You are on page 1of 7

1. ANO ANG DAMDAMIN NI J.RIZAL TUNGKOL SA REBOLUSYON?

Para kay Rizal, ang rebolusyon ay isang napakalaking hakbang na kailangang paghandaan ng bansa. Hindi siya sang-ayon sa madugong rebolusyon kayt hindi nakitaan ngpagsuporta si Rizal sa mga kilusan na ang layunin ay maghimagsik. Iba ang pananaw niya rito, dahil hindi siya sang-ayon sa pagpatay ng tao kayat sa pamamagitan ng pagsusulat ay pinabatid niya ang kanyang konsepto ng rebolusyon. 2. PAANO NIYA GINUGOL ANG BUHAY SA DAPITAN? Pinatapon si Jose Rizal sa Dapitan, Zamboanga noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi rito. Ang pera nakuha niya sa pagkapanalo sa Manila Lottery at sa pagkatrabaho niya bilang isang magsasaka at negosyante ay nagamit sa pagbili ng isang lupain sa Talisay, malapit sa Dapitan. Dito sa lupa ay nagtayo siya ng tatlong bahay na gawa sa kawayan, kahoy at nipa. Nakatira sa unang bahay si Jose Rizal at ang hugis nito ay parisukat. Nakatira naman sa pangalawang bahay ang mga mag-aaral ni Jose Rizal. At ang huli ay gumawa si Jose Rizal ng isang tirahan para sa mga alaga niya na manok. Ang pangalawang bahay ay hugis octagon dahil may walong bahagi ito, samantala ang pangatlong bahay naman ay hugis na hexagon, ito ay may anim na bahagi/parte. Masaya nanirahan dito sa Dapitan si Jose Rizal. Siya ay nangagamot sa mga maysakit tuwing umaga, tapos pupunta siya sa Dapitan gamit ang baroto, (isang barko) para magbigay lunas sa mga pasyente rito. Nagtuturo at nagtatanim si Jose Rizal tuwing hapon. Tahimik ang buhay ni Jose Rizal dito. Maraming siya naging kaibigan. Noong unang Pasko niya sa Dapitan, may imbitasyon si Jose Rizal galing kay Kapitan Carnicero na doon sa kanila ipagdiwang ang Noche Buena. Nakapagbili si Jose Rizal ng maraming lupain dahil sa kanyang mga naipon na pera. Ang mga ito ay tinanim niya ng maraming prutas, kape at cacao. Tinuruan din niya ang mga magsasaka ng mga moderno paraan ng pagtatanim tulad ng paglagay ng tamang pataba sa lupa. Habang nasa Dapitan si Jose Rizal, pinag-aralan din niya ang mga wika ng Malay, Bisayan at Subanun. Napakagaling ni Jose Rizal. Maraming siyang alam na wika, at lagi niya ito natatandaan at nagagamit niya ito kung may dayuhan siyang kausap. Nakagawa din siya ng mga tula tulad ng "Mi Retiro" (My Retreat). Marunong din si Jose Rizal magpinta. Sa loob ng Simbahan Santiago, sa Dapitan ay mayroon gawa na painting si Jose Rizal. Tinawag siya ni Padre Balaguer para gumawa nito. Dahil kailangan ng pari ang painting para ilagay sa likod ng altar. Mayroon mga nilikha si Jose Rizal ng mga sculptures tulad ng statue ng isang babae na tawag ay "The Dapitan Girl"; bust ng kanyang Ateneo professor na si Father Jose Guerrico; isang bust din ni St. Paul na binigay niya kay Father Pastells at isang woodcarving ni Josephine Bracken, ang asawa ni Jose Rizal. Mahusay si Jose Rizal sa pagmamahala ng negosyo. Kasama ni Jose Rizal sa negosyo si Ramon Carreon. Sila ay mayroon negosyo na hemp, pangingisda, at copra. Nag-imbento din siya ng cigarette lighter na ang tawag niya ay sulpukan at isang makina na kahoy para makagawa ng maraming wooden bricks. Noong Pebrero 1895, nagpagamot si George Taufer, isang bulag na pasyente ni Jose Rizal. Ngunit hindi nagaling si Taufer. Sinamahan siya ni Josephine Bracken, ang ampon ni George Taufer sa pagpunta niya sa Dapitan. Dito nakilala ni Jose Rizal si Josephine at nagustuhan niya ang magandang dalaga. Sila ay nagpakasal subalit hindi sila pinalad magkaroon ng anak dahil namatay ang bata habang ipinapanganak. Huling araw ni Jose Rizal sa Dapitan noong Hulyo 31, 1896. Sumakay siya sa "Espana", pangalan ng barko papunta ng Maynila. Binenta niya ang mga kanyang lupain sa

