You are on page 1of 2

BAYANING THIRD WORLD MAIKLING BUOD: Ang pelikulang Bayaning Third World ay isang pagsisiyasat sa totoong papel na ginampanan

ni Jose Rizal sa Kasaysayan ng Pilipinaskung siya nga ba talaga ang dapat na maituring na Pambansang Bayani ng Pilipinas. Tungkol ito sa isang direktor at isang tagasulat ng senaryo na sumusuri sa buhay ni Rizal. Gamit ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa ilang mga pangyayari na nakalap at natuklasan na, isinabuhay ang mga taong malalapit kay Rizal na tila kausap ang director at tagasulat ng senaryo at sumasagot sa kanilang mga katanungan. Sa bandang huli, walang mga tanong ang nasagot nang maayos, at hanggang sa panayam nila kay Rizal ay nanatiling misteryo ang mga kasagutan. REAKSYON: Ang pinakanagustuhan ko sa pelikula ay ipinakita niya ang kung tutuusin ay mga lubhang nakakabagot na bahagi ng imbestigasyon kay Rizal sa isang kawili-wiling paraan. Ngunit, hindi lang siya nagbigay ng aliw at kaunting katatawanan, bagkus ay nag-iwan siya ng tatak sa isipan ng mga manunuod. Maituturing bang bayani si Rizal kung siya diumanoy sumulat ng liham na siya ay umaatras sa mga prinsipyo ng kanyang mga akda na laban sa Espanya? Bayani pa ba siya kung sa kabila ng kanyang pagtutol sa rebolusyon ng Katipunan ay hindi siya pinakinggan kahit na siya ay may malawak na impluwensiya sa mga Ilustrado? Kahit isantabi na ang kanyang papel sa kasarinlan, ang kanyang personal na buhay ba ay karapat-dapat sa bayani at nararapat na tingalain? Ito ang mga katanungan na iniwan ng pelikula sa isipan ng mga nanunuod. Sa aspekto ng paglibang ng pelikula, maituturing na magandang hakbang na maging nakakatawa ang umpisa para mapukaw ang pansin ng mga manonood. Mayroon ding sapat na

balanse sa katuwaan at kaseryosohan, at hindi lumayo ang pelikula sa pinakapakay nito para lamang magbigay ng aliw. Ang pelikula ay isang hamon sa kung paano natin tignan ang Kasaysayan ng ating bayan. Naniniwala ako na hindi lang dahil sa kakulangan ng impormasyon kaya hindi nasagot ang mga katanungan. Ang pelikula ay nag-iwan ng bukas na pinto upang ito ay ating pasukin at tayo mismo ang makatuklas ng mga sagot sa mga katanungan na napakatagal nang nakapaligid sa pagkatao ni Jose Rizal.

You might also like