You are on page 1of 7

Ang kayamanang pangkultura na natagpuan noong unang bahagi ng 1960 sa kweba ng Manunggul sa Lipuun Pt.

, Palawan ay isang bangang ginagamit sa ikalawang paglilibing. Sa itaas na bahagi ng palayok at sa takip nito ay may nakaukit na guhit na kumokurba at pininturahan ng hematayt. Nakapatong sa takip ang isang bangka lulan ang dalawang tao - dalawang kaluluwang naglalakbay patungo sa kabilang buhay. Ang bangkero ay nakaupo sa likuran ng taong nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Ang ayos ng mga kamay ay isang kaugaliang Pilipino na ginagawa sa mga namatay. Walang katulad ang libingang banga sa Timog-Silangang Asya at itoy itinuturing na isang obra maestra ng isang mahusay na manggagawa. Ang banga na tinatayang 890-710 taon bago ipinanganak si Kristo ay nagpapakita ng paniniwala ng mga Pilipino sa buhay na walang hanggan.

Ang kayamanang pangkultura na natagpuan noong unang bahagi ng 1960 sa kweba ng Manunggul sa Lipuun Pt., Palawan ay isang bangang ginagamit sa ikalawang paglilibing. Sa itaas na bahagi ng palayok at sa takip nito ay may nakaukit na guhit na kumokurba at pininturahan ng hematayt. Nakapatong sa takip ang isang bangka lulan ang dalawang tao - dalawang kaluluwang naglalakbay patungo sa kabilang buhay. Ang bangkero ay nakaupo sa likuran ng taong nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Ang ayos ng mga kamay ay isang kaugaliang Pilipino na ginagawa sa mga namatay. Walang katulad ang libingang banga sa Timog-Silangang Asya at itoy itinuturing na isang obra maestra ng isang mahusay na manggagawa. Ang banga na tinatayang 890-710 taon bago ipinanganak si Kristo ay nagpapakita ng paniniwala ng mga Pilipino sa buhay na walang hanggan.

Kapanahunang Palyolitik (450,00 - 6,000 B.C.) Ang lupang tulay ang nag-ugnay sa kapuluan at sa malaking bahagi ng Asya. Ang mga sinaunang tao ay nabuhay sa pangangaso at pangungulekta, at naglikha o paglilikha ng mga kagamitang yari sa bato. Tumira sila sa mga kweba at kanlungang bato na malapit sa dagat o ilog. Taliptip na bato Rantso sa Espinosa, Cagayan - 16,000 - 8,000 B.C. Nilikha ng sinaunang tao ang mga kagamitan mula sa bato na nagtapuan niya sa tabing ilog. Ang taliptip at kobol ang mga kaunaunahang kasangkapang ginawa niya noong Kapanahunang Palyolitik (Panahon ng Lumang Bato). Ito ay ginamit niyang kutsilyo at pangkayod.Bago pa man

