi maka-limot sa mga bagay na dapat kinakalimutan na? Bakit ba silang mga Babae, ang dali daling maniwala sa kasinungalingan? At higit sa lahat Math notebook, bakit ugaling ugali na nilang mga babae ang mag WALK OUT?

Sinubukan ko siyang kausapin, Math notebook.... pero bakit hindi niya ako magawang paniwalaan? Hindi ko naman sinabi yun para sirain sila ni Paeng eh... kahit na sa loob loob ko, ay nasasaktan ako ng sobra tuwing makikita ko silang magkasama. Eh ano bang problema? Hindi ba kapani-paniwala ang gwapo kong mukha? Ah Basta Math notebook... alam kong mahal niya si Paeng. Alam ko din na maraming katangian ang meron si Paeng, na wala ako. Alam ko din na kung aasa pa ako, ako lang ang masasaktan sa huli. Pero dahil MAHAL ko siya... maghihintay ako, Math notebook. After all.... LIBRE ang mangarap.

Patuloy ang pangarap, Quen. CHAPTER THIRTEEN

Nahuhubad na yung bed sheet ng kama ko, sa sobrang likot ko. Kanina pa ko pa-palit palit ng posisyon, pero hindi nanaman ako maka-tulog. Kanina ko pa iniisip si Charmaine... okay lang kaya siya sa party? Tama ba na iniwan ko siya doon?

Hayy, hanggang ngayon kasi hindi ko parin naririnig na bumukas ang makunat na gate nina Charmaine.

Oo na, para akong tanga.... tumahimik ka diyan, konsensya!

Pero anong gagawin ko?

Yun kasing bestfriend kong si Antok, palagi nalang sa school ako dinadalaw!

~~ At guess what kung saan ako dinala ng aking mortal na kaaway (si Konsensya)?...

Eto, pabalik ako ngayon sa party ni Paeng. Buti nalang talaga, nakakita ako ng tricycle. Wala akong pakialam kung itaboy ako ni Charmaine.... wala din akong pakialam kung maghintay ako ng matagal.

Hindi kasi talaga ako mapakali, lalo nat pa-ulit ulit sa isip ko yung paguusap ng Mama ni Paeng, at ng mga kaibigan nito. Sa tono kasi ng pananalita ng nanay ni Paeng, para itong may maitim na binabalak. Hindi ako O.A ah.... totoo talaga! Hayyy...

Oo hindi ako super hero, pero hintayin mo lang ako Charmaine....

*Tentenenen, tenten tenenen!!!!* - ililigtas kita sa kapahamakan.

~~ Manong tapos na po ba yung party? tanong ko sa nagyo-yosing guard na nakatayo sa harap ng gate nina Paeng. Oo, may guard sila sa bahay. Akala ko, sa mga pelikula lang yung mga pa-guard guard sa bahay.... hindi ko naman akalaing totoo pala.

Oo eh.... bakit, imbitado ka ba? tinignan pa ko nito, mula ulo hanggang paa. Bakit kuya, bakit?!.... Oo na, naka sando lang ako! Hindi ko na kasi nagawang magbihis sa sobrang pag-mamadali.

Opo galing ako diyan sa loob kanina. Bumalik lang ako, kasi meron akong naiwan.

ano ba yung naiwan mo, ako nalang ang kukuha para mabilis. s abi niya pa. Abat mukhang ayaw pa kong papasukin!... Eh kung mag AMALAYER kaya ako dito?

Kuya, hindi pwede.... hindi na niya ko pinatapos magsalita...

Teka, nanonood ka ba ng BUDOY? tanong ni Manong guard na para bang bigla nalang nagbago ang mood. Ano tong pinagtatanong niya sakin? Ano daw, Budoy? Hindi ako nanonood nun. Pero dahil sa pagbabaka-sakaling papapasukin niya ako...

Ah BUDOY! Oo naman manong, paborito ko yun! ano, pwede na ba kong pumas.... Hindi niya nanaman ako pinatapos...

Naaalala mo yung dumampot ng panyo ni Budoy? tanong pa nito na para bang excited na excited sa isasagot ko. Pero dahil nag uumapaw ang ka-wirdohan ni Manong, syempre binigyan ko nalang siya ng nawiwirdohan na look.

Huh? yan nalang ang nasabi ko. Konti nalang Manong, mag-a AMALAYER talaga ako dito.

Ako yun! ano naaalala mo? Ako yung dumampot sa panyo ni Budoy! halos isigaw pa ni Manong.

My god. Anong gusto niya? magpa-autograph ako sakanya? magpa-picture? O magpa-fansign? Please, madami akong problema sa buhay, at sa tingin ko... wala na akong lugar pa, para magkaroon ng pakialam kay Budoy o sa kung sino mang dumampot ng panyo niya!

Pero dahil ako ang nangangailangan dito...

Ay talaga Manong, kaya pala pamilyar ka! ikaw pala yun! nakipag-apir pa ko sakanya. alam mo kasi Manong, importante talaga yung naiwan ko sa loob eh... baka pwedeng papasukin mo na ko. Kaibigan ko naman si Dj eh. ah ganun ba? Eh bat naman kasi hindi mo pa sinabi agad! Oh sige, pasok ka na.

Kung hindi lang talaga ako nagmamadali, baka nasapak ko na yan si Manong.

~~ Nag-lilinis na yung mga tao sa loob.... wala nang mga bisita. Teka, so ibig sabihin ba wala na din si Charmaine? dumire-diretso ako sa pool, at ayun.... ayun si Paeng, at nagbababad ng paa sa pool.

Dj! napalingon siya nang tawagin ko siya.

oh pare, tapos na yung party ah.... ano pang ginagawa mo dito? mukhang matamlay siya. Naupo nalang ako sa tabi niya.

eh meron kasi.... teka, may problema ka ba? tanong ko nalang, bilang mukhang matamlay talaga siya.

Tinignan niya muna ako na para bang nagda-dalawang isip kung magku-kwento ba siya o hindi. Sa bagay, hindi naman talaga kami close nito eh. Pero kahit naman karibal ko siya kay Charmaine... okay lang sakin na tawagin siyang kaibigan. Mabait naman kasi talaga tong si Paeng.

nagalit sakin si Charmaine. sabi niya, tapos syempre sa pagkaka-gulat... bigla kong ikinunot yung noo ko. kasalanan ko din eh. Nagsinungaling ako sakanya. mapait pa siyang ngumiti.

Bago ako magpasyang itulak siya sa pool... sige na nga, aalamin ko muna ang buong kwento. Bibigyan ko siya ng chance.

Bakit, anong ginawa mo kay Charmaine? sinubukan kong sabihin iyan ng sobrang mahinahon, at walang bahid ng pagka-OA.

hindi naman talaga galing sa Mama ko yung damit eh. Saakin lang talaga galing yun... nagsinungaling ako. Kahit kailan, hindi naman talaga siya natanggap ng pamilya ko. Hindi rin totoong hindi na ko babalik sa States.... sinabi ko lang naman yun para..... hindi ko na siya pinatapos...

Para ano?! at ayan, hindi ko na napigilang itaas ang boses ko. Dahil kasi sa sinabi niya, bigla akong nainis. Bakit? Kasi...

Bakit hindi natin balikan yung mga sinulat ni Charmaine kay Math notebook?

Meron din akong nararamdaman para sayo.

Ginagawa ko yun, para patayin ngayon pa lang, kung ano man itong nararamdaman ko para sayo.

Hindi siya babalik sa states para saakin. Ginawa niya lahat, para matanggap ako ng pamilya niya.

Ang dami niyang isinakripisyo para saakin. Gusto kong suklian lahat ng iyon.

ayokong masaktan si Dj.

para.... may sasabihin pa sana siya, pero hindi ko na siya pina-tapos...

Forget it. agad akong tumayo... sa tingin mo, nasan ngayon si Charmaine? tanong ko nalang, pero hindi ko na rin hinintay na sumagot siya.

Agad akong lumabas sa bakuran ng mansion na iyon.... nilampasan ko si Manong guard na mukhang gusto pa sana akong batiin, pero pasensya nalang siya... nagmamadali ako.

*tentenen, tenten tenenentenen!!!* - parating na ko Charmaine!

~~ Hindi naman ganoong ka-hirap hulaan kung nasaan ngayon si Charmaine.

Ayun siya.... naka-upo sa swing ng playground kung saan shinoot ni Lord ang music video namin. Yun parin ang soot niya.... napaka-ganda. Hindi niya ako nakikita.... eto kasi ako, nasa likod niya.

Dahan-dahan akong nagkakad papunta sakanya, para hindi niya marinig ang mga yabag ko. At nang maka-lapit ako...

Hinawakan ko yung mga kamay niya, na nakahawak sa mga kadena ng swing, tapos dahan dahan ko siyang itinulak.

paano mo nalamang andito ako, Quen? tanong niya habang ine-enjoy ang pagtulak ko sakanya sa swing. Nakaka tuwa naman. Hindi naman siya lumingon... Hindi rin naman ako nagsalita... pero nalaman niya parin, na ako to.

kasi iniisip kita. Ikaw, siguro iniisip mo din ako kaya dito ka nagpunta, no? mas nilakasan ko na yung pagtulak sakanya. Dahilan para liparin nanaman yung buhok niya na parang kumu-korean novela nanaman.

Oo na. Sabi niya. Napa-ngiti naman ako dun.

Mas lalo ko pang nilakasan ang pagtulak sakanya... sa sobrang lakas, para bang iikot na siya.

Hui Quen, ano ba baka mahulog akoooo! sumigaw-sigaw na siya doon. Hahahaha. Hahayaan ko ba namang mahulog siya?

Itinodo ko pa yung pagtutulak sakanya. Tapos lumipat ako sa harap niya...

pag hindi mo na kaya, bumitaw ka. sabi ko pa, habang nakabukas ang mga braso sa harap niya. I know right, ang husay lang ng mga pamamaraan ko. haha.

Sobrang lakas padin ng pag swing niya.

Quen! At ayun.... bumitaw siya. At syempre pa....

*tentenenen, tenten tenentenen!!!* - nasalo ko siya. At nang masalo ko siya....

Niyakap ko na siya ng sobrang higpit.

Pero parang mas mahigpit pa yung yakap na ginanti niya sakin.

~~ Dear Math notebook,

Ang saya lang. Nagka-ayos na kami ni Charmaine my loves so sweet. Oh ayan Math notebook, gabi na kasi... alam mo na. Mas excited pa kong mag imagine ng mga pangarap kong scenario sa buhay kasama si Charmaine bago matulog, kaysa magakwento sayo. HAHA.

Masaya si Charmaine... Masaya ako... YUN LANG ANG MAHALAGA. Pero bago kita isara, may itatanong lang sana ako. bigla lang kasi akong na-curious eh...

Nagpa-panyo ba si BUDOY? Para kasing puro kamay niya lang ang pinag-punas niya sa mukha niya eh. Yun lang, Math notebook. Good night.

Tinatamad magkwento, Quen. CHAPTER FOURTEEN

To Ganda:

Kumakain ka ba ng watusi?...

Ilang saglit pa.... *TOOOOT*

From Ganda:

Bakit?

To Ganda:

Kasi pag ngumingiti ka, may nakikita akong spark.

Mula nung gabi ng birthday party ni Paeng, lagi na kaming ganito ni Charmaine. Babanat ako ng cheesy na pick up line, tapos siya naman kahit na nako-kornihan... kinikilig parin. Ewan ko nga kung kinikilig talaga siya, o pinagbibigyan niya lang ako.

From Ganda:

AYYYIIEEEE... <3

Ayan, kita niyo na? HAHAHA. Nga pala, nasabi ko bang nasa English class kami ngayon? At ayun siya.... nasa kabilang dulo naka-upo.

Tumingin ako sakanya.

Naka-ngiti siya sakin. Kinilig naman daw ako.

O diba, kahit sa klase hindi ata namin matiis na hindi mag-usap at magtinginan. Minsan nga, nagpapasahan pa kami ng notes eh.

yiiieee, kayo ah... kanina pa kayo nagtititigan! Nakikinig ba kayo? pasimple pa kong siniko at binulungan ni Julia, classmate namin sa english. Mabait yan, matalino, at maganda din. Pero syempre, sa paningin ko wala nang mas gaganda pa kay Charmaine.

Oo na, hindi ako nakikinig. Pakokopyahin mo naman ako, diba? at saka lang inalis ni Julia ang nakakalokong tingin niya sakin. Si Julia kasi ang itinuturing naming fairy godmother kapag may exam. haha. Nakakahalata na nga ako na medyo naiinis na siya sa pangongopya ko sakanya ng sagot pag exam eh. Pero syempre, ganun talaga. Sabi nga minsan ng isang henyo... it is better to cheat, than to repeat.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Charmaine...

Matanong nga kita... kayo na ba ni Charmaine? biglang tanong ni Julia, habang kumokopya ng notes.

Hindi. Umiling pa ako. Napatingin ako sakanya sa tanong niyang yon. Alam niyo kasi, sadyang madaldal at may pagka usisera lang talaga si Julia at kasama na ata sa pagkatao niya ang magtanong ng magtanong ng kung anu ano.

Eh..... ano kayo? binigyan niya pa ako ng makahulugang tingin.

Dahil sa tanong ni Julia, napa-isip ako. Ano nga ba kami ni Charmaine? Mag-iisang linggo na, matapos ang birthday party ni Paeng.... at mula noon, HAYYY paano ko ba sasabihin?...

Basta sabihin nalang natin na nag-iba ang pakikitungo namin ni Charmaine sa isat isa. Mas naging sweet. Mas naging masaya. At kung dati tuwing magkasama kami, pilit naming pinapa-alala sa mga sarili namin na MAGKAIBIGAN lang kami.... Ngayon, parang nawala na lahat ng iyon. Nawala na lahat ng ilang.

Gets niyo? Oh ngayon, paano ko sasagutin ang tanong ni Fairy godmother Julia?

At isa pa, mula din nung birthday party ni Paeng, hindi pa sila nakakapag usap dalawa. Sa madaling salita.... wala pa silang closure. Wala pa silang formal break-up.

Ano ba yan... Sumakit lang ang ulo ko sa tanong ni Julia!

Ano nga ba kami ni Charmaine?... Saan ako lulugar nito?... napuno nanaman ng mga nakakabobong tanong ang bobo kong utak.

~~

From Ganda:

Hindi pumasok yung prof namin, kita tayo sa park.. papunta nako. <3

Nagtext siya, habang naglalakad ako pauwi. Buti nalang nagtext siya nang hindi pa ko nakaka -uwi. Tamang tama.... eto na ang pagkakataon, para kausapin si Charmaine tungkol sa lagay namin.

Hindi na ko nag aksaya ng panahon, at agad na lang din akong naglakad papunta sa park.

At habang naglalakad ako sa daan, naalala ko biglang may chewing gum nga pala ako sa bulsa... JUDGE. Kaya naman para malamig ang bibig, kinuha ko ang judge, binalatan, isinubo, nginuya, at pagkatapos ay itinapon ko nalang ang balat sa daan. Pero parang mali ata ang ginawa kong iyon.

Hetot nilapitan ako ng isang mamang naka vest na pang baranggay tanod...

Pinulot niya ang tinapon kong balat at...

bakit ka nagtapon ng balat sa daan? naka-ngiti pa siya sakin na para bang gusto pang ipa-recite saakin ang panata ng boy scout. Hindi ka ba tinuruan na masamang magtapon ng balat sa daan? ngayon, naka-ngiti naman siya saakin na para bang gusto akong pag-multahin.

UTANG NA LOOB, naghihintay si Charmaine saakin sa park! Bakit ba palagi nalang may mga taong hadlang sa mga plano ko? dahil ba ako ang bida sa kwentong ito? PLEASE... nagmamadali ako!

Pasensya na po boss, hindi na po mauulit. Kung gusto niyo po, ibalik niyo saakin ang balat, at itatapon ko nalang sa tamang... Hindi na niya ako pinatapos...

hindi mo ba naisip yung mga magiging anak at apo mo? Paano na sila? Sa tingin mo ba, meron pa silang sariwang hanging lalanghapin, punong aakyatin, at ilog na lalanguyin?! Seriously, manong?! Inakbayan pa ko ni Manong, at hinarangan ako nang tangkain kong humakbang.

*TOOOOT* - Ayan na, nagtext na si Charmaine! Pasimple kong binasa ito, kahit na alam kong nakikidungaw si Manong barangay tanod...

From Ganda:

Asan ka na? Dito na ko. bilisan mo, andito pa yung favorite mong magfi-fish ball.

Hinihintay na ko ni Charmaine!!!

Sino yun, girlfriend mo? pasimple pang tumingin sa phone ko si Manong. sayang ka boy... ang gwapo mo oh. Kaya lang, wala kang pagpapahalaga sa kalikasan. Iiling iling pa si Manong. Wala bang pipigil dito?.... baka masapak ko na to!

mawalang galang na ho Manong.... pero pinahahalagahan ko po ang kalikasan. At isa pa Manong, e ano ngayon yung wala nang sariwang hanging lalanghapin, punong aakyatin, at ilog na lalanguyin ang mga magiging apo ko? Ako nga, hindi na nakakita ng dinosaur eh... nagrereklamo ba ko?! Kinwestiyon ko ba kung merong nagtapon ng balat ng chewing gum noong unang panahon, na naging dahilan para hindi na abutin ng henerasyon ko ang mga dinosaurs? Parang napikon naman si Manong sa sinabi kong yon. Pasensya na, kung hindi ko napigilan ang sarili ko. Hayaan niyo, balang araw makiki-isa ako sa mga grupong nangangalaga sa kalikasan, at sa kalinisan ng ilog pasig! Pero sa ngayon.... hinihintay na kasi ako ni Charmaine!

oy Dodong, anong problema? Padaanin mo yung bata! sabay lapit ng isa pang lalaki na naka vest din na pang baranggay tanod. saka bakit soot mo yan? hubarin mo nga yan! pinahubad niya dito ang soot nitong vest.hala, sige umuwi ka na! at pinaalis na niya ang mayabang na tanod na humarang saakin.

Pasensya ka na boy ah... naabala ka ata ni Dodong.

Ok lang po. Eh sino po ba yun? tanong ko.

ah si Dodong... alaga yun ni Kapitan. Pagpasensyahan mo na ah... wala kasi yu n sa tamang pag-iisip. Mabait pa nga si Kapitan, at inampon yung si Dodong eh. Paliwanag niya.

PAMBIHIRA. Akala ko tanod! Akala ko mapapa-multa ako ng wala sa oras, tapos pagdadale... kulang pala sa pag iisip?! Kung pangaralan ako, idinamay pa ang mga magiging anak at apo ko tapos... hayy nakoo author, pwede ko na bang puntahan si Charmaine? Hindi ka na ba eeksena? Hindi ka na ba gagawa ng paraan para pahirapan ako?!

Nagmadali nalang ako sa paglalakad.

~~ Ayun si Charmaine... tumutuhog ng fishball. Naka-hinga naman ako ng maluwag, dahil yesss naabutan ko siya.

Dahan dahan akong naglakad sa naka-talikod na Charmaine...

Hui! binigla ko ang pagbulong sa tenga niya... dahilan para magulat siya at muntik pang mabitawan ang fish ball.

loko ka!! haha... sinubuan niya ako ng isang fishball, tapos naka-ngiti pa siyang humalik siya sa pisngi ko. At kahit nagulat ako, syempre nauna parin ang kilig. bat ang tagal mo?

mahabang kwento. Sorry ah. Sagot ko nalang. Kaya naman bago pa ko tuluyang lamunin ng kilig, at bago ko pa tuluyang makalimutan...

halika, sumama ka sakin... hinawakan ko ang kamay niya, at dinala siya sa isang lugar na hindi mainit, hindi maingay, hindi matao, at hindi mabaho. Saan?.... sa loob ng naka-paradang pang service na tricycle. Medyo nagdadalawang isip pa nga siyang sumakay, pero napilit ko din naman. At isa pa.... wala naman yung driver. HAHA.

bakit mo ko dinala dito... may pupuntahan tayo?

Hindi. Dito tayo mag-uusap. Sabi ko tapos, hinawakan ko siya sa pisngi paharap saakin. Tapos...

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Halata na nagulat siya, pero pasensya na.... hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Charmaine mahal kita. Eh ikaw, mahal mo din ba ako? Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa. Dahil pag nagpaligoy ligoy pa ako, baka makahanap nanaman ng pagkakataon si Author para hadlangan ang mga plano ko. Who knows? Baka biglang magka-earthquake pa dito ngayon.

Nakatingin lang siya saakin, tapos... ngumiti siya, at niyakap ako. At syempre pa, doon palang.... hindi ko na maitago ang sayang nararamdaman ko. Pero bigla kong naalala...

paano si Dj? tanong ko, habang magkayakap kami. Kumawala ako sa pagkakayakap, hinawakan siya sa pisngi, at matamang tinignan sa mga mata...

Charmaine ano ba tayo? yung itsura ko nang tanungin ako ni Julia tungkol saamin ni Charmaine... inaasahan kong ganun din ang magiging itsura niya pagkatapos ko siyang tanungin. Pero hindi. Walang bahid ng pag-aalangan ang mukha niya ngayon. At nang walang anu-anoy....

Hinalikan niya ako sa pisngi.

Wala akong masabi. Pakiramdam ko, naka laya na ko. Pinalaya na ko ni Charmaine doon sa lugar na wala kang ibang gagawin, kundi ngumanga. Doon sa lugar na akala ko... hindi ko na matatakasan. yun bang lugar na kung tawagin sa mga panahon ngayon.... ay Friendzone. Yes.... I think Im finally friendzone free.

~~

Dear Math notebook,

Nagkasugat ako sa siko. Paano ba naman.... habang nag-uusap kami ni Charmaine sa loob ng tricycle, hindi ata namin namalayan ang driver nito at nagulat nalang kami nang bigla itong umandar. At dahil nainis na kami sa kabingihan ni Manong.... ayun, tumalon nalang kaming dalawa sa umaandar na tricycle. Si Charmaine, naka-talon ng maayos pero ako.... ayun muntik pang gumulong. Sabi ko naman kasi... hindi ako pang STUNTS. Pang LEAD STAR ata ang kagwapuhan ko.

Nag-usap kami ni Charmaine. Tutuldukan na niya ang relasyon nila ni Paeng. Mahal niya rin ako Math notebook! At dahil doon, wala akong mapaglagyan ng kaligayahan ko ngayon. Pero dahil din doon.... hindi ko maiwasang magisip ng kung anu ano. Paano kung hindi iyon matanggap ni Paeng? Paano kung magbago pa ang isip ni Charmaine? ang dami ko nanamang iniisp Math notebook, hindi nanaman ako maka-tulog.

Ah basta Math notebook, mahal ako ni Charmaine. At ngayon, sisiguraduhin kong panay happy thoughts lang ang magiging dahilan kung bakit hindi ako maka-tulog.

Di maka-tulog sa gabi sa kaiiisip,

Quen. CHAPTER FIFTEEN

Kanina pa ko titig na titig sa mga makahiya dito sa garden namin. Gusto ko sanang bumunot ng isa, pero kaunti nalang kasi sila eh. Paano kung maubos sila? Paano kung wala nang matira sa mga panahong kailangan ko sila? Kaya eto... wala na kong nagawa kundi ang titigan na lamang sila.

Teka, dapat ko ba silang diligan?

Ang tagal naman kasi ni Charmaine... kanina pa siya umalis, pero hanggang ngayon wala pa din. Nag aalala na ako. Nagaalala, na kinakabahan. Bakit?...

Kasi, kasama niya si Paeng.

Ngayon na niya kakausapin si Paeng, para tapusin na ang relasyon nila.

Pero, kanina pa kasi siya umalis eh.... dapat tapos na yun! dapat, nasabi na niya! dapat, naka-uwi na siya dito!

Hindi nanaman ako mapakali. Para akong tatay sa teleserye na naghihintay ng result ng DNA test, para malaman kung anak niya talaga ang bida. Ay mali, malalala pa ako doon!.... para akong napagbintangan lang ng krimen, tapos naghihintay ng hatol ng judge.

Oo na para nanaman akong tanga! Tumahimik ka, konsensya! Totoo naman kasi eh.... ganoon ang nararamdaman ko. Hindi ko maiwasang isipin kung asan na ba si Charmaine, kung nasabi na ba niya kay Paeng, Kung tanggap ba iyon ni Paeng, kung malaya na ba kaming magmamahalan... HAYYY, hindi na ko makatiis....

BUBUNOT NA AKO NG MAKAHIYA.

~~ Charmaine, ano kamusta... naka-usap mo ba? Okay lang ba siya? bungad ko kay Charmaine, pagkababangpagkababa niya sa tricycle. Naka-simangot siya.

NAKA SIMANGOT SIYA. Anong ibig sabihin nun?..... Hindi niya nasabi?..... Hindi siya nakipag hiwalay? Kinakabahan ako! Ayoko nang bumalik sa friendzone! Malungkot doon!

Quen.... lumapit pa siya saakin, at hinawakan ako sa kamay. tapos na kami ni Dj.

Hindi nagtagal, unti-unting napalitan ng malaking ngiti, ang kaninang simangot na bumungad saakin...

okay na! Okay na ang lahat! halos isigaw niya pa. Syempre, hindi ko rin maitago ang kaligayahan ko kaya...

Niyakap ko siya ng mahigpit. ikaw ah, nadali mo ako dun. Akala ko may sabit. At saka lang ako bumitaw sa pagkakayakap. Dahan-dahan kong hinawi ang buhok niya, at hinaplos ang pisngi niya.... tapos, hinalikan ko siya sa noo.

so ibig sabihin, pwede na? tanong ko. Alam ko na naman ang sagot, pero I just had to ask.

pwede na ang alin? sus, eto nanaman siya.... pa-cute nanaman. Kunwari hindi naiintindihan!

kung pwede na tayo! Wala nang problema diba? Ayos na... tinanggal niya ang kamay ko, na nakahawak sa pisngi niya.

Ano ka, sinuswerte?! Nanligaw ka na ba? nanlaki pa ang mga mata niya. Seriously? Kailangan pa ba yun?

Kailangan pa ba yun? eh diba nga mahal mo naman din ako? saka.... Hindi na niya ako pinatapos. Dahandahan niya akong tinapik sa pisngi, at saka pumasok sa loob ng gate nila.

Good night Quen! saka niya sinara ang gate nila.

Tapos ilang saglit lang, tumunog ulit ang makunat nilang gate. Napatingin ako at may pahabol palang dungaw ang ulo ni Charmaine...

seryoso ako. tapos saka niya tuluyang sinara ang gate nila. Napabuntong-hininga nalang ako. Seryoso daw siya. Seryoso din naman ako ah. At kapag ganitong seryoso ang mga bagay-bagay, palaging hindi ko na alam kung anong gagawin ko, o kung saan ako lulugar.... kasi nga maliit na porsyento lang ng pagka-seryoso ang bumahid sa pagkatao ko! Foreign teritory to. So ibig sabihin ba... Kailangan kong manligaw?

Oo, gwapo ako pero.... Pero hindi ko alam kung paano manligaw. Paano nga ba? Diba kapag gwapo, dapat exempted na sa mga ganyang bagay? Hindi ba yon naman ang silbi ng mga gwapo sa mundo? Come on.... theres got to be an advantage, kapag gwapo ka! Iilan-ilan lang kaya kami sa mundo! Hayy... nagsisimula na tuloy akong magduda sa kagwapuhan ko.

Pero mahal ko si Charmaine. Kaya kung gusto niya munang ligawan ko siya, FINE, gagawin ko yun. hayy...

THE THINGS I DO FOR LOVE.

~~ Habang paakyat ako sa kwarto ko, napadaan ako sa drawer sa may gilid ng hagdan namin. Napa-tingin ako sa mga nakapatong dito. Yung collection ni Mama ng mga angels. Ang gaganda nila.

Teka, diba kasama sa panliligaw ang pagbibigay ng regalo?

Eh kung bigyan ko kaya si Charmaine ng isa sa mga ANGELS ni Mama? Tutal... siya naman ang ANGEL ng buhay ko. YIEEEE.

Oo tama, ikukuha ko siya ng isa dito. Pipili ako ng pinaka cute.

~~ At syempre pa, pagka-kitang pagkakita ko kay Charmaine sa sumunod na araw... agad kong ini-abot sakanya ang regalo ko. Nag effort pa ko ah, binalot ko pa yan. May malaking pulang ribbon pa! Effort na effort, at talagang hindi ko napanood ang Blood and roses, para lang mapaganda ko ang regalo ko sakanya! Mukhang natuwa naman siya nang matanggap ito, pero dahil male-late na kami...

wow, thank youu! kinurot niya pa ako sa ilong. Pero male-late na tayo eh... mamaya ko nalang bubuksan ah. Sabi niya, at saka niya ako hinila papunta sa unang klase namin.

~~ Eto ako ngayon... hinihintay si Charmaine sa tabi ng pine tree sa loob ng campus. Eto kasi ang madalas naming tambayan pag vacant namin. Iniisip ko nanaman... nabuksan na niya kaya yung regalo ko? natuwa kaya siya?

Matapos ang ilang minutong paghihintay...

Quen! ayan, dumating na din. Naupo siya sa tabi ko.

nagustuhan mo ba yung regalo ko? tinanong ko nalang. Medyo inaasahan ko na kasi na pagkakitangpagkakita niya palang sakin... ay babanggitin niya na agad ang tungkol sa regalo. Tapos syempre kapag tinanong niya kung bakit Angel.... yiiieeee, syempre may naka-handa akong pick-up line!

Pero bigla niyang inalis ang tingin niya saakin, nang tanungin ko siya tungkol sa regalo ko. Tumingala siya, tumingin sa kanan, tumingin sa baba... anong problema nito, eh tinanong ko lang naman?

Ah oo naman... maganda. Sabi niya, sabay ngiti. Eh bakit ganun.... parang hindi naman siya natuwa! Hindi ba siya mahilig sa angel?!

talaga?.... eh bakit parang hindi ka naman natuwa? tanong ko pa, tapos ayan... saka niya lang ako tinignan sa mata.

nabasa mo ba yung naka-sulat doon sa angel na regalo mo sakin?tanong niya pa. Ano daw? May nakasulat ba doon? Anong nakasulat ang sinasabi niya, eh wala naman akong nakitang nakasulat doon?

nakasulat?

Binuksan niya yung bag niya, tapos inilabas ang angel na bigay ko sakanya. Inabot niya ito saakin.

basahin mo yung naka-sulat sa baba. Sabi niya, kaya kinuha ko nalang ang angel, at oooppps.... Oo, may nakasulat nga! Ang tanga ko, bakit hindi ko to napansin?! Nakaka-inis naman. Dadagdag nanaman ata to sa mga kahihiyan ko! basahin mo ng malakas. Sabi niya, habang naka-ngiti. Hindi ko alam kung bakit naka-ngiti siya. Para kasing natatawa lang siya sa katangahan ko. Eh syempre ano pa nga ba? Edi binasa ko nalang...

welcome to the christian world, Madeleine Gail B. Ocampo... October 24, 2007.

Tinaasan niya ako ng kilay, pagkatapos kong basahin yun. Ang tanga ko! bakit hindi ko napansin na may naka sulat pala sa baba nung angel?! Sabi ko na, hindi talaga ako marunong manligaw eh... ayan, pinahiya ko pa tuloy ang sarili ko sakanya!

give away sa binyag. nagtakip pa siya ng bibig, at bahagya pang tumawa.

Nakakahiya.

Charmaine, pasensya na... hindi ko naman kasi nakita yung naka su.... bigla niyang tinakpan ng daliri niya ang nguso ko.

Sshhh... okay lang. Ang cute nga eh... idi -display ko to sa kwarto ko.sabi niya, at saka inagaw saakin ang angel. Pero hindi... kung mapapahiya man ako ngayon, gusto kong iparating sakanya na seryoso ako sakanya! Na kinain lang nanaman ako ng katangahan ko, at hindi ko sinasadya! Na kung papalampasin niya lang to ngayon.... pangako, hindi na mauulit!

