You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA ni Pat V.

Villafuerte Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulay ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan; mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan maging sa paglaki hanggang sa kamatayan. Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig: ng mga paham, syentipiko, mananaliksik, o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisdat magbubukid bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit: ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit. Iisa ang diwang kanilang pinapanday iisa ang mithiing sa puso nilay bumubukal iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw: kamiy palayain o bayan kong minamahal. A, oo nga pala bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata may busal ang bibig, may gapos-tanikala Silay mga buhay ngunit di-humihinga sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa. Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala may tagisan ng matuwid, maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit. Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkat tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas. Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao. wikang naglalagos sa isipang makabansa wikang nanunuot sa damdaming makalupa. At, paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan! Ah, hanggang kailan susukatin? hanggang kailan bubuhayin? hanggang kailan maaangkin?

Layang mangusap, layang sumulat layang mamuhay, layang manalig layang humalakhak, layang maghimagsik maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik! Kasaysayan palay mababago isang saglit sa dakong silangan . . . doon sa silangan ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit naantig ang diwang inaliping higit tumibok ang pusong dating di-humihibik nagising ang ugat ng hapong mga bisig. bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib. sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nagalsat tumindig. lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig! laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig. Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa kilalat di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayamat mahirap, matalinot mangmang, aktibistat militar. nagkaisang ganap sa isang mithiing kapangapangarap. propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro, mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid. nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa. Ang wikang ginamit? Wikang Filipino! wikang ginagamit sa lahat ng dako ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, maIlokano, ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, maBikolano ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng itoy Filipino! wika ng pagkakaisa, kababayan mat dayo wikang tagapagligtas ng digmaat gulo wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

You might also like