You are on page 1of 1

YAPOS NI INA

Poll Anthony R. Santillan

Naaalala ko pa, isang araw at ang alapaap ay madilim na hatid ng sungit ng panahon. Datapwat gaano man kadelikadoy ang Ina koy preparado pa rin upang muling makipagsapalaran sa pinagkukunan ng pag-agdong buhay. Maiintindihan ko kung bakit hindi niya pinansin ang panangis namin sapagkat ang kanyang gagawiy para rin sa amin. Masakit may nagawa niyang iwan kami, sinuong niya ang bagyo paakyat tungo sa negosyo. Tumtanda rin ang tao, dahilan kung bakit nais ko nang makapagtapos ng pag-aaral. Pribilehiyo kong tulungan siya, upang sa ganun mabayaran ko pabalik ang arugang ibinibigay niya. Laking pasasalamat ko sa sa Diyos, sa binigay niyang gawad- ang aking Ina. Inang sa aming apat na magkakapatid ay umalalay. Mula noon pa, laking pagpapakasakit ang kanyang mga ginawa na hinding-hindi mapapawi sa aming isipan. Sa kanyang mga ginagawa, lunggati niya ang aming buhay na maging maayos at puno ng katiwasayan. Dahilan kung bakit kahit matanda na siyay patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran niya. Sa mga ginagawa niyang pagtitiis, napag-aaral niya kami nang sa gayoy mapupunan raw ang aming pagkabatid dahil sa ito raw ang kanyang maiiwang kayamanan sa amin na hindi kayang bilhin ng iba. Masungit... Nakakatakot.. minsay ang hawak na pamaloy napuputol. Pantal ang nagiging resulta. Subalit ganun man siyay mahal ko pa rin siya. Sapagkat Idolo ko ang aking Ina. Laking pasasalamat ko sa aking Ina. Alam kong hindi sapat ang pagpapasalamat ko sa kanya sa lahat ng mga nagawa niyat naging kontribusyon niya sa aking buhay. Sa mga leksyon niya sa amiy, lalo na sa akiy hindi mawawala. Bibitbitin ko ito magpakailanman. Ang mga itoy magsisilbing bagahe ko tungo sa daang siya ang nagturo sa akin upang bigyang katuparan ang aking mga nais sa buhay. Utang ko sa kanya ang lakas ko. Ang naging buhay niya ang nagpalakas sa akin na suongin lahat ng unos na darating pa. Dahil sa kanyang pagmamahal, pag-unawa at pagkalinga, alam kong mahahanap ko ang katiwasayan. Na kahit matanda na akot nasa tamang edad nay hahanaphanapin ko pa rin ang yapos ni Ina.

You might also like