You are on page 1of 5

Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag

Mga antas ng Pag-unawa


1. Literal Sa aking literal na pang-unawa tungkol sa pamagat, ang Maynila pala ay nasa kuko ng liwanag. Masasabi kong may kamay pala ang liwanag dahil sa itoy may kuko. Di ba wala namang kuko kung wala ding kamay? Subukan mong ilagay ito sa iyong imahinasyon. Isipin mong may isang katawang buhay at ito ang liwanag . Siya ay may kamay at sa mga kuko ay nandoon ang Maynila, parang isang palamuting inilagay doon. Nakakatuwa mang isipin o napakababaw man ang aking sinasabi pero ito ang sasagi sa isipan ng sinumang tao kung sa literal na kahulugan lang din naman ang pag-uusapan. 2. Interpretatibo Sa mas malalim na pag-unawa, kailangan natin kunin ang nakatagong kahulugan ng pamagat at ng kuwento na rin. Ang dalawang salitang may malaking ambag sa pamagat ay ang kuko at ang liwanag. Isa-isahin natin ang pagbibigay kahulugan ng mga ito. Sa salitang kuko, itoy nangangahulugang karahasan o di kayay mabangis. Gaya ng mga kuko ng ibong lawin na kayang damputin at kainin ang kawawang sisiw. O di kayay sa matutulis at mahahabang kuko ng isang dalaga na pweding mangamrot at makasugat ng sinuman. Sa kabilang banda, ang ibig sabihin naman ng salitang liwanag ay pag-asa o kalayaan na may pagkasalungat sa nauna. Dito mahihinuha na natin na ang Maynila pala ay isang lugar na puno ng pag-asa. Na ang Maynilay isang lungsod kung saan makikita ang napakaraming oportunidad ng buhay. Ito ay dahil na rin siguro sa katotohanang ito ang sentro ng komersiya at industriya ng bansa. Ito ang lugar kung saan makikita ang mga malalaking kompanya at negosyong pweding mapagtrabahuan ng sinuman. Dito rin mahahanap ang mga nangungunang unibersidad ng bansa. Ngunit sa kabila ng magagandang bagay na nasa Maynila, hindi rin maiitago sa likod nito ang mga karahasang laganap dito. Karanasang nararanasan lalong lalo na sa mga taong mangmang at mahirap. Tulad sa mga nangyari sa mga tauhan ng nobelang ito. Dito mo masasalamin na ang Maynila ay di lang isang lugar na punong puno ng pangarap at pagkakataon kundi ito rin ang lugar ng kalupitan at karimlan.

3. Mapanuri o Kritikal Ang nobelang Sa mga Kuko ng Liwanag ay isinulat ni Edgardo M. Reyes. Isa sa mga ginamit niya sa pagbuo ng akdang ito ay ang Realismo. Kaya nga ang nobelang ito ay nag-uumapaw ng mga realidad ng buhay---may mukha ng kahirapan at pang-aabuso sa mahihirap. Hindi siya nahirapan sa paggamit nito sapagkat ang lahat ng kanyang inilagay sa akdang ito ay hango rin sa kanyang mga karanasan. Para sa di pa nakakaalam, bago pa man naging isang manunulat si Reyes ay naranasan muna niyang tumira sa lugar ng mga iskwater, naging tubero, naging taga-linis sa isang kasa, nakapagtrabaho sa isang konstruksiyon, at nanilbihan bilang alila sa mga malapit na kapamilya. Kaya di kataka-taka na mabisa niyang nailarawan sa mambabasa ang mga katotohanang bagay tungkol sa Maynila. Huling huli ng sinuman dito ang sistemang Taiwan kung tawagin nila. Ito yong pagkikilo sa suweldo o ang di pagbibigay sa nararapat na suweldo a mga manggagawa. Litaw na litaw din dito ang pagkakalayo ng antas ng mga mahihirap at mayayaman. Kung ikaw ay mayaman, ikaw ay mas may laban sa hukuman. Ika nga ni Imo, Naron ang hustisya kung saan naroon ang kwarta. Gaya lamang ng nangyari sa pamilya ni Atong na inagawan na nga ng lupa ay natalo pa sa kaso. Hindi lang naman puro negatibo ang pinapakita sa nobelang ito. Kahit papaanoy pinapakita pa rin dito ang pagtutulungan at pagdadamayan ng mga dukha sa mga oras ng kanilang kagipitan. Ito ang siyang naranasan ni Julio sa kamay ng kanyang mga kaibigan sa konstruksiyong pinagtatrabahuan. Malaki rin ang paglalarawan dito sa kahalagahan ng edukasyon na isinabuhay sa karakter ni Imo. Kahit na siyay may edad na ay patuloy pa rin siyang nag-aaral. Ito ang lantaran nating makikita sa kanyang pahayag, Iba na yong may pinag-aralan. Mahirap ang buhay ngayon sa mga walang tinapos. Hindi lang Realismo ang nagamit ng awtor kundi Naturalismo rin. Likas na sa ibang tao ang pagbebenta ng sarili upang magkapera. Sa madaling salita, prostitusyon. At dito nga sa kalagayang ito nahulog si Ligaya na isang inosenteng probinsyana. Pagpatay dahil sa labis na galit ay isa rin sa nabigyan ng pansin dito. Itong sitwasyong ito ay makikita sa pinakahuling parte ng nobela kung saan pinatay ni Julio si Ah Tek dahil na rin sa puot na kanyang naramdaman nang malaman niyang pinatay nito ang pinakamamahal niyang babae. Hindi lang natatapos sa paggamit ng Realismo at Naturalismo ang akda. Ginamitan din ito ng may-akda ng mga salitang-kalye para maging mas makatotohanan ang mga diyalogo. Isa pa sa istilong nagamit ay ang paggamit ng simbolismo at mga matatalinghagang salita. Litaw na litaw nga ito kahit sa pamagat pa lamang.

