You are on page 1of 29

Mga tinipong tula At Reaksyon

Ipinasa ni:

Joanne Tracy V. de Leon Ban111

Ipinasa kay:

Prof. Arnel Laurel Cay

Pag-Asa sa Gitna ng Kawalan


Gil Gregorio

Ang lambing ng panahon ay salitang dala ng langit Taimtim na dalangin ng mga pusong nagpakasakit; Ang mga tagong suyuan ay parang walang katapusan Halik ng damdamin moy bigkis ng pag-irog kailanman. Iulat mo, Mahal, sa ulap upang makadama ng hapis Na kapagdakay uulan, yan ay iyak na paimpit; Sa tindi ng sakit ng dibdib sa pag-ibig na nakalaan Sa huling yugto ng hininga moy buhay na nagdaraan. Iambag mo sa bundok ang balot-pighating nadarama Na sa angking kataasan nitoy maiparating mo kay Ama: Oh Anak mong yaoy pagsamoy pakinggan na, Liripin mo ang damdamin sa parang ng isang aba! Sabihin mo rin sa hangin at iparating sa karimlan Na ang sakit ng damdaming atas, bigyan nya ng daan; Ibulong mo pa rin ang laman ng nakapiit mong puso Bago pa man dumating ang wakas nito sa pagkakatuto. Alin baga ang nais mong malaman sa sarili? Yun bang sakit ng talim o lambat ng kapighatian? Mahal, ang pamimili ay nasa saiyo lamang kailanman Purihin mo man ang lahat sa mundo at kalangitan At iangat ang pansariling mithiin doon sa magpakailanman, Subalit, ang sanlibo mong kabutihay isang mali ang tapat nyan; Isulong mo man sa labanan ang lahat mong angking lakas Gaya pa rin ng nakaraay katapat natiy maliit na butas. Huwag mong sayangin ang yugto ng iyong panahon

Malapit na ang takipsilim na matagal ding nagyaon; Ibuhos mo ngayon ang talinong ipinagmana ng mundo Higit pa riyan sa tingin mo ang ini-ambag mong talino.

Reaksyon:
Ang tungkol sa tulang ito ay kahit ano pang mangyari sa buhay natin, kahit anong hirap ang pagdaanan natin sa araw-araw ay kailangan natin maging matatag. Kailangan nating lumaba sa mga pagsubok n gating buhay. Dapat ipakita pa natin sa iba na kaya natin, kaya natin labanan ang ating mga hinaharap sa buhay. At dapat pa din tayo mag pasalamat.

Malayong Pag-ibig
Gil Gregorio

Minsan sa isang mapagbadyang larangan Sa isang lilim ng panaginip at kahungkagan; Dito matatagpuan ang lalim ng pag-iibigan, Tunay nga bang may milagrosong kapangitan? Hindi malirip ng aking hunghang na isipan Kung baga mali o tama ang kahihinatnan; Dito ko napagtanto ang tunay na kamalian Subalit pinilit ko pa ring ginawang katwiran. Ang malayong pag-ibig ay minsan lang sumibol Sa ilalim ng pihikan kong damdamin ay kumakahol! Parang asong gala sa lansangan ng paghihimutok Na ang lakad ay pahinat bahag ang buntot.

Tingnan mo sa malayong silanganan at masdan Ang umaalimpuyong hagibis ng karagatan; Doon mo ubusin ang nag-aalimpuyong damdamin Na kung masukat ang mundo, yun din ang sa atin. Malayo man ang lugar sa bawat isay paghinga Nararamdaman ang pag-ibig nating nadarama; Hayun ang bituin at ang buwan ay humahalina Huwag na nating sayangin ang oras tuwina. Malayo ka man, malapit din ang iyong kapurihan Na sa paglubog ng araw, dun din ang hapunan Na kapagdakay tumumbas sa likas na trono Ang hangong kagandahay di pa natin maituturo. Likas nga bang ganito na sa tuwinay parang loro? Iikot-ikot sa hantungan ng sangay may maisusubo; Aayon sa ihip ng paghingay naging butil ng tuwa Ganyan din ba katunay malayong pag-ibig ng aba?

Reaksyon:
Kahit malayo satin ang ating iniibig, hindi pa din magbabago basta an gating nararamdaman para sakanila. Ang tunay na pag-ibig ay minsan lang sumibol, kaya dapat ingatan at alagaan natin ang ating mga mahal sa buhay. Kahit gaano pa kalayo ay dapat iparamdam pa din sa kanila ang nararamdaman mo.