Hindi Charmaine. Dapat siguro, ngayon palang sabihin ko na to eh... hinawakan ko ang dawalang kamay niya, at umusod pa papalapit sakanya...seryoso ako sa panliligaw ko sayo... seryoso ako sayo. Pero paano ko gagawin? Paano ko gagawin kung wala naman akong kotse para ihatid ka sa mga pupuntahan mo, at sunduin ka sa mga pang-gagalingan mo. Wala din naman akong pera, para ma-regaluhan ka ng mga magagandang bagay, at dalhin ka sa mga mamahaling restaurant....

Quen...

Hindi ko kayang ibigay sayo yung mga bagay na binibigay sayo ni Dj. Oo na, ang drama ko... ngayon lang naman to, walang epal.... LIBRE ANG MAG DRAMA. (Credits sa mga teleseryeng naging bahagi ng bawat gabi ko.)

Inipit niya ang mukha ko sa mga palad niya...

pero mahal mo naman ako diba?

Tumango ako.

alam mo bang mas sumaya ako nung tumalon ako sa tricycle kasama ka, kaysa nung bumaba ako sa magarang kotse ni Dj matapos niya akong pagbuksan ng pinto, at alalayang bumaba?.... alam mo bang mas nasarapan pa ako sa fishballs na kinakain natin sa park, kaysa sa steak na pinipilit ipa-kain sakin ni Dj sa mamahaling restaurant? At alam mo bang mas naaliw ako dito sa regalo mong ANGEL, kaysa sa regalong mga damit ni Dj na pinilit niyang ipa-soot sakin, kahit na hindi ako komportable?.... Ok, gets ko na. Kinikilig nanaman ako, kaya hindi ko na siya pinatapos...

At..... mas naga-gwapuhan ka sakin.

Tumawa nanaman siya. Tapos, pinalo niya ng beri light ang pisngi ko.

Oo na! parang labag pa ata sa loob niyang aminin na naga-gwapuhan siya sakin. haha.

Hindi ko na ata napigilan...

Hinalikan ko siya sa labi. Nagulat siya, kaya bigla siyang lumayo. Pero pagkatapos.....yumakap siya bigla sakin.

Charmaine, pwede bang wag mo na kong pahirapan? tanong ko sakanya, habang magkayakap kami. Medyo natagalan siya sa pagsagot, pero....

~~ Dear Math notebook, Isa lang ang masasabi ko.... SOBRANG GALING KONG MANLIGAW. Grabe, ako na yata ang pinaka magaling manligaw sa buong mundo! Ano, hindi ka naniniwala Math notebook?!.... KAMI NA!!!! Kami na ni Charmaine, my labs so sweet!

Gusto ko sanang magpasalamat sayo Math notebook. Kahit naman kasi hindi ka sumasagot sa mga tanong ko.... malaki rin naman ang naitulong mo saakin. Mahal na mahal kita Math notebook! Kung papayag nga lang si Charmaine, baka nga ikaw pa ang gawin kong best man sa kasal namin! Pero syempre.... matagal pa yun Math

notebook. Baka nga sa mga panahong yun.... puno ka na, at may bago na akong diary. hehe. Pero pangako, Math notebook.... hindi kita makakalimutan tulad nung ginawa ko sayo nung high school. Oo, talaga... promise.

Kumakanta ang kalooban ko ngayon ng lalalalalalala! Sana lang tuloy tuloy na. Ah basta, weird na kung weird, pero hindi ko talaga alam kung paano ilalarawan ang nararamdaman ko. Mahirap intindihin, pero isa lang ang alam kong totoo... sobrang saya ko.

Mahirap maintindihan subalit totoo, Quen. CHAPTER SIXTEEN

Eto na ata ang perfect day. Mukhang wala na atang makakasira ng araw na to.

Andito kami sa park ng GIRLFRIEND ko.... nagpi-picnic. Naka-upo si Charmaine, at pinapanood ang mga batang naglalaro sa play ground.... habang naka-higa naman ako, at naka sandal ang ulo ko sa lap niya. Hinahaplos-haplos niya yung buhok ko.... ayan tuloy, inaantok ako.

Hui, ano tutulugan mo ko? bigla niyang hinila yung buhok ko.... nagulat naman ako doon. Syempre nasaktan yung anit ko, kaya...

aray ah. to naman.... para napa-pikit lang sandali eh. Oh sige ganito, ikaw nalang ang matulog.. bumangon ako, tapos siya naman ang ihiniga ko sa lap ko.

Hindi naman siya natulog eh... nagturo lang siya ng ibang mga taong nasa park, at hinulaan kung anong nangyayari sa mga buhay nila. At bilang, gawain ko din naman yun... eto, sobrang nagkakasundo kami ng GIRLFRIEND ko.

Eh yung dalawang mag jowa na yun... ayun oh, sige nga. Hinahamon niya nanaman ako, nang ituro niya sakin ang dalawang magjowa na naka-upo sa bench. Umiiyak yung babae, tapos kino-comfort nung lalaki habang nakayakap ito sa babae.

Hmm... umiiyak yung babae. mahirap hulaan. Sige, ikaw nga! sabi ko, habang hinahaplos-haplos ang madulas niyang buhok.

Hmmm.... siguro nalaman nung tatay nung babae yung tungkol sa relasyon nila, tapos pilit silang pinaghihiwalay... kaya umiiyak yung babae. sabi ni Charmaine, na para bang naaawa pa sa babae. Parang nanonood pa ng drama ang mga mata niya. Hayy, mga epekto ng teleserye! Pwede din yung hula niya, pero sa tingin ko mas ganito eh...

yung babae lang naman ang mukhang problemado eh... sabi ko, habang naka-tingin parin kaming pareho sa dalawang mag-syota. hmm... mali ka. Ganito siguro yan... Hindi nagustuhan nung lalaki yung bag ong gupit ng babae... tapos syempre bilang babae, ayun... biglang nag-iiyak. Kaya ayan... sinusuyo-suyo siya ngayon nung lalaki, at binawi ang mga sinabing panlalait nito sa bagong gupit ng babae. Pero dahil masyadong dinamdam nung babae... ayan, hanggang ngayon umiiyak padin. Habang sinasabi ko yan, hindi namin inaalis ang tingin sa dalawa. Dinaig pa namin ang nanonood ng sine! Haha. tapos, biglang pinalo ni Charmaine yung kamay ko ng beri light...

hahaha... ang babaw naman nun! Gusto mo lapitan pa natin eh, itanong natin sakanila mismo! naghahamon nanaman siya. Lord, sana po hindi siya seryoso.

tss... wag na. Pwede bang wag nalang ibang tao ang pag -usapan natin? tanong ko. napa-tingala naman siya sakin...

eh anong gusto mong pag-usapan?

tayo. Ikaw at ako.... hindi ba pwedeng yun nalang? Kanina pa kami naka-upo dito at pinag-uusapan ang buhay ng ibang mga tao. Yung bang mga bagay na kung tutuusin, ay wala na dapat kaming pakialam. Libangan lang.

hmmm okay, tulad ng ano? naka-ngiti pa siya sakin ng nakaka-loko. Alam niya naman ang ibig sabihin ko eh... gusto niya lang talagang marinig.

Tulad ng... ayun tignan mo sina lolo at lola.. tinuro ko yung dalawang matandang masayang kalong-kalong ang mga apo nila. Nilalaro ng lolo ang apo niyang babae... habang binabasahan naman ng libro ng lola, ang apo niyang lalaki. Tingin mo... magiging ganyan kaya tayo? Yung ipapasyal natin sa park ang mga apo natin?

Nginitian niya lang ako.

ang tagal pa nun. Bahagya pa siyang tumawa.

edi sige, eto... hindi na masyadong malayo. Tignan mo yung dalawang mag -asawang yun, pati yung anak nila... tinuro ko naman sakanila yung dalawang mag-asawang nagbabadminton sa mahangin na park. Kakampi nung nanay yung anak nilang lalaki, habang nagmamagaling naman sa pag-smash yung tatay. Nakakatuwa lang kasi, sobrang mahangin talaga... at hindi na sila nagka-tamaan ng shuttlecock. Kung medyo judgemental ka gaya ko, iisipin mong mukha silang tanga dahil dedma sila sa malakas na hangin. Pero pinili parin nilang mag badminton, para makapag-bonding kasama ng anak nila. Masaya namang pinanood ni Charmaine ang pamilyang tinuro ko. Kakaibang ngiti ang gumuhit sa mukha niya.

matagal pa din mangyayari satin yan. sabi niya, sabay bura sa ngiti niyang iyon, at ibinalik nalang ang tingin sakin. Iniinis ba niya ako, o napahiya lang talaga ako kasi hindi niya pinahahalagahan ang mga gusto kong iparating?

Mukhang napansin niya naman na medyo nainis ako kaya.

Ui, bat sumimangot ka? naka-ngiti pa niyang inabot ang pisngi ko...Oo naman, pangarap ko ding mangyari satin yan... pero why talk about the future kung eto tayo... meron tayong ngayon? bigla niyang hinila yung shirt ko pababa, papalapit sakanya... tapos inangat niya ng kaunti ang ulo niya para halikan ako sa labi.

Napa-pikit nalang ako. Ano namang masama kung pag-uusapan namin ang future? Ano namang masama kung ngayon palang, sabay naming pangarapin ang mga bagay na ganoon? Kahit hindi ko ma gets ang ibig niyang sabihin, sure... marami naman diyang ibang pwedeng pag-usapan.

sige na nga... tutal eto naman ang mahalaga... ang ngayon. Sabi ko, nang putulin ko ang halik. Tapos biglang bumalik ang atensyon namin dun sa dalawang magsyota kanina. Tumayo kasi bigla yung umiiyak na babae tapos....

*PAK!!* - sinapal niya yung lalaki.

hahahaha! napa-tawa pa kami pareho ni Charmaine sa nakita naming yun.

basta, hindi tayo magiging ganun. Mariing pagkakasabi ng GIRLFRIEND ko.

sabi ko sayo eh... hindi talaga gusto nung lalaki yung gupit nung babae. sabi ko, kasabay ng pagpipigil ng tawa. Binatukan niya nanaman ako ng beri light.

~~ tulog na.... hayaan na muna natin sila.

Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan...

Kung matulog, matulog ka na...

At saka ko lang itinigil ang sintunado kong pagkanta, nang biglang tumahimik ang linya. Oo, magka-usap kami sa phone. Sabi niya, kantahan ko daw siya para makatulog siya agad. Sabi ko nga, baka sumakit lang ang tenga niya sa boses ko... pero hindi naman pala. Kaya naman kahit isang malaking OUCH to, para saaking load.... okay lang.

O ayan, inaantok na din ako. Pero bago ako matulog, syempre magsusulat muna ko kay Math notebook.

Agad kong binuksan ang lock ng munting treasure box ko kung saan naka-tago si Math notebook. Pero teka...

Asan si Math notebook?!

Hinagis ko na yung iba pang laman ng treasure box, pero wala si Math notebook! Tinignan ko sa bag ko, pero wala din doon! Asan ka nanaman, Math notebook??! Hindi ko na kakayanin, kapag may iba pang naka-basa sayo!

Kaya naman dahil sa hindi ko na talaga alam kung saan hahanapin si Math notebook, dali-dali akong pumunta sa kwarto nina Mama at Papa. Hindi ko na nagawang kumatok. Bigla ko nalang binuksan ang pinto, at laking gulat ko sa nakita ko... Si Mama, naka-upo sa kama, habang binabasa si Math notebook!

Gulat na gulat naman siyang napa-tingin saakin. Ngumiti pa siya saakin ng nakakaloko. At syempre pa, dahil siya ang ina, at anak lang ako... wala na akong ibang nasabi kundi....

Ma!? lumapit ako, at agad nalang inagaw si Math notebook. Hinawakan ko ito ng mahigpit sa likod ko.

Yieee, may girlfriend na pala ang anak ko. pang-aasar pa ng mother of the year. At dahil nga nanay ko siya, at anak lang ako...

Mama naman eh! Paano mo to nakuha, naka-kandado to ah!sinabayan ko pa ng head bang. Nakakainis talaga. Kung meron lang ako nung remote ni Adam Sandler doon sa isang pelikula niya... baka ini-skip ko na ang eksenang ito, at ni-delete pagtapak ko sa future.

ikaw naman... sige na, sorry na. Ikaw naman kasi eh... hindi ka nagku -kwento sakin. halika dito... tinapik niya pa yung kama na parang sinasabing maupo ako doon.. tabi ka sakin, kwentuhan mo naman ako. parang nagmamakaawa pa ang boses niya. eto din, ii-skip ko kung nagkataon. So, naupo na nga lang ako sa tabi ng Mama ko.

yes Ma, girlfriend ko na si Charmaine... please lang po, sana wag kong mababalitaan bigla na kinwento mo na pala kina Charmaine at Tita Thelma lahat ng kalokohan at kahihiyan ko noon. Ako naman ang nagmakaawa. Eto kasing Mama ko... parang lahat nalang ata ng nakaka-close ko, kapag nakilala niya... naku po, kung anu-ano ang iku-kwento. Yung tipong bigla nalang akong mapapayuko sa kahihiyan. Hindi niya alam kung kailan hihinto. Dont get me wrong ah... mahal ko ang nanay ko. Pero nakita niyo naman... talagang ginawan ng paraan ang pagkuha sa Math notebook ko!

bat mo naman nasabi yan. ikaw naman... masaya ako para sayo. Nginitian niya pa ako, na para bang gusto pa atang kurutin ang pisngi ko. What can I say... gwapo kasi ang anak niya.

Thanks Ma.... Good night.

~~ Dear Math notebook,

Hinaras ka ba ng nanay ko? Pasensya ka na ah...hayaan mo, hindi ka niya mahahawakan ulit. Dahil mula ngayon... grounded ka na ulit. Ay mali... grounded ka na for life.

Nga pala Math notebook, kung aalisin mo lang yung eksenang kinuha ka ni Mama.... sobrang saya na talaga ng araw na to. First date namin to ng GIRLFRIEND ko, bilang BOYFRIEND and GIRLFRIEND . Kumain kami ng street foods.... nanood kami sa mga sumasayaw ng street dance.... at nagbigay kami ng barya at pagkain sa mga street children. Pero kahit na puro street lang yun, nag enjoy kami ng sobra ng GIRLFRIEND ko.

At ang nakakatuwa pa Math notebook, syempre mas nakilala ko ang GIRLFRIEND ko. Hindi ko aakalaing may idadami pa pala ang mga dahilan kung bakit mahal ko siya. Hindi ko din akalaing madami din palang mga bagay ang pwede naming i-enjoy ng magkasama. Tulad kanina... nasa park lang naman kami at naka-upo, pero dinaig pa namin ang mga nanood ng sine at ang mga naglaro ng board games! Basta... masaya talaga.

Ano Math notebook, naiingit ka no? Hayaan mo, minsan kung papayag ang GIRLFRIEND ko... isasama kita sa mga date namin. Alam mo na, mahal na mahal din kasi kita eh... baka magselos pa. Pero wag kang magtatampo

Math notebook ah... kung tatanungin mo kasi ako, talaga namang mas mahal ko ang GIRLFRIEND ko kaysa sayo. Ooooppppss... kasasabi ko lang, wag kang magtatampo. Dont worry, hindi naman kita ipagpapalit sa ibang notebook eh. Proud boyfriend, Quen. CHAPTER SEVENTEEN

Naka-tayo ako sa harap ng simbahan. Ang gwapo ko lang saaking white tux. Lahat ng tao ay naka-tingin saakin. Ilang saglit pa, nabaling ang atensyon nila sa may pinto ng simabahan nang muling magbukas ito. Nasilaw ako sa liwanag.

Ayan siya... ang aking BRIDE. Napaka-ganda, sakanyang damit pangkasal.

Hindi ko mai-alis ang tingin ko sakanya, habang naglalakad siya papalapit saakin. Hindi ako makapag-hintay na makita siya nang malapitan. Nang maka-lapit siya saakin, agad kong inilahad ang kamay ko sakanya... at inabot niya naman kaagad.

Sabay na kaming humarap sa altar.

Sa gitna ng seremonya, hindi ata namin mapigilan ang sulyapan ang isat isa.... napaka -ganda talaga ng BRIDE ko.

I Charmaineryn Rasos, take you Enrique Gil to have and to hold... for better and for worse... for richer and for poorer... in sickness and in health... till death do us part... napaka-gandang pakinggan habang sinasabi niya yan ngayon sa harap ko. Pagkatapos ay isinoot niya sa daliri ko ang singsing namin.

I Enrique Gil, take you Charmaineryn Rasos... hindi ko na natapos ang linyang kay tagal kong pinangarap na sabihin, nang biglang...

ITIGIL ANG KASAL!!!! Napa-tingin kami lahat sa may pinto ng simbahan.... at ayun.

Si PAENG.

Gulat na gulat ang mga bisita na napa-tingin sa lalaking may kapal ng mukha, para sirain ang kasal ko.

itigil ang kasal! Ako ang dapat na ikinakasal sayo ngayon, Charmaine!sigaw pa nito. Gusto ko siyang sigurin, at kaladkarin palabas ng simbahang ito. Pero nadoble pa ang pagkagulat ko nang biglang itaas niya ang isa niyang kamay para ipakita sa lahat ang hawak niya. Biglang nag-usok ang ilong ko nang makita kong dala-dala niya ang isang bagay na sobrang iniingatan ko...

Si MATH NOTEBOOK.

Oo, dala niya si Math notebook. Paano niya nakuha si Math notebook?

Ibalik mo saakin si Charmaine, Quen.... at ibabalik ko sayo tong notebook mo. Palapit siya ng papalapit... naka-kapit ng mahigpit sa braso ko si Charmaine.

NOOOOO!!!! hindi ko alam kung bakit bigla akong napa-sigaw niyan.

Quen... tawag saakin ni Charmaine...

Quen!

Quen gising! Tanghali na! Sasamahan mo pa ko sa mall! bigla akong napa-bangon sa narinig kong yun, at nakita sa harap ko si Charmaine. TANGENE, panaginip lang pala. Phew, naka-hinga ako ng maluwag... at si Charmaine, eto si Charmaine!

Niyakap ko siyang bigla.

oh... na miss mo ko? haha. niyakap din naman niya ako pabalik.anong napaniginipan mo, bat nagsisisigaw ka? Saka sino si Paeng? tanong niya pa.

Paeng? Oo, narinig ko... pero bat niya tinatanong si Paeng? Hindi bat nabasa niya na noon si Math notebook? Alam niya na dapat kung sino si Paeng. O baka naman hindi niya binasa lahat, which is a good thing. Ibig sabihin, pwede akong magkwento ng kung anu-ano sakanya tungkol kay Paeng without her knowing na si Paeng at ang ex niyang si Dj... ay iisa.

Oo, sinisigaw mo yung pangalang yun habang natutulog ka. So, sino nga si Paeng?

my worst nightmare. Sagot ko, pero tinawanan niya lang ako. Natatawa din ako, kasi totoo naman. Worst nightmare ko si Paeng.

Oh sige na po, mag ayos ka na po... kasi nga diba, sasamahan mo akong mag-grocery para sa bahay. SHIT, Oo nga pala. May sakit kasi si Tita Thelma, kaya si Charmaine ang mag go-grocery. Patayo na siya sa kama, nang hilahin ko ang kamay niya para pigilan siya sa pagtayo.

Oh bakit?

Yung magiging kasal natin balang araw... hindi na niya ko pinatapos.

sabi ko naman sayo, ayokong pag-usapan ang mga bagay na matagal pang mangyayari.... inipit niya sa mga palad niya ang mukha ko. As in, inipit talaga... naka-fish face na ako. ang importante, yung ngayon... at ngayon, tanghali na kaya bumangon ka na po diyan, maligo ka na, at tutulungan ko lang maghain yung mama mo sa baba ha? Hinalikan niya ako ng mabilis, tapos nagmadali na siyang lumabas ng kwarto ko. Hindi man lang ako pinagsalita.

Pinigil na nga yung kasal ko, pinigil pa yung pagsasalita ko.

Bakit pakiramdam ko, kaming mga gwapo pa ang pinakakawawa sa mundo? Wala ba tayong tinatawag na Gwapo Perks, na napapalitan ng gwapo points? Or Gwapo citizen card, na magagamit para makakuha ng discount? Yung totoo.... anong advantage ba, ang meron kaming mga gwapo?

Enrique, bangon na! napabalikwas ako sa sigaw ni Charmaine. Do you see my problem here?

~~ Good morning! bungad ko sa dalawang pinaka mahalagang babae sa buhay ko, na nagtatawanan pa habang naghahanda ng pananghalian. Oo na, oras ng pananghalian kung magising ako! Pero teka, bat nagtatawanan ang dalawang ito?

Ayan na pala si Quen eh! Upo ka na, anak... sandaling tinapunan ako ng tingin ni Mama, tapos balik na ulit sa ginagawa... tapos alam mo ba Charmaine... yang si Quen nung bata pa... takot yan sa dahon! Yung mga malalaking dahon, lalo na kapag hinahangin? Pakiramdam niya kasi, hinahabol siya ng dahon sa paglalakad! Hahahaha! at halos humagalpak pa silang dalawa sa kakatawa. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh... talagang hindi magtatagal, mangangati ang nanay ko na ikwento sa girlfriend ko ang mga kahihiyan ko noon. Eh ano pa nga bang magagawa ko? Nanay siya. Anak lang ako. kaya ayun.... umupo nalang ako, at yumuko.

Ui Quen, hanggang ngayon ba takot ka padin sa dahon? tumatawa parin si Charmaine... ako, takot sa dahon? Hindi ko nga maalala yun eh. Saka sobrang mahal na mahal ko kaya ang mga dahon! Lalo na ang makahiya!

hindi no. Matipid na sagot ko.

Umusod pa papalapit saakin si Charmaine, at bumulong sa tenga ko...

Ang cool ng mom mo ah... naka-ngiti naman siya, pero bakit sarcastic ang dating sakin? Talaga, cool ang mama ko?

really? hintayin mo Charmaine... kapag kami naman ng Mama mo ang nakapag-bonding, magk-kwentuhan din kami ng hard! haha... pero sa ngayon...kumain nalang tayo... aalis pa tayo diba? yan nalang ang nasabi ko.

~~ Ano bang sakit ng Mama mo? tanong ko, habang tulak tulak namin ang cart sa loob ng supermarket. Palagay ko sa ngayon, matatapos na kami. Madami-dami na kasi ang laman ng cart namin.

hmm... wala naman, sumakit lang ang ulo. Pero alam mo, nag aalala na nga ako eh. Napapadalas na kasi yung pagsakit ng ulo niya at yung pagsusuka. Kapag naman sinasabi kong magpatingin na siya sa doctor, lagi niyang sinasabi... wala lang daw yun. Kwento niya, sabay shoot ng mga pagkain sa cart.

baka nga pagod lang dahil sa trabaho.... eto corned beef, nasa listahan to. Sabi ko nalang, habang shoot din ng shoot ng mga pagkain sa cart na hindi ko naman talaga alam kung meron nga sa listahan. Haha. Medyo tinatamad na kasi ako. At isa pa.... sino bang hindi kumakain ng corned beef? Sigurado, nasa listahan yon. wala naman yan sa listahan eh! Ooooppps.... wala nga. Haha. ayun, inalis niya agad. Alam mo, magtulak ka nalang. Ako nalang ang kukuha. Nakahalata ata na tinatamad ako.

Okay, sabi niya eh.

Sa gitna ng patigil-tigil na paglalakad dahil sa paglalandian namin, at hindi lang yon well.... madami kasi ng mga empleyadong may mala production number na sayaw sa tono ng jingle ng supermarket, kaya medyo napapatigil pa kami ni Charmaine para manood. Asan na nga ba ko... well, eto.... may nahagip bigla ang paningin ko.

teka, si Julia ba yun? tinuro ko sakanya ang babaeng sa paningin ko, ay parang si Fairy godmother Julia na tumitikim ng free taste. Haha... hanggang dito talaga, dala niya parin ang kasibaan niya. Walang duda... si Julia nga.

Ui, haha... Oo si Julia nga!... lumapit pa si Charmaine, without realizing na baka mapatagal pa kami kapag ginwa niya yon. Hetot tinawag niya pa... Julia!Napatingin naman ito, at parang gulat na gulat pang makita kaming magkasama ni Charmaine. Kumuha pa talaga siya ng ilan pang mga tusok ng hotdog na free taste, bago lumapit samin.

Ui, Charmaine, Quen! naks... nag go-grocery? napa-tingin pa siya sa cart na tulak tulak ko, at inalok pa kami ng hotdog. Kumuha si Charmaine, pero tumanggi ako.

sinamahan ko lang mag grocery ang GIRLFRIEND ko. s abi ko, na talagang may emphasis pa doon sa girlfriend. Wala pa nga pala kasi siyang alam na kami na, kaya hetot ibinalita ko na.

Kayo na? Naaks... congrats! Dahil diyan... mag celebrate tayo! nagka-tinginan nalang kami agad ni Charmaine. Hindi pa kasi kami tapos mag grocey... at sa pagkaka-kilala namin kay Julia... jusko, napaka kulit niyan.Ano, tara game!

Ha? Eh madami pa to eh... hindi na pinatapos ni Julia si Charmaine...

Tutulungan ko kayo, tara! at inagaw na niya ang cart. Aangal pa ba ako? yan sige.... mabuti yan. Siya nalang ang magtulak.

~~ Gabi na, pero ngayon lang kami naka-uwi. Bakit? Kasi kung saan saan pa kami dinala ni Fairy godmother Julia. Buti nalang talaga, may kotse si Julia at hindi na kami nahirapang mag commute na maraming dalang groceries.

Eto kami ngayon, sa may loob ng bakuran nina Charmaine. Tinulungan ko kasi siyang mag pasok ng mga groceries... sa pag-asang makaka-kuha ng kiss, bago man lang umuwi. Hehe. Hindi, joke lang... bukal sa loob ko ang pagtulong sa girlfriend ko.

salamat sa pagsama sakin ngayon ah. Sabi ni Charmaine, nang matapos na kami. Nasa tapat na kami ng gate. Ihahatid niya na kasi akong palabas. Kinuha ko naman ang mga kamay niya, at hinalikan ang isa dito...

Sus.... wala yon, no.

oh siya... sige na, good night na... nahiya naman ako sayo bitin yata yung tulog mo kanina. Tinapik-tapik pa niya ang pisngi ko. Pero syempre papayag ba naman akong umalis kaagad ng walang....

pssst itinulis-tulis ko pa yung nguso ko. Ang cute ko siguro... tumatawa kasi siya eh.

ayan! Diyan ka magaling! tinulak niya pa ng palad niya yung mukha ko. Hindi na ko magtataka kung bakit gustong gusto niyang gawin yon sa mukha ko. Bukod kasi sa ang cute ko na.... ang kinis kinis pa ng mukha ko. Pero huwag niyo nang ipa-describe sakanya kung gaano ka-kinis ang mukha ko. Kasi ang isasagot niya lang: Parang pwet ng baby.

Pero kahit ginawa niya nanaman yon sa mukha ko... syempre, lumapit parin ako. Lumapit din naman siya, kaya na-excite ako bigla. Ang lapit na ng mukha niya, at naramdaman ko din bigla ang mga kamay niya na humawak sa mukha ko, para hilahin ito palapit. Naa-appreciate ko na din sa wakas ang kahalagahan ng slow motion, nang biglang.... Charmaine! napa-tingin kami sa may pinto... at ayun si Tita Thelma.

Of course. Ano pa nga ba? Na-imagine ko bigla ang sarili ko na napa-snap ng malakas sa mga daliri dahil sa panghihinayang, pero biglang bumalik din ang atensyon ko kay Tita Thelma.

Bakit parang nanlalambot siyang naka-kapit sa doorknob, na para bang doon inaasa ang pagkakatayo niya? Napahawak siya bigla sa ulo niya, at pagkatapos ay... HINIMATAY SI TITA THELMA, at napa-higa sa sahig.

Agad kaming napa-lapit ni Charmaine sakanya. Ma! tawag ni Charmaine dito, habang tinatapik-tapik namin ito para magising. Walang nangyayari. Parang diretso dreamland si tita Thelma. Dahil doon...

*tentenenen... tenten tenen!!* - binuhat ko siya, at ihiniga sa may sofa.

Mama! tinapik-tapik pa ni Charmaine ang braso nito, para muling gisingin... at ayan nga, nagising din sa wakas.

okay lang ako anak... nahilo lang bigla. Nginitian pa niya ko.

sigurado po kayo? tanong ko. Nahilo daw siya BIGLA. Nakita ko kung paano siya napa-higa kanina at nawalan ng malay. Trust me... hindi yon bigla tulad ng pagkakasabi niya. Nakatuon siya sa doorknob, at napahawak sa ulo niya. She knew na may masakit sakanya, pero pinigilan niya.

Oo Quen... salamat sa pagsama sa anak ko ah... sige na, wag niyo akong intindihin, itutulog ko nalang ito. At saka humarap sa kabilang direksyon si Tita Thelma, para matulog. Kahit na sinabi ng Mama niya na okay na ito, eto parin si Charmaine.... bakas pa din sakanya ang pag aalala.

Kailangan mo ng tulong sa pag -aalaga sa mama mo? tanong ko, sabay pisil sa kamay niya.

Hindi na.. kaya ko na yan. sige na, baka hinahanap ka na ng Mama mo... Hinila na niya ako patayo, at hinatid sa may pinto. Id gladly stay para tulungan siya sa pag-aalaga sa mama niya. But then, binigyan niya ko ng assurance na kaya niya naman, sa pamamagitan lang ng tingin. I trust her naman.

tawagin mo lang ako pag kailangan mo ng tulong ah.. pahabol ko pa, bago niya buksan ang gate para makalabas ako. Tumango siya at ngumiti...

Hinalikan ko nalang siya sa noo... at saka tuluyang lumabas ng gate nila.

~~ Dear Math notebook,

Sana okay lang ang magiging mother-in-law ko no? Sana talagang nahilo nga lang siya. Kawawa din naman kasi si Charmaine... silang dalawa lang ng Mama niya ang magkasama sa bahay, kaya sakanya naiiwan lahat ng gawain ngayong may sakit ang Mama niya. At syempre tinutulungan ko siya sa mga gawaing iyon, Math notebook. Tulad halimbawa kahapon... akalain mong kailangan pala ng mantika sa pag-prito ng itlog? Haha... tapos pati pala

ang simpleng pagwawalis, ay may steps din... kanan, tapos kaliwa, tapos taas paa, at walisin ang tinungtungan... ang galing! Ang dami kong natutunan!

At sa dami nga ng mga natutunan kong gawain, masasabi kong.... pwede na akong mag-asawa! Hahaha, wag kang kokontra Math notebook... hindi na ako natutuwa sa mga kumokontra sa buhay ko. halimbawa nalang din yung kanina.... grabe talaga Math notebook, akala ko totoong kinakasal kami ni Charmaine, at totoong pinigilan iyon ni Paeng! buti nalang talaga panaginip lang ang lahat... at isa pa, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag totoong nangyari iyon! Siguro sa ngayon.... magfo-focus nalang ako sa pag-aaral ng mabuti, sa pag-aaral ng mga gawaing bahay, at sa pagiging mabuting boyfriend sa aking si Charmaine... yun lang Math notebook. Hayy.... ayan na, nakikita ko na. Maganda ang magiging future namin ni Charmaine!

Pwede nang mag-asawa, Quen. CHAPTER EIGHTEEN

Ang bilis ng panahon no? Eh ang bagal ko pa naman. Akalain mong Midterms na namin bukas, at etong si Charmaine.... ayun, ni hindi man lang ako masamahan sa mga gusto kong puntahan dahil sa pagiging busy niya.

Quen, hindi ka ba mag-aaral? Baka mahirapan ka niyan sa exam...Hindi ko na siya pinatapos dahil for sure, pipilitin niya nanaman akong mag-aral. Hindi ko naman nakakalimutan yung mga panata ko sa pagbabago. Pero diba... nakakatamad.

Hep hep hep.... sige na, mag -aral ka na diyan... hindi na kita kukulitin, ok? By e, love you! hinalikan ko siya sa noo, at nagmadali na akong lumabas ng library na iyon. Ngayon, kailangan kong maka-isip ng magandang pupuntahan kahit wala si Charmaine.

