Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Forever and Always
Forever and Always
Forever and Always
Ebook233 pages6 hours

Forever and Always

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Hindi man siya kasing yaman ng kanyang mga kaklase, Elise Thorpe knew she was extra special. Kinaiinggitan siya ng lahat na mga kababaihan dahil sa perpekto niyang mukha at katawan. Ang mga kalalakihan nama’y halos humalik na sa kanyang mga yapak. Ngunit nabago ang lahat nang isang araw ay nasangkot siya sa isang malagim na aksidente na ikinasawi ni Cindy, ang matalik niyang kaibigan. Hindi lang siya nawalan ng bestfriend, nawala rin pati ang kagandahang buong buhay niyang pinagmamalaki. Patuloy pa kaya siyang mamahalin ni Jin ngayong wala na ang kagandahang kinahuhumalingan nito?

LanguageTagalog
PublisherMaggie Sanapo
Release dateAug 8, 2015
ISBN9781310141140
Forever and Always
Author

Maggie Sanapo

Maggie Sanapo started writing romance novels when she was 13 at the encouragement of her classmates who asked her to write their fantasies. Soon she was obsessed with writing that she couldn't let the day pass without finishing a chapter or two of her story. In college she met this professor who killed her passion for writing. This professor had told her that writing romance novels in Filipino was not something an intelligent person would do and that it was a waste of time. Maggie finished her degree in Psychology, got a job, and tried to forget about writing. But no amount of success in her day job could make her feel satisfied. She had realized that she would never ever get that satisfaction she was looking for unless she pursues writing again. So in March 2014, thanks to Wattpad, she began to chase her childhood dream again. And she has never been happier.

Read more from Maggie Sanapo

Related to Forever and Always

Related ebooks

Reviews for Forever and Always

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Forever and Always - Maggie Sanapo

    PROLOGUE

    Akala ko ba tapos na ang Halloween? narinig kong tanong ng babae sa katabi. Nasa unahan ko sila. Nakapila rin para pumasok sa Club Z, ang isa sa mga popular na clubs sa Namba, Osaka. Lumingon ang pinagsabihan at nang makita ako'y humakbang palayo sa akin. May binulong ito sa kasama. Feeling ko sinadyang ipinarinig sa akin.

    Tange! Hindi iyan mask. That's real. That's Elise Thorpe. Lumingon pa uli ito sa akin at tiningnan ako na parang natatakot.

    "What?! You mean, the Elise Thorpe? Ano’ng nangyari?" Sumulyap uli ito sa direksiyon ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

    Hindi na ako nakatiis. Sinita ko sila. Ako ba ang pinag-uusapan n’yo? galit kong tanong sa babaeng mas malapit sa akin. Nakapamaywang na ako. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid namin.

    Umabante ang dalawa. Hindi sila sumagot, pero tiningnan ako na parang nangingilabot at naghagikhikan sila. Sa inis ko, hinila ko ang buhok ng isa. Magsasabunutan na sana kami kung hindi ako inawat ni Aya, ang kaibigan kong siyang dahilan kung bakit ako nandoon. Birthday nito at gustong mag-clubbing kami as part of her celebration. Kahit matagal na akong ermitanya dahil sa nangyari sa mukha ko, hindi ko napaghindian ang nalalabi kong kabarkada. Sabi ni Mom, kailangan kong lumabas para mawala sa isipan ko ang nangyari sa akin, pero mukha yatang kabaliktaran ang nangyayari. Mas lalo kong napi-feel na iba na ang panahon. Hindi na ako si Elise Thorpe, ang kinaiinggitan ng kapwa ko babae. Ako na si Elise Thorpe, ang pinangingilabutan nilang lahat.

    Shit, kulang ang pera ko. Hindi ko alam na wala palang discount ang mga babae ngayon, sabi ni Aya. May dala ka bang cash? tanong nito sa akin.

    Ba't hindi mo agad sinabi? Akala ko rin may discount ngayon. Iyon lang din ang hiningi ko kay Mom. Kulang din pala itong dala kong pera. Paano na iyan?

    Binalingan ni Aya ang dalawa niyang pinsan na kasama din namin. Maging sila ay kulang din daw ang dalang pera para sa entrance fee.