Panaginip sa Madilim na Maliwanag


Gil Gregorio

Alam ko, mali...subalit bakit ang pagkakataon ay akay ang isang kahihinatnan na makupad? Alam ko, mali...ngunit bakit may pag-asa at akay ang katiwalian na kailanman ay hungkag? Alam ko, mali...bakit hinayaan ng pagkakataon na mailathala sa pangkalawakang kadahilanan? Alam ko, mali...bakit dinala sa oras ng pangangailangan na ang kapit ay tulad ng mapanlinlang na tuko? Alam ko, talagang mali....subalit anong magagawa ko? Pilit ko man suyurin sa isip kung alin, di ko malirip. Ah, panaginip sa madilim kung minsan ay sala-hula na kung sa isip ay tama maliwanag na maling halina.

Reaksyon:
May mga pagkakataon na kahit alam nating mali, kahit alam nating di dapat ay ginagawa pa din natin. Hindi natin maiwasang gawin kahit na hindi tama, sa kadahilanan na doon tayo sumasaya. Kahit alam nating mali ay ginagawa pa din nating tama ang lahat. Pinipilit natin maging maayos ang mga ginagawa natin para sa ating kagustuhan.

Aklat ng Buhay
Minsan sa isang patak ng ulan sa dilim ng mapagkunwaring panahon; Pinuyos ng masalimuot ng kalakaran na ang buhos ay akda ng kaisipan. Di mo lubos maisip kung ano ang turing sa mga naka-ambang plastik na angkin; Di mo rin maitatago ang sidhi ng panaginip na kapagdaka'y aayon sa agos nang gusto mong makamtan at maangkin. Ang aklat ng buhay ay puno ng kapalaran na di natin hawak at mahirap masuyuan; Kahit ika'y nasa munting mundo mo, ang pahina ng kasalukuyan ay nasa saiyo. Isulat mo man ang nakaraan at ipaabot sa panahong parating, ikaw at ikaw pa rin ang may-akda nang buhay mong angkin.

Reaksyon:
Sabi sa tulang to ay tayo ang gumagawa ng kapalaran ng ating buhay. Tayo ang may akda sa ating pang araw-araw. Hindi natin maiiwasang may makasalamuha tayong mga nagpapanggap lang satin o mga tinatawag nating plastic. Hindi natin maiiwasang may mga ganyang tao sa ating paligid. Pero kahit ganun pa man ay dapat pa din tayo mabuhay sa ating araw-araw, hindi natin kailangan mag pa-apekto kung ano ang nasa paligid natin.

Ganid
Katulad moy lobo ng kaparangan Kahalobiloy makamandag na ahas, Uwak at buwayang patiwarik ang dibdib. Katulad moy buwitre ng disyerto Nakaabang sa mga bulok na tira At ang paboritoy uod ng laman. Katulad mo'y mabangis na ligaw na hayop, Hayok sa lamang-loob na animoy bulagsak; Hatid ay sakit ng puso't dilim ng paningin. Mas masahol ka pa sa ligaw na tigre at makamandag na mga kobra; Walang habas an pandadaraya sa mga aba! Sa katulad mo'y para sa kumukulong putik upang doon ka balatan at tadtarin; Impit ng iyak mo'y di diringgin upang malaman mong katulad ka ng hangin: Na kung saan ang hininga ng panahon doon rin hihimlay at matitimtim. Katulad mo'y alamid sa gubat na kung magkubli'y dilim ang sukat; Katulad mo'y putik ng kumunoy na kung sinuman ang nahulog libingan sa lupang himlay ay tuloy-tuloy. Di mo alintana kung sino ang kausap

animo'y iyo na ang buong mundo't di mo alam kung saan ka nanggaling; walang pagbabago at kinabukasan. Ganid ka nga kung tawagin at alipustain ng mga katulad mong itim ang budhi at bulok ang kailaliman ng binhi! Ang Katulad mo'y walang karapatan para sa pangkalahatang kabutihan!

Reaksyon:
Ang tulang to ay tungkol sa tao na inihahambing sa mga hayop. Ang buhay daw ay isang malaking gubat. Tulad ng ahas na makamandag, na kung hindi ka maingat ay baka may gawing di maganda sayo. Sa buwitre ng disyerto na nag-aabang ng kanyang makakain. Tulad ng mabangis na hayop na hindi na iniisip kung ano ang gagawin nila. Dapat maging handa tayo sa mga pwedeng mangyari sa ating buhay.