4. Internatibo Dahil sa akdang ito naalala ko tuloy ang aking akda nong hayskul na may kaparehong tema tungkol sa prostitusyon. Kaya pala habang binabasa ko ang akdang ito ay may naramdaman akong pagkapamilyar sa kuwento. Ang pinagkaiba lamang ng dalawa ay ang mga bida. Imbes na magkasintahan ang mga pangunahing karakter, ginawa ko itong dalawang matalik na magkaibigan. Ang bida sa kuwento ko ay sina Blair at Isla. Gaya ng nangyari kay Ligaya, si Blair din ay naluko rin ng isang rekruter na nangako ng magandang buhay sa syudad. Kung ang nobela ni Reyes ay nagtapos ng masaklap, sa akin hindi. Nailigtas pa sa kamay ng prostitusyon si Blair. Siyay nakauwi ng ligtas at nagsisi sa di pagsunod sa kanyang mga magulang. Napagtanto ko tuloy, Ganito ba talaga ka laganap ang sitwasyong ito na kahit ako sa modernisado nating mundo ay napupulot ko pa rin? Ibig sabihin lang na hindi pa patay ang isyung ito sa ating lipunan. Patuloy pa rin itong tumatakbo sa ating sistema--galing sa nakaraan, ngayoy nasa kasalukuyan, at posibleng madala pa sa kinabukasan. Itoy naging sakit na siguro kayat kahit ang makabagong teknolohiya ay walang magawa para solusyunan ito.

5. Malikhain

Buhay ng Isang Probinsyana


ni: Stephanie Rose S. Ofamin

Akoy isang probinsyana Salat at nangangailangan ng pera Kayat ngayon akoy nagplanong lalarga Sa lugar na puno ng oportunidad: ang Maynila Nasiyahan at namangha Sa tanawing ngayon ko lang nakita Matataas na gusalit magagandang kalsada Lahat ng itoy di mo maaaninag sa aming probinsya

Ako ngay nakipagsapalaran Sa lugar na ito na ngayon ko lang napuntahan Umaasang may desinteng trabahong matatagpuan Nagdadasal sa mgandang kahihinatnan Ngunit ang Maynila, para sakin, ay naging malaking kasinungalingan Nang akoy mahulog lang sa kamay ng isang mamasan Akoy ibenenta sa mga lalaking puno ng kalaswaan Pinagpapasahan gabi-gabi na para bang isang laruan Ang dating Maynila na aking hinahangaan Ngayoy aking malugod na kinasusuklaman Hirap,sa ilang taon, ay napagdaanan Masayang buhay, tila akoy iniiwasan Minulat ko na lang ang aking mata Na ganito talaga ang buhay dito sa Maynila Magpapadala ka na lang talaga sa daloy ng bulok na sistema Kayat, wag ka magtaka, ako ngayoy nag-iba na. Hindi na ako ang dating mangmang na bata Na kanilang iniinsulto at pinagkakatuwaan pa Ako ngayon, sa mundong kinatatayuan, ay natuto na Naging isang palabang dalaga At ito ang naging buhay ng isang probinsyana.

You might also like