You are on page 1of 22

Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o palapalagay.

Maaring tungkol sa tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ginagamitan ito ng makulay, mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang (naamoy, nalalasahan, naririnig) pananalita.

Nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay Pagbibigay ng katangian ayon sa ibat ibang pandama.

Pagpapahayag na ginagamit ang mga pandama upang sa pamamagitan ng mga salita, kataga, at pangungusap ay gumaganap sa katangian ng isang bagay, tao, tanawin, mga pangyayari, at iba pa (Lilia Antonio, 2004)

Layunin nito na makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan. Malimit gamitin ang Paglalarawan sa bahagi ng pagsasalaysay na mangangailangang tumukoy ng mga kongkreto o abstrak na bagay na binibigyang-hugis o anyo upang maliwanag na malikha sa isipan ang mga binubuong larawan.

Layunin din nitong makapagbigay ng impormasyon. At para makapanggising ng damdamin.

1.

2.
3. 4. 5.

Ang Ang Ang Ang Ang

paggamit ng wika pagiging organisado ng paglalarawan mga ginagamit na detalye pananaw o ang punto de vista naiiwang impresyon o kakintahan

Ito ang Karaniwang paglalarawan. Ibat ibang istilo ang pagkakasunod-sunod ng detalye sa nasabing paglalarawang ito, tulad ng: a. Pangkalahatang impresyon b. Mas partikular na mga detalye c. Kalahatang katangian ng bagay, at d. Ang kongklusyon na siyang dagdag na paliwanag sa pangkalatang impresyon

2. 3. 4. 5.

Piktoriyal o grapikong paglalarawan Pagpaparis at pag-iiba-iba Masining na paglalarawan Siyentipiko o teknikal na paglalarawan

Naisasagawa ang hakbanging ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: a. Pandama: pangin, panlasa, pang-amoy, pandinig, at pansalat. b. Isang midyum:litrato, pinta, iskultura, pelikula, awitin, sayaw, atbp., at c. Imahinasyon o isipang mapanlikha

Maganda ba, pangit, nakakatakot, nakakatuwa o karaniwan? Pumili ng isang salita o parirala na maaaring maging lunsaran ng mga mahalagang detalye. Halimbawa: Ang magkakagulong grupo ng mga tao sa midnight sale sa SM na magpapaalala sa hitsura ng mga langgam na nabulabog sa kanilang taguan.

Ito ay maaring ayon sa a. Pagkakasunodd-sunod, b. Heograpiya (mula sa isang bahagi ng paksa tungo sa isa pang bahagi) c. Kahalagahan (mula sa di gaanong mahalaga tungo sa mahalaga o vice-versa) d. Laki, layo sa tumitingin (kung sa telebisyon, camera, mula sa kuhang malayo para sa kabuuang itsura tungo sa papalapit para sa detalye.)

Ang mga dapat isaalang alang: a. Maingat sa pagpili ng paksa pamilyar, may kaugnayan sa sariling karanasan. b. Pagpili ng mga detalye na sumusuporta at nagbibigay diin sa kabuuang impresyong gusto ilarawan. c. Pagpili ng pansariling pananaw tumutukoy sa perspektibo o pagtingin ng isang tao sa kanyang inilalarawan. d. Pagbuo ng pangunahing larawan o impresyon kakanyahang ikinaiiba.

Pag revised ng simula o ng komposisyon para makita ang mga mali at mga dapat baguhin.

Nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalarawan. Hindi ito naglalaman ng saloobin at ideya ng paglalarawan. Ibinibigay lamang nito ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas ng pangkalahataan. Halimbawa: Si Kapitan Tiyago. Siyay pandak, maputiputi, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan.

Sa masining na paglalarawan, maaaring magbigay ng impormasyong higit sa likas lamang na katangian ng nilalarawan. Ang personal na pagtingin o saloobin ng naglalarawan ay minsan ginagamit upang higit na maging makulay ang pagpapahayag at malapit sa bumabasa o nakikinig ang paksa. Gumagamit ang masining na paglalarawan sa panitikan, gaya ng tula, nobela, at maiklingkwento. Lagi itong ginagamit na may layunin.

Pangunahing layunin ng siyensya ang mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan. Kaysa nakatuon ang manunulat ng teknikal sa sulatin sa eksaktong represensyon ng mga bagay-bagay at pangyayari, sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o kaakmaan, kalimitan gumagamit ng mga ilustrasyon ang manunulat ng teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan.

(Dr. Lilia Antonio, 2007)

1. 2.

3.

4.

Mga pagsasanay sa pagpapayaman ng bokabularyo Paglalarawan ng isang tao o lugar na may makulay o makasaysayang kaugnayan sa iyong buhay. Pag-isip sa isang bulaklak, hayop, o halaman na palagay mo ay maihahalintulad mo sa iyong sarili. Mga pangkatang gawain (pagguhit o pagkolekta ng mga larawan sa magasin)

You might also like