You are on page 1of 1

Kumikislap na Hiyas Sa Likod ng mga Burol

POLL ANTHONY SANTILLAN


(jinette_26@yahoo.com)

Mabuhangin...madamo...tahimik. Pawang huni ng mga ibon lamang ang maaaring pumani sa namamangha kong katauhan sa natunghayan kong kalikasan. Ang ganda. Walang kapara. Napalundag at napatakbo ako sa tuwa. Kasama ko ang aking mga kaibigan, kapit-kamay naming pinanhik ang nagtatayugang mga burol. Sa likod nito, nakita namin ang kumikinang na hiyas, ang napakalinis na baybaying dagat. Ang ganda ditong mamahinga. Napakalamig ang simoy ng hangin. Preskong-presko ang dampi ng hangin sa buo kong katawan. Ibang-iba na ang lugar na ito. Sa likod ng mga burol, nahimlay dito ang pagkalawak-lawak na plantasyon ng Dragon Fruits. Isang libot dalawang daang halaman na kilala na sa napakayaman at masustansyang dulot ng prutas na ito. Ang kahiwagahan nitoy mananalagtang sa likod ng disyertoy mabubuhay ang higanteng halamang dragon. Tuloy ang pagkislap ng hiyas sa likod ng mga burol. Nakatago dito ang malambot na buhangin sa harapan ng nagdadaluyong dagat. Ang sarap ditong mahiga. Sa paghihintay ng takip-silip, nakalatag ang nagtatayugang mga pine trees. Kamiy naglaro sa buhanginan. Nagpadulas-dulas sa pinung-pinong disyerto. Kamiy nagtawanan sa napakalamig na dampi ng hangin. Kapit-kamay kaming naglakad at aming nasambit- ngayon ko lang nalaman ang hiyas ay kumikislap sa likod ng mga burol.

AVOID PLAGIARISM

You might also like