You are on page 1of 13

TOMAS CLAUDIO MEMORIAL COLLEGE Morong, Rizal Elementary Department Special Education

Demonstration Lesson Plan in Araling Panlipunan 1

I. Layunin Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan, lokasyon, at mga bahagi b. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan II. Paksang Aralin Paksa: Sanggunian: Kagamitan: Ang Aking Paaralan Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1 Alma M. Dayag (pahina 161-166) Mga ibat ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan (Flashcards), Mga larawan ng mga bahagi ng paaralan (Slide Presentation), Laptop, DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang Gawain at Sagutang Papel Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata.

Pagpapahalaga:

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Gawain ng Guro 1. Panalangin -Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Susundan ng bata ang pagbigkas ng guro ng panalangin)

Gawain ng Bata TCMC Ecumenical Prayer Panginoon, maraming salamat po sa dakilang araw na ito! Kami po ay nagpupuri at niluluwalhati ang inyong mga kaloob na biyaya sa amin. Gabayan po ninyo kami sa aming pag-aaral at pagtuklas ng bagong kaalaman na magtataguyod sa amin upang maging mahusay mong tagapaglingkod. Ipadala po ninyo ang inyong banal na Espiritu upang magningas sa puso ng bawat isa sa amin ang maalab na pagnanais na maging mahusay na mamamayan na may malasakit sa pamilya, kapwa, kalikasan at sa mahal na bansang Pilipinas. Ang lahat ng ito ay hinihiling naming sa matamis at dakilang pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas. Amen.

2. Pagbati -Magandang umaga mga bata! -Maaari nang umupo ang lahat.

Magandang umaga din po, Sir John!

3. Balitaan -Ang araw ngayon ay Martes, ano ang araw ngayon? Exodus? -Ang araw kahapon ay Lunes, ano ulit ang araw kahapon? Sam? -Ang petsa ngayon ay ika-isa ng Oktubre, taon dalawanglibo at labingtatlo, ano ang petsa ngayon? Zaldy? -Ang panahon ngayon ay Maaraw, ano ulit ang panahon ngayon? Vincent? -Maaari bang tumayo ang mga batang lalaki? Ilang batang lalaki ang pumasok ngayon? Patrick? -Maaari bang tumayo ang mga batang babae? Ilang batang babae naman ang pumasok ngayon? Jilliane? -Maari mo bang iulat kung ilan lahat ang mga batang pumasok na nasa baitang isa? Gab? 4. Balik-Aral -Kahapon ay pinag-aralan natin ang aralin tungkol sa Ang Aking Pamilya na kung saan ay pinagaralan natin ang mga kasapi ng isang pamilya. -Sinu-sino ang mga kasapi ng isang karaniwang pamilya? Magbigay ka ng isa, Jasmine? -Magaling! -Sino pa ang kasapi ng isang karaniwang pamilya? Mark? -Tama! -Bukod sa tatay at nanay, sino o sinu-sinu pa ang mga kasapi ng isang karaniwang pamilya? Exodus?

Ang araw po ngayon ay Martes.

Ang araw po kahapon ay Lunes.

Ang petsa po ngayon ay ika-isa ng Oktubre, taon dalawanglibo at labingtatlo.

Ang panahon po ngayon ay Maaraw.

Pitong batang lalaki po ang pumasok ngayon.

Dalawang batang pumasok ngayon.

babae

po

ang

Siyam po lahat ang mga pumasok na nasa baitang isa.

batang

Tatay po!

Nanay po!

Anak o mga anak po!

-Magaling! -Napag-aralan din natin ang mga tungkulin ng mga kasapi ng pamilya. -Anu-ano ang mga tungkulin ng tatay at nanay? Sam? Ang tatay at nanay po ang nagtutulungan sa pagha-hanapbuhay, paggawa sa bahay at pag-aalaga sa mga anak.

-Tama! -Ano naman ang tungkulin ng mga anak? Zaldy? -Magaling mga bata, natutuwa ako dahil natandaan niyo pa ang pinagaralan natin kahapon. B. Pagganyak -Mga bata, may ipapakita ako sa inyo na ibat ibang larawan. Ang mga larawan na ito ay may kinalalaman sa ating aralin. Ang anak naman po ang tumutulong sa gawaing-bahay.

(Upuan)

(Libro)

(Kompyuter)

(Pagkain)

(Mga Bola) -Anu-anong mga larawan ng bagay ang inyong nakita? Magbigay ng isa, Vincent? -Tama! -Anu pang bagay ang iyong nakita? Patrick? -Magaling! Libro po. Upuan po.

(Lagayang Gamot)

-Magbigay ka pa ng isang bagay na nasa larawan, Jilliane? -Tama! -Anong bagay larawan, Gab? -Magaling! -Magbigay ka pa nga ng isang bagay na nasa larawan, Jasmine? -Tama! -Bukod sa upuan, libro, kompyuter, pagkain at mga bola, ano pang bagay ang nasa larawan, Mark? -Magaling! -Sa tingin ninyo saan kaya madalas makita ang mga bagay na inyong nakita? -Tama ang lahat ng inyong mga sinabi, ang mga bagay tulad ng upuan, libro, kompyuter, pagkain, mga bola at lagayan ng gamot ay kadalasang nakikita natin sa loob ng paaralan. -Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong aralin, handa na ba kayo? C. Paglalahad/Talakayan (Magpapakita ang guro ng slide presentation para sa bagong aralin) -Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa Ang Aking Paaralan pa ang nasa

Kompyuter po.

Pagkain po.

Mga Bola po.

Lagayan ng Gamot po.

Sa paaralan po!

-Opo!

