You are on page 1of 1

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas

gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila. ANG PROSESO NG PAKIKINIG 45% ay nagagamit sa pakikinig 30% ay sa pagsasalita 16% ay sa pagbabasa 9% naman sa pagsulat

KATUTURAN AT KAHALAGAGAN NG MASINING NA PAKIKINIG Ang matamang pakikinig sa guro ay lubhang nakatutulong sa mag-aaral upang siyay makakuha ng mataas na marka. Sa tanggapan, ang mga impormasyon ay kadalasang ibinibigay nang pasalita, halimbawa sa pag-uutos, sa panayam at talakayan, nangangailangan ito ng buong atensyon, pagtanda at paggunita sa mga naririnig o napakikinggan. (nakakakuha ng impormasyon.) Lalong kailangan ng wastong pakikinig sa buong mag-anak. Nagkakaisa at nagkakaunawaan ang mga ito sa wasto at mabisang pakikinig ng isat isa. (daan ng pagkakaunawaan) Nagbibigay babala. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

You might also like