You are on page 1of 3

MGA MANLALARONG PILIPINO

Rafael "Paeng" Nepomuceno

Si Rafael "Paeng" Nepomuceno ay Filipinong bowler na nasa unang hanay ng


pandaigdigang manlalaro, at maibibilang sa isa sa matatagumpay na
atletang nag-ambag nang malaki upang sumulong ang bowling sa Filipinas.
Kinikilala rin siya bilang pinakamagaling na bowler sa buong mundo nang
makamit niya nang anim na ulit ang pandaigdigang kampeonato.

Mga Parangal

Humamig ng mahahalagang parangal si Paeng, at kabilang dito ang medalya


ng Legion of Honor mula sa pangulo ng Filipinas at Presidential Medal of
Merit. Ginawaran din siya ng limang ulit na "Atleta ng Taon" ng Philippine
Sports Association (PSA), at pagkaraan ay nakamit ang PSA Hall of Fame.
Kikilalanin din ng Senado at Mababang Kapulungan ng Filipinas si Paeng
bilang "Pinakamahusay na Filipinong Atleta sa Anumang Panahon."

Ginawaran ni Juan Antonio Samaranch si Nepomuceno ng IOC President's


Trophy na kauna-unahan sa kasaysayan ng bowling. Ginawang inmortal
naman sa museo ng St. Louis Missouri, United States si Paeng, nang itanghal
ang kaniyang pitong talampakang retrato na nakakahon sa salamin para sa
karangalang International Bowling Hall of Fame. Noong 1994, inilabas ng
Guinness Book of World Records ang mga rekord ni Nepomuceno, nang
makamit nito ang pinakamaraming bilang ng World Cup sa loob ng tatlong
dekada. Sa edisyong 2003 ng Guiness, kinilala si Nepomuceno bilang
pinakabatang nagwagi ng pandaigdigang kampeonato sa edad 19.

Samantala, kinilala ng World FIQ si Nepomuceno bilang "International Bowler


of the Millennium" upang kumatawan sa mahigit 100 milyong bowler sa
buong mundo.

MANNY PACQUIAO: KAMPEON HABANG BUHAY

Sa wari, kuta-kutakot na swerte ang dumarating sa buhay ng Filipino boxing


idol na si Manny Pacquiao. Pagka’t pagka-tapos ng matagumpay niyang
pakikipaglaban kay Oscar Larios, ginawaran naman siya ng Order of
Lakandula Award na mismong ipinagkaloob ni Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo sa Malacanang noong ika-3 ng Hulyo.
Lydia de Vega

Si Lydia de Vega, na kilala ngayon bilang Lydia de Vega-Mercado, ang


itinuring na pinakamabilis na babaeng tumakbo sa paligsahan sa Asya noong
dekada 1980. Dalawang ulit siyang nakapag-uwi ng medalyang ginto sa
Asian Games sa takbuhang may layong 100 metro, ang isa noong 1982
Asiad, at ang ikalawa ay noong 1986. Noong Asiad Games sa Seoul, South
Korea, nagwagi ng medalyang pilak si Lydia sa takbuhang may layong 200
metro. Dalawang medalyang ginto ang nakamit niya sa Southeast Asian
Games na ginanap sa Maynila noong 1981. Siya ang kauna-unahang
babaeng lumahok at tumakbo sa lárang ng atletika noong Olimpiyada.
Noong 1983, ipinakita ni Lydia ang kaniyang husay sa pagtakbo nang muling
makamit niya ang medalyang ginto sa SEA Games na ginanap sa Singapore
noong 1993.

Kayumanggi, matangkad, malantik ang balakang, mahahaba ang binti, at


may ngiting makaaakit sa sinumang lalaki ang mga katangian ni Lydia na
nagpatingkad sa kaniyang karera. Higit pa rito, laging bukambibig niya ang
pagwawagi para sa bayan, at para sa ikalulugod ng kaniyang mga
kababayan.

Akiko Thomson

Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy.


Marami na siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa
mga medalyang ito ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap sa
Pilipinas noong 1991.

Gabriel "Flash" Elorde

Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang


napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin
tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Parañaque na pinagdarausan ng
mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports
Compex.
Eugene Torre

Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino
kundi pato na sa paglalaro ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na
Pilipinong manlalaro sa chess. Kilala siya sa ibang bansa tulad nina
Nepomuceno, Elorde, at De Vega.

Robert Jaworski

Tala ng medalya

Panlalaking Basketbol

Mananaligsa para sa Pilipinas

FIBA Kampeonato ng Asya

Ginto 1967 Seoul Pangkoponan

Ginto 1973 Maynila Pangkoponan

Pilak 1971 Tokyo Pangkoponan

Tanso 1969 Bangkok Pangkoponan

Si Robert Salazar Jaworski (ipinanganak Marso 8, 1946 sa Baguio, Pilipinas),


kilala rin bilang Sonny Jaworski, Bobby Jaworski, Jawo, at Robert Jaworski, Sr.,
ay isang dating senador ng Pilipinas at isang sikat na manlalaro sa Philippine
Basketball Association (PBA).

Kilala bilang The Big J noong panahon ng kaniyang paglaro sa PBA, nairangal
si Jaworski na isa sa “25 Best PBA Players of All Time”. Noong 1998, tumakbo
siya sa pagkasenador at nanalo.

You might also like