Bayan kong sawi


Francisco Baltazar

Sa loob at labas ng bayan kong sawi Kaliluhay siyan nangyayaring hari, Kagalingat bait ay nalulugami Naamis sa hukay ng dusat pighati

Ang magandang asal ay ipinupukol Sa laot ng dagat ng kutyat linggatong; Baling magagaling ay ibinabaon At inililibing nang walang kabaong.

Nguni ay ang lilot masasamang loob Sa trono ng puri ay iniluluklok, At sa bawat sukob na may asal-hayop, Mabangong insenso ang isinusuob.

Ang lahat ng ito maawaing langit, Iyong tinutunghay anot natitiis? Wala ka ng buong katwiran at bait Pinayapayagan pang ilubog ng lupit.

Datapwat sino ang tatarok kaya Sa mahal mong lihim, diyos na dakila? Walang nangyayari sa balat ng lupa, Di may kagalingang iyong ninanasa.

Reaksyon:
Bayan kong sawi, ibat iba ang ating nakakasalamuha sa araw-araw. Meron mga ganid sa kasamaan pero pilit itong pinatatakpan. Mga taong gusto ng kapangyarihan sa pamahalaan. Meron ding mababait, pero inaabuso ang kanilang kabaitan.

Kundiman
Jose P. Rizal

Tunay ngayong umid yaring dila't puso Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo, Bayan palibhasa'y lupig at sumuko Sa kapabayaan ng nagturong puno. Datapuwa't muling sisikat ang araw, Pilit maliligtas ang inaping bayan, Magbabalik mandin at muling iiral Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan. Ibubuhos namin ang dugo't babaha Matubos nga lamang ang sa amang lupa Habang di ninilang panahong tadhana, Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.

Reaksyon:
Nagbalik tuloy sa alaala ang iba pang awit na katulad nito. Natatandaan pa kaya ng marami ang kumakaway ka pa irog nang kita'y iwan, upang

magtungo sa ibang bayan, isang panyong puting-puti ang iyong tangan, basang-basa ng luha mong di mapigilan.

Dalit
Marcelo H. del Pilar

Kung sa langit nabubuhay ang sa lupa'y namamatay ano't kinatatakutan ang oras ng kamatayan Ginto't pilak sa pukpukan sa platero'y umiinam ang puring lalong makinang sa pukpok ay pumupusyaw.

Reaksyon:
Tula lamang kaya kagila, para sa isang ikalawang doon, nagkaroon kami ng isang sulyap ng nakaraan at gaano kahalaga sa kanila ang aming kalayaan ay, na namin ngayon balewalain o mang-ahas. kung kami ay sa kanilang mga sapatos na pang-maaari kaming aktwal ipagsapalaran aming mga buhay para sa isang mas mahusay na buhay para sa aming mga anak.

Bahagi ng sa mga kababayan


Emilio Jacinto

Sa dulo ng tatlong dantaon ng pagkaalipin..., walang natamo ang ating bayan kundi maghimutok at manghingi ng kaunting lingap at kaunting habag; ngunit sinagot nila ang ating mga hibik sa pamamagitan ng pagpapatapon at pagpipiit. Sa loob ng sunod-sunod na pitong taon, ang La Solidaridad ay nagkusang ibigay ang sarili at ubusin ang mga lakas nito upang makamit, hindi ang lahat ng nararapat nilang ipagkaloob, kundi yaong mga bagay lamang na dapat sumaatin sang-ayon sa katwiran. At ano ang naging bunga ng ating mga pagpapakasakit at ng ating matapat na pananalig? Pandaraya, pag-upasala, kamatayan at kapaitan. Ngayon, pagkatapos mapagal sa pagtataas ang ating kamay sa pagsusumamo, natagpuan na natin sa wakas ang ating sarili; unti-unti ang mga tinig natin ay pinanawan ng himig ng hinagpis dahil sa walang-humpay na pagmamakaawa; ngayon... itinataas natin ang ating ulo na malaong naugali sa pagyuko, at sinasapian tayo ng lakas dahil sa matibay na pag-asa na dulot sa atin ng katwiran at kadakilaan ng ating layon... Masasabi natin sa kanila nang buong karahasan na ang pagtawag na "Inang Espanya" ay wala kundi isang munting pagpaparangal lamang, na hindi ito dapat iwangki sa kapirasong damit o basahan na kinatatanikalaan nito, na nahihilahod sa lupa; na walang gayong ina at walang gayong anak; na may isang lahi lamang na nagnanakaw, isang bayan na tumataba sa hindi nito pag-aari, at may isang bayan na napapagal nang manatili hindi lamang sa kapabayaan kundi sa kadayukdukan; na wala tayong dapat pagtiwalaan kundi ang ating sariling kapangyarihan at sa pagtatanggol ng ating sarili.

