You are on page 1of 2

Iangkop ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ayon sa kapansanan ng mga kalahok.

Isama ang mga impormasyon tulad ng bilang ng mga taong may kapansanan sa pamayanan, saan sila nakatira, partikular na kapansanan at mga kakayahan.

Inclusive Early Warning System (EWS) Mapaabot ang impormasyon sa lahat ng uri ng taong may kapansanan (batingaw o bell para sa mga taong may kapansanan sa paningin, bandila para sa mga taong may kapansanan sa pandinig, atbp.) Magbuo ng EWS na isinasaalang-alang ang kakayahan ng mga taong may kapansanan. Maaari din silang maging bahagi ng early warning committee!

Ang Handicap International ay isang independent at impartial na organisasyong pandaigdig na tumutulong sa mga sitwasyon ng kahirapan at exclusion, labanan at sakuna. Kasama ng mga taong may kapansanan at iba pang vulnerable groups sa buong mundo, ang aming aksyon at testimonya ay nakatuon sa pagsagot sa kanilang mga pangunahing na pangangailangan, pagpapahusay ng kondisyon ng kanilang buhay at pagtataguyod ng kanilang dignidad at respeto sa kanilang mga saligang karapatan. Itinayo noong 1982, ang Handicap International ay ginantimpalaan ng Nobel Peace Prize noong 1997 at tumanggap din ng Hilton Prize noong 2011.

Inclusive Search, Rescue and Evacuation (SR&E) Isali ang mga taong may kapansanan sa SR&E trainings at mock drills. Isama ang stretchers, wheelchairs, saklay at iba pang assistive device sa pagiimbak ng kagamitan (stockpiling). Sanayin ang mga SR&E teams kung papano humarap at humawak ng ibat-ibang uri ng kapansanan.

COORDINATION OFFICE 12-D The Valero Tower, 122 Valero St. (may accessible entrance sa San Agustin St.) Salcedo Village, 1227, Makati City Tel: +63 (2) 812 6990 Fax: +63 (2) 892 4583 PROJECT SITE OFFICE G/F Solem Building, 212 JP Rizal St., Barangay Santiago, Baras, Rizal Tel: +63 (02) 234 5404 info@handicapinternational.ph www.handicapinternational.ph

Gabay tungkol sa Disability at Disaster Risk Reduction


Alam nyo ba na sa Pilipinas

1 sa bawat 4 na Pilipino ay may kapansanan? 7 sa bawat 10 Pilipino na may kapansanan ay nakatira sa mga kanayunan kung saan hindi malapit o accessible ang mga serbisyo? Ang pagkakaroon ng kapansanan ay mas karaniwan sa kababaihan, mga matatanda at mahihirap na pamilya at sambahayan?

Inclusive Evacuation Center Management Sa pagkalap ng mga datos, isama ang impormasyon hinggil sa mga taong may kapansanan. Gawing accessible para sa lahat ang evacuation center (hal. paglalagay ng rampa, handrails, pagkakaroon ng accessible na palikuran, atbp.) Tiyaking ligtas, protektado laban sa pang-aabuso at may dignidad ang lahat ng nananatili sa evacuation center. Tiyakin na natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, sanitasyon, at pagkain.

2013. Handicap International - Philippines Program


Ang dokumentong ito ay ginawa sa pamamagitan ng financial assistance ng Swiss Solidarity at European Union sa ilalim ng REBUILD Project. Ang mga pahayag dito ay hindi sumasalamin sa opisyal na opinion o pahayag ng Swiss Solidarity at European Union.

2 lamang sa 100 batang Pilipino na may kapansan ang nakakapasok sa paaralan?


Madalas na di nasasali ang mga taong may kapansanan sa mga relief action? Tinatayang 15% ng populasyon ng buong mundo ay mga taong may mga kapansanan o persons with disabilities. Ito ay mahigit sa 1 bilyong tao!

PAG-UNAWA NG DISABILITY O KAPANSANAN


Ang DISABILITY ay isang konsepto na patuloy na nagbabago. Ito ay resulta ng interaksyon sa pagitan ng mga taong may kapansanan at sa mga hadlang na makikita sa kanilang kapaligiran at mga attitude o pagtingin ng mga tao. Ang mga nasabing hadlang ay nagiging sagabal sa kanilang ganap at epektibong pakikilahok sa lipunan na kapantay ang ibang tao.
- UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD) ratified by the Philippines in 2008

MGA BATAS NA SUMUSUPORTA SA INCLUSIVE DRRM

PAANO MAGIGING INCLUSIVE ANG DRRM?


