You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I.

Layunin : a. Natutukoy ang ibat ibang uri ng transportasyon mula bahay patungo sa paaralan base sa distansya ng tirahan.

II.

III. I.

Paksang Aralin A. Ako at ang Aking Tahanan At Paaralan B. Sanggunian: Araling Panlipunan Teaching Guide C. Konsepto: May ibat-ibang uri ng transportasyon ang ating sinasakyan patungong paaralan. D. Proseso: Pagtukoy Pamamaraan : Pamukaw Siglang Gawain A. Panimulang Gawain: Mga bata, gusto nyo bang umawit? Opo. Magaling! May inihanda akong awitin dito. Ang pamagat ng awitin ay Ang Dyip ni Mang Juan. (Aawitin muna ang kanta) (Aawitin ang Dyip ni Mang Juan. B. Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya Mga bata, maaari ninyo bang iguhit ang ating silid-aralan patungong silid-aklatan? Opo. (Igughit ang munting mapa).

2. Paglalahad Ano ang inyong sinasakyan patungong eskwelahan?

Dyip po. (Mag-iiba-iba ang sagot ng bata depende sa loksayon ng tirahan ng bata.)

3. Pagtuturo Mga bata, ang uri ng transportasyon na sinasakyan nating ay depende sa layo o lapit ng ating tirahan sa eskwelahan o sa lugar na ating pinupuntahan. Naintindihan ba mga bata? Opo.

4. Pagtatalakay Ikaw, saan ka nakatira? Sa Lagalag pos a West gate. (Mag-iiba-iba ng sagot.) Saan ka nasakay patungong paaralan? Sa dyip po. (Mag-iiba-iba ng sagot.)

5. Kasanayang Pagpapayaman Isulat ang mga transportasyon na ginagamit papunta sa mga sumusunod : a .bahay - palengke b. bahay - eskwelahan c. bahay tindahan 6. Kasanayang Pagkabisa Saan ka nga uli nakatira? (Sasagot ang bata kung saan siya nakatira) Anong nga uling ang uri ng transportasyon ang sinasakyan mo? (Sasabihin kung dyip, bus, tricycle o motor.)

7. Paglalahat Anu-anonga ang ibat ibang uri ng transportasyon? Dyip, motor, bus, bisikleta, atbp. 8. Pagpapahalaga Mga bata palagi ninyong tatandaan na mahalaga ang mga sasakyan dahil malaki ang naitutulong nito sa atinm upang makarating ng mabilis at maayos sa ating pupuntahan. Malinaw ba? Opo.

9. Pahuling Pagtataya Iguhit ang inyong tahanan at ang iyong sinasakyan patungong paaralan IV. Takdang Aralin: Iguhit ang isa sa madalas mong sakyan patungong paaralan.

Prepared by: Ma. Elaiza G. Mayo

You might also like