You are on page 1of 71

Pakikinig

Hearing vs Listening

Pakikinig
Isang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mula sa salita na narinig, dinadala ang mensahe sa utak upang bigyang pakahulugan kung ano ang narinig

Kahulugan ng Pakikinig

Kahulugan ng Pakikinig
Natututo ang tao na magsalita ng isang bagay batay sa kanyang narinig, kung paano at gaano narinig ang wika. (Nida, 1957)

Kahulugan ng Pakikinig
Ang kakayahang umunawa at matukoy ang mensahe o sinasabi ng nagsasalita ay nasa pakikinig. (Yagang, 1993)

Kahulugan ng Pakikinig
Sa karaniwang pakikipag talastasan sa araw-araw, doble ang paggamit natin sa pakikinig kung ihahambing sa pagsasalita at apat hanggang limang ulit na ginagamit sa pagbabasa at pagsulat. (Rivers, 1980)

Batay sa isang pag-aaral:


Panahong Ginugugol Sa isang Araw
9% 45% Pakikinig Pagsasalita 30% Pagbabasa

16%

Pagsusulat

Kahalagahan ng Pakikinig

Kahalagahan ng Pakikinig
Mabilis na pagkuha ng impormasyon. Daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan. Sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa naririnig.

Kahalagahan ng Pakikinig
Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman.
Ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kaisipan at maunawaan ang kinikilos gawi at paniniwala. Lumilikha ito ng pagkaka-isa, sa loob ng tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan.

Proseso ng Pakikinig

Proseso ng Pakikinig
Tunog o Mensahe o

Tunog sa
Pamamagitan ng Tainga

Pagdala ng mensahe o tunog (auditory nerve)

Pagdala ng mensahe o tunog sa utak

Pagsagot sa
mensahe o tunog na narinig (Reaksyon) Pagpapakahulugan ng salita o tunog Interpretasyon ng Mensahe

Proseso ng Pakikinig
1. Tunog o mensahe na narinig sa pamamagitan ng tainga
2. Pagdala ng mensahe o tunog (auditory nerve) 3. Pagkilala ng mensahe o tunog

Proseso ng Pakikinig
4. Interepretasyon ng mensahe
5. Pagsagot sa mensahe (Reaksyon)

Elemento na Nakakaimpluwensy a sa Pakikinig

Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig


1. Oras Depende sa oras ang pagtanggap ng tagapakinig sa komunikasyon.

Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig


2. Edad Iba ang kasanayan ng tao sa pakikinig. Lalo na ang mga bata at matanda.

Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig


3. Tsanel Suliranin kung ang tsanel ay telepono, celfon, radyo, atbp.

Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig


4. Konseptong Pansarili Nasa sariling pagkakahulugan ng tagapakinig ang kanyang narinig.

Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig


5. Kultura Ang pagkakaiba-iba ng kultura ay nagdudulot ng ibat ibang pagpapakahulugan.

Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig


6. Kasarian Magkaiba ang babae at lalaki sa estilo ng pakikinig.

Elemento na may Impluwensya sa Pakikinig


6. Lugar Mas maganda ang pakikinig kung mas komportable ang pinangyayarihan ng komunikasyon.

Uri ng Pakikinig

Uri ng Pakikinig
Passive o marginal Hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ang mensahe sapagkat may ibang ginagawa.

Uri ng Pakikinig
Masigasig Taimtim na pakikinig upang may mauunawaan na bagong kaalaman.

Uri ng Pakikinig
Kritikal mapanuri. Layunin ay makuha ang mensahe, magbigay ng puna, at suriin ito ng mabuti.

Uri ng Pakikinig
Paglilibang Pakikinig para sa sariling kasiyahan.

Uri ng Pakikinig
Deskriminatibo Nais matukoy ang pagkakaiba ng verbal at diverbal na komunikasyon.

Uri ng Pakikinig
Komprehensibo Pinagtutuunan ng tagapakinig ang nilalamang mensahe ng tagapagsalita.

Uri ng Pakikinig
Paggamot Layunin ay pagdamay at pakikisimpatiya.

Uri ng Tagapakinig

Uri ng Tagapakinig
Eager beaver Tagapakinig na ngiti ng ngiti at tango ng tango kapag may kausap.

Uri ng Tagapakinig
Sleeper Nauupo sa tahimik na sulok at walang intensiyong makinig.

Uri ng Tagapakinig
Tiger Laging handang makinig at hinihintay magkamali ang tagapagsalita

Uri ng Tagapakinig
Bewildered Laging walang maintindihan sa narinig

Uri ng Tagapakinig
Frowner Laging may tanong at pagdududa

Uri ng Tagapakinig
Relaxed walang reaksyon habang nakikinig. Tila walang interes.

Uri ng Tagapakinig
Busy Bee may ibang ginagawa habang nakikinig.