mga taga-Dapitan. Malungkot umalis si Jose Rizal at sumigaw ng "Adios Dapitan" sa mga nagmamahal sa kanya sa Dapitan. Kasama rin si Kapitan Carnicero sa paghatid kay Jose Rizal at may banda nagtugtog ng "Chopin's Farewell March" para sa pag-alis ni Jose Rizal. 3. ALIN ANG LITERATURA O AKDA ANG PINAKAMALAPIT SA KATANGIAN NI RIZAL? IPALIWANAG. Para sa akin, ang pinakanagbigay kulay sa mga katagian ni Rizal ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa dalawang akdang ito ay naipakita ang ibat ibang mukha ni Rizal. Ang kanyang pag-ibig sa kanyang magulang, sa kanyang babaeng iniirog, ang pagmamahal niya sa bayan, ang pagrespeto niya sa mga nakakatanda, ang paggalang niya sa simbahang katoliko, ang pagsang-ayon at pagtangggi niya sa mga desisyon, at kung anu-ano pang katangian ng isang Jose Rizal. Makikita ang pagpapahalaga niya sa lahat ng bagay at tao na nasa kanyang paligid. Sa mga katangian na nabanggit ay maiuugnay natin ito sa kanyang talambuhay kung paano niya pinalakad ang kanyang buhay noong nabubuhay pa lamang siya. Hindi maitatanggi na napakadakila ni Rizal dahil sa mga katangian niyang ito. 4. ANO ANG KANYANG SALOOBIN AT KAISIPAN TUNGKOL SA MGA SUMUSUNOD: A. PAGKAKAMIT NG PAGBABAGO Hindi natin makakamit ang pagbabago kung sa mismong sarili natin ay hindi natin binabago. Ang pagbabago ay nagsisimula sa ating sarili at pinapalaganap na lang natin sa ating mga kapwa. Hindi natin agad agad makakamit ang pagbabago dahil mahabang proseso ito at nangangailangan ng matinding pagtiyatiyaga upang makamit ito. B. PAGKAKAMIT NG KALAYAAN Sa pagkamit na kalayaan, hindi kailangan ang marahas na pamamaraan dahil wala tayong karapatan na manakit o pumatay ng tao. Sa pamamagitan ng magandang usapan maaayos ang mga bagay-bagay. Katulad ng ginawa ni Rizal, sa pamamagitan ng kanyang pluma ay hindi na nya kinailangan pang gumamit ng dahas para lang mapalaya ang bansa sa pagmamalupit ng mga dayuhan. C. EDUKASYON Binigyan ng importansya ni Rizal ang edukasyon at isa ito sa hakbang na tinutungo ng mga Pilipino upang makamtan ang kanilang kinaaasam na kalayaan mula sa Espanya. Isa ito sa kanyang paraan upang ma-iumulat ang mga mata ng Pilipino sa nangyayari sa kanilang kapaligiran, konsepto ng liberalismo, kalayaan at pagkamit ng kanilang mga pangarap. Upang tuluyang lumaya ang Pilipinas sa dominasyon ng Espanya ay kailangan ng mga Pilipino ng wastong edukasyon upang magkaroon tayo ng kaalaman sa iba't-ibang aspekto ng lipunan, wastong pamamahala, pagpasan ng responsibilidad at mga natatanging solusyon sa mga problema, at ang pinakaimportante sa lahat ay ang konsepto ng nasyonalismo. Nakasaad din sa kanyang mga kasulatan ang pagbibigay halaga ni Rizal sa edukasyon, sa Noli Me Tangere, isa sa mga hakbangin ni Ibarra ang makapagpatayo ng paaralan sa San Diego. Hindi lamang sa kasulatan ni Rizal makikita ang kanyang pagpapahalaga kundi sa kanyang pagbabalik ditto sa Pilipinas ay nagturo siya ng libre sa kanyang kapwa Pilipino. Para kay Rizal ang edukasyon ang magiging "motivating force" or "driving force" na magdadala sa mga Pilipinong nag-iisip sa kaunlaran at pagkakaisa.

