You are on page 1of 69

Sa mga pinakaliblib na bahagi ng bundok, maraming

henerasyon ng mga kabataan, kababaihan, at mga


Matubag na Ayta ay nagtitipon sa dapog. Mihabihabi
kitamina ha paruogan, ang mga nakatatandang Ayta ay
ibinabahagi ang kanilang kuwento.
“Ang aming mga ninuno ang mga naunang tao rito bago
dumating ang mga Espanyol. Ngunit matapos agawin ng
mga dayuhan ang mga lupain, tinungo namin ang mga
bundok kung saan nanatiling payak ang buhay namin.
Makaluma ang paraan ng pagkuha namin ng pagkain –
pangangaso at pangangalap mula sa kapaligiran. Gamit
ang asarol-gamat, nagtatanim din kami ng bungang
ugat at umaasa sa ulan para patubigan ang mga ito. Ang
mga bundok at kagubatan ang aming tirahan, ospital,
paaralan at sambahan, biyaya mula kay Apo Namalyari.”
Balangkas
I. Layunin ng Paruogan Reflection Circles
II. Mga Katutubong Pilipino
III. Mga Ayta sa Gitnang Luzon
IV. Katutubong Kultura at Paniniwala
V. Mga Batayang Problema ng mga Ayta
VI. Ang Aming Paninindigan
VII.Hamon sa Taong Simbahan at ibang
Suportang Grupo
Paruogan
Reflection Circles
Maipalaganap at maipahayag ang mga problemang
kinakaharap ng mga kapatid na Ayta.
Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga
problema ng ating mga kapatid na Ayta.
Maging daluyan ng talakayan at bahaginan.
Ang mga datos sa talakayan at bahaginan ang
magiging batayan sa pagbalangkas ng mga
pamamaraan upang tulungan ang ating mga
kapatid na Ayta.
II. Mga
Katutubong
Pilipino
15% o 10 milyon ng mga tao sa
Pilipinas ay katutubo,
katulad ng Moro, Tribu ng
Kordilyera, Lumad, Visayan
Hill Tribes, Mangyan,
Dumagat at iba pa.
Nasaan ang mga Katutubo?
III. Mga Ayta sa
Gitnang Luzon
Mga Iba’t Ibang Komunidad ng Ayta sa Paligid ng Mt. Pinatubo
Ang Lupaing
Ninuno
Lupang dantaon ng binubungkal,
pinaninirahan, iniikutan at
pangunahing pinagmumulan ng
ikinabubuhay ng mga katutubo
Kinikilalang mga minanang
lupain mula sa mga ninuno
Itinuturing ng teritoryo bago pa
man naitayo ang isang gubyerno
sa Pilipinas.
Kabuhay
an
Pagtatanim
Pangangalap
Pangangaso
Maliitang pagmimina
Paggagasak
Paggamit ng mga
produktong
nagmumula sa gubat
Pag-uuling
Sistemang
Pampulitika
Nakatayo ang konseho ng
mga matatanda (council
of elders) bilang
mapagpasyang grupo sa
komunidad. Sa kabila
nito, mahigpit pa rin ang
pagsasaalang-alang sa
kolektibong pagpapasya
sa mga pagkakataong
ang kapakanan ng buong
angkan, tribo o grupo ang
nakasalalay.
Kultura
Ang mga sayaw, paniniwala at
tradisyon, at ang paraan sa
panggagamot ay salamin ng
pang araw-araw na
pamumuhay.
Pasugo

Talipi
Lapinding
Talbun
Dururu
Konsepto ng Sariling
Pagpapasya
Ang buhay ng katutubo ay nakasalalay sa patuloy
na pag-iral ng kanilang kultura at mga sistemang
panlipunan
Kailangan ipagtanggol at itanghal ang karapatan ng
katutubo at sistemang panlipunan
Kailangan mangkaroon ng pagkakataon at
kaparaanan ang mga katutubo upang magpasiya
tungkol sa sariling kaunlaran
1- 4 - Matinding
Pangangamka Diskriminasyon
m ng Lupa at Pang-aapi