Ang Aking Paaralan

-Ang

paaralan

ay

mahalaga

sapagkat dito natututo ng maraming bagay ang mga batang tulad ninyo. -Ang paaralan ay tulad ng pangalawang tahanan at ang mga guro naman ang ating pangalawang magulang.

Tomas Claudio Memorial College

-Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College. Ang lokasyon ng ating paaralan ay nasa Taghangin, Morong, Rizal. -Ano ang pangalan paaralan? Gab? -Magaling! ng ating -Ang pangalan po ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College.

Mga Ibat Ibang Bahagi ng Paaralan

-May ibat ibang bahagi ang paaralan tulad ng silid-aralan, silidaklatan, kompyuter rum, kantina, gymnasium at klinika. - Anu-ano ang mga bahagi ng isang paaralan? Magbigay ng isa, Jasmine? -Tama! -Ano pa ang bahagi ng paaralan? Mark? Silid-aklatan po. Silid-aralan po.

-Magaling! -Magbigay ka pa ng isang bahagi ng paaralan, Exodus? -Tama! -Ano pa ang bahagi ng paaralan, Sam? -Magaling! -Magbigay ka pa nga ng isang bahagi ng paaralan, Zaldy? -Tama! -Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina at gymnasium, ano pa ang bahagi ng paaralan, Vincent? -Magaling! -Makatutulong ang mga bahaging ito para lalo pang matuto ang mga mag-aaral. -Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo ang mga guro at natututo ang mga mag-aaral. Klinika po. Gymnasium po. Kantina po. Kompyuter Rum po.

Silid-Aralan

-Anong bahagi ng paaralan nagtuturo ang guro at natututo ang bata? Patrick? -Tama! -Ito naman ang silid-aklatan. Dito natin madalas makikita ang mga aklat at magasing nagagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pagaaral.

Sa silid-aralan po.

Silid-Aklatan

-Saan madalas nakikita ang mga ibat ibang aklat? Jilliane? -Magaling! -Ang ibang paaralan ay may mga espesyal na siliid tulad ng kompyuter rum. Dito natututo ang mga bata na gumamit ng kompyuter.

Sa silid-aklatan po.

Kompyuter Room

-Anong bahagi ng paaralan natututong magkompyuter ang mga batang katulad niyo? Gab? -Tama! -Ito ang kantina. Dito bumibili ng masusutansiyang pagkain at kumakain ang mga mag-aaral.

Sa kompyuter rum po.

Kantina

-Saan madalas bumibili ang mga bata ng masustansiyang pagkain? Jasmine? -Magaling! -Ang paaralan ay karaniwang mayroon ding gym o gymnasium kung saan ginagawa ang malalaking okasyon tulad ng pagtatapos o graduation.

Sa kantina po.

Gym

-Anong bahagi ng paaralan madalas ginaganap ang graduation? Mark? -Tama! -Ito ang klinika. Dito binibigyan ng pangunang lunas o gamut ang mga simpleng sakit ng mga magaaral.

Sa gymnasium po.

Klinika

-Saan naman binibigyan ng paunang lunas kapag nagkasakit ang mga bata? Exodus? -Magaling! -Ang ating paaralan ay mahalaga dahil ito ang ating pangalawang

Sa klinika po.

tahanan kayat ating mahalin at ipagmalaki dahil dito tayo natututo ng maraming mabubuting bagay. D. Paglalahat -Mga bata, may ipapakita ako sa inyong larawan at sasabihin ninyo sa akin kung ano ang inyong nakikita, Sam?
Tomas Claudio Memorial College

-Ano ang paaralan?

pangalan

ng

ating

Tomas Claudio Memorial College

-Anu-ano pa ang mga larawan na inyong nakikita?

Silid-aralan po. Silid-aklatan po. Kompyuter rum po. Kantina po. Gymnasium po. Klinika po. Mga bahagi po ng paaralan.

-Ano ang tawag natin sa mga lugar na nabanggit? -Maari mo bang basahin nakasulat sa pisara, Zaldy? ang

1. Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College. 2. May ibat ibang bahagi ang paaralan tulad ng silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina, gymnasium at klinika.

-Maari mo bang bashing muli ang nakasulat sa pisara, Exodus? -Sabay sabay nating basahin ang nakasulat sa pisara. E. Paglalapat -Bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang batang tulad mo? Zaldy? -Paano mo maipapakitang mahalaga sa iyo ang paaralan mo? Vincent? F. Talang Gawain -Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng isang Talang Gawain. Maaari niyo bang ilabas

Ang paaralan po ay mahalaga dahil dito po natututo ng maraming bagay ang mga bata. Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng kalinisan po ng paaralan.

ang inyong mga pangkulay? -Babasahin ko ang inyong susundan. panuto na

Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.

-Bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto para sa pagkukulay. -Maaari niyo nang ipasa ang inyong mga talang gawain. IV. Pagtataya -Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng Sagutang Papel para naman sa isang maikling pagtataya. Ito ay inyong sasagutan sa loob ng limang (5) minuto. -Babasahin ko ang panuto na inyong susundan. Panuto: Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A sa mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

V. Takdang Aralin Gumupit ng ibat ibang larawan ng bagay na makikita sa loob ng paaralan. Lagyan ng pangalan kung saang bahagi ng paaralan ito makikita. Idikit ito sa inyong kwaderno.

Talang Gawain
Pangalan: Petsa: ____________________________________________________________________________________ ______________________________

Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.

Sagutang Papel
Pangalan: _________________________________________________________________ Petsa: Nakuha: Panuto: ____________________ __________ Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A sa mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

HANAY A 1.

HANAY B

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni:

JOHN EMMANUEL H. VILLARIA Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

MS. BERNADETH B. RIVERA Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:

G. RUEL G. MANALO Head Teacher, Elementary Department

Pinagtibay ni:

G. DINDO C. PUNZALAN Principal

You might also like