You are on page 1of 19

Aralin 2.

6
ALAMAT NG BUNDOK PINATUBO (LUZON) ALAMAT NG BASEY ( VISAYAS) ALAMAT NG BUNDOK PINTO ( MINDANAO) PAGBUO NG STORY COLLAGE

Tuklasin ang Iyong Pag-unawa

Sa huling bahagi ng aralin na ito sa pag-aaral ng alamat, malalaman mo na ang Pilipinas ay may mayamang kultura ng ibat ibang rehiyon (Luzon, Visaya s at Mindanao) na masasalamin mo sa mga alamat. Ito ay maisasagawa natin sa Pagbuo ng Story Collage na tulad ng Spice of Life ni Larry Alcala. Inaasahan ang mga mag-aaral na makakabuo ng Story Collage na naghahambing ng kultura ng ibat ibang rehiyon sa b ansa noon at ngayon gamit ang mga pamantayan a)batay sa saliksik; b) orihinal; c) malikhain; d) nagpapakita ng ugnayan ng mga kultura sa alinmang rehiyon; at e) taglay ang mga elemento ng Story Collage. Bago mo pag-aralan ang huling bahagi ng alamat, kailangan mo munang masagot ang mahalagang tanong na nasa ibaba. Ito ay may malaking kaugnayan sa araling iyong tatalakayin. Maaari ka ring bumuo ng tanong kung mayroon ka pang nais na malaman. Bakit mahalagang pag-aralan ang alamat ng ibat ibang rehiyon ng Pilipinas? Bakit may mga kultura sa ibat ibang rehiyon na nananatili, nababago at nawawala na? Paano mauunawaan at mapahahalagahan ang mga alamat ng sariling rehiyon?

A. Ano-ano ang katangian sa mga larawan na sumasalamin sa kultura ng rehiyong kinabibilangan nito. Matapos ay iugnay mo ito sa katangi-tanging alamat sa inyong lugar o rehiyon. Ilagay sa linen outline sa ibaba ang kasagutan. Gawin sa sagutang papel.

Pahiyas Festival

Sinulog Festival

Kadayawan Festival

B. Isa-isahin mo ang magkakaugnay o magkakahawig na kultura ng rehiyong kinabibilangan ng mga larawan. Magbigay ka rin ng sarili mong interpretasyon. Isulat sa sagutang papel.

Mga Larawan

Magkakaugnay o Magkakahawig na Kultura

Interpretasyon

Linangin Natin

Bawat rehiyon ay may natatanging alamat na naglalarawan ng makukulay na anggulo at kalikasan ng buhay. Bagamat ang mga alamat na ito ay maaaring nagkakaiba-iba sa panahon at tagpuan ng pagkatha, masasalamin pa rin ang magkakaugnay na kultura, mula sa pinakaluma hanggang pinakabagong kabihasnan na narating nito. Ano nga ba ang kahalagahan ng pagpapakita ng makulay na anggulo ng buhay, kultura at alamat? Paano nagkakaugnay-ugnay ang nakapaloob na kultura sa mga alamat ng bawat rehiyon? Paano maipakikita ang mga ugnayang ito?

Basahin at unawain ang bawat alamat. Alamat ng Pinatubo Sa isang kisapmata, binunot ng prinsipe ang bundok. Parang pagbunot lamang ng isang maliit na punong-kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboyramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugar na kinaroroonan nito ngayon. Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng nagbubunying mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon. Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatu-balani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito. Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siyay tahimik na nakatungo. Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa namay nag-ukol ng matamis na ngiti. Walang alis ang paningin ni Prinsipe Malakas sa dalaga. Hindi matagalan ng prinsesa ang kabigha-bighaning titig ng prinsipe. May sasabihin ka, Prinsipe Malakas? tanong ng hari upang basagin ang katahimikan. Hinihingi ko ang inyong pahintulot na makausap ko ang mahal na prinsesa, mahal na Datu, ang hiling ng prinsipe. Higit pa sa riyan ang maibibigay ko, sang-ayon ng Datu. Hindi nagtagal at nasaksihan sa Masinlok ang marangyang kasal nina Prinsesa Alindaya at Prinsipe ng Pangasinan. Nagsaya ang kaharian sa loob ng anim na araw.

