You are on page 1of 4

Wikang Filipino: Lenggwahe ng Pag-unlad at Pagbabago.. ni Pat V. Villafuerte Ang bayan ko'y Pilipinas. Sibilisado ang bayan ko.

ang bayan ko'y sibilisado. Kayat mga mamamaya'y nasa lipunang maka-Diyos, makatao. May batas na sinusunod May buhay na pinangangalagaan May kapayapaang hinahangad May katarungang ipinaglalaban May kapantayang inaasam Dukha man o mayaman Matalino man o mangmang Anuman ang pinagmulan, gulang at kasarian. Kaya,sa bayan ko, ang ipinatutupad: " pamahalaan ng mga bata at hindi ng tao Sapagkat sa ilalim ng batas ay naroon ang tao" Kayraming batas na umukit sa kasaysayan May nagpagimbal ng kasaysayan May nagpabago ng kasaysayan May nagpahirap ng kasaysayan sa kasaysayan ng lahing Pilipino sa kasaysayan ng wikang Filipino Kinano ang sistema ng edukasyon Diwang kanluranin. Ideolohiyang hiram. Di lang wika ang nagbago. Pati utak at puso, sinangkutsang todo-todo. Pati sistemang legal ay hinango sa Amerika't Europeo; Kodigo sibil. Kodigo penal. At kung anu-ano pang likido, Tatak ay dayuhan. Himig ay banyaga. Wika'y diFilipino. Ay, paano ka na Juan? ang batas na para sa iyo ang batas na para sa kagalingan mo ang batas na makapagliligtas sa iyo Di matanggap ng utak mo. Di makuha ng puso mo. Di maangkin ng kaluluwa mo. Ay, salamat sa Konstitusyon mo 1935: " Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng isang panlahat na pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." Dahil dito, Binuwag ang bakas ng kolonyalismo maliban sa wikang ingles Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa Pilipino ang itinawag na pambansang wika Dahil dito, lumaganap ang dyalekto Tinangghan ng puristang Tagalog Itinayo ang mga sentrong pangwika. naragdagan ang mga termino sa wika. Ay, salamat sa Konstitusyon ng 1987: " Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito'y dapat pagyabungin at pagyamanin pa Salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga

wika." Dahil dito, wikang opisyal sa komunikasyon ang Filipino Wikang panturo sa edukasyon ang Filipino Ipinatupad ang patakarang edukasyong bilinggwal Ginamit ang Filipino sa mga opisyal na korespondensya't transaksyon Binago ang alpabeto Tinanggap ang repormang ortograpiko Pinayaman ang establisadong bokabularyo Naging lingua franca ang Filipino ng mga Pilipinong nasa ibang bansa Naging bukambibig ang mga sari-saring termino: Retorika, panghihiram at pagsasalin. Terminong syentipiko't katawagang teknikal. Ekspansyon at elaborasyon Istandardisasyon, modernisasyon at intelektwalisasyon Filipino, ay Filipino.....Saan? Saan ka patungo? Maunlad at patuloy na umuunlad ang wikang Filipino Maunlad? Bakit? patuloy na umuunlad? Paano? Filipino'y dapat istandardisado Simulan sa aklat-bararila't diksyunaryo Filipino'y dapat modernisado Simulan sa paglikha at pagsasalin ng mga termino Filipino'y dapat intelektwalisado Simulang ipagamit sa lahat ng larangan ng pagkatuto Sa syensya't teknolohiya at sa mga kauri nito. Dahil sa Filipino Pinasisigla ang malikhaing pagsulat Ipinagpapatuloy ang pagsasalin ng mga akda at termino Hinahasa ang kasanayan sa wika para sa edukasyong pansyensya Nakapagsasalin ng mga terminong pang-agham sa Filipino ang isang syentipiko at di-syentipiko Kaya nga, Kung ang pagkakakilanlan sa wika ay buhay, dinamiko at patuloy sa pag-unlad, Kung ang pag-unlad ng wika ay hindi pangarap kundi kaganapan Kung ang kaganapan sa wika ay hindi pamumulitika kundi pagsasakatuparan Kung and pagsasakatuparan sa wika ay isang kadakilaan Sana'y maipagpatuloy Na maging wika ng komersyo, industriya, edukasyon, kultura't politika ang Filipino Sana'y maipagpatuloy na gawing opisyal na wika ang Filipino sa tatlong sangay ng pamahalaan. sana'y maipagpatuloy Na maging intelektwalisado ang Filipino sa iba't ibang larangan at kapag ito'y naganap ang wikang Filipino'y magsisilbing lenggwahe ng pagunlad at pagbabago. ng maraming pagbabago at walang katapusang pag-unlad

Pilipino : Isang Depinisyon


Pilipino : Isang Depinisyon ni Ponciano Pineda (Solo - babae) edukasyon ay hulog ng langit