2 - Labis na
V. Mga Batayang
Kahirapan Problema ng
mga Ayta
3 - Kapabayaan
sa Paghatid ng
Batayang
Serbisyo
Ang lupaing
ninuno ay
kinakamkam sa
pamamagitan
lamang ng
pagdedeklara o
pagpayag ng
gobyerno sa mga
koporasyon ng
mina, trosohan,
komersyal na
pataniman at
mga panginoong
may lupa.
Minahan
Dekada sisenta pa nang
minahin ang Buhawen, Pili, at
nakaamba sa kasalukuyan
ang pagmimina ng Pisumpan
Copper Mining Corporation
sa Porac, at ng Atlantic
Mining Corporation sa
Mawacat, Floridablanca,
pawang mga kumpanya din
ito na pag-aari ni Dizon.
“Dahil sa pagmimina,
malalaking tipak ng mga
kabundukan ng Zambales ay
nawala na, tulad ng sa San
Marcelino. Ang mga kompanya
ng mina ay nangako na
magbibigay ng trabaho at
edukasyon kapalit ng pahintulot
ng mga Ayta na minahin ang
bundok.”
Rantso •Inaarkila ang mga
pwesto ng mga
katutubo para
pagsugahan ng mga
baka, hanggang
binakuran na ito at
inari.
•Winawasak ng mga
baka ang mga
pananim sa katabing
lugar, wala kasing
bakod
Gamit-
panturism •Pagpapaalis sa mga Ayta ng mga
o land developer para ikombert sa
gamit-panturismo ang lupa.
•Para maangkin ang lupa,
binayaran ng baryang halaga ang
mga Ayta para mapayapa nilang
lisanin ang kanilang lupa.
•O kaya naman, gagawin daw
kasosyo sa umpisa, trabahador
naman sa kalaunan.
sa mga proyekto ng
gobyerno
Sa programang Community-based
Reforestation Management (CBRFM)
ng DENR, pinapaalis ang mga
katutubo dahil forest reserve na ang
lupa.
Minahan
Military Base sa Tarlac
Ang
pinakatanyag
na kaso ng
pangangamkam
ay ang pagkuha
ng lupaing
ninuno sa Subic
at Clark para
gawing base
militar noong
panahon ng
Amerikano.
ala ng
Sacadora
•Binabarat ang presyo ng
kalakal (puso ng saging, gabi,
iba pang gulay at prutas,
kasama na rin dito ang uling)

• Labis ang pagpepresyo sa


mga produktong
pangkonsumong inuutang ng
mga Ayta. Kapag hindi sila
nakabayad ay iilitin ng mga
sacadora ang kanilang mga
lupa.
“Ang mga kinita ng
mga Ayta ay halos
dumadaan lang sa
palad nila dahil
kailangan pa nilang
bayaran ang
produktong
ipinautang ng
sacadora sa kanila. “
Atrasadong kagamitan at
paraan sa produksyon
Paisa-isang bangkat bawat tao
lamang ang kayang ibaba sa gulod
sa bawat araw dahil wala namang
mga hayop na magagamit para
maibaba ang produkto sa bundok