Samantala, ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay napuno ng tubig, itoy naging isang lawa. Naging maganda at matulain ang lawang ito na tinawag ng mga tao na Lawa ni Alindaya, sapagkat nagpapagunita ng kagandahan ng prinsesa at ng pag-ibig niyang siyang dahilan ng pagkakaron ng Bundok na Pinatubo. Ang Alamat ng Basey Salin ni Reynaldo S. Reyes Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit The Legends by Damiana L. Eugenio, UP Press Sa tulong ng mga misyonerong Heswita, lumikas ang mga mamamayan ng Balud patungo sa Binongtoan, isa sa kalapit nayon nito. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa mga batong adobe. Pinanatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, silay nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang maganda bilang parangal at alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit noong kanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, silay nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang Ang Pinakamaganda bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kayat nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bat o. Itinatag nila ang kanilang kuta sa Bungal, isang lugar na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito nagtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating na mga vinta.

Ang Alamat ng Bundok Pinto (Bahagi ng The Legend of Mount Pinto ng Maguindanao) Mula sa The Legends by Damiana L. Eugenio Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng diyos na may napakaraming ari-arian tulad ng ibat ibang uri ng mga alahas. Mayroon din silang mga bagay-bagay na yari sa tanso tulad ng mga agong (gongs), mga kulintang, mga gandingan at iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan o kabilang sa kumpletong mga instrumentong musikal na yari sa tanso. Ang mga sinaunang nanirahan sa nayon ay maingat na nagmatyag at malapitang sinaksihan ang mga pambihirang gawi at mga kakatwang gawain ng mga kakaibang naninirahan sa yungib. Napuna ng mga taga-nayon na tuwing maaliwalas na mga gabi ay nagkakaroon ng pambihirang kasayahan sa bundok. Ang malamyos na musikang likha ng mga instrumentong musikal ay maririnig mula sa bunganga ng yungib. Mapagkikilalang ang musika ay likha ng kagamitang musikal na yari sa tanso. Sa katahimikan ng gabi, ang musikang nagmumula sa bundok Pinto ay nakapagdudulot ng tunay na kasiyahan at kaligayahan sa mga naninirahan malapit sa bundok. Ang gayong kakaiba at kamangha-manghang nakaaaliw at masasayang pangyayari ay nagtagal at nagpatuloy ng maraming mga taon. May pagkakataon pang ang ilang malalakas ang loob na lalaki ay di pa nasisiyahan sa pakikinig lamang ng nakaaaliw na matamis at masarap pakinggang tugtuging idinudulot sa mga tao ng mga supernatural na nilikha. Isang gabi, tatlong mapangahas na lalaki ang sumubok na lumapit sa yungib ng bundok. Silay dahan dahan at tahimik na gumapang hanggang sa makarating sa pinakamainam na lugar malapit sa bunganga ng yungib at dooy nagkubli ng ilang sandali. Ano ang kanilang nakita? Silay buong kapanabikang nangabigla nang makita ang mga kaibig-ibig tingnang mga nilalang na tumutugtog gamit ang mga intsrumentong musikal na yari sa magagaang kawayan na makinis ang pagkayari. Sa pinakaloob na bahagi ng yungib, ang ibang mga reyna ay buong kasiyahang tumutugtog gamit ang mga kulintang, agong, gandingan at iba pang mga instrumento. Nang maramdaman nilang may mga tao sa di kalayuan, kaagad silang napatigil sa pagtugtog. Madali nilang nalamang may tao sa paligid dahil sa kanilang matalas na pang-amoy.

Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan at ang kasalungat ng mga salitang nasa gitna. Kahulugan Salita Kasalungat

1. angkin 2. bukambibig 3. kaibuturan 4. mamatyagan 5. kublihan 6. kuta

Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang sumusunod na tanong. Isualat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang sagot kung kinakailangan. 1. Ibigay ang magandang katangiang ipinakita sa tatlong alamat. Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyang panahon? Magbigay ng patunay. ALAMAT 1 Patunay ALAMAT 2 Patunay ALAMAT 3 Patunay

2. Ibigay ang magagandang katangiang naipakita sa tatlong alamat. Nangyayari pa ba ito sa kasalukuyang panahon? Magbigay ng patunay. Magandang katangian ng mga alamat _________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ Patunay: _________________________________ _______________________________________ _______________________________________ _______________________________________ ____________________________________. 3. Batay sa tatlong alamat na nabasa, ilahad ang iyong obserbasyon kung napananatili pa ba hanggang ngayon ang mga kaugaliang Pilipino? Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Gawin sa sagutang papel. Alamat ng Bundok Pinatubo

Alamat ng Bundok Pinto

Kaugaliang Pilipino

Alamat ng Basey

4. Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunyi ng mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon. Sa pangyayaring ito, anong kaisipan ang maaari mong ibigay? Ipaliwanag sa frame na ito mo ilagay ang kasabihang iyong ibibigay. Gawin sa sagutang papel. Kaisipan: ______________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ________________________________________________________. Bakit: ______________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ______________________________________________________.

