You are on page 1of 3

AGOPITAC, REY DARYL D.

Mga Teksto at Rejister sa iba't ibang disiplina Ang rejister ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Ito ay mas madalas nakikita o nagagamit sa isang natatanging disiplina. Ito rin ay ang pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika ayon sa: a. Tono ng kausap o tagapakinig- naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. b. Paksa ng pinag-uusapan- batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon. c. Paraan o paano nag-uusap- pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap (Answers Corporation, 2013). Ang teksto ay isang babasahin na puno ng mga ideya ng iba't ibang tao at impormasyon. Ito ay may iba't ibang uri kagaya ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad, pangangatwiran, proseso, panghihikayat at informative (Answers Corporation, 2013). Mga Uri ng teksto: 1. Pagsasalaysay [Narrative]- Ito ay maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento. 2. Paglalarawan [Descriptive]- Ito ay naglalayong ilarawan ang pisikal na katangian ng mga pangunahing tauhan at ang ilang mga bagay. 3. Paglalahad [Expository]- Ito ay ang paglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga konsepto at mga palagay batay sa pansariling haka-haka, opinyon o pananaw. 4. Pangangatwiran [Argumentative]- Ito ay isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon.

5. Proseso [Procedural]- Ito ay nagpapaliwanang ng mga paraan sa pagsasagawa ng isang bagay. 6. Panghihikayat [Persuasive]- Ito ay naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang isang paksa ay maging kapani-paniwala. 7. Informative [Informative]- Ito ay naglalayong alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay.

Ang mga teksto sa iba't ibang disiplina ay nahahati sa tatlong bahagi. Ito ay agham panlipunan, humanidades, likas na agham o natural sciences, teknolohiya at matematika. Ang mga agham panlipunan ay isang pangkat ng mga displinang akademiko na pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian (qualitative). Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham (soft sciences) ang mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham (hard sciences) na maaaring eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan. Sumasangkot ang mga dalubhasa sa agham panlipunan sa pagsasaliksik at pag-teoriya tungkol sa parehong pinagsama at indibidwal na mga asal (Wikipedia, 21 Nobyembre 2013) References: 1. Answers Corporation. Ano ang ibig sabihin ng rejister. Answers.com, n.d.

<http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_ibig_sabihin_ng_Register>. 2013. 2. Answers Corporation. Uri ng mga teksto. Answers.com, n.d.

<http://tl.answers.com/Q/Uri_ng_mga_teksto_at_ang_kahulugan_nito>. 2013.

3.

Wikipedia.

Agham

Panlipunan.

Wikipedia.com,

n.d.

<http://tl.wikipedia.org/wiki/Agham_panlipunan>. 21 Nobyembre 2013.

You might also like