    What should we do now? nababahala kong tanong.

    Excuse me ladies. Do you need some help? tanong ng isang blonde guy sa likuran namin. Mukha itong mabait. Si Aya ang nag-esplika kung ano ang pinoproblema namin. Ngumiti ito at nagsabi na huwag na raw siyang mamroblema dahil sagot na nito ang entrance fee niya. Nginitian ito ng kaibigan ko at pinasalamatan.

    Can I see your identification card? narinig kong tanong ng cashier kay Aya. Lagot! Baka hindi kami papasukin dahil wala pa kaming twenty, ang legal age para uminom. Napatingin ang kaibigan ko sa akin, nagpapasaklolo. Alam niya kasi na sixteen pa lang kami noon ni Cindy ay pala-clubbing na kami. Mahigpit ang mga clubs sa hindi pagpapapasok ng mga menor de edad, pero nakakagawa kami lagi ng paraan ni Cindy. Nabobola namin either ang bouncer o ang mismong nasa counter. It helped a lot na pareho kaming matangkad kaya lagi kaming napagkakamalan noon na twenty years old na.

    Miss, she’s actually with me, sabat ng lalaking blonde sa babae. Ngumiti ito at nakipag-flirt sa kahera. Nakita kong nag-blush ang huli. Nakipagbiruan pa sa guy. Mayamaya ay tinanggap na nito ang bayad ng lalaki para sa kanilang dalawa ni Aya.

    Nang makapagbayad na, pumunta na si Aya sa bukana ng entrance at doon na naghintay sa amin. Binalingan naman ng blonde guy ang dalawa pa niyang kasama at nag-chip in din ang mga ito para makapasok na rin ang dalawang pinsan ni Aya. Nang ako na, nagkunwaring wala silang nakita. Ni hindi nga sila tumingin sa akin. They acted like I didn't exist at all! Tahimik silang nagbayad ng entrance fee nila at dumeretso na sa loob. Nasaktan ako, pero hindi na ako kumibo. Gano’n talaga ang buhay.

    Binilang ko na ang lahat ng barya ko sa bulsa ng pantalon pati ang coin purse sa bag, pero kulang talaga. Nahihiya na rin ako dahil inaantala ko ang iba pa sa linya. Gusto ko na ngang tumakbo palabas dahil sa hiya, pero naghihintay na ang mga kaibigan ko sa bungad ng entrance. Shit, anong gagawin ko? May lumapit sa akin.

    Miss, what's keeping you so - shit!

    Bigla itong napaatras nang tumambad sa kanyang paningin ang mukha ko. Sa sobrang tense, hindi ko natabunan ng buhok ang kalahati ng mukha kong may malaking peklat. Tumambad tuloy sa paningin nito ang kulu-kulubot na balat na animo’y pisngi ng dalawandaang taong lola. Dagdag pa riyan ang kirat na mata na nagbibigay ng nakakatakot kong anyo. Nasaktan ako sa naging reaksyon ng lalaki, lalo pa nang halos nagkandadapa ito sa pag-atras, pero kagaya kanina hindi ko na lang iyon pinansin.

    After like an eternity, lumapit si Aya sa akin at nagtanong kung ano’ng problema ko.

    Kulang ang pera ko, e, sabi ko sa kanya.

    Hindi ka ba nilibre no’ng mga guys? As soon as she uttered it, parang pinagsisihan din niya agad. Kahit hindi ko siya sinagot, naunawaan din niya ang nangyari. Kumuha ito ng pera sa wallet at dinagdag doon sa dala ko. Nakapasok din kaming lahat sa wakas.

    Nanibago ako nang nasa loob na ng club. Parang hindi na ako sanay sa ingay ng tugtog at crowd. Isang taon lang akong nawala, it felt weird na.

    Nakita ko ang pamilyar na babae sa hindi kalayuan. Naki-fist bump ito sa DJ at sa guwapong bartender. Shit, nandito din pala si Ayumi! Simula pa noong kinder, magkaaway na kami ng bruha. Wala akong bagay na hinangad na hindi rin niya ginusto. Palagay ko kung hindi niya pinsan si Jin, matagal na niyang inagaw iyon sa akin.