5. Sa iyong palagay, ganito rin kaya ang naging kasaysayan ng pagkakaroon ng pangalan ng bawat lugar sa bawat rehiyon? Ilagay ang sagot sa loob ng aklat. Gawin sa sagutang papel.

6. Paano nakapag-ambag sa kultura ng kinabibilangang lugar / rehiyon ang mga binasang alamat? Gawin sa sagutang papel. Luzon Pinatubo

Basey

Mga kultura

Visayas

Mindanao Pinto

Palalimin Natin

Isa sa maipagmamalaking talento sa sining ng mga Pinoy ang kakaibang hikayat at pagtangkilik ng madla sa Spice of Life na pinasikat ni Larry Z. Alcala. Ito ay isang uri ng kartun na nagtataglay ng masiglang pagsanib ng sining at siste sa mga kakaiba ngunit nagrereplika ng makatotohanang anggulo ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Naging kakaiba at higit na masining din ang pagkokomentaryo sa paraang nakapagpapatawa at nakapagbubunsod na maging mapag-isip at mapanuri. Nakuha ni G. Larry Z. Alcala ang kawilihan ng kaniyang mga tagasubaybay sa tulong ng paglalagay niya ng kakatwang gawaing paghahanap sa kaniyang imahen na buong talino niyang ikinukubli sa lingguhang isyu ng kanyang kartun sa mga magasin at pahayagan. Ang mga nabanggit nga kaya ang tunay na dahilan kung bakit nahalina ng kartunista ang kawilihan ng mga tagasubaybay.

Mga Elemento ng Spice of Life

Estilo ng Pagkakadibuho

Nilalamang Anggulo ng Buhay Pagsusuri sa mga Elemento ng Spice of Life ni Larry Alcala Ipinahihiwatig na Repleksiyon

Kakatwang Tagpo

Pang-akit sa Babasa o Titingin

Palarawang Komentaryo

A. Suriin at paghambingin ang mga halimbawa ng Spice of Life ni Larry Z. Alcala. Itala sa bawat Display Board sa ibaba ang lahat ng iyong mapupuna sa kartun. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Estilo ng Pagkakadibuho SoL1 SoL2 Pang-akit s Babasa o Titingin SoL1 SoL2

Nilalamang Anggulo ng Buhay SoL1 SoL2 Pagsusuri sa mga Elemento ng Spice of Life SoL2 ni Larry Alcala

Siste o Kakatwang Tagpo SoL1 SoL2

Palarawang Komentaryo Ipinahihiwatig na Repleksiyon SoL1 SoL2 SoL1 SoL2

B. Sa pamamagitang ng Listing, itala ang mahahalagang bahagi o replika ng buhay na inilalarawan sa mga alamat (Alamat ng Bundok Pinatubo, Basey at Bundok Pinto) maging ang mga nasasalaming tiyak na kultura ng Pilipino dito. Gawin sa sagutang papel. Bahagi / Angggulo ng Buhay

Listing

Nasasalaming Tiyak na Kultura

Listing

C. Iguhit ang mga tala na inilista sa Gawain B tulad ng Spice of Life ni Larry Z. Alcala. Gawing modelo ang Spice of Life sa Gawain A. Gawin sa sagutang papel.

D. Balikan ang mga alamat na tinalakay sa aralin 1-5. Pagkatapos ay itala sa tsart ang hinihinging mga impormasyon tungkol dito. Saloobin at Mithiin ALAMAT Rehiyon Kultura ng mga Tauhan Ang Alamat ng Alamat Alamat ng Kodla

Alamat ng Bohol Ang Alamat ng Palendag Dangkaw Alamat ng Bundok Pinto

Handa ka na bang gumawa ng Story Collage? Huwag kang mainip sandali na lang at gagawin mo na ang inaasahang produkto. Alam kong ang bahaging ito ang isa sa pinakagusto mong gawain. Nais ko munang magbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon sa paguugnay ng Spice of Life sa Story Collage. Narito at pag-aralan mo.