Uri ng Tagapakinig
Two-eared listener gumagamit ng tenga at utak sa pakikinig

Katangian ng Mabisang Pakikinig

Katangian ng Mabisang Tagapakinig


1. Huminto sa pagsasalita
2. Kontroling ang kapaligiran

3. Ihanda ang sarili


4. Pakinggan ang impormasyon at layunin ng tagapagsalita

Katangian ng Mabisang Tagapakinig


5. Magkaroon ng bukas na isipan
6. Iwasang maging madamdamin at emosyonal 7. Iwasan o ipagpaliban ang panghuhusga sa kausap

8. Patapusin ang tagapagsalita

Mga Dahilan ng Pakikinig

Mga Dahilan ng Pakikinig


1. Upang makakuha ng impormasyon
2. Upang masuri ang mensahe

3. Upang mapagtanto o masusing mapag-aralan ang mensahe


4. Upang lalong malinang ang kaalaman

Mga Sagabal sa Pakikinig

Mga Sagabal sa Mabisang Pakikinig


1. Pisikal
2. Sikolohikal

3. Wikang ginamit
4. Pagbuo ng maling kaisipan

Mga Sagabal sa Mabisang Pakikinig


5. Pagkiling sa sariling opinyon
6. Pagkakaiba-iba ng kahulugan 7. Pagkakaiba ng kultura 8. Suliraning Pansarili

Pagsusulit

15-item quiz

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


1. Sino ang nagsabi na natututo ang tao na magsalita ng isang bagay batay sa kanyang narinig, kung paano at gaano narinig ang wika.?

A. Nida
B. Yanga C. Rivers D. Guttan

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


2. Ilang porsyento ng iyong araw ang ginugugol mo sa pagbabasa? A. 30% B. 16% C. 45% D. 9%

Tukuyin kung ano ang elementong nakakaapekto sa pakikinig ang naisasaad sa mga sumususunod na sitwasyon.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


3. Magkausap ang mag-inang si Josie at Helen sa cellphone. Hindi magkarinigan ang dalawa dahil mahina ang signal sa kinaroroonan ni Helen

A. Lugar
B. Edad C. Tsanel D. Oras

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


4. Nasa estasyon ng tren si May. Kausap niya ang kanyang nobyo. Hindi sila magkaintindihan dahil sa dami ng tao at ingay.

A. Kasarian
B. Lugar C. Edad D. Kultura

Tukuyin ang uri ng pakikinig na isinasaad sa pangungusap.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


5. Ang layunin nito ay matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon. A. Komprehensibo B. Kritikal C. Deskriminatibo

D. Paggamot

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


6. Ang layunin nito ay para sa pansariling kasiyahan. A. Paglilibang B. Masigasig C. Kritikal D. Passive

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


7. Ang nakikinig dito ay hindi pinagtutuunan ang mensahe at may ibang ginagawa. A. Passive B. Deskriminatibo C. Kritikal

D. Masigasig

Tukuyin ang uri ng tagapakinig sa mga sumusunod.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


8. Uri ng tagapakinig kung saan kahit anong pilit ay walang naiintindihan at walang alam. A. Frowner B. Sleeper C. Tiger

D. Bewildered

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


9. Uri ng Tagapakinig na kitang-kita na walang interes sa pakikinig. Walang makikitang reaksyon mula sa kanya. A. Relaxed B. Sleeper C. Eager beaver

D. Busy Bee

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


10. Uri ng tagapakinig na abala sa ibang gawain at tila hindi naman talaga nakikinig. A. Eager beaver B. Busy Bee C. Frowner

D. Tiger

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


11. Tagapakinig na handang magreak sa anumang sabihin ng tagapagsalita. A. Two-eared listener B. Sleeper C. Frowner D. Tiger

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


12. Pinakamagandang uri ng tagapakinig. Gumagamit ng tenga at utak. A. Busy Bee B. Sleeper C. Frowner D. Two-eared listener

Tukuyin ang sagabal sa pakikinig.

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


13. Tumutukoy sa ingay sa loob at labas ng silid o kapaligiran. Maaaring tumukoy sa mismong kapaligiran ng komunikasyon. A. Sikolohikal B. Wikang ginamit C. Pisikal

D. Pagkaiba ng Kultura

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


14. Hindi maintindihan ni Leslie ang leksyon ng guro dahil iniisip niya ang pagtatalo ng kanyang nobyo. A. Sikolohikal B. Suliraning pansarili C. Pagkakaiba-iba ng kahulugan

D. Pagbuo ng maling kaisipan

Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.


15. Hindi magkaintindihan si Carding at ang amo niyang Amerikana. Napatalsik tuloy siya sa kanyang trabaho. A. Pansariling suliranin B. Pagkakaiba ng kultura C. Sikolohikal

D. Pagkakaiba-iba ng kahulugan

1.A 2.B 3.C 4.B 5.C 6.A 7.A 8.D

Mga Tamang Sagot


9.A 10.B 11.D 12.D 13.C 14.B 15.B

Sanggunian:
Antonio, L. F., Mangahis, J. C., Nuncio, R. V., & Javillo, C. M. (2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon: C&E Publishing, Inc. Bernales, R. A., Tumangan, A. P., Lim, D. P., & Mangonon, I. A. (2000). Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasa). Valenzuela: Mutya Publishing House, Inc. Rodrigo, M. C. (2009). Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Filipino 1). Mandaluyong: Books Atbp. Publishing Corp.

You might also like