You are on page 1of 49

BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Group 3

BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

KAHULUGAN NG PANANALIKSIK Maraming manunulat at mga eksperto ang nagbibigay ng ibat-ibang interpretasyon at pagpapakahulugan sa pananalliksik.

Ayon kay AQUINO (1974) Ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na pasang pagaaralan.

Ayon kay MANUEL at MEDEL (1976): Ng nanaliksik ay isang prosesong paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang particular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong paraan. Ayon kay PAREL SANCHES (1980) ang pananaliksik bilang sistematikong pagaaral o pagsisiyasat bilang sagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik.

Ayon kina TREECE at TREECE (1977) Ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng sulosyon sa mga suliranin. Ito ay tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon para ssa pagpapaliwanag at pagbibigay ng prediksyon. Ayon kina ATIENZA at iba pa (1996) ng Unibersidad ng pilipinas Ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pagaaral tungkol sa isang bagay , konsepto,kagawian, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay sistematiko

Itoy sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na naglalatung matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan.

Ang pananaliksik ay empirikal

Ipinapakita dito na kapag ang lahat ng datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hipotesissa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat. Ang mga empirikal na mga datos na ito ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng konklusyon.

Ang pananaliksik ay pagsusuri


Itoy

masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginagamit samantala ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro kuro o interpretasyon.

Dito makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng konklusyon. Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at iba pa. ang mga dokumentong ito ang sinisiyasat ng mabuti upang mabigyan ng interpretasyon.

Ang pananaliksik ay obhetibo, walang kinikilingan at lohikal

Ipinapakita sa pahayag na ito na ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinion ng mananaliksik. Isa pa, ang mananaliksik ay dapat walang pinapanigan o kinakampihan at dapat itala ang anuman ang magiging resulta ng pagaaral. Isang krimeng matatawag ang pagmamanipula sa resulta ng anumang pagaaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging obhetibo.

Ang pananaliksik ay ginagamitan ng Hipotesis

Ayon kay GAY (1976) Ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isaagawang pagaaral. Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pagaaral.

Makatutulong din ito sa pagbibigay ng pormat sa presentasyon, pagsusuri at interpretasyonng mga datos sa ginagawang pagaaral. Ang ibang mga thesis ay hindi na gumagamit ng mga tanong sa simula ng kabanata at sa halip, gumagamit ng kwantitatibo o estadistikang pamamaran.

Tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik

Katangian ng isang mananaliksik

Ang isang mananaliksik ay masigasig

napakaraming impormasyon na makukuha sa gagawing pananaliksik subalit kailangang pagtiyagaan at pagsikapang makuha ang mga aklat , dyornal, magasin, tesis at disertasyon na makatutulong sa paksang pagaaralan. Maliban dito, mahalaga at nakatutulong din ang ibat-ibang institusyon , media at nga taong may kaalaman sa paksang pagaaralan. Kung hindi masigasig ang mananalisik sa paghahanap ng tamang impormasyon, maaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.

Ang mananaliksik ay masinop pagkatapos na makuha ang lahat ng impormasyong kailangan sa gagawing pananaliksik, sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mgaimpormasyon. Pagingatan ang mga talang ito para hindi maaksaya ang panahon sa muling paghahanap kung sakaling mawala ang mga dokumentong kailangan.

Ang mananaliksik ay masistema Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin niya sa pananaliksik. May talatakdaan siya kung kalian ang pagkuha ng mga datos, pakikipanayam sa taong napili na makapagbibigay ng impormasyon, pagsusuri ng mga datos, pagsulat ng unang burador ng sulating pananaliksik at iba pa. kung walang sistema ang pananaliksik, malabong matapos niya ito sa itinakdang panahon.

Ang mananaliksik ay maparaan Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik. Kung hindi niya mahanap ang impormasyon. Kailangan gumawa siya ng paraan para makita o makuha ito. Sa bahaging ito makikita ang pagiging maparaan ng isang mananaliksik.

Ang mananaliksik ay magaling magsiyasat Ang mga impormasyong nakuha ay tinitimbang na mabuti kung nararapat at di-nararapat isama. Sinusuring mabuti ang interpretasyon ng mga datos kung itoy may kaugnayan o may kabuluhan sa paksang pinagaaralan.