D. DAKILANG LAYUNIN Ang layunin ni Rizal ay makita ang Pilipinas na malaya at nakakatayo sa kanyang sariling mga paa, hindi umaasa sa ibang bansa at nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito ang dakilang layunin ni Rizal at sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaasam asam ng mga Pilipino. E. TUNGKULIN NG ANAK SA MAGULANG Ang mga magulang ang pinakamahalagang tao sa buhay ng isang anak at dahil dito binigyang diin ni Rizal ang tungkulin ng mga anak sa kanilang mga magulang. Nais nyang ipabatid na dapat nirerespeto at minamahal ng mga anak ang kanilang mga magulang dahil noong musmos pa lamang sila ay ang mga magulang na ang nagtiyagang arugain sila. Dapat na hindi binabalewala ang mga magulang katulad ng ginawa ni Rizal sa kaniyang mga magulang. Taas noo at buong pagmamalaki niya ang kanyang mga magulang at minamahal niya ng lubos ang mga ito. F. PAGMAMAHAL SA BAYAN Bilang isang mamamayang Pilipino, tungkulin ng bawat isa na mahalin ang ating bayan. Ipinakita niya rito na ang pagmamahal sa bayan ang susi upang hindi tayo masadlak sa pagka-alipin.ang pagmamahal sa bayan ang tanging maipagmamalaki ng isang mamamayan. At sa mga simpleng bagay lang ay maaari ng maipakita ito. 5. ANO ANG KATANGIAN AT KAISIPAN NI RIZAL NA KAILANGAN/RELEVANT SA KASALUKUYANG PANAHON? IPALIWANAG. Ang pagiging makabayan o pagmamahal sa sariling atin. Sa panahon natin ngayon lumalaganap na ang KPop, Harlem shake at kung ano ano pang mga pauso ng ibat ibang kultura. Nawawala na ang kultura natin at nahahaluan o natatabunan nan g mga banyagang kultura. Pangalawa ay ang pagrespeto sa sarili at sa kapwa. Sa panahon ngayon, hindi na mahalaga sa mga tao ang kanilang puri. Masyado na malawak at bukas ang isipan ng mga tao sa lahat ng bagay at masyado ng mabusisi at curious ang mga isipan ng mga kabataan. Kaya kailangan ang mga katangian at kaisipan na ito upang mapanatili ng maayos ang buhay ng mga Pilipino. 6. IPALIWANAG ANG MENSAHE NG MGA SUMUSUNOD: A. LIHAM SA MGA KADALAGAHAN NG MALOLOS Ipinahayag ni Rizal ang kanyang papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga kababaihan sa pagsulong ng karapatan sa edukasyon. Namulat siya sa pananaw na ang kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan at batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karunungan ay patunay ng pagkamulat sa tunay na kahulugan ng kabanalan- kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-iisip. Binigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng mga kababaihan bilang dalaga at asawa. Kaugnay nito, inilarawan din niya ang katangian ng mga kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay pinakita ang babaing Sparta bilang huwaran ng pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito upang mataguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol sa bayan. Bahagi rin ng liham ang pagpapaalala ni Rizal sa lahat na gamitin ang isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan at hind imaging alipin ninuman. Pinupuna ang mga hindi kanais-nais na Gawain ng mga prayle, gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunat at huwad na relihiyon. Ang payo ni Rizal ay mulatin ang mata ng anak sa pag-

B.