Pag-uugnay ng Spice of Life sa Story Collage Ang Spice of Life ay katulad din ng Story Collage. Kasabay ng pagpapalawak sa pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa ang pagiging lalong mapamaraan, malikhain at artistiko ng mga kabataang mag-aaral partikular sa larangan ng pagsasanib ng sining biswal at literatura tulad ng pagbuo ng Story Collage. Ang Story Collage ay isang artistikong komposisyon ng mga bagay o kagamitang magkakatabing idinidikit sa ibabaw ng isang bagay na maaaring sipi ng gawaing literari. Sa pagbuo ng Story Collage, maaaring gumamit ng anumang mga bagay na hiram o orihinal na aangkop sa pangangailangan. Ang pagbuo ng Story Collage bago sumulat ay isa sa mabisang pamamaraan ng mga manunulat upang ang kanilang pagiging malikhain ay dumaloy. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng direksyon at pabilisin ang imahinasyon sa pagsulat. Isa rin itong mabisa at artistikong pamamaraan upang maipakita ang pagkakaugnay-ugnay ng isang konsepto.

Mga Kagamitan sa Pagbuo ng Story Collage 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. Cork board, poster board, plywood, illustration board Mga magasin Mga larawan Mga marker Gunting Thumbtacs o push pin Paste, glue o tape Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Story Collage Hakbang 1 Paglaanan ng oras ang mga ideyang nais ipaloob sa collage. Isulat sa dyornal ang mga naiisip na susing parirala o pahayag na tumutumbok sa pangunahing tema o diwa ng iyong kuwento. Pagnilayang mabuti ang kuwento, lumabas at makisalamuha sa anumang malikhaing pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagkuha ng pinakabuod na ideya ng kuwento. Hakbang 2 Mangalap at kumuha ng magasin, larawan, tula at kasabihan/kawikaan ng mga bahaging makatutulong sa pagbibigay-buhay at damdamin sa ideya ng iyong kuwento. Kung tungkol sa mga pagkakaugnay ng mga kulturang panrelihiyon sa bawat rehiyon ang pinaka-ideya ng iyong kuwento at nakakita ka sa mga magasin ng larawan ng pagdiriwang ng Ramadan, ito ay magiging angkop na angkop sa iyong collage. Hakbang 3 Pumili ng platform na pagpapatungan ng iyong collage. Maaaring gumamit ng cork board, poster board, plywood, illustration board at thumbtacks o glue upang ilagay ang mga larawan o poster at iba pang materyales. Hakbang 4 Tipuning lahat ang gagamiting kagamitan tulad ng markers, stencils, pintura o pastels. Maaari ring gumuhit o magpinta ng larawang babagay sa iyong kuwento kung di nakakita sa mga magasin. Maaari ring samahan ito ng mumunting bahagi ng tula o nakapapapasiglang kasabihan at kawikaan na sa iyong palagay ay makapagbibigay damdamin sa kuwentong nais mong ipaloob sa collage.

Hakbang 5 Isabit o ilagay ang collage malapit sa lugar ng iyong sulatan. Ang pagsulyap dito habang ikaw ay sumusulat ay makatutulong na mapanatili ka sa tamang direksiyon ng isinusulat tungo sa pinakabuod ng kuwento. Hakbang 6. Maging masaya sa iyong ginagawa. Makatutulong ito sa iyo upang gumana ang iyong pagiging masining at malikhain. Hakbang 7 Tingan kung paano ito isinasagawa ng iba. Magsaliksik ng iba pang pamamaraan sa akalatan at internet kung kinakailangan. Narito ang isang halimbawa ng Story Collage

Suriin ang Story Collage na ito. Pagkatapos ay sagutan ang sumusunod na tanong:

1. Anong mensahe ang inilalarawan ng Story Collage? Patunayan sa pamamagitan ng pagbanggit sa larawang makapagpapatunay nito. ___________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Naging malinaw ba ang isyung nais talakayin ng Story Collage batay sa pagkakaayos ng larawan? Paano mong nasabi? ___________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 3. Nasunod ba ng gumawa nito ang pamantayan sa pagsasagawa ng Story Collage? Patunayan. ___________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 4. Gumawa ng isang talata sa kuwento ng Story Collage. ___________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________

Ilapat Mo

Bumuo ng Story Collage (hawig sa Spice of Life ni Larry Alcala) na naghahambing ng kultura ng ibat ibang rehiyon sa bansa natin noon at ngayon. Gawing batayan ang mga alamat na napag-aralan sa pagsasagawa nito. Iguhit o idikit ang mga larawan sa loob ng frame. Gawin sa sagutang papel.

You might also like