Kagabi pa kasi ako gustong isabay ni Charmaine sa pagre-review niya, pero ano nga ba naman ang ia-aral ko? Ganito kasi yan eh...

Si Oliver, yung isa naming sige lets say nalang na ka-barkada na rin namin siya... may nakuha siyang isang bagay na makapagpapadali sa mga buhay estudyante namin. At dahil narin siguro sa sobrang pagod maging masipag, makakatanggi pa ba ako?

Ano nahulaan niyo?

*ting ning ning ning!!* - Oo tama...

Mandadaya kami sa exams.

~~ Quen! Ano tong nabalitaan ko kina Oliver at James na may nakuha daw kayong leakage, at magchi -cheat kayo sa exams? naka-taas pang kilay na bungad sakin ni Charmaine, pagka-babang pagka-baba niya ng tricycle sa tapat ng bahay namin. Teka, galit ba siya?

Quen naman... okay lang yung paminsan minsan kumokopya ka kay Julia, pero eto?!.... sobra na to!

Nabitawan ko tuloy yung hawak kong makahiya, nang mas lumapit pa siya at oo, mukhang galit nga.

ahmmm...

so totoo nga? napa-hawak pa siya sa ulo, na para bang ipinangangalandakan ang sumasakit niyang ulo dahil sakin. kaya pala ayaw mong magreview! uh-oh... tumataas na ang boses niya. Pero teka, bakit ba pinoproblema niya to? Bakit ba ginagawa niyang big deal tong maliit na bagay na to?

Charmaine, ngayon lang naman eh...

Napa buntong-hininga pa siya, sabay hawak sa kamay ko at teka... ano to, bakit hinila niya ako papasok ng gate nila?

Hindi pa huli ang lahat. Pwede ka pang mag back -out... halika, magre-review tayo. Sabi niya nang makapasok kami sa loob ng gate nila. Seriously? Kulang na ang oras para makapag-review ako! At isa pa... naka plano na ang lahat.

Charmaine! okay na ang lahat eh. Hindi na din sasapat ang oras para makapag-review ako. Magtiwala ka naman oh... pagka-sabi ko nun, binitawan niya ng padabog ang kamay ko.

tiwala? Fine, sige... tignan natin kung saan ka dadalhin niyang gagawin mo. At saka siya tuluyang pumasok ng bahay nila. Sinundan ko pa nga, pero ayun... pinagsarahan lang ng pinto ang gwapo kong mukha.

~~ Dahil sa MUNTING pagtatalo namin ni Charmaine, eto... hindi nanaman ako maka-tulog. Kanina pa ako naka-upo sa harap ng bintana ko, at umaasang sisilip si Charmaine sa bintana niya, kakaway, ngingiti, at magfa-flying kiss tulad ng ginagawa niya gabi gabi. Kanina pa ako dito ah... pero wala parin. Naka-sara lang ang bintana niya.

Ayoko ng ganito. Hindi ako sanay nang magka-away kami ni Charmaine. Sige na nga, bukas ko na siya susuyuin.... pagkatapos ng exam. Pagkatapos maganap ang dapat maganap. *TOOOT* - uy nagtext si Charmaine! sabi na, hindi ako matitiis nito eh!

From Ganda:

G.M

Good luck sa mga may midterms bukas!

Tandaan...

All good is hard. All evil is easy.

Dying, Losing, CHEATING, and mediocrity is easy.

Stay away from easy.

Good night...

~Charmaine~

Akala ko naman kung ano... G.M lang pala! Medyo hindi ko naintindihan, pero pinariringgan niya ba ako? A simple I love you would have changed my mind about cheating... or not. Pero kahit na! Pinariringgan niya ako?!

Hindi ako maka-tiis. Hindi pwedeng ganoon nalang yon.

To Ganda:

..G.M..

Tao lang tayo...

Nagugulo ang buhok, na-uutot ng wala sa oras...

At nagkakamali.

Sabi nga nila...

Smart people learn from their mistakes.

GOOD NIGHT.

~Quen~

And SENT!

Huh! Kunwaring g.m, pero ang totoo... sakanya ko lang naman sinend. Tama naman diba? Smart people learn from their mistakes.... kaya, ano ba naman yung gumawa ako ng mistakes, dahil gusto kong maging smart? I know right... ang galing ko.

~~ Dahil sa pagtatalo namin ni Charmaine sa ginawa kong pandaraya sa exams..... BREAK NA KAMI. Masyado ko kasing dinamdam ang mga masasasakit na salitang sinabi niya, matapos ang pandaraya ko. kaya ayun.... nag break kami.

Syempre JOKE lang yun. ano, naniwala ka? HAHA... hindi no! Mahal na mahal ko na kaya si Charmaine. At kapag nag break kami, mawawalan na kayo ng dahilan para sundan ang kwento ko.

Eto ang totoo:

Eto kami ngayon sa classroom... matiyagang naghihintay ng results ng exam namin, habang pinapanood ang prof namin na si Ms. Kristina Moran na magpa-ikot ikot sa harap ng classroom, bilang pa suspense.

Inuna niyang isauli ang test papers ng mga babae...

Charmaine anong score mo? tanong ni Julia kay Charmaine, pagka-kuha nito ng paper niya. 97%. Sagot nito, at talagang ipinakita pa kay Julia ang papel niya. Habang ginagawa niya iyon, napatingin siya saakin at NGUMITI. Ngumiti, na para bang sinasabing... kita mo na, mataas ang score ko kasi nag aral ako!

*hintay*

*hintay*

*dugdug* *dugdug*

Gil! pagkarinig ko ng pangalan ko... agad akong tumayo, para kunin ang test paper ko. At kahit nakuha ko na... hindi ko parin magawang tignan. Tiniklop ko pa, at ipinatong muna sa desk ko. kinakabahan ako. Paano kung bagsak? Paano kung palpak yung leakage? Ano nang mukhang ihaharap ko kay Charmaine!

Quen anong score mo? tanong ni Julia... Hindi kita pinakopya this time... ano kayang resulta? Hahaha. biro pa ni Julia, pero hindi ako natawa. At dahil naka-abang siya, pati narin si Charmaine na malaman kung anong score ko...

Pumikit ako, at dahan dahan kong binuklat ang papel....

Dahan dahan akong dumilat at...

Ano na? tanong ulit ni Julia.

100%. sabi ko, pagkakita ko sa marka. Medyo hindi pa ako makapaniwala nung una, kaya naman para makasiguro... tinignan ko ito ulit. At HAHAHAHAHA, totoo... 100% nga ang resulta!

Ano?! lumapit pa si Charmaine, at parang hindi makapaniwala at inagaw pa ang papel ko...

Pati yung mga ka-klase naming iba, naki-usisa na din...

Wow Quen, ang talino mo naman!.... Oo nga, ang SMART mo! ilan lang yan sa mga narinig kong papuri, matapos nilang makita ang nakuha kong marka. Sabi ko naman kasi diba.... kaya gumagawa ng Mistakes, ay para maging SMART. Kita niyo na.... kung mahaba lang ang buhok ko, baka pinalipad ko na.

~~ Hey wait.. hinawakan ko bigla ang kamay ni Charmaine habang papalabas siya ng classroom... hinintay ko talaga siya sa tapat ng pinto ng room nila.kausapin mo na naman ako ng maayos.. sabi ko pa... napa-hinto naman siya, na para bang hindi alam ang sasabihin.

I miss you. Sabi ko, sabay halik sa kamay niya na hawak ko parin. Na miss ko naman kasi talaga siya... tatlong araw na yata kaming hindi nag-uusap ng maayos.

so, na perfect mo yung exam... pero Quen, hindi sa lahat ng pagkakataon makakalusot ka palagi. Dahil sa tono ng pananalita niya na parang hindi na galit... mukhang bibigay na rin siya, at patatawarin na rin ako. Kaya naman eto na ang perfect time para gamitin ang charms ko...

I know, I know... kaya nga, sorry na. Hinalikan ko pa ng pauli-ulit ang mga kamay niya... please. Na sinabayan ko pa ng puppy eyes. (Ang cute ko siguro no? imaginin mo ko, dali... matunaw ka, reader... matunaw ka!)

please mag promise ka na hindi mo na uulitin. Now I know its working... hehe.

promise. Kasabay ng aking sweetest smile.

sa susunod... sabay na tayong magre-review ah?

sige. Napa-ngiti naman siya sa sinabi ko. na miss mo rin ako, no?tumawa nalang siya, tapos binatukan ako. I love you. Pahabol ko pa.

I love you too. Sagot niya, and with that... lumapit ako, at hinalikan siya sa noo. Nawala ata sa isip namin na nasa corridor kami at may mga estudyante pa... kaya pala medyo may namumuong maliit na kumpulan ng mga estudyante na ngayon lang ata nakakita ng maganda at gwapong magkasama. Hui!! nagulat pa kami, nang biglang sumulpot si Julia sa maliit na kumpulan ng mga tao. Of course... si Fairy godmother Julia, na bigla nalang sumusulpot kung saan saan! Konti nalang... iisipin ko na talagang may magic wand din siya tulad ng iba pang fairy godmother.

~~ Dear Math notebook,

Pasensya ka na kung matagal-tagal kitang hindi nasulatan ah. Dahil yun sa kakaisip kay Charmaine. Nagkaroon kasi kami ng munting pagtatalo, dahil sa pandaraya ko sa exam. Pero kahit na pinagtalunan namin yun Math notebook... hindi ko yun pinagsisisihan. Bakit?...

Pagsisisihan ko ba naman ang 98% sa english, 99% sa physics at 100% sa psychology? HELL NO.

Oo, na... pandaraya parin ang ginawa ko. Pero dahil sa nangako na ako kay Charmaine... Hindi ko na talaga uulitin yon, Math notebook. Mag-aaral na ako sa susunod. gagamitin ko ang talinong nasungkit ko kani-kanina lang galing sa aking mistake. Tama, gagamitin ko ang talinong ito.... at gagamitin ko ito s a tama. Kaya naman sa ngalan ng aking dangal, ay gagawin ko ang buong makakaya, upang tumupad sa aking tungkulin sa girlfriend ko, at sa bayan, ang republika ng pilipinas, at sununod sa batas ng scout. Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon, pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan, at marangal ang asal.

Nag-uumapaw ang dangal, Quen. CHAPTER NINETEEN

Quen! kanina ko pa naririnig yan, pero talagang tinatamad pa akong bumangon. Mamayang tanghali pa naman ang unang klase ko ngayon eh! Kaya naman tinakpan ko nalang ng unan ang gwapo kong mukha, at susubukang bumalik sa mapayapang mundo na kung tawagin ay..... DREAM LAND.

Enrique! arrrgggghhhh! Bahala ka diyan, Mama... inaantok pa ako.

ayaw mo pang bumangon? Oh sige... baka lang kasi gusto mong malaman na dinala sa hospital kanina yung nanay ng girlfriend mo. Bigla akong napa-bangon sa narinig kong yun, at bigla ding binuksan ang pinto...

bakit hindi niyo po sinabi kaagad?! bungad ko kay Mama na naka-tayo parin sa harap ng pinto ko. Hindi ko na din hinintay na sumagot siya... bigla ko nalang kinuha ang tuwalya ko, at naglakad papuntang banyo.

~~ Charmaine! bungad ko kay Charmaine, nang marating ko ang hospital. tulala pa siyang pinapanood ang Mama niyang natutulog sa kama. Hey Agad naman siyang napatingin, nang marinig ang boses ko. Tumayo pa siya para salubungin ako ng yakap. Anong nangyari? Ok na ba siya? tanong ko pa.

Taka pa ako kung bakit hindi niya masagot ang napaka-simpleng tanong ko. Anong ibig sabihin nun? May problema ba? May magagawa ba ako para maka-tulong? Pilit siyang ngumiti. Dahil sa pinakita niyang katahimikan, alam ko na. Alam ko nang wala akong ibang maitutulong kundi...

*tentenenen tenten tenenen!!* - niyakap ko siya ng mahigpit.

Ui, 12:30 na.... 1 pm yung una nating klase diba? Sige na, pumasok ka na. Bigla niyang naalala habang magkayakap kami.

Hindi ka papasok? tanong ko pa. Bigla pa siyang naupo sa kama, katabi ng Mama niya.

walang magbabantay kay Mama eh. Oo nga naman pala. Kung ganoon, sasamahan ko siya. Ayoko namang pumasok, at iwan siyang mag-isang nagbabantay lang dito. Ooops, correction... ayokong pumasok, period.

samahan na kita. Kakatapos lang naman ng midterms... kung aabsent ako, ngayon na yun. Para naman may.... pinandilatan niya nanaman ako, at hindi na pinatapos.

hindi ka aabsent. Sige na, okay lang ako dito. Parating na din naman yung tita ko, para samahan kami dito ni Mama. tumayo pa siya at ipinagtulakan ako palabas ng kwarto. Alam ko, wala na kong magagawa. Kaya naman...

sige, balikan nalang kita after class. Hinalikan ko nalang siya sa noo, at saka tuluyang umalis.

~~ Hui Quen! siniko pa ako ni Julia. ano ka ba naman, kanina pa kita tinatanong eh. naka-upo lang naman kasi ang prof namin, kaya siguro hetot malakas ang loob niyang makipag -usap. So may sinasabi pala siya. Pasensya na, napatulala nanaman ako...

sorry... ano ba yon? napa-tingin ako sakanila ni Bianca. Si Bianca, yung katabi ni Julia sa kabilang side... at ang isa pang ka-jamming ko sa pangongopya kay Fairy godmother Julia.

Tinatanong namin kung bakit wala si Charmaine. sabi ni Julia. Sandaling itinigil nito ang pagsusulat, habang kinakausap ako.

Oo nga, asan si Charmaine? tanong din naman ni Bianca, na talagang idinungaw pa ang ulo para magkarinigan kami. Ano bang masasabi ko... napaliligiran ako ng mga chismosa.

na-ospital kasi yung Mama niya. walang ibang magbabantay. Sagot ko nalang. Abala sa pagkopya ng notes ang dalawa, pero ako... meron naman siguro sa internet niyan no? O kaya... meron naman siguro akong mabait na ka-klase na mahihiraman ko ng notes na iyan kapag kinailangan. talaga? Bakit anong nangyari? usisa pa ni Julia Chikadora.

Alam mo kumopya ka nalang kaya, ha. Sagot ko nalang.

sana okay lang yung Mama niya no? Wait.... bakit hindi ka kumokopya? Alam mo importante yang pinapakopya saatin ni sir. Subukan mo kayang kumopya no? Tapos, dahil wala si Charmaine... ipag-kopya mo na din siya, para naman wala siyang ma-miss. at saka bumalik sa pag susulat si Julia. Bigla akong napalunok ng laway sa sinabi niyang yun. Oo nga no? Kung nandito lang si Charmaine, malamang kagaya din siya nitong dalawa na masigasig na nagsusulat. At malamang, baka pinilit niya na din akong magsulat.

PAGSUSULAT. O kay hirap. O nakakatamad.

Kung tutuusin, maliit na bagay palang yan, dahil kapag mag asawa na kami... baka hindi lang yan ang gawin ko para kay Charmaine. Siguro, siya yung mag ta-trabaho bilang siya naman itong matalino. Baka ako pa nga itong mauwi sa paglalaba, pagluluto, pag-aalaga ng MGA anak, at pagsisibak ng kahoy. Diyos ko po...

Iniisip ko pa lang, sumasakit na ang ulo ko.

HINDI PWEDE.

Ako ang lalaki, kaya dapat ako ang magta-trabaho. Dapat ngayon palang isipin ko nang makakakuha ako ng magandang trabaho na maganda ang sweldo. Yung tipong uupo lang ako, at hindi masyadong required ang pag galaw? Yung tipong hindi rin kailangan ng sobrang pag-iisp... at yung tipong sa-sapat na ang ka-gwapuhan ko.

Oo tama, pwede parin namang mangyari yon kahit na hindi ako kumopya ng notes ngayon, diba?

Julia, hihiramin ko nalang yung notes mo ah... ipapa photocopy ko nalang, para may kopya kami ni Charmaine.

~~ Kawawa naman ang future mother-in-law ko. Pati narin si Charmaine. Matagal-tagal na palang alam ni Tita Thelma na may malalang sakit siya (nung sinabi sakin ni Charmaine yung tawag dun sa sakit, hindi ko natandaan.... mahirap kasing i-pronounce, at ka-kailanganin nila ng malaking pera para sa treatment.), pero itinago niya ito kay Charmaine. Kung sa bagay... kung ako din ang nagkaroon ng ganung karamdaman, (wag naman sana) baka hindi ko rin magawang sabihin kay Charmaine dahil sa ayoko siyang mag-alala.

At hindi lang iyon ang itinago ni Tita Thelma sakanya. Marami na pala silang utang na kailangang bayaran, at nanganganib pang mawala ang kabuhayan nila dahil dito. Naaawa ako kay Charmaine. Handa tuloy akong i-isang tabi muna ang nilalaro kong scenario sa isip ko, na buhay-mag asawa namin ni Charmaine dahil sa dami ng problema niya. Sa ngayon, wala muna akong ibang iisipin kundi ang paano ako makakatulong sakanilang mag-ina.

Pero paano nga ba? Paano ko matutulungan si Charmaine, gayong eto lang ako...... isang hamak na gwapo.

andito lang ako para sayo ha. Bulong ko kay Charmaine, habang naka-luhod kami pareho sa simbahan. Pinisil ko ang isang kamay niya, habang naka-pikit pa siyang nagdadasal. Dumilat siya, at tinignan ako kasabay ng isang matamis na ngiti.....

thank you. Inilapat niya ang noo niya sa noo ko. May patutunguhan na sana ang pagkakalapat na iyon pero...

Charmaine, pwede na ba tayong maupo?... ang sakit na ng tuhod ko eh. Sabi ko, pero tinawanan niya lang ako. Tumayo siya, at inilahad ang kamay niya sakin...

Tara na nga... mag-sindi tayo ng kandila doon.

~~ At nagsindi na nga kami ng kandila sa may gilid ng simbahan. Naka-pikit nanaman siyang nagdadasal habang hawak-hawak ang kandila. Pero habang naka-pikit siya, bigla atang humangin ng malakas... dahilan para mamatay ang apoy ng kandila niya. Charmaine, namatay. Napa-dilat siya sa sinabi kong iyon. Kaya naman agad siyang naki sindi ng kandila sa nagdadasal sa tabi niya. Nang i-angat naming dalawa ang tingin namin para magpasalamat....

Isang pamilyar na mukha, pamilyar na amoy, at pamilyar na boses ang bumungad saamin.

Charmaine, Quen... kamusta? bati nito.

Dj?

~~ Dear Math notebook,

Bakit kailangang magbalik ni Paeng sa buhay namin, ngayon pa talaga kung kailan nangangailangan ng tulong si Charmaine? Kailan ba kasi siya babalik sa States? Alam mo kasi Math notebook....

Natutunan ko ngayon na meron palang ilang mga pangyayari na pwedeng i-pilit si Tadhana, na kung maibabalik lang ang panahon.... ay gagawan mo ng paraan, para wag nang mangyari. Lalo na kung involved si GIRLFRIEND at si EX...

1) ang PAGKIKITA sa pagkikita ng girlfriend mo at ng ex niya, asahan mo nang magkakaroon ng Ill stop the world and melt with you na drama ang dalawa. At lalong nakaka-ilang, kapag kasama ka at nakikita mo.

So ayun nga, nagkatitigan sila. Ilang naman ako. Pero syempre wala na akong nagawa, kaya humantong pa ito sa....

2) ang KAMUSTAHAN sa kamustahan ng girlfriend mo at ng ex niya, magsisimulang makalimutan ng girlfriend mo na may kasama siya dahil sa pagkakadala niya sa muling pagkikita nila ng ex niya. Magsisimula ito sa mga simpleng palitan ng mga napunang pagbabago sa isat isa, tulad na lamang ng... lumalaki ang katawan mo ah, nagwo-work out ka no?.... o kaya naman ng... lalo kang gumaganda.

So ayun nga, nag puri-an sila. Yung isa naman, porket nasabihan lang na lumalaki ang katawan niya... sobrang na aliw ata, kaya naman hindi ko nanaman napigilan at humantong pa sa...

3) ang KWENTUHAN sa kwentuhan ng girlfriend mo at ng ex niya, lalo mong mararamdaman na hindi ka nila kasama. Dito narin papasok yung part na kung saan bigla ka nalang mapapatanong sa sarili mong... wow, ano pa bang hindi ko alam tungkol sa girlfriend ko?

Edi ayun nga, naglakbay silang dalawa sa memory lane habang ako, ayun... naka -kulong sa mga selda na kung tawagin ay.... awkwardness. At dahil nga sa sobrang pagka-ilang... NAGPA-PANSIN ako. Bagay na medyo pinagsisisihan ko, pero ano pa nga ba? Ayun humantong tuloy sa....

4) ang PASIKATAN sa pasikatan ng girlfriend mo at ng ex niya, dito na papasok yung pagmamalaki nila sa mga pagbabago sa buhay nila, matapos ang kanilang break-up. Kabilang na doon ang mga bago nilang ka-relasyon. Bagay na hindi ko naman alam kung ika-tutuwa o ikaka-hiya ko.

Edi ayun, napa-kwento tuloy si Charmaine tungkol saakin. Hindi naman sa hindi ko naa-appreciate ang pagmamalaki niya saakin bilang boyfriend niya. Pero parang sumobra naman ata kasi bukod sa pagmamalaki... may iba pa siyang naikwento tungkol sakin: alam mo ba, itong si Quen.... kung managinip yan... grabe! Haha, alam mo bang PAENG ang pangalan mo sa mga panaginip niya?! Ayan, kita mo na kung gaano ka hilig maglaro ni tadhana, Math notebook? Dahil sa paglalakbay mo ng walang pahintulot ko... ayan, alam niya pala yung tungkol kay paeng! Ang nakakainis pa, nung nalaman ni Paeng na nasa hospital si Tita Thelma... ayun, sinabing dadalaw pa daw siya sa ibang araw. Edi ibig sabihin, makikita pa ulit namin si Paeng? At eto ha... kung anu-anong tulong pa ang in-offer. Totoo naman kasing mas marami siyang pwedeng itulong kay Charmaine, kumpara saakin. Ano ba naman ang mai-tutulong ko diba? Wala naman akong pera. Bakit ba kasi ganito lang ako eh! Kung matutumbasan lang ng pera ang ka-gwapuhan ko, edi wala na sanang problema.

Isang hamak na gwapo lamang, Quen. CHAPTER TWENTY

Palala na ng palala yung kondisyon ng Mama ni Charmaine. Buti nalang, lumuwas yung tita niya at tinutulungan kami sa pag-aalaga kay Tita Thelma. Na-aawa ako kay Charmaine. lagi nalang siyang matamlay. Sa school, medyo pumapangit na ang performance niya.

Kung meron lang talaga akong mai-tutulong.

Nga pala, nag-bibihis ako ngayon, dahil pupuntahan ko na si Charmaine sa hospital. Dun kasi siya natulog kagabi, at wala naman akong klase ngayon.... kaya eto, sasamahan ko siya sa pagbabantay.

~~ Pasakay nako sa tricycle nang biglang....

Quen! si Charmaine, ngiting ngiting naka abang saakin sa tapat ng tindahan ni Aling Josie. Sinenyasan niya ako para lumapit, kaya naman pinaalis ko muna si Manong tricycle driver, at agad ding lumapit sakanya.

o anong ginagawa mo dito? pupuntahan na sana kita sa hospital eh... hinila niya pa ako papalapit sakanya.... tapos, hinalikan ko siya sa pisngi. Teka, bat parang ang saya niya ngayon?

wag na tayong pumunta dun ngayon... si Tita Tess munang bahala kay Mama. Ano daw? Hindi ko na itatangging gusto ko tong idea niya, pero bakit?

Bakit? Saka bakit parang masaya ka ata ngayon? Bumubuti na ba si tita? Ano, okay na ba s.... pinutol niya nanaman ang pagsasalita ko.

pwede mo ba kong dalhin sa ibang lugar?... pwede bang kalimutan muna natin lahat ng problema, kahit ngayon lang?... i-enjoy lang natin tong araw nato... kahit saan mo ko dalhin, basta please...... samahan mo ko. Gusto kitang makasama sa.... napahinto siya, at biglang napatingin sa mga mata ko. Paano ko tatanggihan yang mukhang yan? Paano ko tatanggihan yung mga mata niyang shining shimmering splendid na parang nakikiusap saakin na pagbigyan ko siya? Eh sabi ko nga diba.... gagawin ko lahat para tulungan siya.

sure. Ngiting-ngiti kong sagot. Anong gusto mong gawin?... saan mo gustong pumunta?

I dont know... sa dulo ng walang hanggan, manood tayo ng sunset doon. O kaya, sa park... manood tayo ng reality drama ng ibang tao. O kaya sumakay tayo ng tricycle.... tapos tumalon din tayo habang umaandar pa. Pwede ding sa Mall... tapos, kunan mo ko ng picture sa lahat ng madadaanan natin. Kahit saan, Quen............ bastat kasama kita.

Mali ako kanina, nang inakala kong masaya siya. Gusto niya lang samahan ko siyang takasan lahat ng problema, kahit ngayong araw lang.... gusto niyang maging masaya. At sa mga pinagdadaanan niya ngayon, wala akong dahilan para ipagkait sakanya yon.

tara. Inilahad ko na sakanya ang kamay ko.

~~

Gusto ko siyang dalhin sa mga lugar na sinabi niya kanina. Hindi ko nga lang alam kung saan yung dulo ng walang hanggan. Kung saan man yon, parang ang expensive pakinggan. Pero kahit na isang malaking ouch to para saaking allowance... eto kami ngayon, sakay ng isang tricycle na hindi naman gaanong mabilis... pero ang ingay ingay ng makina.

Manong heto na pong bayad... inabot ko na sa driver, kahit na wala pa naman talaga kami sa lugar na sinabi naming pupuntahan namin...

Heto si Charmaine sa tabi ko... at syempre pa, kumo-korean novela ang mga buhok naming pareho. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang ngumiti ng ganyan, mula nang magkasakit ang Mama niya. kaya naman sobrang saya ko, na ginagawa ko to ngayon para sakanya...

One.. sabi ni Charmaine...

two.. naghawak kamay na kami... And... three! at... sabay na kaming tumalon sa umaandar na tricycle!

Quen! napa-sigaw pa si Charmaine, nang maka-tapak kami sa lupa. Siya lang nanaman kasi ang naka-tapak ng maayos.... tapos ako, hetot medyo na out of balance kaya napa -luhod pa sa lupa. Sabi naman kasi hindi ako pang stunts.

Hahahahaha. ayan, tinawanan niya pa ako habang inaalalayan niya akong patayo. Kita niyo na?

NAPA SAYA KO SIYA.

~~ Na-uhaw kaming pareho sa ginawa naming stunt kanina, kaya eto.... tamang tamat napadaan kami sa 7 eleven.

oh, inom ka dali... itinapat niya sa bibig yung slurpee na hawak niya, kaya naman uminom nalang ako. Eto parin kami sa tapat ng slurpee machine. Pagka-inom ko, itinapat niya pa ulit sa slurpee machine ang cup, at nag REFILL siya.

ui, bawal yan... saway ko pa, habang hinaharangan siya para walang makakita sa ginagawa niya. Pero tawa lang siya ng tawa, kaya eto......

refill kami ng refill.

Masisisi niyo ba ako? eh kulang saamin yung slurpee! At isa pa...

NAPAPASAYA KO SIYA.

~~ Matapos naming sugapain ang slurpee machine, nagpa-bili pa siya ng chocolate. Kaya eto kami ngayon... nakapila sa counter, pero parang ang tagal atang umusad ng pila. Medyo naiinip na tuloy kami. Paano ba naman, ang daming binili ng babae sa unahan tapos si Kuyang cashier.... mukhang nahiirapang manukli.

Sa inip namin, naka-hanap si Charmaine ng mapaglilibangan...

Quen, tignan mo... ang laki oh. sabi ni Charmaine, habang naka-turo sa likod ng babaeng naka-tube na nasa unahan namin. Tinutukoy niya yung malaking nunal, na nasa likod ni Ateng naka-tube. At Oo, ang laki nga! Hahaha... teka, nunal ba yun o balat? Hay naku, kahit ano pa yon... sigurado akong hindi na dapat siya nagtube para i-expose ito!

Para sakyan ang kalokohan ni Charmaine...

Alam mo ba kung ano yan? tanong ko sakanya, habang naka tingin parin kami pareho sa nunal/balat ni Ate.

Nunal, ano pa ba. O pwede ding balat. O peklat. O baka naman tattoo. Sagot niya.

sshhh.... saway ko pa sakanya, dahil napa-lakas ata yung pagkakasabi niya. buti nalang, hindi narinig ni Ateng naka tube... hindi yan alin man sa mga sinabi mo. CAMERA yan. bulong ko pa sakanya. hindi naman niya napigilan ang matawa dahil sa sinabi ko. smile ka dali. Sabi ko pa, at ayun...

Sabay kaming nag-pose sa likod ni ateng naka-tube.

jumpshot! sabay pa kaming tumalon.

wacky! ayan, wacky naman daw. Hahaha... pero bigla kaming napa-tigil sa pag pose at sa pag tawa ng biglang....

Biglang humarap saamin si Ateng naka tube, at ang sama pa ng tingin saamin! Naku, patay na... nakaramdam si ateng!

kanina pa kayo ah, akala niyo hindi ko kayo nadidinig na hindi niyo ginagaspang ang nunal ko?!........ bastos kayo ah. Pagkasabi ni ate niyan, bigla din siyang tumalkod ulit.

Ooooppppsss.

Natakot naman kami kay Ate, kaya hindi na kami nag-pose sa harap ng itim niyang camera. Pero kahit na sinaway na kami... hetot tatawa-tawa parin si Charmaine. Lumapit pa siya saakin, sabay bulong...

okay lang yan. Mag-tiyaga nalang tayo sa stolen shot. Sinabayan niya pa ng kindat. Tatawa-tawa parin kami, hanggang sa makapag bayad kami sa counter. Kita niyo na...

NAPAPASAYA KO SIYA.

~~ Heto kami ngayon sa park. Naka sandal ako sa puno, habang si Charmaine... hetot naka sandal naman saakin. Ngayon lang siya ulit tumahimik, matapos naming hulaan ang drama sa buhay ng ibang mga taong nakikita namin sa park. Naka-tulog na ata. Sisilipin ko na sana yung mukha niya, para malaman kung tulog nga siya... pero bigla siyang nagsalita...

salamat para sa araw nato.

Hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko sakanya.

sumaya ka ba? tanong ko pa, habang hinahaplos-haplos ang buhok niya.

sobra. humarap siya sakin... hindi ko makakalimutan tong araw na to.

Masaya kong napasaya ko siya.... na kahit sa ganoong paraan man lang, nakatulong ako sakanya.

Ginagap ko yung mukha niya papalapit, and kissed her. Humawak pa siya sa pisngi ko, habang tinutugunan ang mga halik. Ngayon masasabi kong... sobrang saya na ng araw na ito. Parang ayoko na yatang matapos pa.

Ilang saglit lang, pinutol niya ang halik. Tinignan niya ako ng diretsa sa mga mata...

ngayon, oras na para sabihin ko sayo... Talagang umayos pa siya ng pagkaka-upo. Hindi ko alam ah... pero parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya, at sa tono ng pagkakasabi niya. Masaya siya ngayon diba? Sa puntong ito, isa lang yon sa mga bagay na sigurado ako. Na napasaya ko siya. Pero bakit parang nag-iba?

I hoped I was wrong. But by the way she looked at me.... inexpect ko nang hindi. At para hindi na magtalo ang isip ko, hinintay ko nalang siyang magsalita.

kagabi, dumalaw sa hospital si Dj. wait... Oo, inaasahan ko nang dadalaw si Paeng sa hospital. Sinabi na niya yun nung magkita kami sa simbahan diba.

tapos? tanong ko pa.