C.

D.

E.

F.

iingat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa, sa tinubuang lupa at sa pagtupad ng ukol. THROUGH EDUCATION THE COUNTRY RECEIVES LIGHT Pinakita ni Rizal sa tulang ito kung gaano niya pinapahalagahan ang edukasyon. Kilala natin si Rizal dahil sa hindi pangkaraniwang talino na taglay niya at sa katangian niyang ito pinapakita na ang pinakamalaking sandata ng tao ay ang kanyang edukasyon. Sa pamamagitan ng edukasyon, nagkakaroon tayo ng kamalayan sa lahat ng bagay. Pinakita rin niya dito ang kaugnayan ng relihiyon at edukasyon. Ang edukasyon ang naghuhubog sa isang tao ng kanyang mga ugali, talino at kakayahan at ang relihiyon naman ang gabay nito para sa tuwid na daan. ANG KATAMARAN NG MGA PILIPINO Inaamin ni Rizal na lahat ng lahi ay may mga tamad na mamamayan ngunit pinangatwiranan niya na tayong mga Pilipino na hindi natin iyon namana sa ating mga ninuno kundi pinagkatandaan lamang. Nakita natin sa mga Espanyol na lagging may muchacha o utusan at pumupunta sa trabaho ng huli at uuwi ng maaga. Sa mga Espanyol din natutunan ng mga Pilipino ang pagsasabong at baraha. Sa pamamagitan ng pagsusugal naniwala silang magkakaroon ng salapi sa madaling paraan kung kaya hindi na nila kinakailangan pang magbanat ng buto. Itong akdang ay tungkol sa pagiging tamad ng mga Pilipino ngunit ipinakita ni Rizal na ang pinanggalingan ng mga ito ay ang ating mga sarili ngunit higit sa lahat impluwensiya ng mga Kastila. Ang mga Pilipino ngayon ay lalong nagiging tamad dahil sa klimang dulot ng Global Warming. Sa bilis ng pagpalit ng panahon maraming pagbabago ang nagaganap. Dulot pa ng teknolohiya, maraming Pilipino ngayon ang tamad kahit na sa pansariling kapakanan tulad ng simpleng pag-eehersisyo. Ang ibang kabataan naman ay nagiging palaasa na lamang sa kanilang mga magulang na halos ibigay na ang lahat. Nagiging daan tuloy upang ang mga kabataan ay halos maghintay na lamang ng lahat ng mga biyayang maibibigay. ANG PILIPINAS SA LOOB NG 100 TAON Sa akdang ito ay pinakita ang pagtanggi ng mga Pilipino sa sarili nilang kultura at nagpasailalaim sila sa rehimen ng Kastila. Ginamit ng mga kastila ang relihiyon upang mapasunod ang mga Pilipino ngunit hindi nagtagal ay muling nagising ang mga Pilipino sa realidad na inaalipin sila ng mga dayuhan kayat nabigo ang mga Kastila sa kanilang layunin na masakop ang bansang Pilipinas. Ipinakita rin dito ang mga kaganapan sa loob ng sandaang taon. Sa aspeto ng politikal, edukasyon at sa teritoryo ng ating bansa. ISANG ALAALA NG AKING BAYAN Sa tulang ito ipinahayag ni Rizal ang kamusmusan niya.ipinakita rito kung gaano kagaan ang buhay ng isang bata at kung gaano siya kalaya na tuklasin lahat ng malalabong bagay sa kanyang paligid. Inihayag rin dito ang kanyang pananabik sa kanyang ina at kung gaano siya nangungulila sa simpleng buhay niyanoong bata pa siya.ang kanyang pananampalataya sa Diyos na siyang gumagabay sa kanya ay kanya ring binanggit. Dito ipinahayag ni Rizal kung gaano kaganda at kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang tinubuang lupa at kasabay na rin nito ang pagmamalaki niya sa Diyos na siyang lumikha ng lahat. IMNO SA PAGGAWA

