You are on page 1of 4

Unang Periodical Test Para sa First Grading Period sa Araling Panlipunan 8 Pangalan: ________________________ Taon at Seksyon: ______ Petsa:

_____ Iskor: ___

I. Knowledge A. TAMA O MALI. Isulat ang Tama sa patlang kung ang totoo ang isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung hindi. (10 puntos) _______1. Ang Asya ay nahahati sa 49 na bansa. _______2. Kabilang ang tao sa pag-aaral ng heograpiya dahil malaki ang epekto nito sa kanyang pamumuhay. _______3. Ang salitang heograpiya ay nagmula sa mga salitang Griyego na geo at graphein na nangangahulugang lupa at pagbasa. _______4. Ang salitang Asya ay nagmula sa salitang Aegean na Asu na nangangahulugang paglubog ng araw. _______5. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig kung pagbabatayan ang lawak at laki ng populasyon. _______6. Ang absolute location ay ang posisyon ng isang lugar ayon sa pagkakaugnay o relasyon nito sa ibang mga lugar na nakapaligid ditto. _______7. Ang relative location ay ang posisyon ng isang lugar ayon sa latitude at longitude. _______8. Ang mga dagat ang nagsilbing lunduyan ng sibilisasyon sa Asya. _______9. Ang vegetation cover ay tumutukoy sa panakip sa lupa na ibinibigay ng mga halaman. _______10. Tropical ang nararanasang klima sa Timog-Silangang Asya. B. Multiple Choice. (10 puntos) _______1. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig at ng mga taong naninirahan dito. A. heograpiya C. araling panlipunan B. vegetation cover D. meteorolohiya _______2. Tinagurian siyang Ama ng Heograpiya. Siya rin ang itinuturing na Ama ng Kasaysayan. A. Aristotle C. Plato B. Herodotus D. gsgdg _______3. Ito ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. A. tectonic plate C. topograpiya B. kontinente D. lokasyon _______4. Ito ang pinakamalaking anyong tubig sa mundo. A. lawa C. dagat B. golpo D. karagatan _______5. Ito ay isang malawak na lupaing nagtataglay ng damuhang mayroon lamang ugat na mabababaw. A. savanna C. steppe B. prairie D. disyerto _______6. Ang lupang ito ay may mga damuhang mataas na malalim ang ugat. A. savanna C. steppe B. prairie D. disyerto _______7. Ito ay lupaing pinagsamang mga damuhan at kagubatan. A. savanna B. prairie

C. steppe D. disyerto _______8. Ang mga kagubatang ito ay coniferous at kadalasang nasa pagitan ng katimugan ng mga tundra at hilaga ng grasslands. A. rainforest C. tundra B. taiga D. jungle _______9. Ito ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan. A. rainforest C. tundra B. taiga D. jungle _______10. Ito ay tumutukoy sa karaniwang panahon na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon. A. heograpiya C. panahon B. vegetation cover D. klima C. PAGKILALA. Kilalanin kung saang rehiyon nabibilang ang mga sumusunod na bansa sa Asya. Isulat ang GA sa patlang kung kabilang sa Gitnang Asya, KA kung sa Kanlurang Asya, SA kung sa Silangang Asya, TA kung sa Timog Asya at TSA kung sa TimogSilangang Asya. (10 puntos) _______1. Pilipinas _______6. India _______2. North Korea _______7. Israel _______3. Kazakhstan _______8. Japan _______4. Timor Leste _______9. Turkmenistan _______5. Iran _______10. Turkey D. PAGTATAPAT-TAPAT. Pagtapat-tapatin ang mga deskripsyon sa Hanay A sa mga anyong lupa at anyong tubig na nasa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot. (10 puntos) HANAY A HANAY B a. Indonesia _______1. pinakamalaking karagatan _______2. pinakamahabang bulubundukin sa mundo b. Himalayas c. Pasipiko _______3. pinakamataas na bundok d. Lake Baikal _______4. pinakamataas na talampas e. Gobi Desert _______5. pinakamalaking arkipelago f. Everest _______6. pinakamalaking lawa g. Marianas Trench _______7. pinakamalalim na lawa h. Caspian Sea _______8. pinakamalalim na bahagi ng karagatan i. Dead Sea _______9. pinakamababang lugar sa daigdig j. Tibet _______10. pinakamalaking disyerto sa Asya k. Arabian Desert II. Process/Skills A. Bilugan ang titik ng konseptong hindi kabilang sa grupo at isulat sa patlang ang dahilan kung bakit ito naiba. (10 puntos) 1. _____________________________________________________________________ A. Mga anyong lupa at anyong tubig B. Klima at panahon C. Kasaysayan ng mga bansa D. Mga uri ng likas na yaman 2. _____________________________________________________________________ A. Caspian Sea B. West Philippine Sea

C. Dead Sea D. Lake Baikal 3. _____________________________________________________________________ A. steppe B. monsoon C. prairie D. savanna 4. _____________________________________________________________________ A. temperatura B. ulan C. hangin D. topograpiya 5. _____________________________________________________________________ A. Taiga B. Sentral continental C. Tropical D. Monsoon climate B. Gamit ang mapa sa ibaba, tukuyin ang relatibong lokasyon ng mga sumusunod na bansa sa Asya. (___ puntos)

1. India

2. Philippines

3. China

4. Russia

5. Iran

III.

Understanding Maam hindi pa po ako nakakagawa para sa part na ito, bukas na lang po. Paki-tsek na lang po yung items para sa Knowledge and Process, pati na rin po directions. Try ko rin po humanap ng ibang mapa for Test II-B. Thanks and pasensya na po.

You might also like