natuklasan ang mga labi ng kauna-unahang tao sa Pilipinas, ang katunayan ng kanyang pagdating ay natagpuan sa isang rantso sa Cagayan-dalawang kasangkapang taliptip sa yari sa bato ang kaunaunahang kagamitan na ginawa ng tao na tinatayang 9 milyung taon na. Ang mga ito ay iniugnay sa labi ng elephas, isang sinaunang elepante. Ang taliptip na bato ay kasangkapan na ginamit ng sinaunang Pilipino ng Kapanahunang Bato hanggang sa Unang bahagi ng Kapanahunang Metal. Ang kasangkapang ito ay nililuk sa pamamagitan ng pagpukpok sa gitna ng bato ng martilyong bato o sa pagpukpok na may buto o tabla sa pagitan ng martilyong bato at ng batong gagawing kasangkapan. Ang taliptip ay maari ring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng lakas o diin. Tinatapyas ng manggagawa ang maliliit na taliptip sa kasangkapang bato sa pamamagitan ng buto o kahoy. Sa pamamaraang ito matatantya ang hugis at sukat ng bawat piraso. Ang mga kasangkapang taliptip ay ginagamit na kutsilyo, pangkayud at iba pang kagamitan. Karamihan ng mga kasangkapang taliptip na nakuha sa kuweba sa Tabon, Palawan ay yari sa tsert, isang matigas na bato na kadalasan ay matatagpuan sa kalapit na ilog sa Quezon, Palawan. Ang mga kagamitang taliptip na ginamit noong Panahong Palyolitik na tinatayang 16,000 - 8,000 bago pinanganak si kristo ay natagpuan sa kweba sa Laurente, Penablanca, Cagayan; kweba ng Bolobok sa Sanga-Sanga, Tawi-Tawi (timog na bahagi ng Pilipinas). Ito ay natagpuan din sa ibat-ibang pook sa Cagayan (hilagang bahagi ng Pilipinas) tulad ng mga kweba sa Musang, Callao, at Rabel. Hanggang sa unang bahagi ng Kapanahunang Metal, ang mga kagamitang taliptip ay ginagamit pa rin. Ito ay napatunayan nang matagpuan sa kweba ng Pintu, Isabela ang mga kasangkapang ito. Bao ng bungo Kuweba sa Tabon, Quezon, Palawan 14,500 B.C. Isa sa mga labi ng kaunaunahang tao sa Pilipinas ay ang bungo ng isang babae na tinatayang 2,000 taon. Ito ay natagpuan kasama ang panga at mga ngipin sa kweba ng Tabon, Palawan ni Robert Fox ng Pambansang Museo. Ang mga labing ito ng Homo sapiens sapiens ay muling sinuri sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan na nagbigay ng bagong datos ng panahon nito. Batay sa pagsusuri, ang bao ng bungo ay tinatayang 16,000 taon at ang panga ay 31,000 taon. Ang pinakamatandang labi ng tao na natagpuan ng muling hinukay ng Pambansang Museo ang kweba ng Tabon ay ang buto sa binti (tibia) na tinatayang 47,000 taon (45,000 B.C.).

Kapanahunang Neyolitik (6,000 - 2,000 taon bago dumating si Kristo) Nang tumaas ang tubig sa dagat at nawala ang mga lupang-tulay, naibagay ng sinaunang tao ang sarili sa bagong kapaligiran. Nilisan niya ang kweba at nanirahan sa baybaying dagat. Gumawa siya ng mga kagamitang yari sa pinakinis na bato, at iba pang kasangkapan para sa pag-uka ng kahoy, sa pag-ani at pagputol ng kahoy. Gumawa siya ng palayok at naglikha ng mga palamuti na yari sa bato, kabibe at buto. Daras na bato Kweba sa Arku, Peablanca, Cagayan, 5730 B.C. Kanlungang Bato ng Balobok, Sanga-Sanga, Tawi-Tawi, 2680 B.C. Gumamit ng giniling at pinakinis na kasangkapang yari sa bato ang sinaunang tao. Sa kasalukuyan, ang mga ito ay iniuugnay sa kulog at kidlat. Ito ay tinatawag na ngipet duldug (ngipin ng kulog), tango han linti (ngipin ng lintik) at dila latik (dila ng lintik). Ayon sa paniniwala, matatagpuan ang daras na bato (na hugis ngipen sa harapan) kung saan tinamaan ng lintik ang punong kahoy. Ang pinakinis na batong daras na hugis itlog sa kros seksyon ay nilikha at ginamit ng mga sinaunang tao sa panahon ng Neyolitik. Ang mga giniling na batong kasangkapan na natagpuan sa pook na may bangang kabaong, ay pinaniniwalaang gamit sa pag-uka sa kahoy. Ito ay pangkaraniwan sa Quadrangular Adze Culture (kultura ng kwadradong daras). Ito ay maliliit, giniling at pinakinis na daras at gawa sa makinis na uri ng bato. Sa kros seksyon ang hubog nito ay rektangulo o trapesoyd. Ang mga daras na yari sa bato (noong Panahong Neyolitik) ay natagpuan sa kweba ng Arku, Peablanca sa Cagayan; kweba sa Duyong, Palawan; sa Dimolit, Isabela at sa Candaba, Pampanga. Sa ibang pook, kapag walang matagpuang bato, balat ng malalaking kabya (Tridacna gigas at Tridacna maxima) ang ginawang daras. Ang bisagra ng balat ay pinakinis upang magkaroon ng ibat-ibang hugis. Ang ganitong uri ng daras ay natagpuan sa kweba sa Duyong, Palawan at tinatayang may edad na 2680 taon bago ipinanganak si Kristo. May nakita rin sa kweba sa Kanlungang Bato ng Balobok, Sanga-Sanga, Tawi-Tawi at sa kweba sa Bato, Sorsogon. Ang mga nakuhang daras (na yari sa Tridacna) ay kahalintulad din sa nakuha sa Micronesia; mga isla sa Ryukyu sa Pasipiko; at sa Okinawa sa Timog na bahagi ng Hapon.