Sa "Himno ng Paggawa" isinalaysay ni Jose P. Rizal ang kasipagan ng mga tao sa Lipa, Batangas. Sa panahon na tayo'y nasa ilalim ng pamumuno ng Espanya gera't pag-aaway para sa pinapangarap na kalayaan na dapat ay nasasaatin. Inilarawan ni Rizal dito ang bawat tungkulin na ginagamapanan nang mga tao sa bayan ng Lipa, mula sa mga kababaihan hanggang sa mga ina, sa mga ama at sa umaasa pang maging ama, mula sa mga bata at sa hinaharap pang umaasa sa buhay. Para sa kalalakihan ng Lipa, ang trabaho nila ay tatak ng kabuhayan. Sipag at tyaga ang sandata at dugo't pawis ang ibidensya ng kanilang buhay.. Isang simbolo na sana'y makuha ng lahat ng Pilipino lalong lalo na ang mga ama. Ang kahirap ay kanilang binabaliwa dahil para ito sa kanilang kinabuhayan at kinabukasan ng kanilang mga anak. Ang bagay na hindi pinaghihirapan ay kahit kailan ma'y kaligayahan ay hindi makakamit. Ang ama ay itinuturing gabay ng kanilang mga anak at ang sipag na kanilang ipinapakita ay maaasahang gagawin rin ng mga bata. Sila ang halimbawa na hinahanap ng marami at kinakailangan ng bayan. Nasa sakanila ang pag-angat ng inang bayan.Ang sipag ng ama ay siyang sinusuklian ng asawang tapat at tunay na umiibig. Ang ina ang liwanag ng tahanan. Lahat ng ipinaglalaban ay sadyang walang kapalit kapag para sa iniibig. Tunay nga naman na para sa lalaki ang buhay na pinahahawakan ay baliwala kapag walang hinahatian. Ang ina ang sumasalo ng hirap na di kinakaya ng ama. Kapag sila ay magkasama lahat ay kayang lagpasan.Ang buhay nang bayan ay hindi humihinto sa mag-asawa at sa kanilang anak. Mula sa pagkabata siya rin ay lalaking tunay binata't dalaga. Marami ang lumalaban sa Kastila na sa maagang edad ang mga kalalakihan ay sumasabak. Para sa mga dalaga ang masipag at matyaga ang nananaig sa kanilang mga puso. Ang panliligaw ay isang halimbawa. Suyuin ng mga binata ang kanilang iniirog sa hinaharap panghabang buhay nilang makakasama. Ang mga nagnanais na mabuhay na sagana ay tinalag dapat ang gawain ang paghirapan. Ang matibay at malakas ganun rin ang katangian na posibleng makuha ng magiging anak. Ang ala-ala at lahat ng pinaghirapan nang magulang ay dadalhin din ng kanilang mga anak. Ang mga bata ang kinabukasan ng bayan. Sa huli ay lahat ng ating ginawa ay isasalin rin natin sa mga bata ng susunod na henerasyon. G. HULING PAALAM Sa akdang ito ay makikita natin ang kung gaano kasaya si Rizal na natapos ang buhay niya na may kapayapaan at kontento siya sa 35 taong pananalagi niya sa mundo.sa 35 na ton niya ay nagampanan niya na maayos ang kanyang tungkulin bilang isang anak, kapatid, mananampalatay, mangingibig at isang mamamayang Pilipino. Natapos ang buhay niya ng walang panghihinayang at puno ng pasasalamat sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. 7. ANO ANG NILALAMAN AT KAUGNAYAN NG SUCESOS DELAS ISLAS FILIPINAS SA ATING KASAYSAYAN? Isa sa mga unang libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, Sucesos de las Islas Filipinas, ay sinulat ni Antonio de Morga. Ito ay isang sanaysay na nagpahiwatig ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa mula 1493 hanggang 1603, at sa kasaysayan ng Pilipinas mabuhat 1565. Ang sulatin ni Morga ay importante sapagkat siya ay isang royal official ng Espanya, isang keen observer, at kasama sa mga pangyayari sa bansa. Ang sakop ng librong ito ay ang