Quen... alam mo namang palala na ng palala si Mama diba? Tapos, madami pa kaming uta ng... hindi ko alam kung paano namin matutustusan lahat ng iyon... At dito na nag-simulang tumulo ang mga luha niya. nagoffer siya ng malaking tulong, Quen.

Pinunasan ko yung mga luha niya sa mukha, pero tuloy tuloy ang pagtulo ng mga to.

scholarship. Dagdag niya pa.

oh?.... eh may scholarship ka naman ah. Diba? tanong ko pa, pero umiling-iling lang siya.

scholarship sa university na pinapasukan ni Dj. at saka pa lalong bumuhos ang luha niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Saka teka... diba, hindi naman dito sa bansa nag-aaral si Dj? Sinasabi niya bang inaalok siyang makapag-aral ni Dj sa ibang bansa.... malayo sakin?

sa STATES?! Tanong ko ulit. Tumango siya.

Oo, sa states. Kasabay ng pagpapagamot din ng Mama ko doon. Bigla akong napa-tayo, at naglakad ng ilang hakbang palayo kay Charmaine. Napa-isip ako...

YUN YUN EH. Mas mapapadali ang pagpapagamot ng Mama niya, kung doon sa states. Mas marami nga namang magagaling na doctor dun. ibig sabihin, iiwan niya ako.

teka... iiwan mo ko? aalis ka? saka sumasa-ilalim na naman sa treatment yung Mama mo ah... bakit kailangang sa ibang bansa pa? bigla akong napa-harap ulit sakanya. saka ano namang kapalit? Makikipag balikan ka kay Dj? hindi ko na ata napigilan, at itinaas ko na din ang boses ko. Punong puno ako ng mga tanong. Sa totoong buhay talaga, wala nang nai-dulot na maganda saamin si Paeng! Bakit kasi kailangan niyang mag exist sa totoong mundo, at hindi sa mga panaginip ko nalang?!

Hindi siya sumagot sa tanong ko.

Lumapit ako ng ilang hakbang sakanya, tapos hinawakan ko siya sa mga kamay...

yun ba ang purpose ng araw na ito? Kasi... gusto mong magpaalam? kabawasan ba sa pogi points ko kung hahayaan kong tumulo ang kahit isang patak lang ng luha ngayon?... kahit isa lang? Pero sige wag nalang muna, kaya ko pa namang pigilan eh.

Alam mo namang ayokong iwan ka. Kung may ibang paraan lang sana para.... hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita ni Charmaine...

pero wala na. At ayan, hindi ko na napigilan at may pumatak na isang luha mula sa mata ko. Tama yun. Kailangan niyo ng tulong ni Dj para malampasan to. Kung ano man ang desisyon mo, Charmaine.... maiintindihan ko. Naniniwala ako kay Charmaine. Alam kong totoong hindi niya ako gustong iwan. Pero scholarship sa ibang bansa, treatment para sa nanay niya, sa madaling salita... mas magandang buhay.

Sa ngayon, yun ang kailangan niya. Hindi ako.

Quen, hindi pa naman ako umo-oo kay Dj.... baka naman kasi may iba pang paraan para hindi na ko umalis. Who knows... I might figure something out.

Lumapit ako, at niyakap siya ng mahigpit. Yes, tama.... who knows? Ho-hopia nalang kami. Hopia may, hopia might.

~~ Dear Math notebook,

Sobra akong naguguluhan ngayon. Si Charmaine kasi eh... sabi niya gusto niyang kasama niya ako sa pagdedesisyon kung aalis ba siya o hindi. Ayoko siyang umalis, Math notebook. Mahal na mahal ko na siya. At isa pa, bukod sayo.... siya lang ang ka isa-isang taong nakakaintindi sa mga katangahan ko, nang hindi ako tinatawanan..... ng madami.

Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, Math notebook. Feeling ko, dinaig ko pa si Mara ng MaraClara.... si Esperanza... at si Budoy sa sobrang dramang nararanasan ko ngayon. Kilala ko na si Budoy, Math notebook... nagrsearch ako tungkol sakanya at napagalaman kong HINDI.... hindi nagpapanyo si Budoy. Inechos lang ako ni Manong guard noon. Asan na nga ba tayo?........ AYUN,

Anong gagawin ko Math notebook? Masama ba akong tao kung pipigilan ko siyang umalis? Sagot ko nalang ang hinihintay niya Math notebook. At isa tong desisyon na hindi ko dapat i -asa sa pagbubunot ng makahiya........ So ano nga, palalayain ko na ba si Charmaine?

Teka, teka.... kailangan ko munang humingi ng sign kay Lord.

Naka-tingala sa langit, Quen. CHAPTER TWENTY-ONE

Hindi ako naka-tulog kagabi. Hindi ko kasi mai-alis sa isip ko na kailangan pang umalis ni Charmaine, para lang ma solusyunan ang kaliwat kanan niyang mga problema. Yung mga problema niya... na kahit katasan mo pa ang ka gwapuhan ko, ay walang mai-tutulong.

Bakit ba kasi kailangan niya pang pahirapin ang sitwasyon? Kung aalis siya para sa ikakabuti.... bakit ba kasi hindi nalang siya umalis? Bakit kailangang tanungin niya pa ako? eh tatanggapin ko naman kung ano man ang magiging desisyon niya eh.... pero dahil sa tinatanong niya ako, pakiramdam ko tuloy saakin nakataya ang lahat. Mahal ko siya... kaya kahit kailan, hindi ko gugustuhing umalis siya.

papa-alisin ko siya.. sabay turo ko sa unang butas ng sky flakes na kinakain ko ngayon.

hindi ko siya papa-alisin sabay turo ko sa pangalawang butas ng sky flakes...

papa-alisin ko siya.. oh forget it... maya-maya magkakamali din ako ng bilang ng butas ng skyflakes! Kaya naman isinawsaw ko nalang ito sa iniinom kong kape, sabay kagat. Naubos na kasi yung mga alaga kong makahiya, dahil sa dalas ng pagbubunot ko.

Quen, ano pa bang ginagawa mo diyan sa labas?... pumasok ka na ngat dito ka na magkape! sigaw pa ng Mama ko mula sa loob. Nanonood siya ng teleseryeng paikot-ikot lang naman ang kwento. Oo na, nagsawa na rin ako sa panonood ng teleserye! Dadagdagan ko pa ba naman ang drama ko sa katawan? Saka ayoko pang pumasok no... ano naman ang sasabihin ko sakanya?..... Mama, naghihintay ako ng sign mula kay Lord! edi pinagtawanan lang ako. Totoo naman kasi... asan na ba kasi yung hinihingi kong sign kay Lord?

Pwedeng pwede na kong bigyan ng background music ngayon. Yung... Natutulog ba ang diyos? na sasabayan ko pa ng dahan-dahang pagtingin sa langit, at flashbacks sa utak ko. Masyado na ba akong ma-drama?.... epekto ba to ng sobrang panonood ng teleserye?

TELESERYE. Sinong makakalimot sa sumpaang walang hanggang pag-iibigan nina Daniel at Katerina? Oo natupad nga... pero na deds naman sila pareho. Pinag-hiwalay sila... maraming nakilala, maraming tinanggap na pagbabago sa buhay, at maraming pagsubok na pinagdaanan, pero sa huli.... sila parin. (deds nga lang) Dahil dito...

Nagtatalo nanaman ang ANGEL at DEMONYO sa utak ko...

ANGEL: walang haba ng panahon ang kayang humadlang sa pag-iibigan niyo ni Charmaine.... kung mahal niyo ang isat isa, panghawakan niyo yon...at magiging kayo parin sa huli.

DEMONYO: wag kang maniwala sakanya! sa teleserye lang yun.... sa totoong buhay, kapag pinakawalan mo si Charmaine... mawawala na siya sayo, habang buhay!!

ANGEL: subukan mong humingi ng tulong sa diyos, Quen..... tutulungan ka niya.

DEMONYO: tsss.... dasal dasal? Baka mas matulungan ka pa ng makahiya! Wag ka ngang nakikinig diyan sa bobong ka-room mate ko dito sa utak mo. I say... wag mong paalisin si Charmaine.

waaahhh! Tumahimik kayo! huli na nang mapansin kong, isinigaw ko pala yan ng malakas. Ang tanga ko lang, dahil yung angel at demonyo lang naman sa utak ko ang sinasaway kong tumahimik. At huli na rin ng mapansin kong natabig ko pala ang tasa ng kapeng iniinom ko. Ayan, tumapon tuloy ang iniinom kong..... bagong NETHCAPEY brown and creamy...... NYAMMY.

Quen! biglang dumungaw sa bakod namin si Charmaine, na akala ko... ay nasa hospital. Nagdire-diretso naman siya ng pasok, kaya syempre sinalubong ko nalang siya ng ngiti.

bat ka sumigaw?... may problema? parang napag-alala ko ata, dahil sa sigaw ko. Problema? Lahat ng problema niya, pinroproblema ko din.

wala... akala ko ba nasa hospital ka? kamusta ang Mama mo? tanong ko nalang... muntik pa siyang mapaupo sa spot na natapunan ko ng kape, kaya nang i-ilag ko siya... saakin na siya napa-upo.

Tatayo na sana siya, pero kinulong ko siya sa mga braso ko, at isinandal ko pa ang baba ko sa may balikat niya. Kailangan ko ng hug.

kakadating ko lang, hindi mo ba narinig yuang tricycle? Si Mama, ayun... lalo pang lumalala. Halos mamilipit nga sa sakit kanina eh. Sabi niya pa ng matamlay, habang nakasandal sakin.

Charmaine, yung tungkol sa pag-alis mo... Hindi na niya ako pinatapos.

Ano... siguro hahanap nalang ako ng trabaho... tutulong din naman si Tita Tess eh. Hindi na siguro kailangang matuloy nun. Humarap siya sakin, at binalot niya pa yung isang braso niya sakin. Parang bigla niya lang namang sinabi yun para pagaanin ang loob ko. Alam naman naming pareho na sa pagpapa-ospital palang ng Mama niya, hindi na sasapat yun.

tanggapin mo. Sabi ko bigla. Napa-tingin naman siya sakin na parang pinipilit intindihin ang sinabi ko. Kaya para malinaw, sige uulitin ko...tanggapin mo na yung alok ni Paeng, ay este.... ni Dj.

pinapayagan mo akong umalis?

Oo naman. Sinabayan ko pa ng ngiti, tapos kinuha ko yung isang kamay niya... babalik ka naman, diba? Saka.... ayan, napa-yuko na siya na para bang pinipigil na mapa-iyak. Pero ayoko na, quota na kami sa iyakan. Kaya naman bago pa mangyari yun, ginagap ko na yung mukha niya para tignan ako ng diretsa sa mata, at susubukang magsalita ng walang bahid ng pagka-emo... tignan mo ko.... maganda yung inaalok ni Dj.... kahit kailan, hindi ko yun maibibigay sayo.

Ayan, sinasabi ko na nga ba eh.... mapapa-iyak nanaman siya.

wag kang mag-alala, wala namang kapalit na hinihingi si Dj eh... gusto niya lang tumulong.

I know... dapat lang. Tinaasan ko pa siya ng kilay, at pinilit na tumawa. gawin mo, para sa Mama mo. Dagdag ko pa.

Gagawin ko para sa Mama ko....... at gagawin ko para saatin. Sinabayan niya pa ng pinaka-matamis niyang ngiti, habang tuloy parin ang pagtulo ng mga luha niya. babalik ako.... babalik ako, pag napagamot na si Mama... kapag ayos na lahat.

maghihintay ako. sinabayan ko pa ng paulit-ulit na pagtango... wag kang iiyak, Quen... walang nakaka-iyak.

Hinawi ko ang buhok niyang medyo naka-harang sa maganda niyang mukha, tinignan ng diretsa sa mga mata..... at dahan-dahang dinampian ng halik sa labi. Alam kong amoy kape ako, pero wala akong pakialam.

Ito yung eksena na kung saan hindi mo na gugustuhin pang sumigaw ang direktor ng CUUUT!!.... ito yung eksena na paulit-ulit kong ire-rewind sa utak ko... ito yung eksena na kahit meron pang umepal....

Quen, anak ano bang ginagawa mo pa diyan sa labas?! nagulat kami ni Charmaine, dahilan para maputol ang halik..... And CUT!

*fade to black*

~~ Ngayon ang araw na hahatulan ako ng kamatayan. Oo na, ang O.A ko.... pero parang ganun na din kasi ang nararamdaman ko eh. Ngayon ang araw ng pag-alis ni Charmaine. Syempre bago pa dumating ang araw na to, nilubos-lubos na namin ang natitira naming oras na magkasama. Hinintay naming umulan, tapos naligo kami at naghabulan sa ulan. Nagpa-picture kaming dalawa sa paborito naming magfi-fish ball sa park. Nag-ukit kami ng pangalan namin sa puno ng Mangga sa likod-bahay namin. Nag holdinghands while walking kami sa beach, at naghabulan na din nang ma-bore. Tinuruan ko siyang mag-gitara. Tinuruan niya akong mag-luto ng spaghetti, pero hindi ako natuto.... at marami pang iba. Lahat ng yon, pinagkasya namin sa loob ng ilang mga araw lang.

Charmaine, gising na... heto na tayo. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok ng natutulog na si Charmaine, habang naka-sandal siya sa balikat ko. Pumarada na kasi ang taxing sinasakyan namin sa harap ng airport.

ang bilis naman... bulong niya, habang naghahanda kaming bumaba.

Natatanaw na namin si Paeng, na nakatanaw din saamin mula sa malayo...

Eto na.

Ilang segundo nalang, ipapaubaya ko na siya sa lalaking iyon. Ang bilis na ng tibok ng puso ko... parang gusto ko atang magsisi na pinayagan ko siyang umalis, ngayon pa talaga kung kailan heto na... binababa na namin ang mga maleta nila ng Mama niya.

Yung Mama niya, ayun... inaalalayang bumaba ng Mama ko at ni Tita Tess. Lahat sila sumama sa pag-hatid. Si Paeng naman, ayun... naka-tanaw lang. Buti naman no, wag na siyang maki-hati sa mga huling sandali ko kasama ang girlfriend ko.

Hindi kami pwedeng pumasok sa loob.... hanggang dito nalang kami.

Yumakap na ng mahigpit saakin si Charmaine...

Mag iingat ka doon ha.... saka, wag kang titingin sa mga tisoy. sabi ko, habang magkayakap kami. Hinampas niya pa ng beri light ang likod ko.

sus, eh tisoy ka rin naman ah... gwapo pa! Saka kami bumitaw sa pagkakayakap, para harapin ang isat isa..

I know, right. Itinaas-baba ko pa yung kilay ko. Ayan, napatawa ko siya bago man lang siya umalis.

Ahmmm... pasensya na Quen, Charmaine, pero kailangan na nating umalis. Lumapit na pala si Paeng ng hindi ko namamalayan. Really, Paeng? hanggang dito ba naman? Pero kailangan na daw nilang umalis. Ibig sabihin, kailangan ko na siyang pakawalan.

Tinapunan ko sandali ng tingin si Paeng, tapos ibinalik ko din kaagad kay Charmaine...

ayan, kailangan niyo na daw umalis....

mag-aral ka ah... wag ka nang mandadaya sa exams. Really, yun talaga ang ibibilin niya? tumango nalang ako ng paulit-ulit habang pinipigilan ang mga luhang nagpupumiglas na tumulo.

Hinawakan niya ang pisngi ko, unti unting lumapit, sabay bulong...

I love you, Quen.... hold on to that. Hindi na ako makapagsalita... ayaw yata akong saniban ng pagka superhero ko ngayon, at tila simpleng pag-atake lang ng villain na si SuperLuha.... hindi ko pa mapigilan. Lumapit nalang ako...

At dinampian siya ng halik sa labi.

I love you too... siniguro kong narinig niya, bago siya akayin palayo ni Paeng mula saakin... isa, dalawa.... tatlo, apat.... lima, anim....pito, walo....siyam, sampu... Teka nga, bakit ba bibibilang ko yung mga hakbang niya papalayo sakin? Hayy... itigil na. Buti nalang naka-abang sa likod si Mama, at agad akong niyakap.

~~ Dear Math notebook,

Umalis na si Charmaine. Alam kong umpisa pa lang ito. Kanina nga hindi ko naiwasang bilangin yung mga hakbang niya papalayo saakin.... paano pa kaya yung mga araw, linggo, buwan, at taon, na dadaan ng wala siya? Sino nang gigising saakin, kapag tinatamad akong bumangon?... sino nang sasaway sakin kapag nangongopya ako kay Fairy godmother Julia....... Ikaw, Math notebook? Tsss, alam ko namang masyadong one-sided tong relasyon natin, Math notebook.

Dapat siguro, matuto na akong gumising ng maaga, huwag mangopya, tumalon sa tricycle at lahat ng mga bagay na si Charmaine lang ang dahilan kung bakit ginagawa ko. Tama, tuturuan ko ang sarili ko na gawin ang lahat ng iyon, para naman mabawasan yung mga oras na hinihintay ko lang siyang bumalik.

Alam kong matagal pa yun, Math notebook... pero diba nga, sabi sa kanta: kahit saan ka man dalhin, ng tadhanay dama parin... pagkat tayong dalawa, ay sa isat isa teka, mali ata.... pero whatever! Basta, kailangan hind i ko sayangin ang panahong wala si Charmaine, sa pagiging malungkot lang. Dapat maging masaya ako. Para kay Charmaine, pipilitin kong ngumiti palagi.

With a smile, Quen. CHAPTER TWENTY-TWO

Akala ko madaling ituloy ang buhay ko, kahit wala si Charmaine. Hindi pala. Lalo na tuwing mapapasilip ako sa bintana ni Charmaine, na ngayoy naka-sarado na. Mga ilang beses ko nga atang nakalimutan na wala na pala si Charmaine.... na wala nang sisilip, kakaway, at magfa-flying kiss mula sa bintanang iyon. Paulit-ulit..... paulit-ulit ko siyang naaalala.

Kanina nung naka-tambay ako sa harap ng tindahan ni Aling Josie, napatingin ako sa bahay nila Charmaine. Naalala ko pa, doon mismo sa tapat ng gate nila... doon niya ako unang iniyakan dahil sa problema niya kay Paeng.... Doon niya rin ako sinabihan na dapat ligawan ko siya. Natigil lang ako sa pag-alala ng mga iyon nang biglang may dumating na babae, at nag sabit ng karton sa gate nila Charmaine....

HOUSE FOR RENT. Contact 091*******4

Kukunin ko na sana si Math notebook, para naman may maka-usap ako ng matino... at nang i-angat ko si Math notebook, nakita ko ang mga bond paper na binili ko, para magamit sa school.

Nagpa-balik balik pa ang tingin ko kay Math notebook, at sa dalawang balot ng bond paper sa harap ko.

Napa-isip ako sandali.

~~ Dear Math notebook,

Hindi muna kita masusulatan ng matagal. Pero, wag kang magtampo Math notebook.... hindi naman ibig sabihin nun, ay hindi na kita mahal at iniingatan.

Naisip ko kasi Math notebook, habang hinihintay ko ang araw ng pagbabalik ni Charmaine.... susulat ako sakanya, araw-araw. Araw-araw, hanggang sa bumalik siya. Maganda man o hindi, gusto kong isulat para sakanya lahat ng nangyayari saakin habang wala siya. Tapos iipunin ko yun at ibibigay ko sakanya pagbalik niya, para basahin. Ibig sabihin nun Math notebook, sakanya muna ako magku-kwento, at ikaw...... ikakandado muna kita sa lugar kung saan hindi ka na mai-tatakas ng Mama ko.

Patawarin mo ako sa gagawin ko Math notebook, pero sa sandaling isinara kita ngayon..... baka ito na ang huling pagkikita natin (hanggang hindi pa bumabalik si Charmaine). Mahal kita Math notebook, pero hindi ko kayang magsulat kay Charmaine, at magsulat din sayo ng sabay.... hindi yun kaya ng utak ko. Hanggang sa muli, kaibigan.

Ang iyong TUNAY at TAPAT na kaibigan, Quen.

~~ Isinara ko na si Math notebook, at inilagay saaking treasure box na ngayon ay naka-kadena na at naka tago na sa loob ng butas sa padir na nasa likod ng kama ko. Ngayon, kung sino mang makaka-hanap pa nun, ay bibigyan ng jacket!

Kumuha na ako ng isang bond paper at....

Dear Charmaine,

(exactly 27 hours and 16 minutes, mula nung umalis ka)

Hi, Charmaine! surprise ko to sayo pag balik mo! Ngayon, wala ka nang mami -miss na kaganapan sa buhay ko, dahil iku-kwento ko sayo lahat. Araw-araw akong susulat sayo, hanggang sa bumalik ka. At ang mga naipon kong sulat.... ay ibibigay ko sayo sa araw na muli tayong magkita. Alam ko nang sasabihin mo, pag nabasa mo to..... sasabihin mong, ang CORNY ko! haha. Pero alam mo, corny na kung corny, kasi itutuloy ko parin. So here it goes....

Grabe, isang araw ka palang nawawala, na mi-miss na kita agad! Alam mo ba nung kumain ako ng fish ball kanina sa park, hinanap ka pa sakin ni Manong magfi-fish ball? Asan na daw yung magandang babaeng lagi kong kasama. Medyo nasungitan nga ata sakin si Manong dahil hindi ko siya pinansin. Ikaw kasi eh, bakit ba ayaw mong umalis sa isip ko?

Hmmm.... wala namang masyadong nangyari sakin sa araw na ito dahil most of the time, naka tulala lang ako.... kaka-isip kung kamusta ka na. Kita mo na... hindi ako mapakali, dahil sayo. Kaya kung tatawag ka.... mapapasaya mo talaga ko. tawag ka naman! Oh siya sige na.... hihintayin ko nalang ang tawag mo.

I love you..

Thinking of you, Quen.

~~ Dear Charmaine,

(23 days mula nung umalis ka)

Buti naman napatawag ka kanina.... sobrang na mi-miss na kita. Kahit sandali lang tayo nagka-usap kanina.... okay lang, basta narinig ko ang boses mo. Inom ka ng gamot ah, pagalingin mo yang sipon mo.... boses ngo-ngo ka kaya kanina. Haha.

At dahil nga sandali lang tayo nagka-usap, hindi ko pala nai-kwento sayo. Nag quiz kami kanina sa physics, at guess what?....... 94% ang nakuha kong score!! Nataasan ko pa si Fairy godmother Julia! Hindi ako nangopya ah... NAG-ARAL AKO. kita mo na, lahat ng sinabi mo... ginagawa ko. Kumokopya narin ako ng notes. Kahit nga hindi mukhang importante, kinokopya ko narin eh! Ang sipag ko no?

23 days palang.... pero parang ang tagal tagal na. Miss na miss na kita....

I love you.

Napaka-sipag, Quen.

~~ Dear Charmaine,

(2 months and 17 days mula nung umalis ka)

Hindi ka nanaman ma-alis sa isip ko. Lalo na nung sinabi mo kanina sa phone na niyayaya kang lumabas ni Dj. Ikaw ah.... baka naman pinagpalit mo na ako kay Paeng! hahaha... pero hindi. Ako naman ang mahal mo, diba?

Nga pala, magaling na akong mag-walis... kaya ko nang i-shoot sa pandakot yung mga dumi! Tapos, marunong na din akong magtiklop ng T-shirt nang hindi tabingi! Tapos, sinubukan ko ding mag-prito ng itlog.... yun nga lang, pinagalitan ako ni Mama nung nakita niya. Bakit ko daw ni-deep fry yung pritong itlog. Hehe... pero hayaan mo, yun ang susunod kong pag-aaralan.... ang mag-prito ng itlog!

Hindi na ako maka-pag hintay na tumawag ka ulit, Charmaine...

I love you.

Now an expert on chores, Quen.

~~ Dear Charmaine,

(3 months and 21 days mula nung umalis ka)

Bakit hindi ka tumawag.... nag selos ka no? Haha... ano ka ba. Pasensya na, hindi ko nakwento lahat sayo nung huling magka-usap tayo sa phone ah. Ikaw kasi, nag mamadali ka eh. Si Coleen, wala yun... tinulungan ko lang magbuhat ng gamit, kasi nahulog yung dala niya. Sila yung bagong lipat sa bahay niyo.

Dun din siya sa luma mong kwarto. Kanina nga, kinawayan niya pa ako nang mapa-silip ako sa bintana eh. Pero kaibigan ko lang yun ah! Naiintindihan mo naman diba?.... GWAPO yata tong boyfriend mo! HAHA. wag kang mag alala..... kahit na lumipat sila sa dating bahay niyo, kahit kailan hindi siya makaka-lipat sa PUSO ko. yiiieee.... ang corny ko! haha. Pero totoo yun ah... ikaw lang kasi ang nasa puso ko.

Hihintayin ko lang ang tawag mo ah.... I love you. Lying alone with my head on the phone, Quen.

~~ Dear Charmaine,

(5 months and 13 days mula nung umalis ka)

Kailan ka ba tatawag ulit? Saka bakit hindi kita ma-contact?........ nag-aalala tuloy ako.

Alam mo ba Charmaine, kaming dalawa ni Julia ang napiling representative na sumali sa pageant sa school. HAHA..... kami ang Mr. and Ms. Med-tech. Ayoko nga talagang sumali eh... pero naalala kita. Alam ko, kung nandito ka lang... pipilitin mo rin akong sumali. Hindi naman sa pagmamayabang, pero malakas ang loob kong kami ang mananalo. Isipin mo ah.... Maganda si Julia, GWAPO ako.... kaya yan! haha. Pero syempre, mas gusto ko parin na ikaw ang partner ko.

Sana tumawag ka na, para naku-kwentuhan kita... I love you.

Gwapo parin, Quen.

~~ Dear Charmaine,

(6 months and 4 days mula nung umalis ka)

Kailan ka ba tatawag? Bakit hindi ka na din nagu-update sa facebook? Tapos.... hindi pa kita matawagan. Anong nangyari? Kinakabahan ako sayo.... hindi ko maiwasang isipin na baka hindi ka okay diyan... baka may nangyaring masama sayo.... na baka naka-hanap ka na ng iba.... hayy, tawag ka na please.

Nga pala, kung interesado ka pa.... kami nga pala ang nanalo sa pageant. Kaya ayun.... sikat na tuloy ako sa campus. Syempre hindi ko yata magagawa yun kung hindi dahil sa bago kong b estfriend na si Coleen. Malaki kasi ang nai-tulong niya sakin. Mapa-rehearsals para sa talent portion, hanggang sa isasagot ko sa Q and A, siya ang nag-tuturo sakin. Pero uyyy, BESTFRIEND ko lang si Coleen ah.... wag kang mag-selos, kasi may something sila ni pareng Sam. Haha. Ako pa nga ang ginagawang bridge ng dalawa sa pagliligawan nila eh. Pero okay lang..... what are friends for, diba? Hehe. Nag-hihintay parin ako sa tawag mo... miss na miss na kita.

I love you.

Mr. Med tech, Quen.

~~ Dear Charmaine,

(2 years, 1 month, and 11 days mula nung umalis ka)

Kahit na matagal na akong nabibigo sa kakahintay na tumawag ka.... hinding hindi ako magsasawang maghintay, Charmaine.

Okay lang ako.... ginagawa ko naman lahat ng bilin mo. Tinuruan ko ang sarili kong mag-laba, mamalantsa, magwalis, magluto, mag aral ng hindi kumokopya, at marami pang iba. Lahat ng iyon, pinilit kong matutunan para naman pagbalik mo.... may mai-pagmamalaki na ako sayo, bukod sa ka-gwapuhan ko. Nag-aaral din akong mabuti. Pasensya ka na ah, hindi kaya ng utak kong maging deans lister.... pero pumapasa naman ako! okay lang n aman yun diba?

Sana maalala mong na-imbento ang E-mail, facebook, twitter, skype, at cell phone. Baka kasi nakalimutan mo nang nag e-exist sila eh.

I love you.... At sobrang miss na miss na kita.

Still waiting, Quen.

~~ Dear Charmaine,

(3 years, 5 months, and 30 days mula nung umalis ka) Naaalala mo yung sinabi mo sakin nung araw na umalis ka? diba may sinabi ka, na panghawakan ko?..... na MAHAL MO AKO. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako nagsasawang maghintay sayo Charmaine.... yun ang pinanghahawakan ko.

Nga pala, ngayon ang graduation ko. Sana nandito ka Charmaine.... sana makita mo kung gaano ako kagwapo sa toga ko. Lahat ng taong mahal ko, pupunta para samahan ako sa araw na to.... si Mama, si Papa, si Pareng Sam, si Bestfreind Coleen..... ikaw nalang ang kulang. Lahat sila, proud sakin. Paano ba naman sila hindi magiging proud, eh nagawa ko. Akalain mo yun? nagawa ko!...... ga-graduate ako!! AKO yun ha.... AKO!

Ga-garduate na akot lahat.... hindi ka parin umuuwi or kahit tumatawag man lang.

MAHAL KITA, Charmaine..... sana ikaw, pinang-hahawakan mo parin yun.

Still holding on, Quen.

CHAPTER TWENTY-THREE

Today I dont feel like doing anything bago pa man yan gamitin ni Bruno Mars sa isang kanta, araw-araw ko nang linya yan noon pa man. At ngayon... parang bumabalik nanaman. Sobra akong tinatamad gumalaw ngayong araw. Hindi ko nga alam kung ano bang pinakain nina Sam at Coleen sa Mama ko, at pinilit tuloy akong lumabas kasama nitong dalawa.

Eto kami ngayon.... sa mall, sa tapat ng Starbucks.

Hindi para mag-kape ah. Akala ko nga, magkakape kami kaya nagyaya dito si Sam..... hindi pala. Itatanong lang pala niya, kung bakit ganun ang hitsura ng logo ng Starbucks. Kaya ayan.... kanya kanyang mga teorya tuloy silang dalawa ni Coleen.

mukhang sirena yung babae eh... sabi ni Sam, habang titig na titig sa logo ng starbucks.

ano namang kinalaman ng sirena sa kape?... saka tignan mo ngang mabuti oh... hindi yan buntot, pakpak yan! sagot naman ni Coleen. Paki paalala nga saakin kung bakit kaibigan ko silang dalawa. Ganyan ba ako ka weird?

matagal pa ba yan? i search niyo nalang sa internet kung ano talaga yan. pagsusungit ko pa, bilang naiinip na talaga ko.

Ang sungiiit! Hulaan ko ah... ano, nagpuyat ka kagabi kahihintay ng tawag ni Charmaine? Tsk tsk.... sinasayang mo yang kagwapuhan mo. Marami pa diyan.... ayaw mo ba dun kay Julia? Maganda naman yun ah..... Sanay na ko diyan kay Coleen.... kabisadong kabisado ko na yang mga linya niya na dapat tigilan ko na ang paghihintay ko kay Charmaine. kung kani-kanino din niya ako nirereto. Tulad ngayon, kita niyo na.... si Julia daw.

kilabutan ka nga, Coleen. Hindi kami talo nun no. Saka..... alam kong babal ik si Charmaine. naupo muna ako sa bench sa gitna.... sumunod naman sila, at naupo na din sa tabi ko.

paano mo alam? Ang tagal na nun ah... apat na taon na yata. sabi naman ni Sam.

sobra ka naman... tatlot kalahating taon lang. Saka alam niyo ba hanggang ngayon, kahit saan ako magpunta.... or kahit na anong makita ko, palagi kong naaalala si Charmaine. lalo ko tuloy siyang na mimiss. Tulad ngayon, ang dami ko nang naka-salubong na kamukha ni Charmaine. kung hindi kamukha, kaporma.... or kaparehong maglakad..... basta laging siya ang nakikita ko!

tsk tsk tsk.... ang lakas talaga ng tama mo pre. Ang weird mo ah.... totoo ba yun? Yung kapag na mi -miss mo ang isang tao, kahit saan ka magpunta.... makaka-kita ka ng kamukha niya? tanong pa ni Sam.