Reaksyon:
Nagpagpatuloy programa programa programa programa! ng Kongreso ng Malolos at maraming nagawa na maganda. Pinagpatuloy muna ang sistemang piskalya ng mga Kastila, pati rin sa sistema ng pagsingil ng buwis, hindi kasama ang sabong at iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa

digmaan at ang boluntaryong donasyon ay hiningi. Inayos rin ang sistema ng adwana. Binuksan ang pambansang pautang. Siya ay si Emilio Aguinaldo.

SA ANAK NG BAYAN
Emilio Jacinto

Unang paksa sa mahabang sanaysay na Liwanag at Dilim Sa iyo, O Anak ng Bayan, anak ng dalita, na nagbabatang pumapasan ng madlang kabigatan sa balat ng lupa, sa iyo ko inihahandog itong munting kaya ng kapos kong isip. Iyo ngang marapatin sapagkat iniaalay ng isang pusong nabubuhay at nabubuhol sa iyo sa pamamagitan ng lalong tapat na pakikipag-kapwa. Inakala ko na kahit bahagya ay iyong pakikinabangan; at ako may di bihasa sa magandang pagtatalatag ng mga piling pangungusap ay aking pinangahasang isulat. Mapalad ako kung makabahid ng tulong sa lalong ikagiginhawa ng aking mga kababayan na siya kong laging matinding nais. At bakit di ko sabihin? Ang alaala koy baka wikain na ang namuhunan ng buhay at dalita ay malabuan at maalimpungatan sa nagdaang mahabang pagkakahimbing, at ang laman ng bungang matitira sa iyo ay wala kundi mapait na balat.

Reaksyon:
Ang mga bagay na kaya mong gawin para sa ikauunlad ng bayan ay hindi magagawa ng bayan para sa iyo. Halimbawa na lang ng ating Pangulo kaya nga tayo may Pangulo, kahit na mag-isa sya pilit ginagawa ang lahat para mapaunlad ang ating bansa.

AKO'Y UMAASA
Emilio Jacinto

Tayoy huwag mainaman sa balat pagkat di kinakain at karaniwang magkalaman ng masaklap. Ang mga libingang marmol ay maputit makintab sa labas; sa loob uod at kabulukan.

Reaksyon:
Dapat ay maging kuntento tayo kung ano meron tayo. Huwag tayo maging mapaghanap na wala sa atin.

Sa Aking Mga Kabata


Dr. Jose Rizal

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang Hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Reaksyon:
Ang Sa Aking Mga Kabata ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa ito ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong 1869 sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal. Bagaman, may ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabing walang patotoo na si Rizal ang may-akda ng tula at panlilinlang ito.[3] Pinaghihinalaan ang mga makatang sina Gabriel Beato Francisco o Herminigildo Cruz ang tunay na may-akda.

HULING PAALAM
Dr. Jose Rizal

Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis ang alindog sa kagalingan mo ay akin ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluwag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahahapis. Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa Silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway, dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang

ng kislap ng iyong maningning na ilaw. Ang aking adhika sapul magkaisip noong kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan. Sa kabuhayan ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa paghingang papanaw ngayong biglang-bigla. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, hininga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan. Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad. At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. Kung sakasakaling bumabang humantong sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon, doon ay bayaan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng buong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotong giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing. Idalanging lahat yaong nangamatay, Nangag-tiis hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Ang mga balo't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa; dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong ikagiginhawa. At kung ang madilim na gabing mapanglaw

ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwagay huwag gambalain; kaipala'y marinig doon ang taginting, tunog ng gitara't salterio'y magsaliw, ako, Bayan yao't kita'y aawitan. Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat at wala ng kurus at batong mabakas, bayaang linangin ng taong masipag, lupa'y asarolin at kahuyay ikalat.