Katumbas ng kalahating araw o


isang maghapon ang gugulin
bago makapuno ng isang sako o
bangkat ng puso ang
mamumuso.
Simpleng kagamitan at
paraan sa produksyon
Walang patubig at umaasa sa
sahod-ulan
Mas madalas na ginagamit na
pambyahe ng kalakal ang mga
kalabaw kaysa sa pagtatanim
Pangwawasa
k
ng Kalikasan
Dahil sa pagpapasok ng
mga dayuhang kompanya
at proyekto ng gobyerno,
nawasak na nang husto ang
kalikasan, lalung-lalo na
ang kagubatan at
kabundukan. Hinakot at
sinaid ang mga yamang-
mineral at troso mula sa
mga gubat at bundok, nang
walang pakundangan sa
pinsalang dulot nito sa
kalikasan at kapaligiran.
Kapabayaan
sa Paghatid
ng Batayang
Serbisyo
•Anu-ano ang
mga
serbisyong
dapat na
nakukuha natin
sa gobyerno?
•Edukasyon
•Kalusugan
•Pabahay
•Trabaho
Matinding
Diskriminasy
on
Ang diskriminasyon ay
ang pagtratong di
parehas sa isang tao o
grupo ng tao dahil sa
makitid at makaisang-
panig na pagtingin sa
lahi o kulay,
kinabibilangang
grupong etniko,
relihiyon. Nagmumula
ito sa pagyurak at
pagkakait sa lahat ng
karapatan naming mga
katutubo mula pa sa
panahon ng
kolonisasyon.
“Let this serve as a notice that Negritos are to
live in the jungle area and are not to be seen
by the public walking on the roads or in the golf
course areas. If voluntary action by the Negritos
is not taken to hide themselves in the jungle, the
OPM will enforce stricter measures.”
Militarisasyon
Madalas na
nagiging biktima
ng mga paglabag
sa karapatang
pantao ng mga
nag-ooperasyong
sundalo. Dagdag
pahirap sa mga
kapatid na Ayta
ang epekto ng
militarisasyon.
MINING ACT OF 1995 [RA 7942]
Seksyon 18: “ang lahat ng mineral na yaman
sa pampubliko at pribadong lupain, kasama
ang mga kahuyan o kagubatan…ay maaaring
ibukas sa operasyon ng
pagmimina”

Pinapahintulutan ang mga dayuhang


kumpanya ng pagmimina na 100 %
pagmamay-ari sa loob ng 50 – 75 na taon at
kumontrol sa bawat aspeto ng pagmimina
INDIGENOUS PEOPLES
RIGHTS ACT 1997 (IPRA)
Kikilalanin umano ang karapatan ng
mga katutubo sa kanilang “lupaing
ninuno” na malaon ng pinaglalaban
dahil sa kawalan ng isang partikular
na batas ng gobyerno na kumikilala
sa karapatan ng katutubo
Batas na diumano ay nangangalaga sa mga
karapatan ng mga katutubo sa kanilang mga
lupang at lupaing ninuno pati ang mga likas-
yaman na matatagpuan dito
 Inaalis nito ang konsepto ng komunal na
paggamit ng lupaing ninuno
 Binibigyang-daan ang pagsasapribado at
pagkalakal ng lupaing ninuno
Nalikha sa ilalim ng IPRA bilang isang
“superbody” na mangangasiwa at kakatawan
sa mga katutubong mamamayan

Nagsisilbing tagabenta ng mga lupaing


ninuno sa kalagayang sila ang mag-aapruba
sa anumang proyekto sa loob ng lupaing
ninuno.
Ipagtanggol ang
Lupaing Ninuno
Depensahan ang lahat ng anyo ng pangangamkam
ng lupa.
Itaguyod ang makatarungang pamumuhay at
labanan ang makasaraling pagkontrol sa mga kita
ng mga katutubong Ayta mula sa kanilang mga ani.
Pangalagaan at linangin ang lupa para maging
produktibo ito upang maging kapaki-pakinabang
para sa mga nagpaunlad nito.
Magtayo ng iba’t ibang anyo ng pakikipag-kaisa
kasama mga iba’t ibang grupo.
Ipagtanggol ang
Kalikasan
Pangalagaan ang ating Pambansang
Patrimonya.
Tutulan ang pangwawasak at
pagsasamantala sa mga likas na
yaman para sa interes ng iilan.
Ipagtanggol ang Buhay
Itaguyod ang karapatan ng mga
katutubong mamamayan.
Itigil ang militarisasyon sa mga
komunidad ng mga Ayta.
Kasama ang mga
taong simabahan,
isulong ang karapatan
ng katutubong
mamamayan para sa
sariling pagpapasya.
“Ang ating mga pakikibaka para sa dignidad
ng tao at pagbabagong panlipunan ay tugon
sa hiling ng Diyos para sa pag-ibig, awa, at
katarungan sa liwanag ng Kaharian.”

