You are on page 1of 1

SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Jejemon Vs. DepEd

D3p5rt5m3nt0 ng 3duk5sy0n. Naiintidihan ba ito ng lahat? Ito ay halimbawa ng lumalaganap na JEJEMON o kakaibang istilo sa pagsulat ng text. Mapa-ingles man o Filipino, binabago ang paraan ng pagsusulat. Nandiyan at pinaghalo ang numero at titik sa pagsusulat ng mga salita. Napakalayo na ang narating ng teknolohiya. Sa pagkalayo-layo ng nakamit na pagbabago nang lahat, pati komunikasyon apektado ng Jejemon. Ngunit, kailangan ba talagang maging ganito ang kahahantungan ng lahat? Wala kayang di-magandang ibubunga kung tuloy ang pagtangkilik sa Jejemon? Sa panig ng kabataan at mga mag-aaral na makabago, nararapat lamang daw na yakapin ang pagbabago. Ito daw ang uso kaya dapat lamang daw na sumunod ang bawat isa. Nagpapatunay lamang daw ito na nakakagapang tayo sa kaunlarang hatid ng mga makabagong teknolohiya. Sa ibang banda, isang malamyos na ngiti lamang ang inihatid ng mga Lingwista ng National Office of Linguistics. Nagpapakita lamang ito na lumalawak at umuunlad ang ating wikang Filipino. Mula sa batayang wikang tagalong, pinaunlad ito ng mga balbal o konting salita kaya kailangan rin daw tanggapin ang JEJEMON. Hindi kaya lalong makakasama ito? Sa mga eskuwelahan, napakalaking perwisyo ito sa mga guro dahil maramig estudyante ang hindi na marunong mag-spelling. Paano na ang pakikipag-ugnayan natin sa Internasyunal na komunikasyon? Hindi kaya tayo mahuhuli? Ano ngayon ang hakbang na ginawa ng Departamento ng Edukasyon kung may memorandum na isiniwalat sa paggamit ng mga cellphone sa loob ng mga classroom hindi kaya nararapat na maglunsad rin ng memorandum sa sirkulasyon kontra JEJEMON?

AVOID PLAGIARISM

You might also like