You are on page 1of 1

SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Internet Shop, Pangalawang Paaralan ng mga Estudyante

Sa kamaynilaan, nilagdaan na ni Mayor alfredo Lim ang Executive Order No. 18, Series of 2010. Ang naturang EO ay nagtatalaga sa mga opisyales at miyembro ng duly accredited Parent Teachers Association sa mga public elementary at high school upang ipatupad ang Ordinance 8165 at EO No. 14 na nagbabawal sa mga bata para pumasok sa mga internet cafe o shop mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Ngunit sa pagka-adik ng ibang mga mag-aaral ngayon sa facebook, dota at iba pa, marami pa rin ang pasaway. Kapansin-pansin na habang lumalawak ang pag-angat ng teknolohiya, iyon din ang bilis ng pagkakaapekto sa paniniwala at utak ng mga estudyante. Sa lipunang ginagalawan natin tama lang na batid ng mga estudyante ang kahalagahan ng mga computer na ito sa buhay natin. Tama lang na makaagapay at makasunod tayo sa kasalukuyang henerasyon. Dahil kung hindi, napakalayo ang pagunlad. Anumang trabahong ating pasukan, isang kwalipikasyon ay ang pagiging computer literate. Subalit dapat nasa tamang lugar ang lahat ng ito. Tamang paraan sa maling lugar. Ibig sabihin bay lantad lamang ang mga estudyante sa mga mabuting dulot ng computer. E, iyong masamang dulot nito. Kamusta na? Ang daming estudyante ang nagpapariwara dito. Imbes na nasa loob ng paaralan nag-aaral, nasa loob naman sila ng Internet Shop. Pangalawang paaralan at pangalan ang tahanan, ika nga. Ngunit, ilang ng estudyante ang sinira nito. Sa Lungsod ng Laoag, talamak na rin ito. Sa likod ng kampanya ng gobyerno, tuloy pa rin ang pagsaway sa mga ordinansa. Sana, ang pangalawang paaralan at tahanan ay maging katulong sa pagpapaganda ng buhay ng mga estudyanteng pag-asa ng bayan.

AVOID PLAGIARISM

You might also like