Ginamit din ang mga kasangkapang ito hanggang sa Kapanahunang Metal, . Ang mga batong kasangkapan na ginamit noong panahong iyon ay natagpuan sa ibang pook tulad ng Manga Site, Andarayan at sa Lal-lo, Cagayan. Bilog na kabibe Kweba sa Duyung, Palawan, 4850 - 4400 B.C. Kweba ng Duyong at Leta . Leta, Palawan; Kweba sa Bato, Sorsogon, 1000 - 225 B.C. Noong sinaunang panahon, ang kabibe ay nililikhang kagamitan at palamuti. Ang kaunaunahang palamuti na yari sa kabibe ay natagpuan sa libingan ng isang lalaki sa kuweba ng Duyong sa Palawan. Ang kabibeng bilog na may butas sa gitna ay natagpuan malapit sa kanyang kanang tainga at ang bilog na may butas sa gilid ay natagpuan sa kanyang dibdib. Ang ibang palamuti tulad ng hikaw, pulseras at abaloryo ay nakuha sa libingan kasama ng mga kutsara, tabo at iba pang kasangkapang yari sa kabibe. Ang mga abaloryong yari sa ibat-ibang uri ng balat ng kabibe ay nakuha sa ilang pook tulad ng kweba sa Arku, Cagayan, sa Ngipet Duldug,Palawan at kweba sa Bato, Sorgogon na kung saan nakuha ang pulseras na kabibe Ang balat ng malaking kabya ay nililikhang malalaking abaloryo na may butas sa gitna samantalang ang palawit sa tainga ay ginigiling mula sa balat ng balisungsong. Ang bilog ay binubutasan sa gitna. Ang pulseras na gawa mula sa itaas na balikat ng balisungsong (Conus litteratus) ay katangian ng huling bahagi ng Kapanahunang Neyolitik. Ang paikot sa balikat ng balat ang nagsisilbing dekorasyon. Natagpuan ang mga pulseras sa kweba ng Duyong at Leta-Leta sa Palawan. Hanggang sa Kapanahunang Metal, kabibe ang pangunahing materyal na ginagamit sa paggawa ng kasangkapan at palamuti subalit, sa Kapanahunang Neyolitik umunlad ang teknolohiyang ito. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga taong naninirahan malapit sa kuweba ng Tabon sa Palawan ay lumilikha pa rin ng pulseras na kabibe. Gumagamit sila ng kasangkapang bato upang butasan at pakinisin ang mga palamuti. Sining sa bato ng Angono Binangonan, Rizal 2000 B.C. Ang kaunaunahan sinaunang guhit sa bato na masusing pinag-aralan ay yaong mga natagpuan sa pag-itan ng Angono at Binangonan, Rizal. Ang pook ay isang kanlungang bato o mababaw na kweba na may 63 metro ang lapad, 8 metro ang lalim at 5 metro ang pinakamataas na sukat. Isang daang dalawamput-pitong guhit ng tao ang nakakalat sa pader. Ang mga ito ay inukit sa mukha ng kanlungang bato sa pamamagitan ng pirasong bato. Ang mga ukit ay may lalim na 10 centimetro hanggang sa malabong guhit. Binubuo ang mga larawan ng bilugang ulo na mayroon o walang leeg at nakapatong sa rektanggulo o korting V na katawan. Ang linya o guhit ng braso at binti ay kadalasang nakabaluktot. Ibat-iba ang nakaukit sa bato, may trayanggulo, may rektanggulo at may bilog. Ang sining sa bato ay iniugnay sa paniniwala ng isang tanging grupo ng tao. Ito ay simbolo at hindi dekorasyon. Bihira ang sining na ito sa Pilipinas. Napaulat ito sa iilang pook tulad ng kweba ng Penablanca sa Cagayan Valley; sa mga nakausling bato sa Alab, Bontoc sa Mt. Province; at sa kweba sa Singnapan sa Ransang, Palawan. Pamukpok sa telang balat ng kahoy Kweba sa Arku, Peablanca, Cagayan 1255 - 605 B.C. Ito ay isang kasangkapang yari sa bato at ginagamit sa paggawa ng telang yari sa balat ng kahoy. Itoy ginawa ng sinaunang tao sa Palawan mula sa mabilog na bato at ginamit sa pagpukpok sa balat ng kahoy hanggang sa itoy naging malasinulid.

