You are on page 1of 1

MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN 1. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.

Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan. 2. Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit. Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera. 3. Kung hindi ukol, walang bukol. Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo. 4. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya. 5. Kung ano ang puno, siya ang bunga. Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. 6. Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin. Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo. 7. Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat. 8. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan. 9. Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. 10. Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin. 11. Ang peran galing sa kasamaan, dulot ay himagsikan. 12. Ang taong walang tiyaga, ay walang diplomang mapapala.

You might also like