Ang mga buto ko ay bago matunaw, mauwi sa wala at kusang maparam, alabok na iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan. Kung magkagayon ma'y, alintanahin na ako sa limot iyong ihabilin, pagka't himpapawid at ang panganorin, mga lansangan mo'y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dinig mo, ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo, pag-asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, Katagalugan kong pinakaliliyag,

dinggin mo ang aking pagpapahimakas; diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop; pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang dooy haring lubos. Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan, bata pang maliit, sa aking tahanan di na masisilip. Pag-papasalamat at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw, paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Reaksyon:
Ang masasabi ko sa tulang iniwan ni rizal ay unang una malalim ang mga salita na hindi kayang intindihin ng isang normal na tao o filipino,pero dahil binasa ko ito ng mabuti at inalam ang mga detalye, naintindihan ko na ang tulang iyon ay para sa bansa, na inaalay nya ang buhay na dito at mahal na mahal nya ang kanyang bayang sinilangan, sobra proud ako na nagkaroon tayo ng isang bayani na katulad ni rizal, wala ng hihigit pa sa kanyang mga ginawa para sa ating bayan, oo hindi sya nkidigma at gumamit ng dahas pero ng dahil sa sulat nya namulat nya ang mga tao kung anung ang nangyayari sa kanilang bansa.

Ang Awit ni Maria Clara


Dr. Jose Rizal

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man. Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa, Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya. Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.

Reaksyon:
Kanta de Maria Clara o Song ng Maria Clara ay isang tula na isinulat ni Jose Rizal sa 1887. Isang taludtod sa Noli Me Tangere na ay nakatakda sa musika ni Juan Hernandez. Maria Clara ay isang character sa Jose Rizal nobelang "Noli Me Tangere." Niya ay ang pag-ibig interes ng pangunahing kalaban ng nobelang, Juan Crisostomo Ibarra. Mamaya, sa pagdinig ng kanyang kamatayan, siya nagpunta sa upang maging isang madre. Tula ay matatagpuan sa Kabanata 23 at isinalin sa iba't ibang wika. Karakter ang, Maria Clara kumanta ito habang pagkakaroon ng picnic malapit sa lawa sa kanyang mga kaibigan, kapag ang kanilang mga kahilingan. Ito ay

isang melodramatik kanta dahil ito ay isang matalinghaga kahulugan ng pagkamakabayan. Din ito ipinakita sa Rizal ay walang humpay mga commitment ng at sentiments sa kanyang bansa. Tula ang inilarawan kung paano matamis ang mga oras na ginugol sa isang magandang bansa pati na rin ang namamatay para sa bansa. Sa kasalukuyan, ang isang band na may pangalang Camerawalls ginawa ng Clementine (dating mula sa Orange at mga limon), Batas Santiago at Joseph Rudica. Ito ay sa ilalim ng kanilang Gabay album Pocket sa Iba pang mga World.

Kimkim
J. R. RAMOS GO

Pinipilit kong maging masaya Kahit batid ang lungkot sa mata Sa bi may bakas ang ngiti Sa loob-loob koy humihikbi

Reaksyon:
Pinipilit maging Masaya hingil sa kanyang mga pinagdadaanan. Hindi niya pinapahalata sa iba kung ano ang kanyang kinikimkim. Pinipilit niya maging Masaya at matatag sa lahat ng bagay.

ANG MGA MATA MO


Nang ikaw ay bago sumipot sa lupa'y Ipinanghiram ka ng mata sa tala, Dalawang bituing sa hinhi'y sagana Ang naging mata mong mayaman sa awa. Sa mga mata mo'y aking nasisilip Ang bughaw na pilas ng nunungong langit, Mababaw na dagat ang nasa sa gilid Na ang naglalayag ay pusong malinis. Di ayos matalim, ni hugis matapang, Ni hindi maliit, ni di kalakihan, Ang mga mata mo'y maamo't mapungay. Kahinhina't amo ang nanganganinag, Kalinisa't puri ang namamanaag, Umaga ang laging handog mo sa palad.

Reaksyon:
Binigyan tayo ng dalawang mata, mata para makita ang mga magagandang tanawin sa ating bansa. Mga magagandang karanasan na dumadaan sa atin. Kaya dapat tayong mag pasalamat ay dahil may mata tayo para makita ang lahat ng mga ito.

Ang Kanyang Mga Mata


Clodualdo del Mundo

Dalawang bituing kumikislap-kislap sa gitna ng dilim. . . Tambal ng aliw na sasayaw-sayaw sa tuwing akoy naninimdim. . . Bukang-liwayway ng isang pagsintang walang maliw! Takipsilim ng isang pusong di magtataksil!