Ang kasasangkapang ito na natagpuan sa kweba sa Arku, Penablanca, Cagayan ay tinatayang 1255-605 taon bago ipinanganak si Kristo. May natagpuan ding pamukpok sa kweba ng Sagung sa Palawan.

Kapanahunang Metal (2,000 B.C. - 1000 A.D.) Nagbago ang pamumuhay ng sinaunang tao nang lumitaw ang metal. Gumawa siya ng mahusay na mga kagamitan, at naglikha ng palamuti na yari sa metal. Siya ay naghabi, nagbungkal ng lupa, gumawa ng bangka at naglilok ng magagandang palayok. Palawit sa tainga Kweba sa Guri, Palawan 310 - 100 B.C. Ang lingling-o ay isang uri ng palawit sa tainga na nilikha mula sa berdeng neprayt (jade). Ito ay katangian ng unang yugto ng Kapanahunang Metal. Ang hubog nito ay bilog na may hiwa sa isang gilid para sa butas ng tainga. Ang iba ay payak at ang iba ay may tatlong buton na tulad ng mga usbong. Kung minsan ang mga buton ay mahahaba tulad ng tinik. Isa sa pinakamagandang palamuti na yari sa jade magpahanggang ngayon ay natagpuan sa kweba ng Duyong. Nakaukit sa palawit ang dalawang ulo. Ito ay halimbawa ng kasanayan ng pag-ukit sa jade. May natagpuan ding mga palawit sa kweba sa Arku sa Penablanca, Cagayan at sa mga kweba sa Uyaw, Guri at Rito-Fabian sa Palawan. Ang palawit sa tainga ay hindi lamang yari sa jade. Ginagamit din ang balat ng kabibe, luad at bato. Ang uri ng materyal na ginagamit sa paggawa ng palamuti ay nagpapahiwatig ng katayuan sa lipunan. Hanggang sa kasalukuyan, ang hubog ng lingling- o na yari sa ginto at tanso ay ginagamit pang palawit at hikaw ng mga Ifugao at Igorot sa hilagang bahagi ng Pilipinas. Guwang na daras na yaring tanso Kweba sa Uyaw, Palawan 300 - 500 B.C. Ang mga daras na guwang na yari sa tanso ay katangian ng unang bahagi ng Kapanahunang Metal. Natagpuan ang mga kasangkapang ito sa mga kweba sa Batu Puti at Uyaw sa Palawan; Sanga-Sanga sa Tawi-Tawi; at sa Batangas. Ang mga ito ay tinatayang may edad na 300 taon hanggang 500 taon bago ipinanganak si Kristo. Ang luad na hulmahang natagpuan sa kweba ay nagpapahiwatig na noong panahong iyon, ginagamit muli ng mga tao ang sirang kagamitan na yari sa tanso sa paggawa ng daras na guwang. Ang kasalukuyang kasangkapan na tinatawag na wasay sa gitnang bahagi ng Pilipinas ay maaring nanggaling sa daras na guwang noong unang bahagi ng Kapanahunang Metal. Bangang hugis at anyong tao Kweba sa Maitum, Sarangani 5 BC-225 A.D. Mga palayok na hugis at anyong tao ang natagpuan sa kweba ng Ayub sa Pinol, Maitum sa lalawigan ng Saranggani. Ang mga palayok na itoy ginamit sa pangalawang paglibing ng Kapanahunang Metal, at tinatayang may edad na 5 B.C. hanggang 225 A.D. Bawat isa sa dalawamput siyam na palayok ay kakaiba. Ang mga takip na hugis ulo ng tao ay may ibat-ibang mukha: kalungkutan, kali-gayahan, at katiwa-sayan. Ang mga ulo naman ay iba-iba rin. May payak at may butas-butas, samantala ang iba ay pininturahan ng pula at itim. May ngipin ang iba. May palayok na may braso at mayroon namang may dibdib (ng babae). Ang mga disenyo ay tulad sa ibang palayok sa timog-silangang Mindanao, subalit kakaiba ang anyo ng mukha. Ang paggawa ng mga palayok kung saan ipinakikita ang ibat-ibang anyo ng mukha ay nagpapatunay ng mataas na antas ng kasanayan. Ang pagkatuklas ng paglilibing sa banga ay makabibigay ng mahalagang tanda ukol sa nakaraan ng Maguindanao. Ang kaugaliang ito ay laganap hindi lamang sa Pilipinas,

