You are on page 1of 4

Ang Aloe vera (Barbadensis miller) bilang isang Uri ng Pampaganda

Isang Konseptong Papel na iniharap kay Gng. Angelica Ballena Kagawaran ng Filipino at Panitikan Dalubhasaan ng Malayang Sining Pamantasang De La Salle Dasmarias

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Pangangailangan sa FILI102 Pananaliksik Tungo sa Pagkatutong Pangkaalaman

Cruz, Erika Laine B. Cuacoyes, Michelle Ann Jimenez, Jean Aira B. Malolos, Danielle Ann Mga Mananaliksik

Enero 14, 2014 Petsa

I.

Rasyunal Ang Aloe vera ay isang halaman na kadalasang tumutubo sa mga lugar na may katamtamang klima kagaya na lamang ng Pilipinas, India at Africa. Mayroong humigit kumulang na 400 species ng Aloe vera ang sya ng nadiskubre. Tumutubo ito ng halos 80 100 sentimetro sa taas na maaaring tumagal ng limampung-taon kung nasa maayos na kundisyon. Kilala nga ang Aloe vera na isa sa mga sangkap ng mga produktong pampaganda gaya ng mga shampoo, conditioner, sabon at iba pa. Ano nga ba ang mayroon sa Aloe vera? May iba pa bang halaman na may kaparehong gamit dito? Epektibo ba ang paggamit ng natural na Aloe vera mga produktong may sangkap na Aloe vera? Ito ang nais na mapatunayan naming mananaliksik. Sa modernong panahon, mukha at pisikal na kaanyuan ang siyang nagiging susi sa karangyaan. At mas mainam kung malalaman natin ang ibat-ibang paraan upang mapanatili ang kagandahan nito. Ang pananaliksik nito ay magkakaroon ng higit na kapakinabangan mga konsyumer at iba pang risertser. Mas magkakaroon ng malawak na pagkakaintindi ang mga konsyumer sa mga produktong tutugon sa kanilang pangangailangan. At magkakaroon naman ng panibagong source ng impormasyon ang susunod na henerasyon ng mg mananaliksik.

II.

Layunin A. Pangkalahatan Malaman ang bitaminang tinataglay ng Aloe vera na maaaring magamit sa paggawa ng produkto sa pampaganda. B. Mga Tiyak na Layunin 1. Ano ano ang mga produktong pampaganda na maaaring gawin sa Aloe vera?

2. Makakatulong upang makalikha ng mga produktong magagamit sa Aloe vera. 3. Ano ano ang mga produktong ito ang naibebenta na sa merkado? 4. Sa paanong paraan maaaring maging mas epektibo ang paggamit ng Aloe vera? Sa paraang natural o kemikal?

III.

Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong pamamaraan upang mailarawan ang ibat-ibang uri ng produktong pampaganda ang maihahango sa Aloe vera at ang mga benepisyong hatid nito. Magsasagawa rin ng isang malawakang pagsusuri upang matukoy ang ispesipikong sangkap ng Aloe vera na nagbibigay bias rito. Ang mga impormasyong makakalap ay manggagaling sa mga

dokumentadong blog o impormasyong makakalap online at ang iba naman ay manggagaling sa mga librong patungkol sa pampaganda sa loob ng silidaklatan.

IV.

Inaasahang Bunga

V.

Mga Sanggunian 1. The Wikimedia Foundation, Abril 2007, http://en.wikipedia.org 2. ALOE VERA: A SHORT REVIEW, Indian J. Dermatol, 2oo6, http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2763764/ 3. 40 Amazing Uses for Aloe vera, Jessica Root, Plaanet Green, http://health.howstuffworks.com/wellness/naturalmedicine/herbal-remedies/amazing-aloe-vera.htm

You might also like