Oo totoo. Tignan mo, parang ayun oh.... sabay turo ko sa isang babaeng naglalakad. Tinignan naman nila agad ang tinuro ko. sa paningin ko, kamukhang-kamukha niya si Charmaine. sabi ko pa, pero parang nawala ata ang atensyon saakin ng dalawa kong kausap.

teka pare.... si Sam, habang sinusundan ng tingin ang babaeng tinuro ko.

bakit bukayo? tanong pa ni Coleen kay Sam, na tila hindi na naalis ang tingin sa naglalakad palayong babaeng tinuro ko. Bukayo nga pala ang tawagan nila. Ang sagwa no?

Parang si Charmaine nga yun ah!........ Quen, si Charmaine nga yun! halos matanggal na yung braso ko sa ginawang pag-yugyog ni Sam. Hindi na ko magpapadala sa mga ganyan niya no.... mga ilang beses na din nila akong jino-joke ng ganyan. Hindi magandang gawing biro si Charmaine.

pwede ba, tigilan mo na ko sa mga ganyan mo, Samuel. Tumayo ako, at humakbang ng kaunti palayo sakanila.... pero sinundan din ako ni Sam.

totoo nga Quen, tignan mo! iniharap niya pa ako, kung nasaan yung babae.... kaya naman tinignan ko nalang din. Naka-talikod eh, saka medyo malayo na. si Charmaine yun! nakita ko!... sundan mo dali! tinulak akong palayo ni Sam, at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako naniniwala kay Sam, pero anong nagtutulak sakin para habulin nga ang babae? Binilisan ko pa lalo yung paglalakad ko, pero masyadong mabilis maglakad ang babaeng sinasabi ni Sam na si Charmaine.... madaming taong naka-harang.... kung i-istrech ko ang leeg ko, oo natatanaw ko pa siya. Nakakatamad

maghabol, lalo pa ngat madaming tao (sale kasi). Saka paano kung hindi si Charmaine yun?... edi pinaasa ko lang nanaman ang sarili ko?

Napatigil ako sa paglalakad, nang maisip ko yun.

Pero napa-isip ako ulit.... Meron paring maliit na posibilidad na si Charmaine nga ang nakita ni Sam. Maliit..... sing liit ng 1% na germ na palaging hindi mapatay-patay ng mga sabon at mouthwash. Pero kahit na maliit.... hindi ko parin pwedeng palampasin. Paano kung si Charmaine nga? Hayyy....

*tentenenen, tenten, tenenen!!!*

excuse me ho, excuse me!! paulit-ulit kong sabi, habang tumatakbo..... malapit nako sakanya. Bakit ba kasi hindi nalang siya humarap para malaman ko kung si Charmaine nga siya?!

Quen!! napa-lingon ako, at nakita ko si Coleen na sumusunod sakin. titigil sana ako para tanungin siya, pero sumigaw siya.... takbo na, sige ituloy mo! Susundan lang kita. Nasa likod mo lang ako... GO! wow, ang aking ever so kontrang bestfriend na si Coleen.... ngayon ay sinusuportahan na ako. Im so touched.

Ayun ang babaeng hinahabol ko..... pasakay ng elevator.

Konti nalang, aabutan ko na siya....

Lalo ko pang binilisan.

Please, lumingon ka na para makita ko ang mukha mo!

Bumukas na yung elevator...

And...

Charmaine!! isinigaw ko sa gitna ng maraming taong nagdadaanan sa harap ko.... nang finally pinadaan ako ng mga tao, nakita kong napa-tigil ang babae sa tapat ng elevator, at naka-tingin pa saakin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, habang dahan-dahang lumalapit. Hindi ako makapaniwala....

Si Charmaine nga.

Mas nauna pang kumilos ang mga paa ko, papalapit sakanya... at ang mga kamay ko, na bigla nalang yumakap sakanya bago ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Basta eto siya ngayon.... yakap-yakap ko. Bumalik na siya.

Unti-unti nararamdaman kong niyayakap niya na din ako, at pahigpit din ng pahigpit.

bakit hindi ka na tumawag?.... ang tagal kitang hinintay. Sabi ko, habang hindi parin bumibitaw. pero okay na yun.... ang mahalaga, andito ka na. Kamusta ka na? bumitaw ako, para harapin siya. Ginagap ko pa ng dalawang kamay ko ang mukha niya, at hindi ko alam kung bakit hindi niya ako matignan ng diretso sa mga mata. Charmaine? tawag ko pa sa atensyon niya.

Sa pagkaka-kilala ko sakanya, ganyan ang hitsura niya kapag na-iiyak or nagpipigil ng iyak. Alam ko na. Haha..... siguro tears of joy yan. Sobrang na miss ako niyan, kaya siya ganyan.

sorry..... patawarin mo ko. saka niya lang ako tinignan sa mga mata.

ssshhhh.... okay lang. Humihingi siya ng tawad dahil hindi siya naka-tawag. Okay lang.... wala na sakin yun.

Napa-lingon ako sandali, at nakita ko si Coleen na naka-ngiti kaming pinagmamasdan ni Charmaine. Tapos ibinalik ko na ulit ang tingin ko kay Charmaine. Kinuha ko ang mga kamay niya. Hahalikan ko na sana, pero may naramdaman akong matigas na nakasoot sa daliri niya. Isang singsing. Tinignan ko pang mabuti tapos biglang.... Binawi niya ang kamay niya, at umatras siya ng konti palayo saakin.

Teka, hindi pwede. Hindi pwede yung iniisip ko.... imposible!

engaged na ako, Quen.... ikakasal na kami ni Dj.

*pause*

*play*

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Para akong tinawag sa recitation, nahulog sa tricycle, at sinaksak ng punyal sa dibdib ng sabay sabay. Nakatingin lang ako sakanya..... umaasa na babawiin niya, at sasabihing joke lang.

Pero hindi.... mukhang seryoso siya.

Napa-lingon ako ulit kay Coleen, at mukhang narinig din niya ang sinabi ni Charmaine. Hindi ko alam kung ano ang biglang sumanib saakin at bigla kong hinila si Coleen, at iniharap kay Charmaine....

kami din ni Coleen.... ikakasal na. Punta ka ah. Sinabi ko yan, habang pinipilit labanan ng super hero na si Wonder Ngiti ang super villain na si Super Luha. Mukhang naiintindihan naman ni Coleen kung ba kit ginawa ko yon, kaya...

Hi Charmaine.... Ako si Coleen. Dun ako naka-tira sa dating bahay niyo.Nag shake hands sila.

~~ Loko ka, bakit mo sinabi yon?! hinampas pa ko ni Coleen sa braso, pagka-alis na pagka-alis ni Charmaine. Pero hindi ko na napigilan.... humarap na ako sakanya, kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Ayshh..... sorry bes. Bulong niya, tapos niyakap niya ako bigla.

guys may wifi pala dito.... Napatingin kami.... parating si Sam na abala sa pagtingin sa phone niya habang naglalakad papalapit saamin ni Coleen.tama ako, sirena nga yung logo ng starbucks... tignan niyo oh! pinakita pa niya samin yung phone niya... at saka niya lang napansin na umiiyak ako.

O pare, whats wrong?! napa-isip siya sandali tapos.... aysst... ano, hindi si Charmaine yung babae? sorry pare ah, kamukha kasi talaga. Tinapik-tapik niya pa ako sa balikat.

si Charmaine n-nga. Ik-kakasal na siya kay Paeng. Sabi ko.

Oo.... ang tagal mo. Ayan tuloy, kami din ni Quen.... ikakasal na. Sabi naman ni Coleen. Naguluhan tuloy lalo si Sam....

ANO?!

~~ Dear Math notebook,

Pagkatapos ng mahigit tatlong taon, nagkita tayo ulit. Na-miss mo ba ako Math notebook? Pasensya ka na kung ngayon lang kita binalikan ha..... mali ako. Maling mali ako na hinintay ko pa talaga si Charmaine ng ganung katagal. Ang dami kong naging desisyon na gusto kong balikan ngayon Math notebook. Sana hindi ko nalang siya hinintay... sana hindi ko nalang siya pinayagang umalis noon.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ayaw na ayaw ni Charmaine pag-usapan ang future kasama ako noon. Kasi, iiwan niya din pala ako. Nagpapasalamat ako para doon, Math notebook... siguro kung pinlano namin ni Charmaine noon ang magiging future namin, malamang mas mabigat pa ang nararamdaman ko ngayon. Hayyy...

At isa pang ipinag-papasalamat ko, ay nagkaroon ako ng dalawang mabubuting kaibigan..... sina Sam at Coleen. Nahihiya na nga ako sakanila eh. Pati kasi sila ay nadadamay sa mga problema ko. Lalo na si Coleen na napilitan pang magpanggap na girlfriend ko sa harap ni Charmaine. Hayy... buti nalang talaga, nandiyan silang dalawa. Akala ko, nagbago ako para sa sarili ko. Nagawa ko eh..... NAKA GRADUATE AKO. Pinilit kong baguhin yung buhay batugan ko. Pero ngayon, looking back...... lahat ng yon, ginawa ko lang pala para kay Charmaine. Pakiramdam ko tuloy, nasayang lang lahat. Ngayon, anong gagawin ko Math notebook? Kahit kasi sobrang sakit ng ginawa sakin ni Charmaine..... mahal na mahal ko parin siya. Move on?...... paano?

Single but not ready to mingle, Quen. CHAPTER TWENTY-FOUR

Charmaines POV

Inilapag ko na sa table yung mga pinamili ko, pagkarating ko sa condo na tinutuluyan nami n ng Mama ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong tanging sina Mama at ang kasambahay lang namin ang tao sa condo.

*image ni Quen*

anak, nang-galing dito si Dj ah, hinahanap ka. Hindi ka ba nagsabi kung saan ka pupunta? tanong ni Mama. Lumapit siya sakin at tinignan ang mga pinamili kong gamit para sa bahay.

Hindi na ako nagulat sa binalita ni Mama sakin... inaasahan ko na yun. Kaya nga medyo tinagalan ko ang pamimili, para hindi ko abutan si Dj dito sa condo eh. Alam ko nang kukulitin niya lang ako na sumama sa sosyal na party na pupuntahan niya bukas ng gabi.

sinadya ko pong tagalan ang pamimili, Ma. Kukulitin lang naman ako nun. Sabi ko habang inila-labas isa isa ang mga pinamili ko.

tungkol ba yun sa party? tanong ulit ni Mama. Tumango nalang ako bilang sagot. Napag-usapan na namin yung tungkol doon, kaya naman hindi na rin naisip ni Mama na banggitin pa ulit. Ay nga pala anak.... dumating na yung mga invitations sa kasal mo, teka sandali kunin ko lang ah... parang excited pa siyang naglakad papuntang kwarto...

*image ni Quen*

anak, heto na! Tignan mo, ang gaganda ng mga kuha niyo oh... ini-abot niya sakin ang mga ito, at kinuha ko naman.

Tinignan ko isa-isa yung mga pictures namin ni Dj, na naka-ngiting magkayakap... *image ni Quen*... magkahawak kamay... *Image ni Quen*... naka-ngiting naka-tingin sa langit... *image ni Quen*

Napa-upo ako, habang binabasa yung naka-sulat...

Daniel John Padilla

&

Charmaineryn Chandria Rasos

Together with their families

Request the honor of your presence

In celebration of thier marriage

*image ni Quen*

Ano ba yan? bakit ba kanina pa flash ng flash sa isip ko yung mukha ni Quen? kaninang kanina pa yan! Mula nung magkita kami sa mall.... paulit ulit ko nang nakikita yung mukha niya. Kahit na anong pilit kong aliwin ang sarili ko, nakikita ko parin ang mukha niya!

Hindi ko na tuloy maikakaila......

Hanggang ngayon kasi, si Quen parin. Si Quen parin ang mahal ko.

*image ni Quen* Gusto ko siyang puntahan.... gusto ko siyang yakapin.... gusto kong paulit-ulit na humingi ng tawad dahil sa hindi ko siya binalikan.... *invitation sa kasal* pero huli na ang lahat.

At isa pa, ikakasal na rin siya. *image ni Quen* isa pang kanina pa hindi mai-alis sa isip ko.... ikakasal na siya, pero bakit ganun? The way he looked at me. The way he hugged me. The way he held my hand..... kung ikakasal na siya bakit ganoon ang ginawa niyang pagsalubong sakin?

Nung nakita ko siya, Nung hindi pa niya sinasabi na ikakasal na siya sa iba..... ramdam na ramdam kong sobrang bumilis ang heartbeat ko. Akala ko, uulanin niya ko ng mga tanong kung bakit hindi na ko nagparamdam. Hindi ko kasi alam kung anong i-dadahilan ko sakanya kung bakit hindi ako bumalik... kung bakit hindi na ako tumawag ulit.

Pero nung sinabi niyang ikakasal na siya..... Oo, masakit. Pero somehow I felt relieved. Tama lang kasi na nagmahal nalang siya ng iba. Tama lang, na hindi na niya ako hinintay. Tama lang yun.

*invitation sa kasal* hindi ko alam kung magiging masaya ako kay Dj..... pero sana, siya..... maging masaya na siya.

*invitation sa kasal* ngayon ko lang ata napansin, umiiyak na pala ako. ngayon ko lang din napansin na medyo nalulukot ko na yung mamahaling invitation namin sa kasal, kaya naman binitawan ko nalang ito.

anak pasensya ka na ha..... saka ko lang din napansin na andiyan lang pala si Mama. Nakita niya sigurong nalukot ko yung invitation. Niyakap niya pa ako, mula sa likod. kasalanan ko to eh. Kung sana hindi ako nagkasakit, edi sana hindi ka mapipilitang magpakasal kay Dj bilang kabayaran sa mga utang natin sa pamilya niya. matamlay na sabi ni Mama. Tumayo nalang ako, para harapin siya...

Ma, wag po kayong humingi ng tawad.... hindi niyo po kasalanan yun. Saka mabuti narin siguro to, diba.... magiging maayos ang buhay natin. Pinilit kong ngumiti habang sinasabi yan para naman kahit papano, mabawasan ang bigat ng loob ng Mama ko.

nahihiya na kasi ako sayo eh.... dahil sakin, mapipilitan kang magpakasal sa lalaking hindi mo naman mahal. Sabi niya pa. Muli, ngumiti ako.

mabait naman po si Dj eh. Matututunan ko din naman po sigurong mahalin siya ulit..... tulad ng dati. Tulad ng dati, nung hindi pa dumadating sa buhay ko si Quen.

~~ Quens POV

Eksaktong pagka-sara ko kay Math notebook, bigla namang pasok ni Coleen sa kwarto ko.

okay ka na ba? naupo siya sa kama ko, paharap sakin. Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong niya. At syempre pag ganun, sasagutin mo nalang ang tanong niya, ng isa pang tanong din...

ikaw, san ka ba nang-galing? Bakit bigla ka nalang nawala kanina sa mall? akala niya siguro nakalimutan ko nang hindi niya na kami binalikan ni Sam nang magpaalam siyang mag babanyo lang siya kanina sa mall.

wala, may pinuntahan lang.... hindi na importante. Ano, kamusta ka? gusto mo ba.... lumabas tayo ng buong barkada para naman makalimot ka? sabi niya. hayy nako... kahit na anong gawin ko, hindi ganung kadaling kalimutan si Charmaine. Baka nga mas mauuna ko pang kalimutan ang size ng pantalon ko, bago ko makalimutan si Charmaine.

Hindi ganung kadali yun no. Sabi ko nalang. Mukhang malawak naman ngayon ang female understanding ni Coleen, kaya naman tumango nalang siya at hindi na sumagot. Tama.... sa mga sandaling ganito kasi, mas kailangan ko ng katahimikan.

Nakakapanibago dahil bilang pagkaka-kilala ko sa bestfriend kong si Coleen..... tulad ng nanay ko, parang may sinumpaang katungkulan na yata yan, na manermon ng manermon lalo na kapag alam nilang tama sila. Eh si Coleen kasi, matagal na akong sinasabihan niyan na itigil ko na ang kaka-hintay ko kay Charmaine. Kaya naman mas inaasahan ko na talaga mula sakanya ang kombinasyon ng pag-unawa at isang malutong na I told you so!!...... kaysa sa kombinasyon ng pang-unawa at katahimikan. Oi ano to?! nagulat nalang ako sa bilis ng kamay ni Coleen, at bigla niya nalang kinuha ang mga patong-patong na binder na nakapatong sa drawer ko. Ang nilalaman nun ay yung mga sulat ko kay Charmaine! Naka-arrange pa yun ayon sa date at ayokong mabasa niya ang mga yon! sa school ba to? Ang dami naman... sabi niya pa habang parang tinitimbang pa ang bigat ng bawat binder.

Oo, sa school yan.... akin na, ibigay mo sakin. itatabi ko na! aabutin ko na, pero inilag niya.... at binuksan ang unang binder.

Dear Charmaine.... blah blah blah. Teka, ano to?! Ano bang school ang sinasabi mo, e graduate na tayo! tinignan niya pa ko ng nakaka-loko habang inilalayo niya pa sakin ang binder na hawak niya. Tss, oo nga pala. Ang shunga ko nanaman. Ang shunga ko parin talaga.

Coleen, seryoso.... akin na! lumapit pa ko sakanya para kunin... pero gumulong pa siya sa kama para pumunta sa kabilang side.

Hinayaan ko nalang. binasa na niya ng malakas eh....

Dear Charmaine, 3 years, 4 months, and 28 days mula nung umalis ka... tumingin siya ulit sakin. my god, binilang mo yung mga araw na wala siya? tanong niya, pero hindi niya na rin hinintay na sumagot ako. Itinuloy niya nalang ang pagbabasa. Ay mali, inulit niya pala mula umpisa....

Dear Charmaine,

(3 years, 4 months, and 28 days mula nung umalis ka)

Next month na ang graduation ko. Kaya naman heto ako ngayon.... inuulan ng requirements. Sana makarating ka, Charmaine. Alam mo kung bakit? Bukod kasi sa miss na miss na kita, lahat kasi ng ito ay para sayo. Sinisikap ko talagang maka-tapos, para sayo.

Tinignan pa ko ni Coleen, na parang na aawa na ewan. At Syempre pa, yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Yun kasi ang pinaka ayokong feeling sa lahat.... yung feeling ng kinaka -awaan. Pero dahil nagpaka-tanga ako.... sige, ihahanda ko na ang sarili ko sa malutong na I told you so ni Coleen. Naka-yuko lang ako, at narinig ko nalang na ipinagpatuloy niya pala ang pagbabasa...

Nga pala, napaniginipan kita kanina. Umuwi ka na daw, tapos sinundo daw kita sa airport at pagkatapos naman ay buong araw daw tayong nagpaka-saya. Nainis pa nga ako nung magising ako eh.... parang totoo kasi. At sana nga, totoo nalang. Sana totoong nandito ka na.

Mahal kita, at sana tulad ko, araw-araw mo din akong naaalala...

Lovesick much, Quen. Natapos na niyang basahin ng malakas. Hindi ko nanaman maintindihan, pero nung naalala ko habang sinusulat ko yun, at yung iba ko pang mga sulat.... naiyak ako bigla. Hinihintay ko nalang na magsalita si Coleen, pero abala pa siya sa pagbabasa nung iba pang mga sulat.

Nang marami-rami na siyang nabasa, iniangat niyang muli ang tingin niya sakin...

my god, sinulat mo dito lahat ng nangyayari sayo... araw araw, para kay Charmaine? tanong niya pa kasabay nanaman nung naaawa niyang look.

Oo.... sa loob ng tatlot kalahating taon. At saka na nga tuluyang bumuhos ang luha ko. lumapit naman siya, at niyakap ako. Pero bago ko ibuhos lahat, may naalala ako bigla.... Yun lang yun Coleen? Hindi mo ko sasabihan ng sabi ko naman sayo speech mo? tanong ko. Umiling nalang siya, at saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Buti nalang talaga andito tong bestfriend ko eh. Kahit naman, parang nanay ko lang to kung manermon... kahit kailan, hindi naman siya nawala kapag kailangan ko ng kaibigan.

pwede bang akin nalang tong mga mahiwagang binder mo? Babasahin ko habang jume -jebs ako. sabi niya pa. Napatawa naman daw ako. Wala na naman sigurong silbi yun no? Kaya....

sige, keep them. Itatapon ko na rin naman ang mga iyan eh. CHAPTER TWENTY-FIVE

Coleens POV

Kagabi ko pa mina-marathon ang pagbabasa sa mga sulat ni Quen para kay Charmaine. Marami-rami na rin akong nabasa, pero hindi ko parin matapos-tapos. Grabe lang.... naaawa ako sa bestfriend ko. Yung gustong gusto ko siyang sumbatan na tama ako, na bakit kasi hindi nalang siya nakinig sakin.... gustong gusto ko din siyang sabihan ng tanga!!.... pero habang binabasa ko to.... naisip ko, sobra niya talagang mahal si Charmaine. Tanga bang matatawag yun?

Kung ano yung awa ko sa bestfriend ko, ganun nalang din ang ka-gustuhan kong sabunutan yung Charmaine na yun dahil sa ginawa niya kay Quen. Gusto kong ipa-mukha sakanya kung gaano siya ka-swertet isang tulad ni Quen ang nagmamahal sakanya.

Mukhang hindi naman ako mahihirapang gawin yun, kung sakali.

Kahapon, nung nasa mall kami nina Sam at Quen.... nagpaalam ako sa dalawa na magc-cr lang ako. Akala ko din, magc-cr lang ako. Pero pagka-labas ko ng cubicle, nakita ko si Charmaine na papalabas na din mula sa C.R na yon. kaya naman kahit na naguguluhan pa, at kahit na hindi pa ko naghuhugas ng kamay..... sinundan ko si Charmaine hanggang sa maka-uwi siya.

Buti nalang at pa-uwi na din siya noon. Buti nalang din, hindi ako nahirapang pumara ng taxi. Ano hanga ka na sakin?

Alam ko kung saan naka-tira ang babaeng yon.

Muli akong napa-tingin sa binabasa kong pang 100 mahigit na Dear Charmainena yata.

Hayyy nako bestfriend.... kung di lang talaga ako naaawa sayo!

Quens POV

giliw, huwag mo sanang limutin...

Ang mga araw na hindi sana naglaho...

Mga anak, at bahay nating pinaplano.

Lahat ng itoy nawala nung iniwan moko...

Andito nga pala kami nina Sam, James, at Oliver sa tapat ng tindahan ni Aling Josie.... NAG-IINUMAN.

Nakaka-inis naman to sina Sam at Oliver. Tumutugtog ng gitara si Oliver, at kumakanta naman si Sam. Kanina pa sila nagja-jamming ng mga kantang parang pina-tatamaan pa talaga ako.

kaya ngayon..... sandaling itinigil ni Sam ang magandang pag-kanta. Kinuha niya yung bote ng beer na walang laman, hinawakan ng pabaliktad, at itinapat sa bibig ko, na para bang mic yon.

At syempre pa, bilang feel na feel ko na din ang kanta... tumungtong ako sa lamesa, kinuha ang boteng ini-aabot sakin ni Sam, at nagsimulang mawalan ng kahihiyan sa mga kapit-bahay...

ibuhos na ang beer saaking lalamunaaaaan!!!,

Upang malunod na, ang puso kong nahihirapaaaaan...

Bawat patak, anong sarap..... ano bang talagang mas gusto koooo? Hoy, anong ginagawa niyo kay Quen? narinig ko bigla ang isang pamilyar na boses. bumaba ka nga diyan! Nakaka-hiya ka! Sam, alalayan mo! at inalalayan nga akong pababa nina Sam at Coleen. Pero hindi pa ko tapos kumanta eh! Andun na ko sa favorite part ko!....

ang beer nato o ang pag-ibig mo! pahabol ko pa, bago tuluyang napa-sandal sa silya.

Charmaines POV

Wala na din naman akong nagawa. Papakasal na ko sakanyat lahat, sila ng pamilya niya parin ang nasusunod sa lahat. Turns out, para saamin pala talaga yung party na sinasabi ni Dj. Hindi lang sinabi sakin kasi it was supposed to be a surprise. But since nagpumilit akong huwag pumunta, sinabi niya na din kung bakit kailangan ako sa party na yon.

Sa engagement party namin.

ready ka na ba, ate Charmaine? biglang pumasok sa kwarto si Sofia, ang kaisa-isang kapatid na babae ni Dj, at ang ka-isa isang myembro ng pamilya nila na hindi naka-mana ng pagka-pushy na gene. Siya nga lang ata ang may lakas ng loob na suwayin ang mga magulang niya, lalo na kung alam niyang tama siya. Sa madaling salita.... siya lang ang nakaka-intindi sakin, at sa mga pinagdadaanan ko ng dahil sa mga magulang niya.

Tumango nalang ako, at ngumiti.

pinapa-bigay sayo ni kuya to... gusto niyang isoot mo ngayong gabi. Nagdire-diretso na siya sa likod ko, at isinoot saakin ang isang magandang kwintas. Napa-tingin kami pareho sa salamin na nasa harap ko. Ternong terno ang kwintas sa soot ko ngayong gabi. Napaka-ganda.

Ate, Im really sorry sa lahat ng mga kailangan mong pagdaanan. Alam ko, hindi ka pa handa.... at alam ko youre not sure if youll ever be ready for this. Pero kuya loves you so much.... I know, may malaking tendency talagang maging madrama minsan si Sofia, pero ano tong pinagsasasabi niya? bakit siya humihingi ng tawad? Bakit siya ang nagpapaliwanag? Humarap ako sakanya, at hinawakan ang mga kamay niya...

sshhh... Sof, alam ko mahirap paniwalaan.... pero Im ready. Tinignan niya muna ako na para bang tinatantya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo. Pero kailangang mapaniwala ko siya na nagsasabi ako ng totoo..... Kailangang

mapaniwala ko ang sarili ko, na handa na ako. Kaya naman binigyan ko nalang siya ng isang malapad na ngiti, kung paano dapat ang ngiti ng isang babae sa gabi ng engagement party niya.

are you sure, ate? Kasi... si Kuya, ano eh... parang may gusto siyang sabihin, na hindi alam kung paano sasabihin.

ano?.... ano si Dj? tanong ko. Ngayon, hindi na niya ako matignan ng diretso sa mga mata.

kasi kagabi, we were having this conversation.... and it started out as, wala lang.... medyo sinasabihan ko lang siya na dapat umayos na siya, kasi mag-aasawa na siya.... na wag ka niyang lolokohin, kasi super bait mong tao... basta alam mo na. Tapos.....

tapos ano?...

he was having second thoughts.... about marrying you. Bigla akong napa-tingin sakanya, na hindi ko alam kung natuwa ba ako, o ano.... pero si Dj? nagdadalawang isip na ituloy ang kasal? Napa-upo muna ako sa kama para mag-isip.

what? yan muna ang nagawang sabihin ng bibig ko. Hindi ba siya nga tong atat na atat sa kasal?

he just loves you so much. Hindi naman ganung ka -tanga si kuya, ate. Alam niyang hindi mo gusto to. Well, akala niya hindi mo gusto to. Pero sabi mo nga kanina diba, ready ka na, so I guess hindi na importante yun. paliwanag niya. Nagulat pa ako nang bigla pa siyang napa-takip sa bibig niya na para bang gulat na gulat... OMG, ate!

what? kinakabahan ako, kada o-OMG ng ganyan si Sofia.

bakit ganyan ang pagkaka-upo mo sa kama, magugusot yung dress mo! at hinila na niya ako patayo. Akala ko naman kung ano. Eh, sabagay.... pinag-hirapan niya nga namang ayusan ako ngayong gabi.

*TOK TOK* - biglang may kumatok, at dumungaw sa may pinto...

Miss Charmaine, Miss Sofia..... pinapa-tawag na po kayo, magsi-simula na daw po ang party.

Quens POV

Hindi na ako uulit. Hinding hindi na talaga ako mag-iinom.... ng ganung ka-dami. Hindi ko naman kasi naisip kanina na may malaking posibilidad pala na sukahan ko ang damit ng mga taong aakay saakin pauwi.

hay pare, buti nalang magka-size tayo ng damit. Sabi ni Oliver pagkatapos niyang magpalit ng damit. Nakatingin lang ako sakanilang mga nag-hatid saakin, habang naka-higa sa kama ko, at ninanamnam ang gravity sa pagkaka-lapat ng katawan ko sa kama..... na kaninang hindi ko naramdaman nung lasing an lasing pa ko.

Si Coleen, ayan... kanina pa kami sinesermonan dahil sa ginawa naming pag-inom na nagsimula nung hapon palang. Si James, umuwi na. Si Sam, ayan naka-ilang pingot na mula kay Coleen. At si Oliver....

o sige na pare, gabi na eh..... una na ko ha. Sosli ko nalang tong shirt mo pag nagkita tayo ulit.

sige pare, salamat ha.... at pasensya na talaga sa pag -suka ko sayo.Nagpa-alam na din sila kay Oliver.

ano Quen, ha.... uulit ka pa? Nakita mo ba yung sarili mo kanina, ha? Alam mo bang tumayo ka pa sa ibabaw ng lamesa at kumanta ng pagka-lakas lakas? ang part two ng panenermon ni Coleen, pagka-alis na pagka-alis ni Oliver.

ikaw naman, okay lang yun.... may pinagdadaanan eh. Pagtatanggol pa sakin ni Sam.

hayy... si Charmaine nanaman. Alam mo namang hindi solusyon ang pag-iinom, diba? At dahil mukhang ma-haba haba pa ang panenermon ni Coleen, na-upo muna ako at sumandal nalang sa bedframe.

na-isip ko lang.... hindi ko man lang nalaman kung anong nangyari kay Charmaine. kung bakit hindi na siya bumalik. Kung bakit hindi na siya tumawag. Hindi man lang kami nakapag-usap, at nakapag-paalam sa isat isa..... Paano kung may nangyari pala sakanya? Paano kung hindi rin naman pala madali yung mga pinagdaanan niya?... Lahat yun hindi ko na nalaman. at inilabas ko nalang din, eksaktong kung ano ang nasa isip ko. Naka-tingin lang saakin ang dalawa at taihimik na nakikinig.

like, paano kung naaksidente pala siya, tapos nagka amnesia... ganun ba? tatawa-tawa pa si Sam. Hinampas naman siya ni Coleen bigla.

Oo eh no, nakakatawa eh no? parang natakot naman si Sam, at tumahimik nalang din. Nakaka-tuwa silang dalawa.... kahit na parang asot pusa yan, at kahit na medyo under yang si Pareng Sam kay Coleen, kahit kailan hindi sila nag-hiwalay.

Oooopps Quen, ayan ka nanaman eh. Pasasakitin mo nanaman ang ulo mo sa pag-alala sa mga memories niyo ni Charmaine.

Quen, matanong nga kita..... paano kung bibigyan ka ng pa gkakataon para maka-usap si Charmaine? ng pagkakataon, para alamin kung anong totoong nangyari sakanya.... gagawin mo ba? Handa ka bang malaman ang totoo kahit na halimbawang malaman mo na wala naman pala siyang mabigat na dahilan para iwan ka? inusod pa ni Coleen papalapit yung upuan niya saakin, at naka-tingin pa na parang abang na abang sa isasagot ko sa tanong niya. Mga ilang ulit ko na ding tinanong sa sarili ko yan. At syempre sasagutin ko nalang yung tanong niya ng katotohanan...

Oo. Kahit gaano kasakit, basta malaman ko lang kung anong nangyari sakanya. Basta maka-usap ko lang siya.... gagawin ko kung may pagkakataon. Sagot ko.

Sa ngayon, hindi ko matukoy kung anong iniisip ni Coleen.... hindi ko alam kung bakit bigla siyang napa-tanong ng ganoon. Weird ba, o talagang may tama lang ako kaya hindi ko maintindihan ng maayos ang mga bagay bagay?

bakit mo naman naitanong, bes? tanong ko nalang.

ah wala.... wala, wag mo nang isipin.

~~ Dear Math notebook,

Buti ka pa, alam kong hindi mo ko sesermonan dahil sa ginawa kong pag-inom. Oo na, lasing ako. Lasing dahil sa kaka-is CHAPTER TWENTY-SIX

Coleens POV

MAHAL KITA, Charmaine..... sana ikaw, pinanghahawakan mo parin yun.

still holding on, Quen.