(Lahat) ano ka? ano siya? ano ako? ano tayo? sabi nila'y Pilipino

kastilaloy ang panturo, kastilaloy ang balangkas kaya't ako'y nakastila sa kaluluwa at sa balat

ugat natin ay Silangan anak dagat ang ninunong hatid dito ng barangay galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan dito sila ipinadpad / ng magandang kapalaran

(Lalaki) pinagtilad-tilad - ikaw, ako't siya sa adhika paghatiin : devide et impera at yumabong

(Solo) naibigan itong pulo / kaya't dito nangagkuta nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang masagana may ugaling katutubo, may gobyerno at bathala may samahan at ibigan, maayos at payapa may sariling wika tayo raw ito sa ante-panahon / ng kolonyalismo

(Solo 1) Ilukano'y Ilukano

(Solo 2) Kapampanga'y Kapampangan

(Solo 3) Bikulano'y Bikulano

(Lalaki) walang abog mula sa Kanluran / ang dayo'y sumapit ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig siniil ang laya, kinamkam ang yaman barangay ay binuwag mga tala ay sinunog abakada'y ibinawal ipinasiyang mga mangmang ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay

(Solo 4) ang Cebuano ay Cebuano

(High) iyang Waray laging Waray ang Ilongo ay Ilongo mga Muslim laging Muslim

Ibanag ay Ibanag Zambal ay laging Zambal ang Aklan ay Aklan

(Babae - medium) at naging alipin ang bayan kong irog ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan, ma-Tagalog (Babae - medium) ang Tagalog ay Tagalog

(Babae - high) at sa halip, at sa halip pinalitang lahat-lahat ang gobyerno / ang relihiyon, ang ugali, ang kultura Kinastila itong dila itong puso'y Kinastila

kanya-kanya, tayu-tayo masawi na ang sampangkat, malipol man ang santribu

(Low, Medium, High) huwag lamang tayo

huwag lamang ako pagkat tayo'y ito mga Pilipino

devide et impera

(Solo 1) Ilukano'y Ilukano

(All) ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik (Solo 2) Kapampanga'y Kapampangan (Lalaki) kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib bumagsak ang mapaniil / na nag-iwan ng bakas kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad kaya'y laya'y itinindig / sa kislap ng mga tabak at sa awit nawagayway ang maningning na sagisag (Low and medium) ang Cebuano (High and Low) dapwat sasansaglit pagsasarili ay inagaw ng malakas iyang Waray laging Waray ang Ilongo ay Ilongo mga Muslim ay laging Muslim (Low) Bikulano'y Bikulano Pangasina'y Pangasinan

dinagit ng dambuhalang diumano'y bagong mesiyas diumano'y naparito upang noon ay iligtas

(All) ang Tagalog ay Tagalog kundi lang itong akin

(All) di gayon nga autoridad ay naiba napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema ngunit 'yon din: ang dayuha'y panginoon Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod walang tutol

mabuti pa ang sa dayo ito tayo Pilipino isang lahing makaako, tayu-tayo

(Low) at nagdilim at kumulog at kumidlat at lumindol

(Medium and High) edukasyon popular: Kinano ang sistema umunlad, di nga kasi: Pilipino ay dumunong naging Kano sa ugali, naging Kano da damdamin naging Kano sa isipan, naging Kano sa pagsulong

at ang ulan gumuhos at bumaha at umunos ang sanlahi'y nagliliyab nalulunod nagliliyab nalulunod

(High) ay, salamat sa karimlan

sadyang gayon ang katuwiran masterin mo iyang wika't ang kultura niyang wika'y ikaw iyang mamasterin ang nangyari: ang produkto nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo di gradwadong makabansa, hindi-hindi Pilipino

ay, salamat sa magdamag at sumilay ang liwayway ng maningning na liwanag isang phoenix ang nagbangon sa abo ng lumipas

(Medium) nagmistulang manunubos ng naamis nating palad kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo

(All)

nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago

tenancy, ekonomiya, sosyedad, gobyerno edukasyo'y nakaangkop sa lahat ng kailangan nang sa gayo'y bumalikwas ang dugahi nating bayan

(Solo) pinabubulas ngayong muli ang kulturang katutubo bilang tanda ng luwalhati ng kahapong siniphayo ang layuni'y isang lahin sumapit na isang bansang hindi dayo isang lahi't bansang Pilipinong-Pilipino

(Medium and Low) kailangan natin ngayon ay uri ng paturuang magbubuklod sa biyaya ng magandang katubusan sambandila't isang awit, isang wikang hindi hiram dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan

(All) at pag ito'y natupad na' at pag ito'y naganap na masasabing taas-noo ikaw, siya saka ako'y mga bagong Pilipino

Exit: Tugtugin "Ako ay Pilipino" hanggang sa ang koro ay makababa

http://teksbok.blogspot.com/p/nobela.html

You might also like