Reaksyon:
Binigyan tayo ng dalawang mata, mata para makita ang mga magagandang tanawin sa ating bansa. Mga magagandang karanasan na dumadaan sa atin. Kaya dapat tayong mag pasalamat ay dahil may mata tayo para makita ang lahat ng mga ito.

Kulang ang Kahapon at Bukas


Annalyn Madali

Magmula pa sa aking kahapon Isang kahapong wari ay tulad ngayon Ikaw na nga sinta ang noon ay kaylayo Ang ninais kong makasuyo Hindi man noon tanaw ng iyong puso Ang dati kong pagsuyo, Umasa na dumating ang isang tulad ng ngayon Sa piling mo aking sinta ay naging tunay ang isang kahapon Ngunit kulang ang ating kahapon, Kulang pa rin ang bukas Maipadama lamang sa iyo aking sinta Ang saya at ligaya na aking nadama Sa bawat kahapon, ngayon at bukas Sa piling mo aking sinta.

Reaksyon:
Kulang ang mga napagdaanan natin kahapon, kulang ito para pangaralan tayo sa ating mga ginagawa. Kulang para malaman natin ang kaibahan ng kahapon sa bukas. Kulang para iparamdam sa ating mga mahal na mahal natin sila. Kulang ang kahapon sa mga ito para sa lahat.

KAY AMA
Emelita Perez Baes

Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao; sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kanyang talino.

Siyay naparuol walang abug-abog sa rugtong ng tali, ang kinahinatnan ay signos ng ulap ng panunubali; kanyang kaluluwang nakitalamitam sa dilim na tangi ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang nagmumuni.

Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap na pagkakalayo na kung gunitain pati hininga ko ay halos mapugto; at pati ang langit ng bagong umagay waring nagdurugo at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay naghihingalo.

Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso, kanyang inulilay may bakat ng luhang sa pisngi dumapo; kay Ina ang buhay ay ibayong saklap sa pagkasiphayo at may nakalaang tiising pasanin sa kanyay titimo. Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid na putol, dadamhiy pangako sa luksang pangarap na tinatalunton; tataas ang mukhat lalong kikisig pa sa taglay na suot at damdaming amay hahanga ngang lubos sa sariling hinlog!

Reaksyon:
Sa ating ama na handang gawin ang lahat para lang sa kanyang pamilya. Handang pasukin ang lahat maitaguyod lang ang kanyang mahal na pamilya. Dapat nating ipagmalaki ang ating mga ama dahil sa kanilang kadakilaan.

PAG-IBIG NG INA
Pascula de Leon

Ang puso ni ina'y kaban ng paglingap, May dalawang tibok na karapat-dapat, Ang isa'y kay ama, kay amang mapalad At ang isa nama'y sa amin nalagak.

Noong nabubuhay ang ina kong irog Ang kanyang pagkasi'y samyo ng kampupot, Ang lakas ng puso'y parang nag-uutos Na ako, kaylan ma'y huwag matatakot...

Pagibig ni ina ang siyang yumari Ng magandang bahay na kahilihili, At nawag sa palad na katangitangi.

Timtimang umirog! Hanggang sa libinga'y

Dala ang pagkasing malinis, dalisay, Dala ang damdaming kabanalbanalan.

Reaksyon:
Sa ating ina, sila ang ating unang guro na nag turo satin paano gumapang, lumakad, kumain at mag salita. Laging nandyan ang ating mga ina para sa ating pangangailangan. Mahalin natin sila ng lubos tulad ng pagmamahal nila sating mga anak.

ANG KAIBIGANG TUNAY


Al Q. Perez

Kaibigang tunay ay laging matapat, ang tulong ay laan sa lahat ng oras. Siya ay mabait at saka marangal sa lahat ng saglit ay maaasahan. Sa pangangailangan, siya'y laging handa nang ang kaibiga'y hindi mapahiya. Siya'y nakalaan kahit na magtiis upang mapagbigyan, katotong matalik. Kaibigang lubos, kaibigang tapat ay kayamanan din ang nakakatulad.

Reaksyon:
Ang kaibigan ay lagi ding nandyan para sa atin. Sila ay para na din nating mga kapatid. Dapat ay tapat sa bawat isa. Ang tunay na kaibigan ay handang tumulong kung kinakailangan. Handan gawin ang lahat para sa kanilang mga kaibigan.

You might also like