At isinara ko na ang huling binder. Ayan, sa wakas natapos ko ding basahin ang mahigit isang libong mga Dear Charmaine ni Quen. Grabe lang.... naiiyak nanaman ako. nasabi ko na bang naaawa ako kay Bestfriend? Imbis kasi na inaasikaso na niya ang pag-aaply niya ng trabaho.... ayun, mas inuuna pa ang pag-iinom nang dahil sa kaka-alala kay Charmaine.

Napa-isip ako sa sinabi ni Quen kagabi. Na kung mabibigyan siya ng pagkakataong maka-usap si Charmaine.... gagawin niya, kahit masakit.

Naalala ko nanaman nung araw na nagkita sila sa mall.

Andun ako... kitang kita ko, kung paano siya tinignan ni Charmaine. Kung paano siya nito niyakap pabalik. Parang may mali kasi eh. Babae din ako no, alam na alam ko yung mga ganyan. Kaya napa-isip ako....

Paano kung tama yung iniisip ni Quen na baka nga may nangyari lang kay Charmaine?

Hayy nakoo,

Theres only one way to find out.

Quens POV

Naisip ko, tutal graduate na naman ako.... Bakit hindi na ko bumukod sa mga magulang ko, pag naka -hanap na ko ng trabaho? mahaba-haba na din kasi ang panahong naging pabigat ako sakanila. Tama lang na maging independent nako. Dapat matuto na kong tumayo sa sarili kong mapuputing mga paa.

hoy! Ang lalim nanaman ng iniisp ah..... si Charmaine nanaman ba? biglang pumasok sa loob ng gate namin si Sam, at naupo na sa tabi ko.

Hindi. Matipid na sagot ko. Wala akong ganang makipag-usap ngayon. Gusto ko lang ipagpatuloy ang pagtunganga ko, at ang panloloko ko sa sarili ko na pwede parin akong magkaroon ng maganda at masayang kinabukasan, kahit wala si Charmaine.

sus, anong hindi! Tatanggi ka pa, eh halata naman. Sabi niya, sabay agaw sa makahiyang hawak ko. Oo nga pala, tumubo na ulit ang mga makahiya ko.

Hindi nga! sabay agaw ko ulit sa makahiya ko mula sakanya. ang iniisip ko, eh kung saan na ko titira. At sinabi ko nalang din kung ano talaga ang iniisip ko. bigla naman siyang napa-tingin sakin na para bang takang-taka. O ano Samuel, edi nagulat ka.

Oi, bakit pare... aalis ka? tanong niya ulit.

naisip ko kasi, pag nakahanap na ko ng trabaho... gusto ko nang maging independent. May ipon na din naman ako, kaya ano ba naman yung ilaan ko nalang yun sa bago kong titirahan diba?

ano namang sabi ng parents mo tungkol diyan? tanong niya ulit. Oo nga pala... hindi ko pa nasasabi.

hmmm.... hindi ko pa nababanggit. Pero sigurado naman akong maiintindihan nila.

sige, pare... pag buo na ang desisyon mo, tutulungan ka naming maka-hanap ng lilipatan. Tinapik pa ako sa balikat ni Sam. Mamaya, sasabihin ko na kina Mama at Papa.

Charmaines POV

Its perfect! What do you think, Charmaine? tanong ni Dj. Nawala nanaman ata ako sa sarili ko, at napa-tulala nanaman ako. Hinihingi niya pala ang opinyon ko sa wedding gown na hawak-hawak ngayon ni Sofia. Naka-tingin lang silang lahat sakin, sina Dj, Sofia, at ang Dad nila na naghihintay ng sagot ko. ahmm... its fine. I said, smiling.

bakit hindi mo isukat? si Sofia na mukhang mas excited pa. sige na ate, i fit mo na.... ini-abot niya sakin ang gown, at hinatid ako papunta sa fitting room. Wala na kong nagawa.... isinukat ko nalang din, para matapos na at maka-uwi nako. Kanina pa kasi kami dito.

Lumabas na ako ng fitting room, soot-soot ang wedding gown. At nagulat nalang ako, nang makita kong nakarating na pala ang Mama ni Dj at parang gulat na gulat pang napa-tingin sakin.

my goodness, bakit mo isinukat? nagtakip pa ito ng bibig, at napatingin pa kay Dj na para bang hinihintay na magsalita ito. Dj was just smiling at me.

why Ma, whats wrong? Ang ganda niya, diba? sabi niya sa Mama niya, ignoring her reaction.

hala... hubarin mo yan, dali.... ngayon na. At siya na ang nag-hatid saakin pabalik sa fitting room. Rinig na rinig ko parin ang mga sinasabi nito mula sa labas, nang nasa loob na ko ng fitting room... hindi niyo ba alam na kapag isinukat ng babae ang damit pang-kasal niya, pwedeng hindi matuloy ang kasal?!

Kapag isinukat ng bride ang damit pangkasal, at nakita ng groom.... hindi matutuloy ang kasal. Ive been familiar sa mga ganoong kasabihan, even as a kid. Pero whatever.... gusto ko lang namang makauwi na, para masamahan ko na si Mama sa condo. Kaya naman tulad ng sinabi ni Madam, hinubad ko nalang din agad ang gown.

~~ Si Sofia na ang nag-presentang maghatid sakin pauwi sa condo. May mahalagang aasikasuhin daw kasi si Dj, kaya hindi niya ako mahahatid. Wala naman daw ibang gagawin si Sofia, at dahil na miss ko na din ang makipagbonding sakanya... inimbitahan ko nalang siyang mag movie marathon sa condo.

Nang malapit na kami, natanaw naming may isang babaeng naka-upo sa tapat ng pinto ng unit ko. May dala pa itong malaking bag. Kung titignan mo, mukhang naglayas ang babaeng ito. Pero teka, kilala ko ba siya at nakatambay siya sa harap ng unit ko? Please, huwag naman sana siya isa doon sa mga ahenteng nag-aalok ng kung anu-ano.

Naka-yuko siya, at mukhang natutulog.

miss? dahan-dahan ko pa siyang tinapik para gisingin. Nang i-angat niya ang tingin niya, nakita ko ang pamilyar niyang mukha pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

miss, okay ka lang? Anong ginagawa mo sa tapat ng unit ko? tanong ko pa. Napa-tayo naman siya agad at inayos pa ang sarili, bago magsalita. I know, Ive seen her before. I just couldnt figure out where.

uhhm... hi Charmaine. Hindi mo ba ko naaalala?.... ako si Coleen, yung kasama ni Quen sa mall nung isang beses. Eh kung okay lang sayo, gusto sana kitang makausap. Oh. Siya yung mapapang-asawa ni Quen. Right, right.... si Coleen.

ahmmm coleen kasi.... tinignan ko pa si Sofia, remembering weve got some bonding to do. She just smiled at me.

ay, its okay ate. Sige, uwi nalang ako para makapag-usap kayo.Nginitian niya din si Coleen.

sure ka? sorry ha... hayaan mo, makakapag bonding din tayo bago ang wedding. I assured her.

okay lang talaga, ate.... sige ha. Una na ko. bumeso lang siya sakin, at saka na nga tuluyang naglakad palayo. Ibinalik ko ang tingin ko kay Coleen, at hindi ko maiwasang magtaka.... bakit naman ako gustong maka-usap ng babaeng mapapang-asawa ni Quen? Nawala bigla ang antok ko, at kinain ata ng curiosity ko.

sige, pasok ka. I led her inside.

~~ bakit mo pala ako gustong maka-usap, Coleen? tanong ko, sabay abot sakanya ng isang basong juice. Buti nalang at nagpapahinga ang mama ko, kaya kung tungkol saan man ito, ay mapapag-usapan namin in private.tungkol saan ba? tanong ko ulit. tungkol kay Quen. inilapag niya muna sa sahig ang napaka-laki niyang bag. Tungkol kay Quen? Hindi ko alam kung gusto ko pang pag-usapan ngayon si Quen.... pinipilit ko na kasi siyang kalimutan.

tungkol kay Quen? tanong ko pa. Parang nagbago naman ang expression ng mukha niya, na kaninang mukhang super friendly into super serious. Wag niyang sabihing pinagseselosan niya ako? Ikakasal na kong tao. Wala siyang dapat ipag-alala.

*Image ni Quen*

Naalala ko nanaman tuloy si Quen. Hanggang ngayon, I keep seeing images of him in my head. God, how I wish it would just stop.

mahal mo pa siya, no? bigla akong nagulat sa tanong niyang yon.

Paano niya naman nasabi yon? At paano ko naman sasagutin ang tanong niyang yon? Kung mahal ko pa si Quen?.... True. Pero Im doing everything I can, to move on. Last thing I need, is to be reminded by him. Ayoko ng away. Ang totoo, gusto ko na nga lang magpahinga ngayon. At dahil may manners akong tao, hindi ko tuloy masabi sakanya na nakaka-istorbo siya saakin. Nakaka-istorbo, sa maraming paraan.

Coleen, ikakasal nako. Kung yan lang ang pinag -aalala mo, wala tayong kailangang pag-usapan.

Andun ako. Kitang kita ko kung paano mo siya tinignan sa mall.... kung paano mo siya ni yakap. Mahal mo pa siya, diba?

*image ni Quen*

Nararamdaman kong namamasa ang mga mata ko. May mga luhang nagpupumilit tumulo. She knows. She felt it. I couldnt help but to wonder.... bakit ganoon yung pagkakatanong niya? Parang hindi naman si ya galit. Parang hindi naman siya galit na pag-usapang mahal ko ang lalaking papakasalan niya.

Ngayon, anong sasabihin ko?

Charmaine, alam ko hindi pa tayo magkakilala ng lubos... pero ano bang nangyari sayo? Bakit hindi mo na binalikan si Quen? Bakit hindi ka na tumawag? sunod sunod na tanong niya. Lalong nagiging mahirap tuloy para sakin ang intindihin siya. Naguguluhan ako. Ano ba talaga ang purpose ng pagpunta niya dito? Shes much worse kaysa sa mga ahenteng nagaalok ng kung anu-ano.

Tinignan kong mabuti ang mukha ni Coleen. Kahit pa ngayon ko lang siya naka-usap ng maayos.... parang may parte sakin na sinasabing mapagkakatiwalaan ko siya. She seems nice.

I had no choice. I said, trying to hold back tears.

what do you mean you had no choice?..... its okay, you can tell me. Umusod pa siya papalapit saakin, at hinawakan ang kamay ko. Kung sasabihin ko sakanya ang lahat, may magagawa ba siya? Would that make a difference?

kahit na sabihin ko sayo.... huli na ang lahat. at binawi ko din ang kamay ko. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin, kaya tumango nalang siya. Inatras niya na ang inuupuan niya na para bang bumubwelo nang tumayo. Akala ko nga, tatayo na siya.

Pero bigla niyang ibinalik ang tingin niya saakin.

you should know.... hindi naman kami ikakasal ni Quen. Nabigla lang siya nang malamang ikakasal ka na, kaya niya nasabi yun. BESTFRIEND niya ako. sabi niya, emphasizing the word bestfriend, na ikina-gulat ko. So hindi totoong ikakasal na si Quen?! Parang may pumindot nanaman ng pause, at nawala nanaman ako sa sarili ko sandali. Bumalik lang ako sa sarili ko, nang biglang tumayo na si Coleen.

Binuhat niya yung pagkalaki-laki niyang bag, ipinatong ito sa lamesa, at may inilabas na mga laman nito.

Binder. Mga binder pala. Ang dami niya namang mga binder. Inilabas niya ang mga ito isa isa, at isa isa ring ipinatong sa lamesa. Baka nga ahente siya, at double purpose ang pagpunta niya dito! salamat sa oras mo, Charmaine ha. Pasensya ka na din sa istorbo. Sabi niya, tapos nagtuloy-tuloy na siya ng lakad papunta sa pinto. Hindi niya ata napansin na naiwan niya ang mga binder niya sa table, so pinaalala ko pa sakanya...

Coleen, yung mga binder mo!

para sayo yan lahat. Basahin mo.... sige Charmaine, salamat ulit sa oras.Sabi niya, at saka na nga tuluyang lumabas ng unit ko.

~~ Sabi ko nga diba, pagod ako. Kung titignan ko ang patong patong na mga binder na yan, lalo akong napapagod. Paano ko babsahin lahat ng yan?

I decided not to read them... not now. So naghanda nalang ako para makapag-pahinga. I showered, brushed my teeth, and just when I was only a few steps away from my bed.... Nahagip ulit ng paningin ko ang mga binder. Hindi ko alam kung bakit, kahit na hindi ako interesado sa mga nilalaman nito, nangati parin akong lapitan ang mga ito. I took one of them, and started reading it.

Dear Charmaine,

(23 days mula nung umalis ka)

Buti naman napatawag ka kanina.... sobrang nami-miss na kita.....

Ano to? Bumuklat pa ko ng bumuklat ng ilang mga pahina pa, at binasa nalang ng binasa kung ano mang mahagip ng paningin ko. Nagbalik lahat, as I continued reading. Lahat ng mga bagay na pilit ko nang kinakalimutan.

Dear Charmaine,

(5 months, and 13 days mula nung umalis ka).....

Dear Charmaine,

(2 years, 1 month, and 11 days mula nung umalis ka)....

Theyre letters. A bunch of letters from....

gwapo parin,

Quen.

Still waiting,

Quen.

Still holding on,

Quen.

Mga sulat para saakin, mula kay Quen. Dali-dali kong binuklat agad agad yung iba pang mga binder, at binasa ng binasa kung ano mang tatamaan ng mata ko. At hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko.....

Araw araw siyang sumulat para sakin.

Araw araw niya kong hinintay.

O anak, umiiyak ka nanaman? Ano ba yang mga binabasa mo diyan? nagulat pako nang biglang lumabas si Mama mula sa kwarto at agad din akong nilapitan. Only then, I realized I was already crying. Isinara ko ang hawak kong binder, para itago sa Mama ko.

hindi po ako umiiyak, Ma. Sige na po, pahinga na ulit kayo.

Parang hindi naman siya naniwala. Pero still, sinunod niya parin ako. Nang makabalik na siya sa kwarto niya, binitbit ko na lahat ng binder sa kwarto ko para ipag-patuloy ang pagbabasa. CHAPTER TWENTY-SEVEN

Quens POV

Nasabi ko na sa parents ko yung tungkol sa balak kong bumukod. Naiintindihan naman nila, at nag offer pa nga sila ng konting pera. Hindi ko na sana gustong tanggapin, dahil ang point nga nitong pag-bubukod ko, ay para matuto

na akong hindi umasa sakanila. Pero sabi nila, regalo na daw nila sakin yun dahil bukod sa naka -graduate ako.... nakahanap na ko ng trabaho. Magsisimula nako Monday, next week.

I know, right.... Ako?..... magta-trabaho?! Inakala niyo ba yun?...... Hindi nga yun matanggap ng demonyo sa kosensya ko eh. Pero syempre, kailangan nang umusad ng kwento ng buhay ko, at sis imulan ko yun sa pagbabago. Pagbabago para sa ika-uunlad ng pilipinas, para sa kabataan, para sa promotion ng anti-plagiarism, para sa pagligtas sa mga kagubatan, para sa matatag na samahan ng mga nangangalaga sa kalikasan, para sa sarili ko...

At hindi para kay Charmaine.

anak, naka-hanap na kami ng malilipatan mo. Ngiting-ngiti pang naupo sa tapat ko si Papa. wag mo nang alalahanin ang gastos, sinagot na namin ng Mama mo. Tamang tama, malapit yun sa pagtatrabahuhan mo.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa narinig ko mula kay Papa. Ang usapan namin, magbibigay sila ng KONTING tulong. Akala ko naman groceries, furnitures, at pagpili ng kulay ng door mat lang ang inaalok nilang tulong. Pero bakit....

ano pong sabi niyo Pa? Paki-ulit nga po? sabi ko. Umaasa na iniwan parin nila sakin ang mga pinakamalalaking choices.

sabi ko, naka-hanap na kami ng titirhan mo. Kumpleto na lahat.... ikaw nalang ang kulang. Ngiting-ngiti talaga si Papa. Alam ko, lumaki akong may pagka prodigal son. ... pero hindi ko hiniling to.

as in, okay na? Bakit naman po hindi niyo muna ako tinanong? pinilit kong sabihin yan ng may buong paggalang at pag-kilala sa Papa ko, na pinag-manahan ko ng pambihirang ka-gwapuhan.

bakit hindi mo muna tignan, bago ka magsalita ng ganyan? Naku anak, sinisiguro ko sayo.... matutuwa ka doon. Sina Sam at Coleen ang naka-hanap nun eh. Paliwanag pa ni Papa. Ayown, kaya pala. Kasabwat pala ang dalawa kong so called friends. Hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol dito. Basta siguraduhin lang nila na hindi masyadong mahal at malaki yung nahanap nila! Talagang sinabwat pa ang Papa ko ha.

Tumayo na si Papa. Inabot ko bigla ang kamay niya, para pigilan sandali...

Pa, salamat po ah. Sa lahat. ngayon ko lang ata nagawang magsabi ng ganyang mga salita sa Papa ko, sa buong buhay ko. Nginitian niya naman ako, at tinapik pa ang balikat ko.

ano ka ba... anak kita eh. Lahat ibibigay ko sayo, bastat kaya. Lalo na syempre sa huling pagkakataon. Hindi ka na dito saamin titira.Ginulo niya pa yung buhok ko. Parang yung lagi niyang ginagawa nung bata pa ako. Ang tagal na nung huling ginawa niya yun. Lalo ko tuloy naisip..... malaki na ko. Hindi na ako yung dating batang muntik nang maka-sunog ng hospital. Yung dating batang tumatalon-talon sa mga bubong ng mga kapitbahay, makapang bulabog lang. Yung dating batang may sinumpaang katungkulan na gumawa ng kalokohan.

Malaki na ko, at mukhang ako nalang talaga ang hinihintay ng pagbabago.

Charmaines POV

Im now 6 days away from being Mrs. Daniel Padilla, at hanggang ngayon hindi parin ako masanay -sanay sa tunog nun. At sa tingin ko, kahit kailan hindi ako masasanay.

Mrs. Charmaineryn Padilla. Mrs. Charmaineryn Padilla. Mrs. Charmaineryn Padilla.See? Ive said it three times, and yet hindi parin talaga ako masanay-sanay. Well, it doesnt seem to matter now, does it? Since I have forever to get used to it. Kaka-tapos ko lang basahin ng mga sulat sakin ni Quen. Kung ilang mga Dear Charmaine ba yun, kung ilang beses niya sinabing mahal niya ako at nami-miss niya na ako, kung ilang beses akong umiyak habang nagbabasa...... hindi ko na nabilang.

Yung huling sulat ni Quen doon, ayon sa bilang ng mga araw na nakasulat sa itaas ng sulat.... sinulat niya lang yun isang araw, bago kami magkita sa mall. Ibig sabihin, kung hindi pa kami nagkita.... baka hanggang ngayon sumusulat at naghihintay parin siya saakin.

Biglang may kumatok.

Charmaine, are you ready? Naghihintay sila Mama sa car. Si Dj. Oo nga pala, may dinner nga pala kami kasama ang pamilya niya! I forgot about that. Ano ba yan, hindi pako bihis. Kakatapos ko lang kasing magbasa.

ahmm, sorry nawala sa isip ko. Sige, magbibihis lang ako sandali.... kung gusto mo, paakyatin mo muna sila dito para hindi ma-inip.Bungad ko kay Dj, pagkalabas ko ng kwarto.

no, its okay. They can wait. Sige na, bihis ka na. Naka-ngiti niyang sabi. Kaya naman nagmadali nalang akong pumasok sa banyo sa loob ng kwarto ko para mag-ayos.

Nang maka-tapos ako, nagmamadali pakong lumabas ng banyo para makapag bihis na, nang biglang marinig ko ang boses ni Dj mula sa likod ko. Pumasok pala siya sa kwarto ko ng walang paalam!

Agad kong hinawakan ang tuwalyang naka-tapis sa katawan ko, para masigurong hindi ito mahuhulog.

so, nagkikita parin kayo? lumingon ako para alamin kung anong ibig niyang sabihin. Nagulat nalang ako nang makita kong....

Hawak niya ang isang binder!

ahmm... hin, ano... hindi ko alam kung anong sasabihin. Nabasa niya ang mga sulat sakin ni Quen. Ngayon, ano nga ba naman ang pwedeng sasabihin ko, para ayusin to?

Hindi kita mahal Dj, pero wag kang mag-alala... Hindi ka uuwing luhaan! Meron ka paring jacket at gift packs mula sa rejoice kwatro sachet! kung kaya ko lang, matagal ko nang sinabi yan.

Pero ayoko namang makasakit. Lalo na sa taong malaki ang naitulong saakin.

Nevermind.... just hurry up, hihintayin ka nalang namin sa kotse. Matamlay niyang sabi. Inilapag na niya ulit ang binder sa bedside table, at saka lumabas ng kwarto. Ni hindi man lang humingi ng paliwanag.

Tulad ng sinabi niya, nagmadali na nga lang akong mag-bihis. Nawawala pa nga yung susuootin kong underwear pero naisip ko, marami pa akong mas malalaking mga problema. Nakita n ga ni Dj yung mga sulat ni Quen, pero mukhang wala namang magbabago. Anim na araw mula ngayon....

Ikakasal parin ako sa lalaking hindi ko mahal.

Quens POV

CONDO?! Halos isigaw ko na kina Sam at Coleen, pagka-pasok na pagka-pasok namin sa bagong titirhan ko nga daw. ibinili ako ng sarili kong condo unit ng mga magulang ko?! halos isigaw ko ulit. Nagtinginan naman ang dalawa na para bang walang gustong magpaliwanag sakin.

whats wrong with that? Ayaw mo ba yun? may sarili ka nan g place na malapit lang sa magiging work mo. Sabi ni Sam, habang tumi-tingin tingin kaming lahat sa paligid. Maganda yung place. Hindi bagay sa isang katulad kong mukhang maliit lang ang pinanghahawakan para magbago ng tuluyan. Hindi ko tuloy maiwasang isipin.... Paano kung ma-disappoint ko lang yung parents ko? paano to na afford ng parents ko? tanong ko ulit.

ano ka ba, hindi naman kayo kinakapos sa pera dahil malaki din naman ang kinikita ng parents mo ah. Hindi naman siguro malaking bagay to, para ibigay sa ka-isa isa nilang anak. Sabi naman ni Coleen. Sa bagay, Hindi nga kami mayaman, pero wala naman akong naaalalang time na namroblema kami sa pera. Nasanay lang ako na lahat ng kailangan ko, mabilis na napo-provide ng mga magulang ko. Oo tama, hindi na dapat ako nagugulat sa mga ganito.

teka, paano niyo nga pala nahanap to? Kayong dalawa ha.... ano pang hindi niyo sinasabi sakin? ayan, parang nagpapasahan nanaman sila ng tingin dahil sa tanong ko. Napapadalas-dalas yung mga ganyan nila ngayon.

basta! Alam mo, wag mo na ngang problemahin ang mga bagay na hindi naman dapat pinoproblema! Teka, kailan mo ba balak lumipat dito? ilang mga furnitures, at ikaw nalang ang kulang oh. Pag-iiba ni Coleen sa usapan.

tutulungan ka naming mamili ng mga bagong gamit. Sabi naman ni Sam.

sige, bukas tayo mamili. The next day, lilipat nako para masanay agad bago magsimula sa work.

~~ Dear Math notebook,

Nakita ko na yung magiging bago nating tirahan. Syempre isasama kita, Math notebook. Maiwan ko na ang pantalon ko, wag lang ikaw.

Alam mo Math notebook, isa pang hindi mai-alis sa isip ko... para kasing may tinatago sakin sina Sam at Coleen eh. Parang may hindi sila sinasabi saakin. Bakit ko naisip? Wala lang.... yung pagpapalitan nila ng tingin, kada may itatanong ako. Eh bakit? Ang simple simple lang naman ng tanong ko ah. Ano ba naman yung sagutin nalang nila diba?

Pero kahit na ano pa yun.... alam ko, ginagawa lang nila para sakin. K aunting dag-dag lang yun sa dami ng mga naitulong nila sakin. Nasabi ko na bang sila ang naka-hanap ng lilipatan natin? So ayun.... panahon na siguro, para pagkatiwalaan ko ang dalawang yun, kahit na gaano pa kaduda-duda ang mga ginagawa nila.

Sana kasabay ng pagbabagong buhay ko, ay ang pagmu-move on ko kay Charmaine. Sana maging mabait saakin ang pagbabago, Math notebook.

Moving out and moving on, Quen.

CHAPTER TWENTY-EIGHT

Quens POV

Alam ko na kung ano yung hindi sinasabi sakin nina Sam at Coleen. Hindi nila sinabi sakin na.......

Tinawagan nila ang buong barkada para magkaroon ng maliit na party ngayon, dito sa bago kong condo. (Oo, tama ka ng basa. Nakalipat nako.) Medyo na late nga ako ng lipat, at Friday na ngayon.

Akala ko nga, makakapag-pahinga nako matapos linisin ang bagong condo, pero hindi pa pala. (Oo, tama ka ulit ng basa... naglinis ako. Diba nga, masipag nako.) Abala sa pagluluto ng mga kakainin namin sa party sina Coleen at Sam. Habang ako naman, hetot inatasan nilang mamili ng mga inumin, at kung anu -ano pang mga kakailanganin namin sa party.

Mukhang tinutukso pa nga talaga ako ni Tadhana, dahil paglabas na paglabas ko ng unit ko..... naka-kita nanaman ako ng kamukha ni Charmaine na papunta sa unit sa tapat ng sakin. Pero syempre pa, hindi ko na din pinagka abalahang tignan pa dahil DUH....

Diba nga kasabay ng pagmu-move out ko sa bahay ng parents ko, ay ang pagmu-move on ko na din sa kahit na ano pang mga bagay na makapagpapa-alala sakin kay Charmaine. Its about time, na tuldukan ko na ang mga araw na konting may mapadan lang na medyo hawig ni Charmaine... siya agad ang nakikita ko. No, those days are over!

~~ Coleens POV

Malalaman niya din yun sooner or later. Sinong magpapaliwanag sating dalawa? tanong saakin ni Sam habang abala siya sa pagtitimpla ng kung ano mang special sauce yon. Habang ako naman, nagbe -bake ng dessert.

Sinong magpapaliwanag? Syempre ikaw. DUH. Sagot ko naman. Bigla niyang binitawan ang hawak na kutsara para lang maka-pamewang siya sakin. Seryoso siya, pagtatalunan namin to ngayon? Paano pa kaya, kapag nagka-anak na kami? Baka pagtalunan din namin kung hahayaan ba namin siyang maniwala kay santa claus, o hindi.

Ako? eh diba idea mo to? Saka sayo lang nakikinig yon si Quen.... mas mapapadali, kung ikaw nalang. Hindi naman halatang walang gustong magpaliwanag saamin kay Quen. Nung isang araw pa kami nagpapasahan ng turn ni Sam sa kung sinong magpapaliwanag kay Quen sa mga tulong in disguise na binibigay namin sakanya. At hayyy.... di bale. Darating ang araw.... pasasalamatan niya rin kami, dahil dito.

Tss edi wag tayong umamin. Idahilan natin si Destiny. Sabi ko nalang. Mukhang naintindihan naman niya, kaya tumuloy nalang ulit siya sa kung anong ginagawa niya kanina.

Nakarinig nalang ako bigla ng katok, kaya agad ko na ding binuksan.

Sorry, na-late ako! bungad ni Julia. Nagdire-diretso na siya ng pasok.

Buti naman, dumating ka na. Madami ka pang iluluto.... tara na dito sa kusina, magsimula ka na. Nakangiting pag-welcome sakanya ni Sam. Nangako kasi tong si Julia na dadating siya ng maaga, para tumulong sa pagluluto. Kaya ayan.....

Nga pala, kaya din ako medyo napatagal..... nasalubong ko sa baba si Quen. Medyo napa -kwento pa siya, may nakita daw siyang kamukha ni Charmaine na pumasok sa unit sa tapat nito. Ang weird niya diba? tuloytuloy na sabi ni Julia. Agad naman kaming nagka-tinginan ni Sam. Nagpapakiramdaman nanaman kami kung sinong sasagot kay Julia. Ano ba yan! Ang hirap ng ganito!

I know right?! Ang weird talaga niyang kaibigan natin. Hayaan mo na... lilipas din yan. yan, yan ang lumabas sa bibig ko.

hay naku, sa sarap ng lulutuin ko.... makakalimot kayong lahat. nagbitaw pa siya ng isang malaking ngiti, bago kumuha ng mga gamit pangluto, at saka nagsimula.

Hayy.... sige lang Julia, budburan ng magic.

Charmaines POV

Parang nakita ko si Quen kanina bago ko isara ang pinto ng unit ko pagkagaling ko sa bahay ng mga Padilla. Binuksan ko pa nga ulit ang pinto, at idinungaw ang ulo ko sa labas para lang tignan. Kaya lang, naka-liko na pala siya. Tapos naalala ko bigla...

Kahit naman saan, nakikita ko ang mukha ni Quen eh.

*Image ni Quen*

O, ayan nanaman. Sa mall habang namimili, sa kwarto habang nanonood ng T.V, sa banyo habang naliligo, at kahit sa bahay ng mga Padilla kasama si Dj.... si Quen ang naaalala ko. Kaya naman hindi na talaga ako magtataka, kung biglang maka-kita nanaman ako ng Quen mamaya paglabas ko dito.

Nahagip nanaman ng paningin ko ang mga binder na nakapatong sa bedside table ko.

Kinuha ko ang isa, at muling binasa ang pinaka-unang sulat...

surprise ko to sayo pagbalik mo!! Ang mga na-ipon kong sulat, ay ibibigay ko sayo sa araw na muli tayong magkita.

Sana nga, ikaw nalang ang nag-abot sakin ng mga sulat na to, Quen.

Wala na sana akong gustong gawin ngayon, kundi magbasa ng magbasa ng mga sulat ni Quen. Pero hindi ko na kinaya ang dumadagundog na sounds mula sa labas, na kanina ko pa naririnig.... at ngayon, mas lumalakas pa.

Kung sino mang walang pakundangang mga tao yan, na nagpapatugtog ng ganyang kalakas at talagang sa ganitong oras pa ha.... wala akong pakialam, kung sino pa sila. Dapat naisip nila na hindi lang sila ang tao dito!.... na hindi lang sila ang anak ng diyos!

Agad akong napatayo, at kahit na naka pang tulog na ko.... lumabas parin ako ng unit ko, at hinanap kung saan galing ang ingay.

Quens POV

Nagsidatingan na nga pala silang mga friends ko from college dito sa condo. Bukod kina Sam, Coleen, at Julia, present din sina Oliver, James, Bianca, Linn, Ivan, at kung sinu-sino pang hindi ko tanda ang mga pangalan. Grabe.... sa pagkaka-tanda kong sinabi ni Coleen, MALIIT na party lang ang magaganap, at buong barkada lang ang imbitado...

Hindi ko naman alam na ganito pala ang definition ni Coleen ng MALIIT

Para sa pagbabagong buhay, at pagbabagong bahay ni Quen! isinigaw ni James, sabay angat ng baso.

CHEERS!! sigaw naman ng maliit na populasyon ng condong ito.

Tuloy lang kami sa pag-iinuman, at kung anu-ano pang mapagtripan nilang mga kalokohan. Kanina nga, nag pinoy henyo pa kami. Pero ngayon, hetot parang may kanya kanya nalang na pinagkaka-abalahan ang lahat. Ang ingay, grabe. Ramdam na ramdam ko, ang malakas na pagdagundong ng sounds na si Sam ata ang nagpasimuno. Gusto ko ngang pa-hinaan ng kaunti, dahil baka nakaka-hiya naman sa mga naka-tira sa mga kalapit na unit. Pero dahil mukhang enjoy na enjoy ang lahat...

teach me how to dougie, teach me, teach me how to dougie... pumunta nalang ako sa gitna, at sinabayan ang lahat sa pagsayaw.

WOOOOH!! Ang galing ni Quen, oh!

Go Quen!