pulitikal, sosyal, at ekonomikal na aspeto ng mga mananakop at sinasasakop. Kasama na rin ang mga praktikal na pang-araw araw ng mga gawain sa mga isla, polisiya ng gobyerno, at mga kalakasan at kahinaan nito. Ang una hanggang pitong kabanata ay tungkol sa mga nahanap, nasakop, at iba pang nangyari sa bansa at sa mga kalapit na bansa hanggang sa administrasyon at sa pagkamatay ni Don Pedro Acua. Inihati ang mga kabanata ayon sa ibat ibang Espaol na namahala sa voyage ng Espanya at pati na sa bansa, tulad nila Legazpi, de Lavezaris, de Sande, de Pefialosa, de Vera, Dasmarias, Tello at iba pa. Ang ika-walong kabanata ay tungkol sa mga natives, gobyerno, conversions, at mga iba pang nangyari sa bansa na nakatuon sa mga Pilipino. Taong 1890 nang inilabas ni Jose Rizal ang anotasyons sa libro ni Antonio de Morga. Sa kanyang paglalakbay ay pinagbuti niya ang pag-aaral sa kasaysayan, kultura ng Pilipinas, at sa pananalita ng wikang Pilipino. Binigyan niya ng malaking importansya ang pambansang wika sapagkat alam niya na ito ang salapi ng isang bayan upang maintindihan at makilala ang pinanggalingan at makita ang paroroonan. Kahit na siya ay mas interesado sa sosyal at agham, nakita niya ang mga kailangang sangkap upang magkaroon ng mas maganda at malaganap ang isang bayan. Sa paglahad ng anotasyons sa Sucesos de las Islas Filipinas, gusto ni Rizal na mapakita ang kasaysayan ng Pilipinas, hindi lamang sa panahon ng pananakop ng mga Espaol, pati na ring ang lagay ng Pilipinas bago ito sakupin at ang kalagayan niya sa panahong iyon. Pinili niya ang Sucesos sapagkat naramdaman niyang kailangan ibunyag ang testimonya ng isang Espaol na sinakop ang kinabukasan ng Pilipinas sa pagpasok sa panibagong yugto ng bansa at pati na rin dahil si de Morga ay saksi sa huling hininga ng ancient nationality. Kasama sa kanyang mga anotaysons ang pagbibgay liwanag sa mga detalye ng libro, ang mga hindi pagsangayon sa mga sinulat ni de Morga, at pati na rin ang mga konpirmasyon sa mga parte ng kasaysayan mula sa ibang sulatin. God! Gold! And Glory! Ito ang mga layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas. Maraming tinalakay si Rizal sa kanyang anotasyon: ang gobyerno at bansang Espanya, ang Katolikong relihiyon, mga pangalan at lalawigan sa Pilipinas, ang kultura ng Pilipinas, ang mga Pilipino, ang mga Intsik, at ang kasakiman at pananakit ng Espanya. 8. ANO ANG MGA PINAHAHALAGAHAN/VALUES NI RIZAL BILANG PILIPINO? Ang pinahahalagahan ni Rizal bilang Pilipino ay ang pagmamahal at pagrespet niya sa Diyos. Sa bawat ginawa niya ay isinaalang alang niya muna ang Diyos. Pinakita niya rito kung gaano siya katiwala sa Diyos na kahit sa huling mga sandal niya ay hindi niya nakalimutang magpasalamat sa Panginoon. Pangalawa ay ang pagmamahal niya sa ating bansa. Dito ay pinakita niya na kahit buhay pa niya ang kapalit ay hindi niya iindahin makamit lamang ang inaasam asam na kalayaan ng bawat Pilipino. Pangatlo ay ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya at kapwa Pilipino. Sa mga ginawa niyang akda ay laging nakalaan ito sa kanyang panilya at mga kapwa at syempre pinagkaloob niya ang kanyang buhay. Panghuli ay ang pagpapahalaga niya sa edukasyon. Para sa kanya, ang edukasyon ang tanging sandata na hinding hindi maaagaw ng kahit na sinuman. Ang mga katangian niyang ito ang nagbigay ng kahulugan sa 35 taong pamumuhay ni Rizal. 9. ANO ANG MAHALAGANG PAPEL NI JOSE RIZAL SA KASAYSAYAN NG BAYAN?

