Professional Documents
Culture Documents
o pumunta sa pinuntahan ng iba. Halimbawa Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong kabutihan. Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan. Sundan mo siya baka siya maligaw.
SUBUKIN at SUBUKAN Subukin (to test, to try) masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain; Subukan (to see secretly) palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang tao Halimbawa: Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin. Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay
SUKLAYIN AT SUKLAYAN Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba Suklayan ng buhok ang ibang tao Halimbawa: Suklayin mo ang buhok ko, Luz. Suklayan mo ako ng buhok, Alana
Sipa at Tadyak Sipa ginagamit ang paa sa pag-abot o pag-usog ng bagay Tadyak ginagamit ang paa sa matinding pananakit Halimbawa: Sipain mo nga yang aso na iyan upang umalis. Isang mariing tadyak ang binitiwan niya sa nahuling magnanakaw