General Rules and Social Principles,


The Book of Discipline of the
United Methodist Church,
¶ 101, page 49
Mabuhay tayo ng
kasama ang mga
katutubo sa
pagbuo ng ating
kinabukasan, para
sa isang
makatarungan at
payapang lipunan
sa pamamagitan
ng pakikiisa sa
mga Ayta sa
kanilang
pakikibaka para
sa lupa at buhay.
Sa pagpursigi sa
buong-pagkataong
pag-unlad para sa
lahat ay ang pagtupad
sa ating Kristiyanong
tungkulin na ipaglaban
ang lupa at mga
rekurso nito nang ito
ay maipasa pa sa mga
susunod na
henerasyon sa atin.
Tayo ay sinugo niya
upang itanyag sa mga
bihag ang pagkaligtas,
At sa mga bulag ang
pagkakita, Upang bigyan
ng kalayaan ang
nangaaapi,
Upang itanyag ang
kaayaayang taon ng
Panginoon.
Lk 4:18-19
PARUOGAN
Alliance of Aeta Organizations and Church People
in Central Luzon
Upang makamit at maitaguyod ang mga
pagkakaisang ito, kaming mga KATUTUBONG
AYTA at TAONG SIMBAHAN ay nagkakaisa sa
PARUOGAN, kung saan magsisilbi itong daluyan ng
aming sama-samang pagkilos para sa patuloy na
IPAGTANGGOL ANG LUPAING NINUNO,
IPAGTANGGOL ANG BUHAY, AT IPAGTANGGOL ANG
KARAPATAN SA PAGPAPASYA-SA-SARILI bilang
PANGANGALAGA SA BUHAY AT KALIKASAN NA
IPINAGKALOOB SA ATIN NG PANGINOON
Ano ang mga pwedeng
gawin?
MAGLUNSAD ng mga TALAKAYAN
AT REFLECTION-SHARING sa
aming mga komunidad, parokya,
simbahan, paaralan upang maipaabot
ang kalagayan at pagsusuri sa mga
hamon na kinakaharap ng mga Ayta;
IPAGPATULOY ang TEACHING MINISTRY na may
pagbibigay-diin sa pagbibigay kaalaman at pag-
bubuo ng mga Kristiyanong pamayanan.
PAGYAMANIN ang KATUTUBONG
ISPIRITWALIDAD at KULTURA
MAIPAHAYAG sa mga PORMANG KULTURAL
katulad ng poster-making, dula, kanta, tula ang ating
mga pagkakaisa, paninindigan, at hakbangin.
Ano ang mga puwedeng
gawin?
MAKIPAGKAISA sa mga
KOMUNIDAD ng Ayta na
nagtatanggol ng lupaing ninuno;
MAPAGKAISA ang iba’t ibang
AYTA ng Gitnang Luzon na may
komon na paninindigan at
pananaw hinggil sa kalagayan ng
mga katutubo.
MAGLUNSAD ng mga iba’t ibang malikhaing PAGKILOS;
MAGLATHALA ng mga PETISYON AT MGA PAHAYAG NG PAKIKIISA
MAGSAGAWA ng mga PAGTITIPON katulad ng mga candle processions, prayer
rally, at iba pang anyo
MAGLUNSAD o SUMAMA SA MGA FACT-FINDING MISSIONS at
documentation missions para alamin at mailathala ang mga KASO NG
PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
MAGTAYO ng iba’t ibang porma ng KOOPERASYON AT SUPORTANG
MEKANISMO katulad ng community-based projects para sa ikauunlad ng
kabuhayan ng mga katutubo
Ano ang mga pwedeng
gawin?
MAKIPAGBUKLOD sa iba’t
IBANG GRUPO upang sama-
samang ipagtanggol ang
Lupaing Ninuno, ang Buhay,
at ang ating mga Karapatan.
Sa lahat, ang Diyos ang
papurihan!