You are on page 1of 2

1.

Wika ay isang midyum o behikulo sa pakikipagkomunikasyon kung saan ginaganap ang pagpapalitan ng impormasyon, damdamin at kaisipan sa pagitan ng dalawa o higit pang indibidwal. . Ang komunikasyon ay maaring pasalita o pasulat. Tinatanggap na ring isang uri ng wika ang mga senyas upang maipahayag ang mga saloobin. - Ang wika - ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Ayon kay Gleason, (isang dalubwika - gumagawa ng isang maagham na pag-aaral sa wika) ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng isang pangkat ng taong nabibilang sa isang kultura. Ayon kina Hoebel at Frost, ang kakayahan ng tao sa paggamit ng wika ay genetic o namamana. Ayon kay Sapir, ang wika ay pantao. Ang paggamit ng wika ay hindi likas. It ay nalilinang at dumaraan sa ebolusyon sa paglipas ng panahon.

Nahahati ang wika at salitain sa apat na uri. Una, ang balbal, na siyang pinakamababa. Halimbawa: "epal (mapapel), iskapo (takas), istokwa (layas), haybol (bahay) at bomalabs (malabo)". Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa antas na ito ang mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. Halimbawa, ang wikang Tagalog, may temang lalawiganin sa kani-kanilang dila ang mga Kabiteo, Batangueo, at taga-Quezon. Matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ang pagkakaroon ng punto. Ang ikatlong uri naman ang pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing wikang Filipino ang Wikang Pambansa, samantalang Tagalog namang ang sa iba. Kung mauunawaan na maunlad ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (simpleng alpabeto), at may mga hiram na titik. Maaaring ituring ang Filipino naman na kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa. Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang pampanitikan. Sa apat na antas ng wika, ito ang may pinakamayamang uri. Madalas itong ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Ginagamit ang idioma, eskima, tayutay at iba't ibang tono, tema at punto sa pampanitikan. May isang bihasa sa wika ang nagsabi na ang panitikan ay "Kapatid na babae ng kasaysayan", dahil ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at may kakayahang tumaliwas sa kasaysayan dahil sa kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o hindi totoo. Malayang magamit sa pagkatha ng dula, palabas, at iba pang likhangpampanitikan ay kadalasang nagaganap.

2. Ang wika ay isang midyum ng komunikasyon samantalang ang wikain o dayalekto ay kumakatawan sa iba't ibang lenggwahe ng bawat rehiyon na may iba't ibang kahulugan, gramar at pagbigkas ng bawat salita (Halimbawa: Wikaing Tagalog, Wikaing Aleman) (Kung ang salitang wikain naman ay ginamit bilang maikling pantawag sa sawikain, ito ay nangangahulugang - mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan) 3. Wika: Filipino Wika: Koreano Wika: Aleman Wikain: Tagalog Wikain: Gyeongsang Wikain: Aleman Kolonyero or Alemaniko

4. See separate sheet

You might also like