    A year ago, that was me fistbumping with the DJ and the hot bartender. Pero ngayon, halos hindi na nila ako kilala. Ang iba sa kanila who recognized me pretended they didn't know me at all. Sana hindi na lang ako nagpapilit kay Aya. The ambience in the club reminded me of something I’ve lost that I’ll never get back.

    C’mon Elise, let's dance!

    Hinila ako ni Aya sa gitna ng dance floor. I covered half of my face with my hair at nakangiting sumama sa kanya. Kinalimutan ko sandali ang self-pity.

    Mayamaya pa, may nagsilapit na sa aming mga guys. Ang isa ay sumayaw kay Aya at ang isa nama'y sa akin. Mukhang type ako ng mokong. I felt good. Ang tagal na ring hindi ako naka-experience nang ganoong paghanga. Nawala tuloy ang inhibition ko at awa sa sarili. I felt like the old Elise again. I was so carried away na may pa-headbang, headbang pa ako na parang rock star. Nahawi ang buhok na nakatabing sa depormado kong mukha at nakita kong nagulat ang lalaki. Napaatras ito at mabilis na naghanap ng makapareha. I felt horrible.

    Pumunta ako sa tabi para magpahinga. Noon ko naman nakasalubong si Ayumi, ang bruha ng buhay ko. Mukhang nabigla ito nang makita ako doon.

    Hey, look who's here! sigaw nito. Mukhang lasing na. Elise Thorpe is in the house!

    Nagsitinginan sa amin ang mga nasa palibot. Nagbulung-bulongan pa sila. Although, I couldn't hear them alam kong pinag-uusapan na nila ang mukha ko.

    Hindi ko pinansin si Ayumi kahit na kating-kati na ang mga kamay kong ingudngod ang panget niyang mukha sa semento. I controlled my temper.

    I think you're in the wrong place, honey. Hindi ito masquerade ball, sabi pa niya at tumawa nang malakas.

    Hindi ako nakatiis, sinagot ko siya. At least ako, alam kong pinanganak akong maganda. Minalas lang ako kaya nagkaroon ng lamat ang mukha ko. Pero ikaw – we both know na inborn na iyang kapangitan mo! And no amount of reconstructive surgery would do you any good!

    Nakita kong biglang namula sa galit ang panget niyang mukha at para itong tigre na bigla na lang lumabas ang mga pangil at sinunggaban ako para sakmalin. Hindi ako nayanig. Sa halip, lalo akong lumakas kaya sinalubong ko siya. Nagsabunutan kami. Natigil ang iba sa pagsasayaw sa dance floor at nakiusyuso sa amin. May dumating na bouncer para awatin kami, pero kinalmot namin siya ni Ayumi sabay tulak. Nawalan ng panimbang ang lalaki. Sinamantala namin iyon. Nagsipagtipon na sa amin ang lahat ng mga naroon. Hinila ako ni Aya palayo, pero hindi ako nagpapigil. Hinawakan ko nang mahigpit ang buhok ni Ayumi at niyugyog ang ulo nito. Lumapit uli ang bouncer at tinanggal nito sa kamay ko ang buhok ng aking kalaban, pero hindi ako bumitaw. No’n naman dumating si Jin. And I froze. Bakit siya nandito?

    Jin! Buti dumating ka. That monster almost killed me! sumbong ng bruha. She's not just an ugly face! She's also freaking violent!

    Sumulak ang dugo sa ulo ko nang marinig ang pang-iinsulto niya. Bigla ko siyang sinugod uli, pero sinalag iyon ni Jin. Siya tuloy ang nakalmot ko.

    Enough Elise! Kailan ka pa naging war-freak?

    Mukhang nainis na rin sa akin si Jin. I felt bad. I could stand other people's insults, but not his. Lalo tuloy nadagdagan ang galit ko kay Ayumi. Tinapunan ko sila pareho nang masamang tingin. Mas higit kay Jin dahil hindi ko inaasahan ang ganoong reaksiyon sa kanya.