Bigay na bigay na ko sa pagsasayaw ko nang biglang narinig kong may kumakatok sa pinto. Tuloy lang ang lahat sa pag-iingay, at mukhang wala namang naka-dinig ng katok bukod saakin. Lumapit muna akong konti, para masiguro dahil nga sa lakas ng sounds namin dito. Tama.... may kumakatok nga. Pipihitin ko na pabukas yung door knob....

Kaso bigla akong hinila ni Coleen, pabalik sa gitna.

May kumakatok! sabi ko sakanya.

bumalik ka na don, kami na bahala! at itinulak na nga lang ako ulit ni Coleen, pabalik sa gitna. Linn, pabukas naman ng pinto please! sigaw ni Coleen kay Linn, na naka-pwesto malapit lang sa pinto. Tinulak ulit ako palayo ni Coleen.

Binuksan na nga ni Linn yung pinto. Naiiwan na nga yung ulo ko sa paglalakad dahil sa kagustuhan kong makita kung sino yung kumakatok. Medyo nahagip lang ng mga mata ko, pero hindi ko nakita kung sino, dahil etong si Coleen.....

ano ka ba, kinukulang na ng drinks yung mga bisita mo oh.... anong klaseng host ka. Sige na, kumuha ka ng drinks saka ng ice diyan! sabi niya nang marating namin ang kusina.

Susundin ko na sana yung mga inutos niya.

Pero naalala ko bigla. AKO ang naka-tira dito. Mga bisita KO lang sila. Kaya kapag may kumatok sa pinto KO....

AKO dapat ang magbubukas. AKO dapat ang kakausap sa kung sino mang tao ng suamdya sa pinto KO. Kaya naman pag-alis ni Coleen, kahit hawak ko na ang ice tray.... binitawan ko din agad, at dali-daling bumalik sa may pinto.

Medyo nakita ko na.

Babae.

Tapos biglang...

Guys, kapit-bahay..... nakikiusap na hinaan daw natin ang sounds. Sabi ni Linn, sabay sara ng pinto nang hindi ko man lang nakita kung sino yung kumatok. Paki-hinaan nalang.... nakakahiya pala. dagdag pa ni Linn.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi talaga ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit sa isang simpleng katok lang nayon..... parang gustong gusto kong AKO, ang naka-tira dito........ ang magbubukas. Kaya naman pagkasarang-pagkasara ni Linn sa pinto, agad akong lumapit dito.......

At binuksan ito ulit.

Charmaine? sabi ng boses sa utak ko, pero hindi na nagawang sabihin ng bibig ko.

Quen? parang gulat na gulat siya.

Si Charmaine nga! Si Charmaine na naka pang tulog! Papasok na sana siya sa unit sa tapat, pero napahinto nang makita ako. Napa-tingin naman ako sa kabilang direksyon nang may napansin akong naglalakad papalapit. Tinignan ko pang maigi at....

Walang iba kundi si Paeng! Si Paeng na naka-ngiti pang naka-tanaw kay Charmaine!

Muli, hindi ko nanaman naintindihan ang sarili ko. Ginusto kong lapitan si Charmaine, pero nang makita ko si Paeng... bigla nalang akong pumasok, at bigla ko na ding naisara ang pinto. Pagkasara ko ng pinto, napa-sandal pako dito, at napa-titig sa kawalan kahit na nakaka-distract ang mga ilaw, at ang mga nagsasayawan sa harapan ko.

Nang makita ko yung mukha ni Charmaine, nakita kong ibinuka niya yung bibig niya na para bang may sasabihin pa sana, bukod sa mahinang pagbigkas sa pangalan ko. Pero hindi ko na nalaman, dahil nga bigla kong nakita si Paeng, tapos pumasok nalang din ako agad sa loob. Ano kaya yung sasabihin niya, no? May gusto kaya siyang sabihin sakin?... kahit ano! Kahit ano pa yon, gustong gusto kong malaman.

Teka, bago ko muna isipin kung ano sana yung sasabihin niya..... balik muna tayo sa simula, ha. Hindi pa ko nagugulat eh. Dapat magulat muna ko. Masyado na kasing mabilis eh. So here it goes....

ANO?! Ang naka-tira sa unit sa tapat, ay walang iba kundi si Charmaine?! Bigla akong naglakad papunta sa sofa, at napa-upo nalang. Tamang tama na may beer na naka-patong sa center table, kaya kinuha ko nalang.... at ininom ng tuloy-tuloy.

hep hep, ano ha?.... pang ilan mo na ba yan? mamaya, sumuka ka nanaman diyan. Biglang inagaw ni Coleen ang iniinom ko.

eh ano? Akin na nga! aagawin ko pa sana, pero inilayo niya naman at ini-abot kay Sam.

may problema ba, pare? Kanina lang, ang saya mo ah. Naupo si Sam sa tabi ko. Umusod naman ako papalapit saknilang dalawa, at oo tama.... hindi ko na patatagalin pa... sasabihin ko nalang sakanila kung anong eksaktong nasa isip ko.

umamin nga kayong dalawa sakin.... bigla pa silang nagkatinginan....

alam niyo ba na diyan lang naka-tira sa tapat si Charmaine?

Muli, nagkatinginan sila.

Ano? diyan naka-tira sa tapat si Charmaine?! biglang singit sa usapan ni Julia. Of course.... si fairy godmother Julia. CHAPTER TWENTY-NINE

Charmaines POV

Kung kaninong party ba ang nagaganap diyan sa tapat? Bakit ba andiyan si Quen? Ang dami ko nanamang mga tanong. Hindi ako mapakali, knowing na andiyan lang siya sa unit sa tapat..... konting konti lang mula sa pintong ito.

Kaya naman pagka-alis na pagka-alis ni Dj, nagsimula na kong magpasilip-silip sa peephole ng pinto. Hinintay kong bumukas ang pinto sa tapat.... umaasa na lalabas si Quen, para makapag-usap kami.

Pero hindi si Quen ang lumabas, nang biglang bumukas ang pinto. Babae ito. pamilyar. Hindi ko na napigilan. Lumabas na ako ng pinto, at hinawakan ang babae sa balikat para pigilan sa paglalakad. No wonder why shes so familiar kahit nakatalikod.

Julia?.... ikaw nga! parang gulat na gulat naman siyang humarap sakin. Tinignan niya pako mula ulo hanggang paa, saka lang siya napa-ngiti.

Oh my god.... Charmaine. S-so..... itinuro niya pa yung pinto kung saan ako lumabas. diyan ka nga nakatira? tanong niya pa. Tumango nalang ako.yiiiee! nagulat pa ko nang bigla niya kong niyakap. My god, ang laki ng pinagbago mo ah.... kamusta ka na? Totoo ba yung balitang.... hindi ko na siya pinatapos.... alam ko na na kasi yung itatanong niya.

Yep. Tumango nalang ako ulit, since ayoko namang bumanggit ng kahit na anong related doon. Napa-takip naman siya sa bibig upon realizing na naunahan nanaman siya ng sariling kadaldalan. Ano bang meron

diyan?tanong ko pa sakanya sabay turo sa pinto ng unit sa tapat. Teka, gusto mo munang tumuloy sa loob? alok ko pa, sabay turo naman sa pinto ko.

Ayy naku, siguro next time nalang, Charmaine.... kailangan ko nang umuwi eh. May party pala diyan.... paparty ni Quen. Bagong lipat nga kasi. Sunod sunod na sabi niya.

So tama ako. Si Quen ang naka-tira diyan sa tapat? Pa-party niya yan? Ibig sabihin, mag kapit-bahay nanaman kami. Ayoko namang i-over analyze ang mga pangyayari, pero seems like.... kina-kaibigan ako ni tadhana.

Nag snap si Julia sa harap ko, para kunin ang atensyon ko.

Hui, Charmaine.... narinig mo ba ko? ang sabi ko.... hindi ko na ulit siya pinatapos...

Yeah, yeah narinig ko. So s-si Quen ang naka-tira diyan sa tapat ng unit ko? I just had to ask again. Muli, napa-takip nanaman ng bibig niya si Julia na para bang nagpipigil ng ka-daldalan. Nakakatuwa siya, ang daldal niya parin. Same old Julia.

Alam ba niyang..... dito lang ako naka-tira? tanong ko pa ulit.

ahmmm... parang nabanggit niya nga kanina. Pero akala ko, epekto lang ulit yun ng pagiging.... hindi niya nanaman natapos yung sasabihin niya, at napa-takip nanaman siya ng bibig. Naku, Charmaine.... pasensya na talaga ah, kailangan ko na kasi talagang umuwi.... sige ha.Nagmamadali pa siyang bumeso sakin... nice seeing you again.... till next time! pahabol niya pa, habang nagmamadaling maglakad palayo.

Naiwan nalang akong hinahatid siya ng tingin.

Quens POV

Naka-alis na lahat ng bisita ko, pero hindi ko parin tinitigilan ang pag-iinom. Naka-upo lang ako sa sofa, at nakatanaw lang sa may pinto.

Si Charmaine nga ang naka-tira sa unit sa tapat. Tinanong ko sina Sam at Coleen kung may alam sila tungkol dito, pero itinanggi nila. Oo naman, itatanggi nila.

Naaalala ko bigla yung sinabi ko kay Coleen.... na kung mabibigyan ako ng pagkakataon, hindi ako magda dalawang isip na kausapin si Charmaine. Na kahit alam ko na pwede akong masaktan sa mga malalaman ko, gagawin ko parin... basta may pagkakataon. Ngayon ayan na. Ilang hakbang nalang palayo, makakausap ko na siya. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganun? Bakit kung kailan ilang hakbang nalang siya mula sakin, sak a pa ko natatakot na harapin siya?

Uminom ako, isang lagok.

Tapos, inilapag ko na din sa center table, at hindi ko alam kung bakit, pero nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad papunta sa pinto.

Hinawakan ko na yung door knob. Isang pihit ko lang. Isang pihit ko lang nito....

Napa-buntong hininga nalang ako, tapos bigla ko ding isinara ang thought na pihitin ang door knob. Binitawan ko ang door knob, at sumandal nalang muna sa may wall sa tabi ng pinto.

Ilang saglit pa, biglang may kumatok. Napatayo ako bigla, at napa-silip sa peephole.

Si Charmaine!

Kumakatok sa pinto ko si Charmaine!

Nagda-dalawang isip ako, kung bubuksan ko ba o hindi. Sumilip ako ulit, at mukhang naghihintay talaga siya.

Hinawakan ko ulit yung door knob, habang hindi inaalis ang mata ko sa tapat ng peephole. Kung kailan naman bubuksan ko na, matapos ang ilang buntong hininga.... tumalikod si Charmaine, at bumalik sa loob ng unit niya.

umalis kaagad? bulong ko sa sarili ko. Napa-upo nalang ako ulit sa wall sa gilid ng pinto.

Tatayo na sana ako, para kunin ang iniinom kong beer na naiwan ko sa ibabaw ng center table..... nang biglang may nahagip ang mata kong gumagalaw sa baba ng pinto.

Napa-usod pa ako palayo. Tapos biglang....

May lumusot na papel mula sa ilalim ng pinto. Lumapit ulit ako sa pinto. Kinuha ko ang papel, at binasa....

Dear Quen,

Usap tayo please. Hihintayin kita.

Charmaine

Tumayo ako, at sumilip ulit sa peephole. Naka-tayo lang si Charmaine sa labas at mukhang naghihintay talaga. Gusto ko siyang labasin. Gusto ko siyang harapin, at kausapin.... Pero anong sasabihin ko pag nagkita na kami?.... anong itatanong ko sakanya?.... like kailan ang kasal niyo ni Paeng? congrats ha. Sana maging masaya ka.

Nauunahan nanaman ako ng kaba.

Dali-dali akong nagpunta sa kwarto para maghanap ng ballpen, at buti nalang naka-kita agad ako ng may pulang tinta sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay bumalik na ako sa tapat ng pinto. Muli akong sumilip sa peephole, para makita kung andun pa nga siya sa labas. At nang makita kong andun parin siya, nagsulat nalang din ako sa parehong papel na sinulatan niya, sa ibaba mismo ng sulat niya...

tungkol saan?

Inilusot ko na ang papel palabas. Maya maya lang, lumusot na din ito ulit pabalik sa loob....

Sorry kung hindi kita binalikan. May mga dahilan ako.

Mga dahilan daw. Ayokong isiping umiiyak nga si Charmaine, pero rinig na rinig ko mula dito ang mga hikbi niya mula sa labas. Phirap ng pahirap to para sakin. Gusto ko siyang harapin, at patahanin sa pag-iyak. Pero sinulatan ko nalang ulit ang papel.... tapos na yun, wag na nating balikan.

Inilusot ko na ulit. Hindi ko pa nailulusot ng buo, hinila na niya. Maya maya pa lumusot na ulit sa loob...

nagsinungaling ka sakin. Bakit mo sinabing ikakasal kayo ni Coleen?

Paano niya nalaman yung tungkol doon? Ngayon nagsisimula ko nang isipin na may kinalaman nga sina Sam at Coleen dito. Ngayon, anong isasagot ko sa tanong niya? Sa gitna ng napa-tagal na pag-iisp, biglang may lumusot nanaman ulit na isa pang papel. Kinuha ko to, at binasa....

Ikakasal lang ako bilang kabayaran sa mga utang naming mag -ina sa pamilya ni Dj.

*pause*

*play*

Paulit-ulit ko pang binasa, at kahit na anong pilit kong intindihin.... isa lang ang naisip kong ibig sabihin ng sinulat niya. Ibig sabihin ba, hindi niya talaga gustong magpakasal kay Paeng? Tumayo ako, at sumilip ulit sa peephole. Naka-upo siya sa labas ng pinto. Parang umiiyak siya. Tapos may isinusulat nanaman siya sa makapal na post it notes na hawak niya. Maya-maya nakita ko nang tumungo siya, at pagkita ko sa baba ng pinto ko, may lumusot nanaman na bagong papel.

Tinignan ko lang ang papel habang naka-tayo. Kahit hindi ko damputin, malinaw ang naka-sulat sa papel....

mahal parin kita.

Pinulot ko para masiguro, at oo tama. Ayun nga ang naka-sulat.... mahal parin kita.. Mahal niya parin ako? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at parang hindi na ata ako nakapag-isip.

Basta bigla ko nalang binuksan ang pinto.

Gulat na gulat pa si Charmaine na humarap sakin, pagka-bukas ko ng pinto. Napa-ngiti siya, kahit na umiiyak parin. Hindi ko naman maintindihan sa sarili ko, kung bakit kahit na gustong gusto ko siyang makausap, naunahan parin ito ng kagustuhan kong halikan at yakapin siya.

Oo tama, lumapit ako sakanya..... at hinalikan nalang siya bigla sa mga labi.

(Authors note: ang susunod na eksena ay rated SPG.... maaaring (Maaari lamang p o) may mga maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror, o droga na hindi angkop sa mga mambabasang........ oh forget it, basahin niyo nalang nga!)

Charmaines POV

Quen.... pinutol ko ang halik, para harapin siya. Im sorry.... sorry talaga. I just felt I needed to say that, before anything else. I mean... after all these years, eto siya ngayon, finally. Hinintay niya ko. Ginagap niya ng dalawang kamay ang mukha ko, paharap sakanya para magtama ang mga mata namin. Then pinunasan niya ang mga luha ko, habang paulit-ulit na umiiling-iling....

sshhhh.... akala ko basta kinalimutan mo nalang ako, dahil sa Paeng na yun... hanggang ngayon, Paeng parin talaga ang tawag niya kay Dj. Napatawa ako ng bahagya. akala ko hindi mo na ko mahal.... he started crying. Pinutol ko din bigla kung ano man yung sasabihin niya...

mahal kita..... I said in assurance. Napansin kong papalapit nanaman ang mukha niya sakin, at hindi na ko nagdalawang isip pa. Nang walang anu-anoy..... Sinalo nalang ng mga labi ko ang kanya. We started kissing. Hard.

Siguro napansin niyang nasa labas nga pala kami, so he pressed me against the door, without breaking the kiss.

Quen.... Quen, teka lang... Napa-tigil siya sandali, pero bumalik din agad sa pag-halik sakin. Inabot ko ang pinto ko, piniihit pabukas, at unti-unting pumasok sa loob..... hinila ko narin siya papasok habang hindi parin pinuputol ang halik. Hindi namin sinasadya, naibalibag namin ang pinto. Na baka nga naka gising sa Mama ko, but even the thought of it didnt stop us from what were doing.

Ayoko na munang isipin ngayon kung anong mangyayari pagkatapos nito. I may not be sure about this, but God.... kung magu-guilty man ako, I might as well be guilty for something worth it.

Ngayon, heto si Quen. Ive waited long enough for this. Ang tagal kong hinintay na mahawakan ko siya ulit, at maramdaman na totoong malapit lang siya.

His hands cupped my head, to pull me towards him.... deepening the kiss. I held his head close, as he then showered my neck with kisses.

Were now getting closer to my bedroom, a few steps away from its door.... nang biglang makarinig ako ng mga hakbang. Mga hakbang na papalapit.

Charmaine, anak?..... ikaw ba yan? Oh my god, Ma, not now! Bigla ko siyang naitulak. Naririnig namin pareho ang mga yabag ng Mama ko na mukhang papalapit nga! Kahit si Quen, parang hindi na rin magawang makapag-isip.

Doon ka muna, bilis! bulong ko habang itinuturo sakanya ang closet ko. Hindi na rin naman siya nagdalawang isip pa, na sundin ang sinabi ko. Nang maka-pasok na siya, saka ko lang sinalubong si Mama, na papunta nga sa kwarto ko.

O Ma, gabi na po ah.... napa-kamot pa ko sa ulo... bakit po hindi pa kayo natutulog? pinilit kong magmukhang kalmado sa harap ng nanay ko, pero mukhang napansin niya paring may kakaiba. Lalo akong kinabahan.

okay ka lang ba, anak? Bat parang hinahapo ka?.... ano bang ginagawa mo diyan? humakbang pa siya papasok sa kwarto ko. My God! Kailangan bumalik ka na sa pag-tulog, please lang po Ma!

Ahmm.... w-wala po. Nag e-exercise lang po. Pagdadahilan ko, habang sinusundan siya sa paglalakad. She sat on my bed. Naupo siya sa kama ko! bakit siya uupo sa kama ko?!... ahmm Ma, may kailangan ka ba?

Ayun, oo nga pala.... itatanong ko lang kung meron ka pang gamot sa sakit ng ulo diyan. Naubos na kasi yung stock ko e.

ay opo, sandali lang.... ikukuha kita. habang humahalungkat ako sa bag ko, nakita kong tumitingin-tingin pa siya sa paligid. Lalo tuloy akong kinabahan. At eto ha.... napa-tingin pa siya dun sa mga patong patong na binder sa bed side table!

Anak, bat ang dami mo namang binder?.... anong laman nun? lalapit na sana siya para tignan. Buti nalang naunahan ko...

wala po yan Ma...... eto na pong gamot niyo oh... sabay abot ko sakanya ng gamot. sige na po, Ma.... itulog niyo na yan. Goodnight! Hinalikan ko siya sa pisngi, tapos hinatid ko na siya palabas ng kwarto ko. An just when I thought, tuluyan na siyang aalis...

Teka, bat parang amoy alak ka ata, Charmaine? Umiinom ka ba? takang taka pa siya. Amoy alak? It was Quen! It has to be.... siya tong galing sa party. Siya yung amoy alak! Pero ano namang idadahilan ko sa mama ko? isip isip.... hindi po yun alak Ma.... yun yung bago kong lotion. Sige po Ma, goodnight!

Nang maka-labas si Mama, saka ko lang binuksan ang closet ko para palabasin si Quen. Pinagpawisan siya ng sobra sa ilang sandaling nakatago siya sa loob ng closet. PHEW. Kinabahan ako dun. Akala ko, mahuhuli tayo. Lumapit na siya sakin ulit, hinawakan ako sa kabilaang pisngi, at unti -unting inilapit ang mukha niya sakin. Of course... we were in a middle of something, bago pa dumating ang mama ko.

He stared at me, and pressed his forehead against mine. Pumikit ako, at naghintay nalang sa gagawin niya.

Pero bigla siyang natigilan.

Teka, narinig ko yung sabi ng Mama mo..... anong mga binder yung sinasabi niya? tanong niya pa. Saka lang ako biglang napa-dilat. Iginala niya naman bigla ang tingin sa paligid at ayun... bigla siyang napatingin sa direksyon ng mga patong patong na binder sa bedside table ko.

Lumapit siya dito, at tinignan....

Aha! Sakin to ah! Hiningi to sakin ni Coleen! natigilan siya. Mukhang napa-isip sandali, at saka lang ibinalik ang tingin sakin... binigay sayo to ni Coleen no? Tama nga yung hinala ko na alam talaga nila na dito ka naka-tira.

Hindi na ko naka-sagot. Ngayon lang din kasi pumasok sa isip ko na pwedeng si Coleen nga ang gumawa ng paraan para magka-lapit ulit kami.

binasa mo? tanong niya, habang hawak parin ang isang binder.

I nodded. CHAPTER THIRTY

Quens POV

Hindi nanaman ako naka-tulog kagabi, at hanggang ngayong tanghali na.... Naka-higa parin ako sa kama, at paulitulit na binabasa ang mga sulat sa binder na ako mismo ang nagsulat. Oo, nasakin na ulit ang mga binder.

FLASHBACK

Charmaine, anong mangyayari pagkatapos nito? mas hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko sakanya. Umusod naman siya lalo papalapit, at sumandal sa dibdib ko, habang naka-higa kami sa kama niya. Inangat niya ang tingin niya sakin. Hinalikan ko siya sa noo.

Naghihintay ako ng isasagot niya. Pero wala. Niyakap niya lang ako ng mas mahigpit pa.

Charmaine? medyo lumayo ako, para magtama ang mga mata namin. Napa-buntong hininga siya, at pagkatapos ay napa-bangon bigla sa kama.

Tumayo na siya sa kama. Sinundan ko nalang siya ng tingin.

Kinuha niya ang mga binder at ini-abot sakin.

o bakit mo to binibigay sakin? tanong ko. Naupo na siya ulit sa tabi ko.

i-uwi mo na yan mamaya. Naka-ngiti pa siya.

Para sayo naman talaga ang mga to, diba? Kaya nga Dear Charmaine ang nakalagay. Sabi ko, pero napa-yuko lang siya. Charmaine bakit? nilapitan ko pa siya at ginagap ang mukha niya pa-harap sakin.

Quen.... ikakasal na ko diba? Hindi naman siguro tamang dalhin ko pa ang mga binder na yan sa bahay ng mapapang-asawa ko. halatang pinilit niya lang na sabihin yan ng walang bahid ng pag-aalangan. Para nanaman akong sinaksak ng punyal sa dibdib dahil sa narinig ko...

Ibig sabihin kahit na may nangyari na..... ano, ayun, basta!..... itutuloy niya parin ang kasal? ETO NA KO O! ANDITO NA KO! ANO PANG DAHILAN PARA IPAGPATULOY NIYA ANG KASAL NILA N I PAENG!!! Biglang kumunot ang noo ko dahil doon. Naka-tungo nanaman siya. Gusto kong marinig mula sakanya. Gusto kong sabihin niya sakin, habang naka-tingin sa mga mata ko.

itutuloy mo parin? hindi ko na ata mapigilan na maningkit ang mga mata ko, habang hinihintay ko ang sagot niya. Doon palang alam ko nang sagot.

Hindi na siya nagsalita. Inangat niya ang tingin niya sakin, at tumango nalang kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. Just what I thought.

END OF FLASHBACK

~~

P*******a!........ Ngayon naiintindihan ko na kung paano na-imbento ang samut saring mga mura! Parang lahat na kasi, na-recite ko na! Inabot ko yung iba pang mga binder sa bedside table ko. Nga pala, nabanggit ko ba?..... mamaya na nga pala ikakasal si Charmaine.

AAHHHHHH!!! Binato ko ang unang binder. Tumayo nako mula sa kama, para mas intense. Tapos, inabot ko yung iba pang mga binder at pinag-babato ko din! Ibabato ko na din sana yung huling binder, pero bigla kong nabitawan ang lahat ng mga pahina at yung balat ng binder nalang ang nahawakan ko. Ayun, bumuklat tuloy ito sa pinaka-huling pahina.... sa pinaka-huling sulat ko kay Charmaine.

naaalala mo yung sinabi mo sakin nung araw na umalis ka? diba may sinabi ka, na panghawakan ko?..... na MAHAL MO AKO. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako nagsasawang maghintay sayo, Charmaine.... yun ang pinanghahawakan ko.

Pagka-basa ko nun, para bang bigla nalang naubos ang lakas ko para ibato pa ang binder. Ibinaksak ko nalang ito sa kama, habang nagf-flash back sa utak ko yung mga salita ni Charmaine...

I love you, Quen.... hold on to that.

Baka mabaliw lang ako, kung hindi ako lalabas ng condo.

~~ Bilang Linggo naman ngayon, napagpasyahan kong umuwi nalang sa bahay. Nangako nga pala ako sa mga magulang ko na regular parin akong bibisita sakanila. At isa pa, nami-miss ko na din ang mga makahiya ko. Tamang tama..... kailangan ko ngayon ang mga makahiya ko.

pagka-babang pagka-baba ko ng taxi, narinig ko agad ang boses na kinalakihan kong pagtakpan ng earphones, pero na-miss ko din naman.....

The sweet voice of my mother.

Quen, anaaaaak!!!! see what I mean? Agad akong napalingon, at ayan siya.... may hawak na softdrinks.

o Ma, bat po kayo nasa labas? tanong ko habang naka-yakap sakanya. Sinukbit na niya ang kamay niya sa braso ko at hinila ako papasok.

bumili lang ako ng softdrinks diyan kay Aling Josie..... may bisita kasi tayo. Naaalala mo pa si Tita Pearl mo? saka niya lang ako binitawan nang nasa may gate na kami, at nagdire-diretso na siya ng pasok. Tita Pearl? Wala akong naaalalang Tita Pearl. Puro Charmaine lang ata ang naaalala ko eh.

Didiretso na sana ako sa garden nang may makita akong isang cute na batang babae, na...... teka anong ginagawa niya?..... MY GOD!

BINUBUNOT NIYA ANG MGA MAKAHIYA KO!!!!

Bata, anong ginagawa mo?!!..... wag mong bunutin yan! bigla ko siyang nilapitan, at inagaw ang hawak niyang makahiya. Napa-tungo naman bigla ang bata. Naku, natakot ata sakin!

ui little girl, sorry na ha..... hindi ko kasi pinapabunot to kahit kanino eh. Tumango nalang siya sa sinabi ko. Pero teka, sino ba to? Siguro.... kasama siya ng bisita namin.... Hi, ako si kuya Quen mo. Ikaw, whats your name? nginitian ko pa siya. Wag niyang sabihing matatakot siya sakin, eh ang pogi pogi ko.

Inangat niya bigla ang tingin, kasabay ng isang cute na cute na ngiti....

Hello po kuya Quen! My name is Madeleine Gail B. Ocampo..... Maddie for short. Tumayo pa talaga siya. Nakakatuwa naman tong batang to.... parang napaka bibo. Pero teka.... parang pamilyar yung pangalan niya eh.... saan ko nga ba narinig yun?

Madeleine..... Ocampo..... pamilyar talaga!

AHA!! Hindi ako sure, pero parang naaalala ko na!

ikaw ba yung batang bininyagan nung October 2007, tapos may pa-give away pang cute na angel na hindi kapansin-pansin ang naka-sulat sa baba? tanong ko sakanya. Napa-kunot noo naman siya bigla sa bilis ng pagkaka-tanong ko. Okay, baka hindi niya naintindihan kaya uulitin ko nalang.... ahmm Maddie, ang sabi ko, kung ikaw ba yung batang bininyagan nung October 2007 na.... hindi na niya ko pinatapos. Talagang tumayo pa siya sa harap ko, para lang maka-pamewang sabay....

hindi ko po alam! Wala pa naman po siguro akong malay nung bininyagan ako..... paano ko po maaalala yun? naka-taas pa ang kilay niya. Oo nga naman. Ang tanga mo, Quen. Sino ba nga naman ang makaka-alala sa araw ng binyag niya. Grabeng bata to.... mas matalino pa ata sakin.

Naalala ko nanaman tuloy yung ANGEL na regalo ko kay Charmaine, na dahil sa katangahan ko, ay hindi ko napansing nang galing pala yun sa binyag. Pero kahit na ganun, tinanggap niya parin. Doon niya ko sinagot. Napa sagot ko siya, sa tulong ng angel na yun.

*image ni Charmaine*

yuhoo.... kuya Quen? nagtatalon pa sa harap ko si Maddie para lang kunin ang atensyon ko. Saka lang ako bumalik sa sarili ko. Ano ba yan.... naalala ko nanaman si Charmaine! Hindi pwede. Ikakasal na siya ngayon, kaya dapat, hindi ko na siya isipin. Kuya..... bakit ka sad? umupo na siya ulit sa tabi ko. kuya Quen.... bakit ganyan yung eyes mo, parang yung sa puppy... napa-ngiti naman ako sa sinabi niyang yun. Ibig bang sabihin, sing cute ng mata ng puppy ang mga mata ko? parang yung sa tutang puyat.Bawi din niya. lokong bata to ah! POGI AKO! marami pang mag-mamahal sakin, kasi.... POGI AKO! uy kuya..... nag cry ka ba? Bakit?

Kapag ba sinabi ko sa batang to ang dahilan kung bakit ako malungkot..... maiintindihan niya kaya?

Nginitian ko nalang siya, tapos hinawakan ko siya sa ulo....

hindi mo maiintindihan, Maddie. Sabi ko sa matalinong bata.

huh. Try me! nag crossed arms pa siya, tapos tinaasan pa ko ng kilay. Ano ba?.... bata ba talaga tong nasa harap ko ngayon? Bakit ba may pakiramdam ako na katawan lang niya ang bata? Try me daw. O sige.... tignan natin kung anong isasagot mong matalinong bata ka, sa sasabihin ko sayo....

Kasi Maddie, yung babaeng mahal ko..... ikakasal na siya ngayon sa ibang lalaki.

yung babaeng mahal mo? tanong niya pabalik. Kita mo na.... sabi ko na hindi niya kakayanin ang bigat ng problema ko eh. Love mo ba talaga?tanong niya ulit. Yung tono pa ng pananalita niya, dinaig pa ang pananalita ng teacher ko noon.

Oo naman. Siya lang ang babaeng minahal ko.

eh kung love mo talaga.... anong ginagawa mo dito? napa-tayo nanaman siya. DUH, bahay ko parin to no. Pero syempre ayoko namang aksayahin ang laway ko sa kaka-kwento sa munting batang ito, ng love story ko. Kaya...

Hindi nalang ako nagsalita. Bumunot nalang ako ng maka-hiya, at nagsimulang maglagas isa-isa ng mga dahon nito.

Hayy nako Kuya.... hindi ka ba nanonood ng teleserye? Hindi ka pa ba nakakapanood ng eksenang ikakasal si bidang babae, pero pipigilan naman ni bidang lalaki? Kung love mo talaga siya, bakit sitting pretty ka lang dito?...... hindi mo ba siya ganoong ka-mahal, para ipag-laban siya? habang sinasabi niya yan... dilat na dilat lang ang mga mata ko sakanya. Siguro nga hindi bata tong kaharap ko.....

Baka ANGEL?

hay nako, kuya..... totoong buhay to. Hindi panaginip, hindi rin teleserye! Wag mong hintayin na ma kidnap ka pa, o kaya naman may maganap munang pagsabog..... bago mo makamit ang happy ending mo!

Come on..... man up! sinuntok niya pa ako sa braso. Walanghiyang bata to..... mas matalino nga sakin! Nakakapanliit na tumabi sakanya! Sa bagay tama nga naman ang sinabi niya. Siguro kung halimbawang nakatira tayo sa perpektong mundo..... kung saan ang lahat ng mga plano, ay natutupad. Kung saan, simple ang lahat. Baka ginawa ko na yung payo ng batang to. Pero hindi..... hindi perpekto ang mundo.

