Professional Documents
Culture Documents
Trabaho ko sa Starbucks, akin munang uunahin Bago man ako umalis, Ikay pinagtitimpla, Ng kapeng iyong paborito Kasama sa almusal mo. Pag-uwi koy aking mapapansin Dalawang basot platong marumi Bumisita kaya si ina? Mukhang dalawa kayo kanina. At sa ating pagtulog Ikay tinanong ko Ang sinagot mo lamang: Matulog na tayo At ng kinabukasan, pag-uwi sa trabaho Ang kapeng aking tinimpla Akin pa ring nadatnan Pati mga damit mo, wala na sa kwarto. Ikay aking naiintindihan Sadyang kay pait ng ating pagmamahalan Di man lamang tayo mabiyayaan Isang supling na maaalagaan. Sa aking muling pagising Akoy magtitimpla pa din Umaasang makukuha ko ang tamang tamis Upang sayong pagbalik Salamat po Mam! Balik kayo! Dahil ang Kapeng aking tinimpla, Iyong gusto.