    Napatingala ako nang biglang tinigil ng DJ ang tugtog at pinatay ang disco light para palitan ng regular lights. Habang kumukurap-kurap ang mga mata ko sa liwanag ng flourescent lamp, nagsalita ito sa mikropono. I think someone got lost. Halloween's over honey. Hindi ito masquerade ball. Namali ka yata ng napasukan, at tumawa ito nang malakas. Nagtawanan din ang crowd. Binigyan ko ito ng dirty finger bago dali-daling lumabas.

    Elise! Hintay, habol ni Jin.

    Hindi ko na siya nilingon pa. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko. Binawi ko naman agad ito sa kanya at dali-daling umakyat palabas. Tumakbo siya sa harapan ko at hinarangan niya ako bago pa ako makalayo sa Club Z.

    Why are you always mad? Dati-rati naman, hindi mo pinapansin ang mga pasaring ni Ayumi. Where's the sweet Elise that I have known before?

    Taas-noo ko siyang hinarap. Walang pakialam sa maaari niyang isipin ngayong nakatambad na sa pagmumukha niya ang malaking peklat sa kanang pisngi ko.

    Ang sweet Elise na nakilala mo ay matagal nang namatay kasama ng facial tissues sa pisnging ito, kaya huwag mo na siyang hanapin. At pwede ba, tigilan mo na ang paglapit-lapit sa akin? I don't need your pity.

    Ang sumunod na pangyayari ay ikinagulat ko. Bigla na lang niya akong hinila at niyakap sabay halik sa aking mga labi. Awtomatiko akong napapikit. Nandoon pa rin ang magic ng halik niya. Kahit ilang taon kaming hindi nagkita, his hug ---- his kiss – they still felt the same. Nakakaliyo. Nakakalambot ng tuhod.

    Hindi niya ako pinandirihan.

    **********

    Author’s Note: Club Z is a fictional name but the name of places mentioned here are real. Kapag nagta-Tagalog ang mga characters ibig sabihin niyan nagja-Japanese na sila. Hindi ko na ginawan ng Japanese dialogues dahil napapadami ang number of words ng manuscript.

    .

    CHAPTER ONE

    Elise! Nagpahalik ka na naman? Hindi ba ang sabi ni Daddy bawal humalik sa iyo ang mga boys? tungayaw ni Nathan.

    Pareho kaming nagulat ni Jin. Bigla tuloy akong kumawala sa yakap niya at hinarap ang kakambal. Inis na inis na naman ako sa kanya.

    Ano ka ba? Bibigyan mo ako ng sakit sa puso, e. Nanggugulat ka na naman, sabi ko na lang. Tinapunan ko siya nang masamang tingin.

    Isusumbong kita kay Daddy.

    Tumakbo na ito papasok ng bahay. Napatingin ako kay Jin. Nababahala. Inakbayan naman niya ako. Hindi siya kakitaan ng takot.

    Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa daddy mo na pakakasalan naman kita paglaki natin, e. There's nothing to worry about, pag-a-assure niya sa akin. Nakampante naman ako.

    Mayamaya nga ay lumabas ng bahay sina Daddy at Uncle Gary. Seryoso ang mga mukha nila. Napayuko ako sa magkahalong takot at hiya.

    Elise, is it true? tanong agad ni Daddy pagkakita niya sa amin. Hinila ko bigla ang kamay sa pagkakahawak ni Jin at hinarap ang ama ko. Tumulo na ang mga luha ko dahil mukhang galit na siya sa akin.

    Jin, why did you kiss Elise again? tanong naman ni Uncle Gary sa anak niya. Didn't I tell you not to kiss girls without asking for their permission?

    I asked Elise's permission, Daddy, and she said yes, pangangatwiran naman ni Jin.

    Natapik ni Daddy ang noo niya nang marinig iyon. Umasim pa ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Si Uncle Gary naman ay hindi na nakatiis. He was trying to keep a straight face, pero napangiti ito tapos biglang tumawa. Siniko siya ni Daddy.

    Sweetheart, you should not let boys kiss you. Kisses are only given to special someone.

    I know, Daddy. And Jin is my special someone, sagot ko naman sa pagitan ng pagsinghot. My voice had the sureness of a six-year old.