kundi pati na rin sa Timog-Silangang Asya. Ang kaugaliang ito ay nagsimula pa noong 1,000 taon bago dumating si Kristo hanggang ika-16 na siglo bago dumating ang mga Kastila. Balanghay Libertad, Butuan City 320 A.D. Ang mga sinaunang bangka ay nahukay sa Butuan, Agusan del Norte noong 1978 . Siyam ang nakuhang sinaunang bangka. Ang kaunaunahaan na may edad na 320 A.D. ay nasa isang museo sa Libertad, Butuan. Ang pangalawa na tinataya noon pang 1250 A.D. ay inilipat sa Galeriya ng Pinagmulan sa pangatlong palapag ng Museum of the Filipino People. Ang pangatlong bangka na tinatayang noon pang 990 A.D. ay nasa Butuan Regional Museum. Ang sinaunang bangka ay isang uri ng sasakyang pandagat na yari sa makapal na tabla at talasukan ang anyo ng gilid. Ang makakapal na tabla ay yari sa matitigas na kahoy katulad ng doongon (Heriteriera littoralis). Ang bangka ng Butuan ay maaring mag-upo ng 25 katao at kaya nitong maglakbay sa malalayong lugar. Namimili ng kalakal ang sinaunang tao sa Pilipinas sa mga dayuhang mangangalakal upang ipamahagi ito sa malalayong pook. Ang mga butil ng baso at metal na nakita sa pook kung saan natagpuan ang mga sinaunang bangka ay nagpapatunay na malawak ang kalakalang pangkaragatan sa Asya noong panahon iyon. Napantayan ng sina-unang Pilipino ang galing sa paglayag at husay sa paggawa ng sasakyang pangkaragatan ang ibang bayan sa Asya. Ang pamamaraan ng paggawa ng bangka ay kilala mula sa Scandinavia hanggang sa Timog Pasipiko noong ikatlong siglo. Sa kasalukuyan, ang pamamaraang ito ay ginagamit pa rin sa isla ng Sibutu sa timog na bahagi ng Pilipinas.