Ang pananaliksik ay may pananagutan Ang mga awtoridad o eksperto at mga manunulat na ginagamit sa pananaliksik ay dapat kinikilala. Mahalangang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi maparatangan ng pangongopya lamang ang isinulat ng ibang tao. Bukod ditto, responsable rin ang mananaliksik sa bawat datos na kinukuha hanggang sa mabuo ang isinasagawang pagaaral.

Responsibilidad ng isang mananaliksik Huwag mangopya ng mga impormsyong gagamitin sa sulating pananaliksik. May batas tayo na nagpaparusa sa tuwirang pangongopya ng impormasyon na hindi kinakilala ang tunay na sumulat nito. Tinatawag na PLAGIARISM ang tuwirang pangongopya ng ga impormasyon.

Ayon kay Atienza at iba pa, ang plagiarism ay:


Tuwirang

paggamait ng orihinal na termino o salita na hindi ginagamitan ng bantas na panipi at hindi binabanggit ang pinaghanguan; Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinapalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi kinikilala ang pinaghanguan;

Pamumulot ng mga ideya mula sa ibat ibang mananaliksik o manunulat at pinagsasama sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguan datos: Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala na salin ang mga ito; at

Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala ang pinagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mga datos. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik. Isa itong pagkilala sa awtoridad ng nasabing manunulat.

Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon. Nagpapakita ito na kinikilala mo ang taong orihinal na nagbigay ng gayong ideya. Gamawa ng bibliograpiyasa mga ginamit na sanggunian bilang nagpapatunay na may sapat na batayan ang ginawang pananaliksik.

Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta gn isinagawang pag-aaral. Isang malaking kamalian ang pandaraya sa resulta ng pananaliksik.

Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang anumang pagtatangka na manipulahin at dayain ang isinagawang pag-aaral.

ANG PAMANAHONG PAPEL

Kahulugan

Pamanahong Papel isang uri ng papelpampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din itong term paper.

BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS


1.

2.

Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito. Pamagating Pahina - ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.

3.

4.

Dahong Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel. Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayoy nararapat na pasalamatan.

Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. 6. Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. 7. Fly Leaf 2 isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
5.

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang Panimula o Introduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. 2. Layunin ng Pag-aaral inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pagaaral. Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
1.

3.

4.

Kahalagahan ng Pag-aaral inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral. Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik

Definisyon ng mga Terminolohiya ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isay binigyan ng kahulugan. Maaaring itong: Operational na Kahulugan kung paano ito ginamit sa pananaliksik Conceptual na Kahulugan istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.
1.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon. gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

a. Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptivanalitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. b. Respondente tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.

c. Instrumento ng Pananaliksik inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang. d. Tritment ng mga Datos inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil itoy isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON

Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III. 2. Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik. 3. Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.
1.

MGA PANGHULING PAHINA Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel. Ang Apendiks ay tinatawag ding DahongDagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarveykwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.

Paksa at Pamagat ng pananaliksik

Hanguan ng Paksa : Sarili karanasan, nabasa, napakinggan, napagaralan at natutuhan Dyaryo at Magasin napapanahong isyu, kolum,liham sa editor,at iba pang seksyon ng dyaryo at magasin Radyo, TV at Cable TV programang edukasyunal Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro Internet Aklatan

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


Kasapatan ng Datos sapat na literatura hinggil sa paksa Limitasyon ng Panahon Kakayahang Pinansyal Kabuluhang Paksa Interes ng Mananaliksik

Paglilimita ng Paksa

Panahon Edad Kasarian Perspektib/ pananaw Lugar Propesyon o Grupong kinabibilangan Anyo o uri Partikular na halimbawa o kaso Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan

Pagdidisenyo ng Paksa

Ang pamagat ay kailangang maging malinaw ( hindi matalinhaga), tuwiran (hindi maligoy) at tiyak hindi masaklaw. May iminumungkahi ring bilang ng mga salita sa pamagat, hindi kasama ang mga salitang pangkayarian tulad ng pantukoy,pananda at pang-ugnay. Hanggat maaari ang mga salita ay hindi kukulangin sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu.

You might also like