    Humagalpak na ng tawa si Uncle Gary. Tinapunan siya uli nang masamang tingin ni Daddy. No’n naman lumabas ng bahay sina Mommy at Aunt Maiko. Nang malaman nila ang pinagdidiskusyunan namin, napangiti sila pareho. Tumakbo agad ako kay Mommy at nagpakarga. Binaon ko ang mukha sa kanyang leeg.

    Jin, you should not just kiss Elise whenever you feel like doing it, pangangaral ni Aunt Maiko. You promised me you'll behave.

    But Mommy – I love Elise so much. Whenever I see her pretty face, I always feel like kissing her, sagot naman ni Jin.

    Bigla akong napasulyap sa kanya. Pumalakpak pa ang musmos kong tainga sa mga sinabi niya, pero hindi ako nagpahalata dahil mukhang bad mood pa rin si Daddy. Si Nathan naman masama na ang tingin sa kanya. Parang gusto na nitong manuntok.

    Walang epekto lahat iyon kay Jin. Buong tapang pa niyang hinarap si Daddy at nagsabi ng, Don't worry, Uncle Brian. Someday, I'll marry Elise. So please - please let me kiss her.

    Natapik uli ni Daddy ang noo, pero napangiti na siya. Hindi na siya galit! Nagtawanan silang lahat pwera na lang kay Nathan.

    Laging ganoon ang eksena kapag dumadalaw sina Jin sa bahay o hindi kaya kami sa kanila when we were kids. Ewan ko ba, we just couldn’t help kissing each other. Pagkakita ko pa lang kay Jin noon at sa cute na cute niyang mukha, parang may bumulong na sa akin na he was the one for me. So what kung six years old pa lang kami? Alam na namin pareho na we were meant to spend our lives together forever and always.

    Natigil ako sa pagmumuni-muni nang kumatok si Mom sa kuwarto ko. Tinago ko ang photo album namin ni Jin. Oo, meron akong koleksyon ng childhood pictures namin together pati no’ng mga larawan na kuha noong kapapasok pa lang namin sa junior high. Ang mga iyon ang treasures ko. Kahit niligawan ako ng halos lahat na kalalakihan sa campus noong nag-migrate na sa States si Jin at ang pamilya nito, walang ni isa man sa kanila ang nakapasok sa puso ko. Alam ko kahit noong magkahiwalay kami na kami pa rin sa bandang huli. That seemed like a long time ago. Ngayon hindi na ako sigurado.

    Hindi mo ba lalabasin ang bisita mo, anak?

    Tumulo ang luha ko at umiling. I missed him so much but I couldn't face him looking like this. Hindi ko pa kayang ipakita sa kanya ang nangyari sa mukha ko. Baka hindi ko makayanan ang maging reaksyon niya. Baka ikamamatay ko pa ang rejection niya.

    Naupo si Mom sa tabi ko at hinagud-hagod ang aking buhok.

    Elise, anak. Pangatlong punta na niya rito. Labasin mo naman siya. He knew what happened to you. I'm pretty sure, he would understand.

    You don't understand, Mom. When we were little, bukambibig niya sa akin na kaya niya ako nagustuhan ay dahil sa pretty face ko. Ngayong nawala na ito, I'm pretty sure he will change his mind. Kilala ko po siya.

    Give him a chance. Who knows? Tsaka ang tagal mo nang nagkukulong dito sa kuwarto mo. Mas mainam naman sigurong lumabas ka naman kahit papaano.

    With this face, Mom? at tinuro ko pa ang pisnging nangulubot na sa tindi ng peklat. Sa biglang tingin, mukhang pisngi ng dalawandaang taong lola ang kanang pisngi ko. Idagdag pa roon ang kanan kong mata na naging kirat na sa tindi ng pinagdaanang sugat.

    Nobody cares, anak. Ikaw lang ang sobrang self-conscious. If you want, you can still cover it with your hair and no one would notice.

    Umiling ako at dumampot ng unan. Ito ang niyakap ko. Sinubsob ko doon ang mukha at malayang pinadaloy ang mga luha.

    Hindi rin nag-insist sa akin si Mom. Mayamaya ay lumabas na rin ito, pero after a few minutes ay si Dad naman ang pumasok. Nakiusap ito sa akin.

    "For old time's sake, sweetie. I'm sure you also missed him. Why would you deprive

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1