Kapanahunan ng pakikipag-ugnayan sa mga Dakilang Tradisyon sa Asya (1000 A.D.) Sa panahong ito lumitaw ang kalakal na seramik na sinunog sa pamamagitan ng mataas na temperatura. Kasama dito ang mga seramik ng daynastiyang Tang, Sung, Yuan, Ming at Ching. Ang mga lokal na palayok ng panahong ito ay may pamantayang sinusunod pagdating sa estilo, at itoy hindi gaanung kumplikado. Makikita rin ang impluwensyang galing sa mga kalakal. Panatak na garing ng Butuan Libertad, Butuan, Agusan del Norte 1002 A.D. Isang garing na panatak na iniuugnay sa shell midden na tinatayang ika-siyam hanggang ikalabindalawang siglo ang natagpuan sa Libertad, lungsod ng Butuan sa Agusan del Norte (timog na bahagi ng Pilipinas). Nakaukit sa selyo ang salitang Butban sa inskripsiyong Kavi. Ito ay kahalintulad ng Tagalog na inskripsiyon. Ipinapalagay na ang tinutukoy na Butban ay ang Butwan o Butuan, sapagkat ang titik b at w ay kadalasang pinagpapalitpalit. Ang garing na panatak na tinatayang 1002 taon ng nakaraan ay maaaring ginamit sa pagtala ng pangangalakal. Gintong maskara ng patay Oton, Iloilo 1300 - 1400 A.D. Bago dumating ang mga Kastila, gumagamit ang sinaunang Pilipino ng gintong palamuti para sa mga sa namatay. Ang mukha ng namatay ay tinatakpan ng pirasong ginto. Tinatakpan ang mga mata, ang ilong at ang bibig ng pirasong ginto. Dalawang pirasong ginto ang hinihiwa ng manggagawa. Ang unang piraso ay pinapatong niya sa isang malambot na bagay tulad ng putik o waks. Idinidiin niya ang dulo ng matulis na kasangkapan sa ginto upang ito ay magkaroon ng disenyo. Sa bawat mata ay iba-ibang disenyo ang inilalagay. Hinuhulma rin niya ang pangalawang pirasong panakip sa ilong.

Ang kaugalian ito ay galing sa Timog Tsina. Ito ay isinagawa din ng isang maliit na grupo sa Pilipinas. Ayon sa kanilang paniniwala hindi makakapasok ang masamang espiritu sa katawan ng namatay kung itoy may maskarang ginto. Natagpuan ang bilog na gintong pantakip sa ilong at sa mata sa isang libingan sa San Antonio, Oton, Iloilo (gitnang bahagi ng Pilipinas). Ang naturang maskara ay tinatayang may edad na labing apat hanggang labinlimang siglo (A.D.). May natagpuan ding gintong maskara sa Masao, Butuan, sa Agusan del Norte kung saan marami ang ginto noong sinaunang panahon sa pook na iyon. Telang Banton Isla ng Banton, Romblon 1400 - 1500 A.D. Ang telang Banton ang kauna-unahang telang ikat na may hiblang paayon sa TimogSilangang Asya. Ito ay tinatayang 400 taon. Natagpuan ang telang pambalot sa patay na may kasamang bughaw at puting seramiks sa isang kabaong na yari sa kahoy sa isla ng Banton sa Romblon. Ang tela ay hinabi mula sa pula, itim at puting sinulid ng abaka. Madali ang pamamaraan ng paghabi. Sinusukat ang mga sinulid at iniikid sa balangkas. Ito ay binabalot ayon sa disenyo sa pamamagitan ng pisi na may waks o ka- pirasong baging, pagkatapos ito ay kinukulayan. Kung tuyo na ang mga sinulid, iniaayos ito sa habihan at inuumpisahan na ang paghahabi. Sa kasalukuyan, ang mga taga-Bontoc, Mt. Province ay gumagamit ng makulay na telang pambalot sa namatay.

You might also like