Narito ang isang pangunahing gabay para sa mga DRRM practitioners at mga disabilityfocused na organisasyon upang mamainstream ang disability sa DRRM.

1. Accessibility Law o Batas Pambansa 344 Bigyan ng patas na karapatan, pangangailangan at benepisyo ang mga taong may kapansanan upang makapasok at magamit ang lahat ng pampublikong gusali at imprastraktura. 2. Magna Carta for Disabled Persons o R.A. 7277 Isang pambansang mandato na nag-aalis ng diskriminasyon laban sa mga taong may kapansanan: (a)...ang Estado ay magbibigay ng buong suporta sa...mga taong may kapansanan at mapabilang sila sa lipunan (Sec. 2). 3. Amendment to the Magna Carta for Disabled Persons and for Other Purposes or R.A. 9442 Pagbibigay ng mga pribilehiyo sa mga taong may kapansanan at pagpapataw ng parusa sa pagkutya sa kanila.
4. Proclamation No. 240 Pag-uutos sa lahat ng opisina ng pambansa at lokal na pamahalaan na maglaan ng di bababa sa 1% ng kanilang taunang budget para sa pagpapatupad ng mga plano, programa, proyekto, at pasilidad para sa mga taong may kapansanan. 5. Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act 2010 Ang mga vulnerable at marginalized na grupo ay tumutukoy sa mga taong nalalantad sa mas mataas na peligro ng kalamidad at kahirapan, kabilang ngunit di limitado sa mga kababaihan, bata, nakakatanda, taong may kakaibang kakanyahan at katutubong minorya.

J. Villacorta 2011

Inclusive Disaster Risk Reduction and Management Magpasya na maging disability-inclusive at tiyaking isinaaalang-alang ang mga isyu ng mga taong may kapansanan sa DRRM. Mangalap ng mga baseline na impormasyon tungkol sa disability sa pamayanan. Hikayatin at isama ang mga lokal na Disabled Peoples Organizations (DPOs) sa DRRM. Sanayin ang staff sa inclusion at disability rights. Bawasan ang mga hadlang sa pagiging inclusive ng mga gawain o aktibidades ng DRRM. Tiyaking mararating ng lahat ng kalahok ang lugar. Siguraduhing mapapabatid ang mga mensahe sa paraang ayon sa kapansanan (simple, maigsi at malinaw na mensahe para sa taong may kapansanang intelektuwal, mga visual aid para sa mga taong may kapansanan sa pandinig, atbp.). Pagtataguyod ng positibong attitude tungkol sa kapansanan tungo sa inclusive at barrier-free na lipunan. Inclusive Vulnerability Capacity Assessment (VCA) Tiyaking ang mga taong may kapansanan ay may kinatawan at suportado sa kanilang pakikilahok.

Bakit mas vulnerable o mas napepeligro ang mga taong may kapansanan sa panahon ng disaster o kalamidad?
Kadalasang hindi sila nakikita at nasasali sa mga

relief action.
Mas marami silang hadlang sa paghingi ng tulong. Mas malaki ang panganib na haharapin nila dahil

mataas ang kanilang vulnerability.

Ang Rebuilding Economies after Typhoon Ketsana and Strengthening Baras Municipality Utilities for an Inclusive Local Development (REBUILD) ay isang proyektong nakabase sa mga karapatan at nagsasakatuparan ng mga inclusive na kabuhayan. Nilalayon nitong pabutihin ang access ng mga taong may kapansanan sa ibat ibang pagkakataong pangkaunlaran (pangkabuhayan, panlipunan, atbp.). Upang tulungang makamit ang hangaring ito, bibigyan din ng proyekto ng kapasidad ang mga local stakeholders upang makapagsagawa sila ng mga programa at aktibidades na mas inclusive sa mga taong may kapansanan at iba pang mga vulnerable groups. Bibigyan din ng proyekto ang Baras Disabled Peoples Organization ng kakayahang maging makabuluhan at aktibong development stakeholder na siyang magtataguyod ng mga karapatan at pangangailangan ng mga taong may kapansanan sa mga inisyatibang pangkaunlaran. Nilalayon din ng proyekto ang pagtataguyod ng isang lipunang inclusive at may pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat.

You might also like