Nakatira tayo sa mundong may away, sa mundong may corruption, sa mundong may salubsob, sa mundong may china phones, sa mundong bumibilis ang oras kapag masaya ka, sa mundong may lata ng pringles na hindi naman makapasok-pasok ang kamay mo, sa madaling salita....

Teka, pakamatay na kaya ako? Pinroblema ko na lahat eh!

hindi perpekto ang mundo.... sabi niya. Teka, Anak ng.... nababsa niya rin ang isip ko? magulo, diba? Magulo ang mundo. Laging may kontra bida.... parang seryosong seryoso talaga siya habang nagsasalita. Kontra bida daw... parang si Paeng lang. Pero diba kapag kasama mo ang mahal mo..... Ang mundo, kahit hindi man perfect.... better naman?

Napa-isip ako dahil sa mga sinasabi ng batang to.....

hahahaha, ang tanga mo naman! Sabi ko, tara na eh.... hindi ka pa tumayo!

hahahaha... ano ba yan, tatalon lang sa tricycle eh.... muntik ka pang gumulong!

Napa-ngiti ako nang maalala ko yung mga tawa ni Charmaine. Tama si Maddie.... kapag kasama mo ang mahal mo, kahit na lumagapak pa ang pwet mo sa seesaw, kahit na masugatan ka pa sa siko dahil sa pagtalon mo sa tricycle.... pwede ka paring tumawa ng tumawa, kasi nga.... kasama mo naman ang mahal mo.

O ano kuya, hindi ka pa ba talaga aalis dito? Hindi mo ba talaga ipaglalaban si bidang babae? muli..... bata ba talaga to?

Tama siya. Hindi na dapat ako nag-aaksaya ng panahon pa dito....

*tentenenen tenten tenenen!!*

Agad nalang akong nagtatakbo palabas ng gate... Pero teka, nakalimutan kong pasalamatan ang batang parang hindi talaga bata! Kaya naman binalikan ko din si Maddie, tapos hinalikan ko siya sa noo.

thank you Maddie ha!! Youre my ANGEL! at nagtatakbo na ulit ako. Pero may pahabol muna ako bago pa ko tuluyang makalabas ng gate...Maddie kapag nagkaroon ka ng kapatid, sabihin mo sa mommy mo lakihan yung sulat sa pa give away niyo sa binyag ha! Sige.... salamat ulit, Angel!!

*tentenenen tenten tenenen!!*

Hintayin mo ko, Charmaine. Parating na ko. CHAPTER THIRTY-ONE

Charmaines POV

I dont want to ruin my make-up. Kailangan magmukha akong pinaka-masayang babae sa mundo sa harap ng mga bisita namin ngayon. Kailangan ang ngiti ko, yun bang namumunga ng ginto... pagbukas na pagbukas ng mga pinto ng simbahang ito.

Ayan na.... Binuksan na ang pinto.

Lahat ng tao, napa-tingin bigla sakin.

I wore that smile, Ive been practicing in days.

Hindi inaalis ng lahat ang tingin nila saakin. Pambihira.... pati sa mismong araw ng kasal ko, naco-concious parin ako dahil sa mga mayayamang matang naka-tingin sakin. Gusto ko nang bilisan ang paglalakad ko.... you know , to get this over with. But the song is so beautiful! Damang dama ko yung mabagal na kanta.... na pakiramdam ko, obligado akong sabayan din ito ng mabagal na paglalakad. But dont get me wrong.... Im only talking about the song. Everything else is just.... plain.

Im now only a few steps away from the altar. I can already see Dj, smiling widely at me. Pati narin si Sofia, na siyang may pasimuno sa heavy make-up ko ngayon.

I reached ror Djs hand, as it held out in front of me. Sabay na kaming h umarap sa altar.

~~ Kanina pa nila sinisindihan tong kandilang to. Kung sumindi man, namamatay din agad ang apoy. Inip na inip na si Father, at pati narin kaming lahat...

Father, pwede po bang wag nalang sindihan yan? bulong ni Dj na talagang parang inip na inip na. Mukhang hindi naman siya pinansin ni Father, at tuloy parin siya sa pagsindi. Matapos ang mga limang attempt pa.... gumiveup na din si Father. It just wont light up.

Hindi kaya may espiritung humihipan sa kandilang iyon, para talagang huwag magsindi?.... hindi naman mahangin eh.

~~ Pumunta na sa harap ang cute na cute na ring bearer at dinala saamin ang mga singsing. Nang malapit na ito saamin....

Bigla itong nadapa.

Sabay gulong sa malayo ng dalawang singsing. Kung saan man gumulong, hindi na nasundan ng mga mata ko. At dahil ako ang malapit.... tinulungan ko nalang tumayo ang kawawang bata na buti nalang, hindi ngumudngod ang gwapong mukha sa flooring.

Nang maka-tayo na ang bata, saka ko lang napansin na abala na pala ang mga tao sa paghahanap kung saan gumulong ang mga sing sing. Pati yung mga abay na naka-pwesto sa pinaka-unahan, nakiki-hanap na din.

Ano ba naman ito? Simple lang ang gusto ko. Ang gusto ko lang, matapos na ang kasal, to get this whole thing over with. Bakit ganun?.... bakit sunod-sunod na nangyayari ang ganitong mga bagay?

~~ Matagal-tagal din bago mahanap ang mga singsing. Buti nga, nahanap pa. People were starting to get bored. Ngayon, eto....

Do you, Daniel Padilla, take Charmaineryn Rasos, as your lawfully wedded wife, for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, till death do you part?

I do. Tinignan niya pa ako.

Do you, Charmaineryn Rasos, take Daniel Padilla as your lawfully wedded husband, for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, till death do you part?

Thinking of you,

Quen. Still waiting, Quen.

Gwapo parin, Quen.

Still holding on, Quen.

Charmaine? hinawakan ako sa likod ni Dj. Napa-tingin ako sa paligid.... lahat sila naka-abang sa sagot ko. Pati si Father. I thought to myself, I dont want to keep everyone waiting. Theyve waited long enough because of the candles that wont light up, and the rings that just had to roll away.

Ahmmm.....

I was about to answer, nang biglang....

*KLENG KLENG* *KLENG KLENG*

Napa-tingin kaming lahat sa labas, nang marinig naming tumunog ang kampana ng pagkalakas lakas. Seriously? Ngayon pa sila tutunog?

Pakiramdam ko tuloy, binibigyan ako ng pagkakataon para pag-isipang mabuti ang papasukin ko. Hindi sumindi ang kandila, matagal bago nahanap ang mga singsing, at ngayon hinihintay ng mga tao na tumigil ang kampana sa kaka-tunog. Muli akong humarap sa altar at napa-isip.....

Kung kaya kong magsinungaling sa maraming tao na masaya akong ikasal kay Dj..... parang hindi ko ata kayang magsinungaling sa Diyos.

Humarap sakin si Dj, hinawakan ang dalawang kamay ko, sabay....

Charmaine....

~~ Quens POV

Naman naman naman! Traffic! Bakit ba kasi kung kailan may hinahabol akong oras, saka pa bibida ang magiting na si TRAFFIC!

Nga pala, nabanggit ko na bang hindi pako naliligo? Buong gabi kasi akong nagbasa nung mga sinulat ko sa binder, tapos ngayon na-traffic pa kami ng sinasakyan kong tricycle dito, kaya malamang sa malamang..... amoy polusyon na ko!

Hindi na ko naka-tiis....

Bumaba nako ng tricycle, at nagsimulang maglakad-lakad dahil mukhang mas mapapabilis ang pagdating ko sa simbahan, kung maglalakad nalang ako. Oh Charmaine... Buong buhay ko, ngayon ko lang pipiliin ang paglalakad kaysa sa tricycle!

THE THINGS I DO FOR LOVE.

~~ Kanina pa ko sumesenyas sa mga motoristang dumadaan dito. Umaasa na meron sakanilang good samaritan na papara, at magmamagandang loob na ihatid ako sa simbahan.

Boss, boss....! sigaw ko sa dumaang motorista sa harapan ko. Bumagal siya sandali nang mapadaan sa harap ko. Boss teka lang! Akala ko papansinin ako..... pero bigla ding humarurot palayo! Nakanang..... Bastos yun ah! Wala kang helmet kuya, mahuli ka sana ng MMDA!

Nagpatuloy lang ulit ako sa paglalakad.

Hindi nagtagal, naka-tanaw nanaman ako ng motoristang papadaan. Kahit na medyo nawawalan na ng pag-asa, sumenyas parin ako dito. Boss! Bossing! sigaw ko sa pinaka-nakakahiya kong boses.

Sa wakas. Tumigil siya sa harap ko! Saka ko lang napansin... naka barong pala si Manong motorista. Tinanggal niya ang helmet niya, at hinarap ako.

Ano ka ba? Bakit humarang ka sa dadaanan ko? paano kung nabangga kita? sabi niya. Pamilyar ang mukha niya. Tinignan ko pa ulit siya mula ulo hanggang paa, at tama..... hahaha SIYA NGA! Of all people, siya pa talaga!

Manong? Manong security guard? naka-titig lang ako sakanya.

Paano mo nalamang security guard ako? tanong niya pa. Napa-titig din siya sakin na para bang kinikilala ako.

Manong naman.... diba kayo yung security guard ng mga Padilla? Paano ko naman kayo malilimutan, eh diba nga..... kayo yung dumampot sa panyo ni Budoy?! napa-ngiti naman siya sa sinabi ko. At syempre pa, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon...

Manong, pwede po bang ihatid niyo ako dun sa simbahan sa may **********? Late na kasi ako eh.....pakiusap ko pa kay Manong.

ay doon din ba ang punta mo sa kasal ni Sir Dj? Doon din ako pupunta eh! Late na nga ata ako! sige, sakay na! binigyan niya pa ko ng isa pang helmet. Tignan mo nga nam an oh... kaya pala naka barong si Manong!

naku, salamat Manong ha.... maraming salamat! Umangkas nalang ako sa motor. Buti nalang talaga nagtagpo ang landas namin ni Manong. Hindi ko nalang siguro sasabihin sakanya yung totoong dahilan kung bakit ako pupunta sa kasalang iyon.... alam niyo na, baka kasi hindi pa ako isabay. Hayaan nalang natin siyang magulat mamaya, pagtapak na pagtapak ko sa harap ng pinto ng simbahan!

Pinaharurot na niya ang motorsiklo.

~~ ITIGIL ANG KASAL!!! (tagalog)

STOP THE WEDDING!!! (english)

ARRETEZ LE MARIAGE!!! (french)

ARRESTARE IL MATRIMONIO!!! (italian)

DETENER LA BODA!!! (spanish)

Kahit nung nasa tricycle palang ako, praktis na ko ng praktis ng kung ano ang isisgaw ko pagtapak na pagtapak ko sa simbahan. Pag tagalog kasi, parang ginaya ko lang yung isinigaw ni Paeng sa kasal namin ni Charmaine sa panaginip ko dati. Akalain mo yun? napaniginipan ko dati....

Magkakatotoo ngayon. (reversed nga lang sitwasyon)

Hindi nagtagal, ayan na.... natatanaw ko na ang simbahan. Hanggang ngayon talaga, mahigpit parin ang security ng mga Padilla. Saradong sarado kasi ang pinto ng simbahan. Feeling naman nila, merong biglang mang gugulo sa kasal ng anak nila!

Ooopppps, meron nga pala..... AKO.

salamat Manong ha..... bumaba na ko sa motor, at dali-daling pumunta sa harap ng simbahan. Naka-pili na ko ng sasabihin ko. Spanish nalang, bilang may lahi naman akong spanish.

Eto na, hahawakan ko na ang pinto ng simbahan....

Dahan-dahan kong inilapat ang mga kamay ko sa kahoy na pinto, at......

DETENER LA BODA!!!!!! Isinigaw ko sa pinaka-malakas kong boses.

Pero bakit ganun? Bakit wala namang tao sa loob ng simbahan, bukod sa mga nagwawalis, at nagtatanggal ng mga dekorasyon? Napa-lunok ako ng laway. Ibig sabihin ba.....

NO, IT CANT BE!

Agad kong nilapitan ang isa sakanila. Si Manong Guard naman, pumasok nadin at sumunod saakin.

ahhhmmm.... magandang hapon po Manang, asan na po ang mga t ao? Hindi pa po ba nagsisimula ang kasal? tanong ko sa matandang nagwawalis.

naku Hijo.....

*dugdug* *dugdug* *dugdug* wala pa siyang sinasabi, ang bilis na ng tibok ng puso ko. Parang alam ko na kung anong sasabihin niya. Parang ayoko nang marinig. Parang gusto ko nalang magtatakbo palabas ng simbahang ito.

umalis na yung mga tao hijo..... kanina pa. Nag -aayos na nga kami oh.

Naisip ko.... ang dami ko talagang problema. Pinaparusaan ba ako? Kanina, nag-spread ko ng malamig na butter sa tinapay. Tapos biglang nahati yung tinapay. Pero sabi ko, okay lang.... may iba pa namang tinapay. Kahapon kumakain ako ng pringles. Tapos hindi magkasya ang kamay ko sa lata. Pero sabi ko, okay lang, sige isasalin ko nalang sa plato.

Tapos ngayon naman, hindi ko napigilan ang kasal ng babaeng mahal ko!

Gusto ko sanang sabihing..... okay lang, GWAPO naman ako.

Pero hindi!!!....

MAHAL KO SI CHARMAINE, AT WALANG OKAY SA PAGPAPAKASAL NIYA SA IBA!

ANGEL: mga pagsubok lang yan, Quen.... ayan ang diyos oh, humingi ka ng tulong sakanya.

DEMONYO: hahahaha..... pakamatay ka na!!

Team Demonyo ata ako ngayon. CHAPTER THIRTY-TWO

Charmaines POV

Kahit atat na atat na kong hubarin tong wedding gown na to.... mas atat parin akong makita at mapuntahan si Quen. Naka-sakay ako ngayon sa taxi, pabalik sa condo at hindi talaga ako mapakali. Im worried about Quen.

Manong, matagal pa ho ba yan? halos maubos na ata ang mga kuko ko sa kaka-kagat ko.

traffic po Maam eh.... kung pwede ko nga lang hong paliparin tong sasakyan para sainyo, baka ginawa ko na. Nagtama pa ang mga mata namin ni Manong sa salamin. Echusero to si Manong.... bakit niya naman paliliparin ang sasakyan? Sino namang nasa matinong pag-iisip ang iisiping lilipad ang sasakyan?

Quen....hintayin mo ko. Please, wag kang gagawa ng ka-tangahan dahil lang akala mo, ikinasal na ko. Sorry kung pina-abot ko pa sa ganito..... basta, parating nako, Quen.

FLASHBACK

Hanggang ngayon, hindi parin nila nagagawan ng paraan para tumigil sa pagtunog ang nakabibinging kampana. May tao nang inutusan si Father para i-check ito, pero hanggang ngayon, hindi parin bumabalik.

Palipat-lipat ang tingin ng mga tao. Yung iba, naka-tanaw sa labas at hinihintay na tumigil sa kakatunog ang kampana. Yung iba, naka-tingin saamin ni Dj at mukhang hinihintay na mai-pagpatuloy ang seremonya, sa kabila ng ingay. At yung iba naman.... naka-upo lang at mukhang hinihintay nalang ang reception.

Dahil sa mga nangyayari, napa-isip ako. Na oo, kaya kong magsinungaling sa lahat na masaya ako sa kasalang ito.... pero ngayon ko lang naisip na hindi ko pala kayang magsinungaling sa Diyos.

Nakapag-pasya nako....

Sasabihin ko na kay Dj ang totoo.

Pero bago ko pa man magawa iyon....

Charmaine.... humarap saakin si Dj, at hinawakan ako sa dalawang kamay.Charmaine, alam mong mahal na mahal kita.... hinalikan niya ang isang kamay ko.

Tumingin ako sa paligid, at mukhang wala namang pumapansin saamin. Lahat sila, nasa kampana ang atensyon. Ibinalik ko na ang tingin ko kay Dj.

I know... at sorry Dj. Sorry talaga..... bigla niyang tinakpan ng daliri niya ang bibig ko.

At wala akong ibang gusto, kundi ang sumaya ka. Akala ko kaya kong ibigay sayo yun, pero hindi pala. Hinawakan niya ako sa pisngi.sige na..... GO. Ngumiti siya. Pero kasabay nun ang biglang pagtulo ng mga luha niya. puntahan mo na siya, bago pa magbago ang isip ko. itinuro pa niya ang pinto, na malawak na nakabukas.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko bigla si Dj ng mahigpit. Sobrang dami kong gustong ipagpasalamat sakanya. Hanggang sa huli pala, ako parin talaga ang iniiisip niya.

salamat, Dj. Sobra. Siniguro kong narinig niya, bago ako tumakbo palabas ng simbahan. Tamang tama ang timing ko, habang abala pa ang lahat sa pagiisip kung bakit ayaw tumigil sa kakatunog ng kampana. Sila lang naman ang nag-iisip parin.... Ako alam ko na.

END OF FLASHBACK

Manong, hindi niyo ho ba talaga kayang paliparin tong sasakyan?malay naman natin diba?.... wala na kasing traffic.

Quens POV

Hindi muna ko bumalik sa condo. Baka kasi maisipan ko pa biglang tumalon nalang sa bintana, kapag makarating pa ko dun. Hindi na rin ako bumalik sa bahay namin. Baka kasi andun parin sila Maddie..... at ano nalang ang sasabihin ko sa batang yon, kapag tinanong niya ko kung na-ipaglaban ko ba si bidang babae?...

Hindi to panaginip. Hindi rin teleserye. Totoong buhay to. At sa totoong buhay, Maddie..... walang BIDANG lalaki at BIDANG babae na magshe-share ng happy ending nila. Ang meron lang........ PA-BIDANG traffic, ATRIBIDANG nanay, at KONTRABIDANG karibal.

Ang talino ng batang yun, at ayoko namang sirain ang Fairytale niya, kung paano sini ra ng teacher ko nung grade school ang pantasya ko nang ibinuking niya saaking hindi totoo si Santa Claus.

Sa dami ng mga nangyari sakin, hindi ko alam kung alin ba ang pinaka-pinagsisisihan ko. Madami sila. Pero kahit na ganun, hindi ko parin pinagsisisihan na nakilalat minahal ko si Charmaine. Siguro pagsisisihan ko nalang yung

mga mas maliliit na bagay na kahit gaano kaliit.... ay nakiki-siksik parin sa mga nai download kong problema sa utak kong maliit lang ang memory.

Tulad ng hindi ko paliligo ngayong araw dahil sa pag-aakalang maaabutan ko pa si Charmaine. O kaya naman yung pagbaba ko sa tricycle kanina kahit na wala pa ko sa pupuntahan ko, dahil sa pag -aakala ulit na maaabutan ko nga si Charmaine. Nanghihinayang ako sa 30 pesos na binayad ko.

Oh come on, wag mo na ngang lokohin ang sarili mo, Quen....

Mas nanghihinayang ka sa tatlot kalahating taon ng paghihintay sa babaeng mahal mo, para lang sa wala!!!

yun ang totoo!!!

Pasimple kong ipinadaan ang kamay ko sa pisngi ko, para punasan ang mga luhang tumutulo.

Ipinadyak ko ang paa ko, habang naka-upo ako sa swing. Habang nags-swing ako, ipinadyak ko parin ulit ang paa ko ng buong lakas. Nararamdaman ko nang kumu-korean novela ang buhok ko, dahil sa paghampas ng katawan ko sa hangin. Tama, mabuti pa siguro mahulog nalang ako, tumalsik kung tatalsik man, tumama ang ulo sa bato kung may bato man, at magising nalang sa hospital ng wala nang ala ala.

Nagsisimula na kong mahilo, pero itinuloy ko parin ang pag-padyak. Hindi ko alam kung epekto lang to ng pagkahilo ko, o kung totoong may babaeng naka wedding gown talaga sa harapan ko.

Kapag hindi mo na kaya, bumitaw ka. hinihintay kong bumagal ang pag-swing ko, para masiguro kung si Charmaine nga ang nasa harapan ko ngayon. Sabi kasi ni Demonyo, ikinasal na daw si Charmaine at magpakamatay nalang ako. Pero sabi naman ni Angel, teka..... bakit ako sinasabihan ng tanga ng angel sa konsensya ko?

Quen!! sabi ko, kapag hindi mo na kaya.... bumitaw ka! isinigaw pa ni Charmaine. Tama.... si Charmaine nga ang nasa harapan ko ngayon. SI CHARMAINE! ibig sabihin ba, hindi natuloy ang kasal nila ni Paeng? Pero teka, bakit niya sinasabing bumitaw ako? Kapag ba bumitaw ako, masasalo niya rin ako?

Hindi pa kasi bumabagal ang pag-swing ko, at ang mga paa kong tanga.... hindi naman ma-timing-an ang pagsayad sa lupa kung kailan gusto ko nang tumigil. Eto si Charmaine sa harapan ko! Totoo man to, o ilusyon lang........ sa tingin ko naman, deserve ko ding maging masaya.

Hindi mo naman ako kayang saluhin eh! sigaw ko, habang patuloy lang ako sa pags-swing.

Sino namang may sabing sasaluhin kita?.... hahayaan lang kitang gumulong diyan, tapos tatawanan muna kita bago kita akayin patayo!dahil sa mga narinig ko..... walang duda, totoong nasa harap ko nga ngayon si Charmaine! Ang mahal kong si Charmaine na aliw na aliw kapag na-didisgrasya ako!

At dahil ang tagal bago maabot ng mga paa ko ang lupa..... hindi na ko nakapaghintay.

*tentenenen, tenten, tenenen!!!*

Bumitaw ako, kahit na mabilis parin ang pag-swing ko para lang mayakap ko na si Charmaine. At syempre pa, tulad ng inaasahan ni Charmaine.... medyo gumulong pa nga ako sa lupa.

HAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Hagalpak ni Charmaine, habang tinutulungan ko ang sarili kong tumayo. t-teka lang..... hahaha, gumulong ka nga talaga ha? Hahaha. ayan, kita niyo na? Uunahin niya nga talaga ang pagtawa, kaysa alalayan ako patayo. Pero nakakahiya naman sakanya, kaya ako nalang ang umalalay sa sarili ko patayo.

Habang pinapagpag ko naman ang sarili ko, nagulat nalang ako nang biglang....

Nagtatakbo siya papalapit sakin, at niyakap ako ng mahigpit. Hindi nagtagal, yung tunog ng tawa niya.... parang naging iyak na.

sorry..... sorry kung pina-abot ko pa sa ganito. Sana hindi nalang kita iniwan in the first place. Sana hindi nalang ako tumuloy sa kasal, nung nagkita na tayo.... bumitaw ako, para magka-harap kami. Hindi ko siya maintindihan..... kanina lang tawa siya ng tawa, pero ngayon umiiyak nanaman siya. Ayoko na.... quotang quota na

kami sa iyakan. Kung narito na siya ngayon sa harap ko, at wala nang problema..... wala na dapat iyakang maganap.Sana hindi nalang ako..... tinakpan ko ang bibig niya ng daliri ko....

shut up! sabi ko. Tinignan niya lang ako na para bang nagtatanong ang mga mata. Kasi naman eh.... hindi pa ko tapos..... shut up........ and just kiss me.

Pero hindi ko na din siya hinintay. Ako nalang mismo ang lumapit.... at ako nalang mismo ang humalik sakanya.

~~ Kahit busy ang lahat, nakuha ko pang mapa-upo sandali at alalahanin ang mga pinagdaanan ko. Napa-ngiti ako.

kailan mo ba yayayaing magpakasal ang anak ko? tumatanda na ko o.... kailan kaya ako magkaka -apo? Naku, dapat bilis-bilisan mo, kasi hindi na kayo bumabata.... pero wag kang mape-PRESSURE ha, hindi kita pinePRESSURE. NO PRESSURE talaga. Pero gusto ko, brown ang mata ng magiging apo ko ha! Yan ang mga madalas kong marinig kay tita Thelma. oho eh no, no pressure. Hindi naman ako na-pressure.... hindi talaga.

Si Paeng na akala naming uuwi na sa states, ayun..... hindi natuloy. At nang tanungin namin kung bakit, nandito daw kasi sa Pinas ang babae ng kanyang tadhana. Uupakan ko pa nga dapat, dahil akala ko si Charmaine parin ang tinutukoy niya. Pero hindi pala. Alam niyo kung sino? *tentenenen, tenten, tenenen!!*......... si Fairy Godmother Julia.

Sina Sam at Coleen naman, wala ganun parin.... away-bati. At wala na kong masyadong maku-kwento tungkol sakanila, bukod sa..... madalas parin silang makialam sa buhay at pagde-desisyon ko. Pero ang madalas na ending, pinasasalamatan ko parin sila. Tulad ngayon.....

Ano ready na ba ang lahat? tanong ko sakanila, pagdating na pagdating ko. ready na yung food. Ang sarap lang ng mga hinanda ko! pagmamalaki pa ni Julia. Tong si Julia... mga ilang beses na din naming napakinabangan ang galing nito sa pagluluto! Ngayon nga, may sarili na siyang catering business. Medyo mahal nga lang, pero dahil iba talaga ang luto ni Julia.... sulit parin.

yung bandang kinuha natin, nagka-problema, kaya hindi daw sila makakarating..... Pero dont worry, nakakuha ako ng kapalit. Mga bata nga lang.... ayun sila oh. Sabay turo ni Sam sa grupo ng mga teenagers na nagse-set up ng instruments sa gilid. Tinignan ko pa sila isa-isa, at ang gwapo lang nung isang gitarista o.... parang ako lang! narinig ko na silang tumugtog.... big time yang mga yan. Anak pa nga ng may ari ng PARKER RECORDS yung isang gitarista diyan eh. Bulong pa sakin ni Sam. Talaga lang ah. Edi bigtime nga!

ayos, pare.... salamat ha. Tinapik ko pa sa balikat si Sam. Inilipat ko naman ang atensyon kay Coleen na pa relax relax nalang sa gilid...Bestfriend, yung flowers ok na? tanong ko.

Ayos na ho... relax ka nga lang diyan. Pinagpapawisan ka na o. Masisira ang get up mo. Sabi ni Coleen. Relax? Paano ako magre-relax eh.....

Andiyan na siya, bilis..... tago na!!! biglang nagtatatakbo papasok si James. At dahil sa sinabi niya, ayun.... bigla na nga lang kami napa-takbo lahat sa likod.

Sinenyasan ko na yung banda, kaya isa-isa na silang nagsilabasan kasabay ng pagtugtog ng napili kong kanta...

the strands in your eyes, that color them wonderful,

Stop me, and steal my breath...

Emeralds from mountains, thrust towards the sky,

Never revealing their depth...

Umentra na si Coleen, at ini-abot sakanya ang isang bouquet ng flowers habang naglalakad siyang takang taka sa mga nangyayari. Pero nang i-abot sakanya ni Coleen ang mga bulaklak, parang naintindihan niya na naman, at

maluha-luha pa siyang tumingin sa paligid. Hinahanap niya malamang ako.... pero maghintay lang siya, pasabog ang entrance ko....

tell me, that we belong together,

Dress it up, with the trappings of love,

Ill be captivated, Ill hang from your lips,

Instead of the gallows, of heartache that hang from above....

Hinintay ko lang na matapos ng vocalist ang part niya tapos, lumabas na din ako at sinalubong siya....

And Ill be your crying shoulder,

Ill be, loves suicide...

Ill be, better when Im older,

Ill be, the greatest fan of your life... Lumuhod ako sa harap niya, habang hawak ang isang kamay niya. Ta-tawa tawa naman siya kahit na maluha-luha din. Siguro dahil narin sa pinaghalong tuwa (kaya siya maluha-luha) at pagpansin sa sintunado kong pagkanta (kaya siya ta-tawa tawa).

Inilawit ko na ang isa ko pang kamay na kanina pang naka-tago sa likod ko, at ini-abot sakanya ang munti kong regalo na talagang ako pa ang nagbalot. Inabot niya naman ito agad, at binuksan....

Ano to? napa-kagat labi pa siya habang nagpipigil ng iyak nang ilabas niya ang laman ng kahon.

basahin mo yung naka-sulat sa baba. Sabi ko sakanya.

Sinunod niya naman ang sinabi ko, at binasa na nga lang ang naka-sulat....

w-welcome to the christian world, Michael Gregory B. Ocampo. Napa-tawa pa siya, habang binabasa.

Galing naman yan dun sa binyag ng baby brother ni Maddie last week. paliwanag ko. Hinawakan niya ko sa pisngi, habang naka-luhod ako. Hinila niya yung kamay ko, na para akayin ako patayo pero....

teka lang, hindi pa tapos.... meron pa. sabi ko, tapos syempre ano ba namang klaseng marriage proposal to, kung wala akong singsing!

Dumukot ako sa bulsa ko.... tapos binuksan ko din sa harap niya ang maliit na kahon.

Charmaine, hindi na ko naghanda ng mahaba at nakaka-touch na speech, dahil alam mo namang hindi yon kaya ng utak ko. Mahal kita! Hows that for a wedding proposal speech? Oo, Im proposing right now. So here it goes.... Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Lalo na si Charmaine.

Charmaineryn Rasos, Will you be my wife? Dear Math notebook,

Minsan, wala akong ibang inisip kundi ang sarili ko. Kung ano ang kakainin ko, at kung paano ako makaka-tulog sa kabila ng ingay sa labas. Kuntento na ako sa buhay ko dati eh.... yung matutulog ako ng madaling araw, tapos babangon ako ng tanghali.... at sa pagitan ng mga oras na iyon, wala akong ibang ginawa kundi panoorin ang mga bagay bagay sa paligid ko na kumilos mag-isa:

Kapag naka-tapon ako ng tubig, sasabihin ko sa sarili kong....... kusa iyong matutuyo.

Kapag naka kita ako ng maliit na tapon ng pagkain, sasabihin ko sa sarili kong....... tatangayin din iyon ng mga langgam. Kapag nakakita ako ng kalat, sasabihin ko sa sarili kong....... wala kang nakita, Quen. May mag-aayos din niyan mamaya.

Minsan, nangarap din ako ng totoo. (Tapos binawi ko din... sabi ko tsss... bata pa naman ako, magbabago pa yun.) Minsan, inisip kong kaya kong gawin ang lahat kahit walang tulong ng iba. (Tapos binawi ko din.... sabi ko Ay wait, no.... nakakatamad. Hahayaan ko nalang sila ang gumawa para sakin.) Minsan, pinangako ko sa sarili kong magbabago na ako.... (tapos binawi ko din.... sabi ko next year na.). Sa mad aling salita.... may pakialam ako, pero masyado akong tamad para panindigan ang mga sinasabi ko..... BATUGAN ba?

Tapos biglang dumating sa buhay ko ang isang Charmaineryn Rasos.

Sinong mag-aakala na isang tao lang pala ang magiging dahilan para magkaroon ng direksyon sa buhay ang isang batugang gaya ko? Maniwala kayo. Mga ilang beses din akong sinubukang baguhin ng nanay ko, pero si Charmaine..... kinailangan niya lang dumating. Tapos ayun next thing I know.... biglang ginusto ko nang mag enroll sa papasukan niyang college.

Ngayon, ano pa bang mahihiling ko? Naging mabait saakin ang pagbabago, Math notebook. Ang sipag ko na kaya! Masaya na din kami ng babaeng mahal ko, at hindi lang yun..... ikakasal pa kami! Akala ko nga tuluyan na siyang mawawala saakin, at sasama kay Paeng. Akala ko, naglaho na ang pagmamahal niya sakin sa haba ng panahong hindi kami nagkasama. Pero, what can I say?... ang GWAPO ko lang! Hehe. At ngayon hindi parin ako makapaniwala...

Hindi to panaginip. Hindi rin teleserye.....

TOTOO to. Totoo pala na.....

Minsan sa buhay, may isang taong darating at tuturuan kang maging masaya at kuntento, pero hindi sa madali at baluktot na paraang alam mo. Yun bang pagiging masaya at kuntento sa simple pero TAMANG dahilan? Ay.... alam naman kasing hindi ako magaling magpaliwanag eh. Ah basta, Math notebook...... MASAYA AKO.

Minsang batugan, Enrique Gil.

You might also like