Si Jose Rizal ay isang ordinaryong tao na naghating ng malaking pagbabago sa buhay ng mga mga Pilipino at sa bansang Pilipinas.hindi maipagkakailang nagging malaki ang papel niya sa ating kasaysayan na mapahanggang sa kasalukuyan ay nauungkat pa rin ang kanyang kabayanihan. Napakalaki ng iniwang legacy ni Rizal sa ating bansa. Isa siya sa mga taong nagging dahilan kung bakit tayo nakakatamasa ng kalayaan. 10.SINO SI DR. JOSE P. RIZAL BILANG ANAK? ESTUDYANTE? MANGINGIBIG? KARANIWANG PILIPINO? Si Rizal bilang anak ay isang mapagmahal, matulungin, at may respeto sa mga magulang. Sa kabila ng kanyang pagkapilyo noong bata pa siya ay makikita natin kung gaano niya pinahalagahan ang kanyang mga magulang at kung paanong respeto ang binigay niya sa mga ito. Si Rizal bilang estudyante ay masipag matiyagang mag-aral at may taglay na di pangkaraniwang talino. Isa siya sa mga nangunguna sa kanilang klase at kay niyang makipagsabayan sa kahit anong lahi. Si Rizal bilang isang mangingibig ay mapagmahal at kapag nagmahal siya ay todo todo. Madali lamang siyang mahumaling sa mga kababaihan ngunit totoo ito kung magmahal. At kahit anong mangyari papanindigan nya ang kanyang pag-ibig katulad na lamang ng kwento tungkol sa kanila ni Josephine Bracken na kahit hindi sila naikasal sa simbahan at pinangakuan niya ito ng wagas na pagmamahal. Si Rizal bilang isang karaniwang Pilipino ay isang tipikal na mamamayan sa ating bansa. Hindi naman mawawala na marunong si Rizal na magalit, tumawa, maglaro at kung anu-ano pang ginagawa ng isang karaniwang Pilipino. 11.ANO ANG KAUGNAYAN NG URBANA AT FELIZA SA PANAHON NI RIZAL? IHAMBING ANG PANITIKAN SA KASALUKUYANG PANAHON. Ang urbana at feliza ay binubuo ng 34 na liham. Ito ay naglalaman ng wastong pag-uugali sa labas at loob ng bahay. Ang kaugnayan nito sa panahon ni Rizal ay kung paano siya nakitungo sa ibat ibang antas ng tao sa lipunan. Ang panitikan sa kasalukuyang panahon ay masyado ng bulgar at minsan ay may mga explicit na laman. Iba pa rin talaga ang mga sulat ng mga manunulat noong unang panahon. Dahil sa masyado ng malawak at bukas ang isipan ng tao ay nakakalimutan na nila ang kahalagahan ng pagiging konserbatibo at minsan ay hindi na nila isinasaalang-alang ang mga mambabasa ng kanilang akda. 12.IPALIWANAG ANG NAGING KAUGNAYAN NI RIZAL SAIYO BILANG PILIPINO? Malaki ang nagging impluwensiya ni Rizal sa akin. Unang una ay ang kanyang pagmamahal at takot sa Diyos dahil lahat ng ginagawa niya ay inalay niya sa ating Panginoon. Pangalawa ay ang respetopara sa kanyang mga magulang nakita ko sa kanya. Sa lahat ng pagkakataon nirerespeto at minamahal niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Atpinakahuli ay ang kanyang pagmamahal sa ating bansa. Hindi natin kailangan na mamatay para tawaging bayani dahil sa dugo palang natin ay nananalaytay na ang dugo ng bayani ang dugong Pilipino.

You might also like